Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MACARAMBON, MARILYN B.

OCTOBER 18, 2023

FIL101-Bb

3.3. ILAGA: ANG MGA MILITANTENG KRISTIYANO SA MINDANAW

Ang ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Ngunit sa Mindanaw,


ang Ilaga na nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano.

SINO ANG MGA ILAGA?

Ang Ilaga ay isang grupo sa Mindanao. Ang karamihan ay mga magsasaka sa simula
na lumaban sa mga Morong ekstrimist o Islamist, Nagsimula ang grupong ito ng kanilang
kilusan noong 1970. Sila gumagamit ng anting-anting at dahas. Sila ay naging protector ng
mga Kristiyano laban sa mga rebelding Moro noon. Sila ay naniniwala sa mga anting-anting.
Mayroon silang suot na ito na sinasabing proteksyon nila kung kaya't di sila tinatablan ng
bala at espada. Ang Ilaga ay bisayang salita na ang ibig sabihin ay "daga". Katulad ng daga
ang mga ilaga ay perwisyo at delikado.

KILUSAN NG ILAGA

Isa sa pangunahing adhikain ng kilusang ito ang protektahan ang mga Kristiyanong
komunidad sa pag-atake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sa New
People's Army (NPA) na nasa Sentral Mindanao ng mga panahong iyon. Sunud-sunod ang
pakikipaglaban ng kilusan sa kanilang pinaniniwalaang sila lamang ang makaprotekta sa
komunidad ng mga Kristiyano. May mga bali-balita noon na sinusuportahan sila ng gobyerno
sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng MNLF at NPA Sunud-sunod din noon ang panalo ng
mga Ilaga sa kalaban. Sinasabing ang kilusan ay isang kulto, may talisman o anting-anting,
di-tinatablan ng bala at higit sa lahat, kumakain ng tao, Lumaganap noon ang balita na takot
na takot sa kanila ang kanilang kalaban dahil sa sila na mismo ang kinakain nila.

Ginamit sila ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pagsugpo ng


karahasan sa Mindanaw dahil sa kakulangan ng sangay ng mga sundalo.

Si Feliciano Luces na kilala sa tawag na "commander toothpick " sapagkat lagi itong
may subong toothpick sa bibig. Sya ay kinakatakutan dahil sa brutal nitong pagpapatay sa
kalabaan at dahil sa kaniyang anting anting na pinaniniwalaan na pomoproktekta sa kaniya
upang hindi tablahan ng baril at mga matatalim na bagay tulad ng espada.
Pinangunguunahan nya ang pagsalakay sa mga kuta at kabahayan ng mga rebeldeng Moro.
Pinagsusunog nila ang mga bahay at pinapatay ang kanilang mga nakikita, minsan ay
tinatanggalan ng mata, pinuputol ang tenga at nilalagyan ng cross ang dibdib nito kaya
naman mas nagalit pa ang mga rebeldeng Moro.

DALAWANG GRUPO NG MGA REBELDENG MORO

1.Blackshirt 2. Barracudas

MANILI MASSSACRE

Nangyari ito noong June 19, 1971 at nakilala nang maibalita ang pinakamadugong
ginawa nila na pagpatay sa animnapu't limang (65) sibilyan sa isang moske. Isang grupo ng
mga ilaga ang dumating sa sityo. Hinahanap ng mga Ilaga ang taong nagngangalang Inalang,
isang rebeldeng nasa "most wanted list" ng mga sundalo. Nakiusap ang mga sundalo na isuko
si Inalang sa kanila ngunit itinanggi ito ng Community leader ng sityo. Wala raw
naninirahang Inalang sa kanilang lugar dahil ang Manili ay isang tahimik na lugar at
karamihan sa mga nakatira dito ay mga magsasakang kristyano at mga muslim. Lahat ng
babae at matatanda ay dinala sa Elementary School sa lugar at ang iba naman ay sa Mosque
ng Bual. Habang nakikipag diyalogo ang ang mga muslim sa mga kristiyano tungkol sa mga
nagaganap na patayan sa kanilang lugar, biglang may dumating na grupo ng kalalakihan.
Nagsimula ang Massacre ng barilin ang leader ng sityo at ang mga muslim na nandoon at
pinasabog ang mga Mosque. Maraming sibilyan ang namatay.

Dahil sa pangyayaring iyon, umabot ang balita sa Middle East Country partikular sa
mga bansang Islamic. Nakialam ang taga ibang bansa at sinabiing ititigil nila ang pagsuplay
ng langis kung saan tayo kumukuha kung di bibigyang aksyon ng ating gobyerno. Natakot si
Pangulong Marcos na pagtulungan ang pilipinas ng ibang mga bansa at sa kadahilanan din na
baka itiigil nila ang pagsuplay ng langis kaya’t tinigil ni Pangulong Marcos ang pagsuppporta
sa ILAGA. Dahil wala na silang makuhang supporta mula sa gobyerno, unti-unti na itong
tumamlay at nawala ang popularidad nang lubusan.

Noong 2013, binuhay ang kilusan ni Mike Santiago, isang kumander sa North
Cotabato at naging tagapagsalita rin nila. Tinawag ang dating Ilaga na Reform Ilaga
Movement na may 45,000 na miyembro sa buong Mindanaw.

You might also like