Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

G1

Ang Mabuting mga Apo

Si Lino at Analiza ay magkapatid na ulila.. Sa ilalim ng


isang tulay sila ay nakatira. Kasama nila ang kanilang
Lolo at Lola. Araw-araw ay maraming gawain ang
dalawang bata. Sila ang nagluluto at naghuhugas ng
pinagkainan. Pati ang paglalaba ng kanilang mga
nadumihang damit ay kanilang gawain araw-araw.
Masipag na mga bata ang magkapatid. Minsan ay
malinaw, minsan naman ay malabo ang tubig sa ilalim ng
tulay. Kapag maganda amg panahon sila ay nangingisda
sa ilog malapit sa tulay. Si Analiza ay masayahin at may
pagka madamdamin naman si Lino. Bago matulog sila ay
kinukwentuhan ng mga kwentong bayan ng kanilang
Lola.
Panuto: Sagutin ang mga tanong mula kwento. (pasulat)

1. Sino ang mga bata sa kwento?


2. Saan nakatira ang mga bata?
3. Ano-ano ang ginagawa nila araw-araw?
4. Kailan sila nangingisda sa ilog?
5. Sino ang mga kasama nila sa tulay?

Panuto: Isulat nang maayos ang mga pangungusap.


1. Masipag na bata si Analiza.
2. Kasama niya ang kanyang lola at lolo.
3. Nakatira sila sa ilalim ng tulay.
4. Nanghuhuli si Lino ng isda sa malapit na ilog.
5. Mahal ni Lino ang kanyang lola at lolo.

A.Pantigin ang mga salita .


1. ilalim-____________________

2.lola-_______________________

3.bayan-______________________

4.tulay-________________________

5.lolo-________________________

B. Pagtambalin ang mga salitang magkasalungat ang kahulugan.


Gamitin ang linya.

1. mataas a. madamdamin

2. masayahin b. malabo

3. malinaw c. gabi

4. umaga d. madumi

5. malinis e. mababa

You might also like