Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON SA ARALING PANLIPUNAN

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


GRADE 8 – KASAYSAYAN NG DAIGDIG
School Year 2022 – 2023

Most Essential Learning No. of No. of % ITEM SPECIFICATION / ITEM PLACEMENT & SKILLS
Competencies (MELCs) Teaching Items Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating
(Pag-alala) (Pag-unawa) (Paglalapat) (Pagsusuri) (Ebalwasyon)
days
Nasusuri ang katangiang
pisikal ng daigdig 4 7 12% 1, 2, 7 4, 5, 6 - 3 -

Napahahalagahan ang
natatanging kultura ng mga 8 12 24% 8, 18 9, 10, 11, 19 13, 14, 17
rehiyon, bansa at mamamayan 12, 16 15
sa daigdig (lahi, pangkat-
etnolingguwistiko, at relihiyon
sa daigdig)

Nasusuri ang yugto ng pag-


unlad ng kultura sa panahong 4 6 12% 20, 21, 22 23 - 24, 25 -
prehistoriko

Naiuugnay ang heograpiya sa


pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa 4 7 14% 26, 27, 28 29, 30 - 31, 32 -
daigdig

Nasusuri ang mga sinaunang


kabihasnan ng Egypt, 8 12 24% 33, 42, 43 34, 35, 36 - 38, 39 44
Mesopotamia, India at China 37 40, 41
batay sa politika, ekonomiya,
kultura, relihiyon, paniniwala at
lipunan.

Napahahalagahan ang mga


kontribusyon ng mga 4 7 14% - - - -
sinaunang kabihasnan sa 45, 46
daigdig. 47, 48
49, 50

TOTAL 32 50 100% 14 15 1 18 2
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
Division of City of San Fernando (P)

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT – ARALING PANLIPUNAN 8


School Year 2022 – 2023

Pangalan: _________________________________ Section: _________ Score: _____________


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin at isulat ang LETRA ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

____1. Ilan ang kontinente ng mundo?


A. anim B. walo C. pito D. siyam

____2. Ano ang pangatlong planetang mula sa araw. Ito ang natatanging planetang terestriyal sa solar system. Tinatayang nabuo ang
planetang ito mga 4.57 bilyong taon na ang nakalipas.
A. Uranus B. Daigdig C. Pluto D. Jupiter

____3. Ano ang salitang Griyego na “Geo” at “Grapiya” na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig.
A. Heograpiya B. Mitolohita C. Pilosopiya D. Sikolohiya

____4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. May bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ay mga Muslim.
B. Ang Japan ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista
C. Ang Thailand ay miyembro ng Association of Southeast Asian Nations.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West
Philippine Sea.

____5. Ano ang pinakadulong bahagi sa Hilagang Hemispero na direktang sinisikatan ng araw?
A. Tropic of Cancer B. Tropic of Capricorn C. Prime Meridian D. Longitude at Latitude

____6. Paano natutukoy ang isang lugar ayon sa limang tema ng heograpiya?
A. gamit ang mapa C. lokasyong absolute at relatibo
B. linear, time, at psychological D. katangian ng kinaroroonan at taong naninirahan

____7. Bakit iba-iba ang naging pamumuhay ng mga tao sa Daigdig?


A. iba-iba ang mga taglay na kagamitan ng mga bansa sa Daigdig
B. iba-iba ang anyong lupa, tubig, at klima ng mga bansa sa Daigdig
C. iba-iba ang gawi at paniniwala ng mga tao sa iba’t ibang kontinente
D. iba-iba ang gusto ng mga tao sa iba’t ibang kontinente

____8. Ano ang pangkat-etniko?


A. Isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit
ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura ayon kay Henry Gleason.
B. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay.
C. Sinusuportahan nito ang isang mahahalagang pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao.
D. Grupo ng mga tao na may kulturang kakaiba sa ibang grupo ng mga tao.

_____9. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t-ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang
paniniwala?
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

_____10. Bakit sinasabi ng mga eksperto na nagdulot ng kontrobersiya ang mga iba’t ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig?
A. maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon
B. maaaring magpakita rin ito ng maraming oportunidad upang yumaman ang isang tao
C. maaaring magbigay ito ng maraming sakit tulad ng sakit sa balat, pagsakit ng tiyan, pagsusuka, at kamatayan
D. wala sa nabanggit

_____11. Suriin ang pahayag.


May 7,105 na buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit na 6.2 milyong katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa
tinatawag na language family. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Dahil sa kalagayang ito, ang mga
bansa sa daigdig ay nagdeklara ng kanya-kanyang wikang pambansa.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng wikang Pambansa?
A. Para sa pambansang pag-unlad C. Para makamit ang pagkakaisa at kapayapaan
B. Para magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. D. Tama ang lahat ng nabanggit.
_____12. Saan nagmula ang salitang relihiyon, na ang ibig sabihin ay “buoin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuoan nito”?
A. ligare B. lagare C. religare D. regire

_____13. Bakit inihahalintulad sa isang “mosaic” ang daigdig?


A. Dahil tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao.
B. Dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan ng mga naninirahan dito.
C. Dahil may kulturang kakaiba sa ibang grupo ng mga tao.
D. Lahat ng nabanggit.

_____14. Alin sa mga sumusunod na bansa ang gumagamit ng wikang Afro-Asiatic?


A. Brunei, Cambodia, Chile C. Albania, Brazil, Canada
B. Algeria, Bahrain, Egypt D. Angola, Kenya, Nigeria

_____15. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagpapaliwanag na ang agrikultura ang nagbigay-daan sa pagkabuo ng mga
sinaunang pamayanan?
A. Nagbunsod ito sa pakikipagkalakalan ng tao sa ibang mga karatig-pook.
B. Natutunan ng tao ang paghahabi, paggawa ng palayok at iba pang gawain.
C. Nagkaroon ng permanenteng panirahan ang tao kaya’t lumaki ang populasyon.
D. Nagpagala-gala ang tao upang maghanap ng pagkain at iba pang pangangailangan.

_____16. Laking Australia ang kaklase ni Tere na si Gabriel kaya naman hindi sila magkaintidihan nang mabuti. Anong aspekto ng
heograpiyang pantao ang naging hadlang sa kanila?
A. disiplina B. relihiyon C. lahi D. Wika

_____17. Alin sa mga sumusunod ang simbolo ng relihiyong Islam?

_____18. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga mahahalagang pangyayari na naganap sa panahong prehistoriko?
I. Nagkaroon ng permanenteng panirahan ang mga tao upang alagaan ang kanilang pananim.
II. Natutuhan ng tao ang magtunaw at magpanday ng bakal.
III. Gumamit ng apoy at nangaso ng mga hayop ang mga sinaunang tao.
IV. Natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.

A. I, II, III, IV C. IV, III, II, I


B. III, I, IV, II D. II, I, IV, III

_____19. Anong yugto ng kasaysayan kung saan ang mga tao ay gumamit ng mga tinipak at magaspang na mga kagamitan at
sandata?
A. Panahong Metal C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Mesolitiko D. Panahong Paleolitiko

_____20. Bakit mahalaga ang wika sa mga tao?


A. dahil wala silang maipapahayag na mensahe kung hindi sila magsasalita
B. dahil kailangan nila ito sa pang-araw-araw na pamumuhay
C. dahil ito ang nagbibigay sa tao ng pagkakakilanlang
D. dahil gusto nila ng may sariling wika

_____21. Alin sa mga sumusunod na yugto ang may mahabang nakaraan ng paglikha sangkatauhan na nag-uugat halos 2.5 milyong
taon na ang nakalilipas o bago pa ang ng isang sistematikong pagsusulat o pagtatala. Ito ay hinggil sa mga pangyayari bago
naitala ng mga sinaunang tao ang kasaysayan?
A. Ebolusyon B. Historiko C. Paglalang D. Pre-Historiko
_____22. Paano napakinabangan sa kasalukuyan ang sistema ng agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyang panahon.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura hanggang sa kasalukuyan.
C. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng tao.
D. Limitado lamang ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.

_____23. Alin sa mga sumusunod ang patunay na ang mga Homo habilis ay bihasa sa gawaing ito?
A. nakagagawa ng mga kasangkapang yari sa bato C. natutong gumawa ng apoy
B. may mga kaalaman sa pagpinta D. may kaalaman sa pagluluto

_____24. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan?
A. Metal B. Mesolithic C. Neolithic D. Paleolithic
_____25. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
Ang unang tao ay dumaan sa pinakapayak na uri ng pamumuhay sa panahong Paleolitiko hanggang makamtan ang pag
-unlad sa panahong Neolitiko at Metal patungo sa pagbuo ng mga unang kabihasnan.
A. Matalino at mapamaraan ang unang tao.
B. Naging palaasa ang tao sa kanyang kapaligiran.
C. Pinagpala ang unang tao ng mga biyaya ng kanyang kalikasan.
D. Ginamit ng tao ang kanyang talino upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at ginamit ang mga bagay sa
kanyang kapaligiran upang umunlad at bumuti ang kanyang kalagayan.

_____26. Saan umusbong ang kabihasnan ng Tsina?


A. Sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. C. Sa pagitan ng Taiwan at Malaysia
B. Sa gitna ng disyerto malapit sa Pilipinas. D. Wala sa nabanggit.

_____27. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga sinaunang kabihasnan?
A. dahil sa pagpupursigi ng mga taong naninirahan dito
B. dahil malawak ang sakop ng mga sinaunang kabihasnan
C. dahil sa matatagpuang anyong lupa at anyong tubig sa lugar
D. dahil higit na biniyayaan sila ng Maykapal kaysa sa ibang rehiyon

_____28. Bakit tinawag ang Egypt na “Gift of the Nile”?


A. dahil nakapagbibigay ito ng eletrisidad.
B. dahil marami ang nabibigyang trabaho at pabahay.
C. dahil kung wala ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.
D. lahat ng nabanggit.

_____29. Alin sa katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
A. ang pinag-usbungan ng mga kabihasnan
B. ang mga paniniwala ng mga kabihasnan
C. ang mga uri ng tao sa kabihasnan
D. ang mga likas na yamang matatagpuan sa kabihasnan

_____30. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng tao?


A. makasaysayang lugar na maaaring pasyalan
B. makahihikayat ng mga dayuhan upang mamuhunan
C. pinagkukuhanan ng pagkain at masaganang hanapbuhay
D. nagsilbing aral sa mga kabataan ang kasaysayan na dulot nito

_____31. Saan hango ang pangalang Mesoamerica na nangangahulugang “gitna”?


A. Meso B. Mesa C. Miso D. Mirso

_____32. Alin sa sumusunod na katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan?
A. ang mga taong naninirahan dito
B. ang mga ginto at pilak na matatagpuan sa lugar
C. ang mga lupain na sinakop ng mga nandarayuhan
D. ang mga lambak-ilog na pinag-usbungan ng mga kabihasnan

_____33. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at may mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
A. imperyo B. kalinangan C. kabihasnan D. lungsod

_____34. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit uang mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng
mga Tsino?
A. oracle bones B. sacrificial bones C. plate D. clay tablet

_____35. Paano naitatag ang imperyong Mogul?


A. Nang magkaroon ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa sa hilagang India at Delhi.
B. Nang masakop ni Babur ang Hilagang India at Delhi noong 1526
C. Nang magpatayo si Shah Jahann ng Taj Mahal.
D. Wala sa nabanggit.

_____36. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Sumerian?


A. cuneiform B. hieroglyphics C. pictogram D. calligraphy

_____37. Bakit tinawag na “river of sorrow” ang Huang-Ho River?


A. Dahil sa mga iba’t ibang sakit na dala nito tuwing tag-ulan.
B. Dahil sa mga mapanganib na isda na naninirahan sa ilalim ng ilog.
C. Dahil sa pinsalang hatid nito tuwing umaapaw at nagdadala ng nakapipinsalang baha.
D. Lahat ng nabanggit.

_____38. Alin sa mga sumusunod ang itibuturing na kauna-unahang kabihasnan sa daigdig?


A. Akkadian B. Egypt C.Persian D. Sumerian

_____39. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ang
China?
A. Divine Origin B. Mandate of Heaven C. Devaraja D. Caliph

_____40. Alin sa mga sumusunod ang pinakamababang uri ng tao sa sistemang caste sa India?
A. Vaisya B. Kshatriya C. Brahmin D. Pariah

_____41. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon?
A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian.
B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan.
C. Mas mataas ang posisyon ng paring Egyptian kaysa sa mandirigma.
D. Ang pharaoh, maharlika at magsasaka ang nasa mataas na antas.

_____42. Madalas manukso si Alfred sa kanyang mga kaklase na kung minsan ay pinagmumulan ng pag-aaway, subalit sa ibang
banda ayaw rin naman niya na siya ay tuksuhin ng kanyang mga kamag-aral. Aling pilosopiya ang tinutukoy ng sitwasyong
ito ukol sa pakikipag-kapwa tao?
A. Ang buhay ng tao ay puno ng pagdurusa na nagmumula sa masidhing paghahangad sa kasiyahan….
B. Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil ang sarili ay higit na matapang…..
C. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang tao
D. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin mo ang iyong puso…..

_____43. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa lipunang Eyptian noong sinaunang panahon?
A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian.
B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan.
C. Mas mataas ang posisyon ng paring Egyptian kaysa sa mandirigma.
D. Ang pharaoh, maharlika at magsasaka ang nasa mataas na antas.

_____44. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ang
China?
A. Divine Origin B. Devaraja C. Mandate of Heaven D. Caliph

(Para sa bilang 45-50)


Panuto: Tukuyin kung ito ay pamana o ambag ng mga sumusunod:
A. Mesopotamia B. Indus C. Tsino D. Egypt

_____45. Feng Shui

_____46. Decimal System

_____47. Code of Hammurabi

_____48. Calligraphy

_____49. gulong

_____50. Great Pyramid of Giza

You might also like