Corruption Index

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Basic Education Standardized Test (BEST) – Reviewer

Likas na Yaman sa Asya at Klima

 Dagat ng Caspian – Ang dagat na ito ay ang pinakamalaking anyong tubig na nakapaloob sa Lupa
ayon sa sukat, minsan inuuri na pinakamalaking lawa sa mundo o isang dagat. Ang mga bansang
pumapalibot sa Caspian Sea ay ang Iran, Azerbaijan, Turkmenistan, Russia at Kazakhstan.
*Halimbawa ng layo at mga bansang nakapaligid sa Dagat ng Caspian.
Nais bisitahin ni Abu ang kaniyang kaibigan na si Elijah sa Baku, Azerbaijan ngunit sa
kaguluhan sa Iran kinakailangan niyang tawirin ang dagat ng Caspian upang makarating
ito.
 Ang Kanlurang Asya ay mayaman sa Mineral, ilan sa mga tanyag na Mineral na makikita sa
Afghanistan ay ang Metallogenic Belt. At ito ay ilan sa produkto na pinagkakakitaan ng
pamahalaan ng Afghanistan.
 Ang Katangiang Pisikal ng Pilipinas ay mahalumigmig dahil ito ay bahagi ng Timog-silangang
Asya samantalang ang Qatar sa Kanlurang Asya ay may tuyong temperature.
 Ang mga gulay tulad ng carrots, lettuce at broccoli ay malimit na inaangkat mula sa matataas na
kalupaan ng ating bansa tulad ng tagaytay o Baguio dahil sa klima nitong bumababa ang presyon
ng hangin sa pagtaas ng kalupaan.
 Dagat Andaman – Ang kalapit na katubigang may pinakamabilis na ruta na dapat tahakin mula
Phuket, Timog Thailand, patungo sa pinakamalapit na bansa sa Timog Asya.
 Pangingisda ang pinakabihirang kabuhayan ng mga Tsinong naninirahan sa Urumqui China dahil
sa bibihira ang katubigan na matatagpuan dito.
 Maraming mga mananaliksik na nanggaling sa Okinawa ang nag-aaral patugkol sa marine
biodiversity at sa wastong pamamaraan ng pangingisda dahil sa malawak ang katubigang
nakapaligid sa islang ito.

Katangiang Pisikal ng Asya

 Ang Kyrgyzstan ay isang landlocked country at hindi madaling nakalalabas ang mga polusyon sa
Kyrgyz Republic kung kaya’t ito ang nagiging suliranin nila sa pangangasiwa ng mga waste sa
kanilang bansa.
 Nagiging sanhi ng landslide ang deforestation dahil nagkakaroon ng soil erosion dahil sa walang
puno o halaman na kumakapit sa lupa at madaling gumuho ito.
 Ang larawan ng trophic pyramid sa ibaba, ang pinakakritikal na bahagi nito ang ay ang Producer
dahil malaking enerhiya ang mawawala sa mga organism kung ito ay mababawasan o mauubos.
 Isa ang PSTP o pentasodium triphosphate sa mga kemikal na phosphates, sa mga nutrient na
nagpaparami ng algal bloom o bacteria sa mga katubigan at ang mga sumusunod ang epekto ng
pangyayaring ito sa yamang dagat.
- Maaaring maglabas ng lason o toxin ang mga bacteria na maaring ikapahamak ng mga
yamang dagat
- Mababawasan ang oxygen ng katubigan at maaaring ikamatay ng mga isda at ibang yamang
dagat.
- Magkakaroon ng maraming halaman sa ilalim ng dagat na maaring makalason sa mga isda.
 Underemployment – Ang isang manggagawa ay maaring ituring na underemployment kung sila
ay employed ngunit ang kanilang trabaho ay isang part-time job sa halip na isang full-time job
*halimbawa – Dahil walang mapasukan ng trabaho ang lisensyadong Physical Therapist na si
Liam, namasukan ito sa call center ng isang marketing firm.

Sibilisasyon
 Isa sa naging hamon sa Mesopotamia ang pag-apaw ng tubig at pagbaha ng kanilang pananim
kapag malakas ang ulan, ngunit hindi nila ninais na umalis sa kanilang kinalalagyan dahil mataba
ang lupain na kanilang pinaglalagian kaya naman ang kanilang ginawa ay ang magtayo ng
sistema ng irigasyon na magdadala ng tubig sa iba’t ibang kalupaan.
 Ang paniniwala ng lipunan na nagsisilbing proteksyon ng mga hari o pinuno ng mga kaharian o
dinastiya sa kanilang posisyon ng kapangyarihan ay ang tinuturing na tagapagmanang anak ng
hari na pinili ng mga diyos.
 Mahalaga ang sistema ng pagbubuwis sa mga sinaunang sibilisasyon dahil ito ang nagsisilbing
pondo para sa mga imprastruktura ng mga kaharian.
 Mas mataas ang respeto ng pamayanan ng sa mga Brahmin kaysa sa mga Kshatriya dahil malaki
ang pagpapahalaga ng mga Hindu sa mga sisidlan ng kanilang sagradong kaalaman.
 Ang papel ng pagsusulit sa dinastiyang Han ay ito ang sumusukat sa kahandaan ng mga
maglilingkod sa kaharian.
 Itinuturing na lipunang alipin ang kabihasnang Shang ng Tsina dahil sa pagsama sa libingan ng
namatay na pinuno ng lahat ng kanyang mga alipin at tagasunod.
 Epekto ng woodblock printing;
-naging mabilis ang sirkulasyon ng mga aklat at marami ang natutong bumasa at sumulat.
-lumaganap ang iba’t ibang mga pilosopiya at karunungan sa iba’t ibang bahagi ng Tsina
-naipalaganap ng ilan sa mga mamamayan ng mababang antas ang mga tiwaling Gawain ng mga
lider sa Tsina.
 Maraming mga mamamayan sa Dinastiyang Han ang hindi sang-ayon sa “civil service
examination” dahil ang mga anak lamang ng mayayaman ang may pribilehiyong makapag-rebyu
para sa nasabing pagsusulit.

Kolonyalismo at Imperyalismo
 Binigyang turing ni Juan Sebastian Elcano ang kaniyang paglalakbay sa Tsinan g pagtatangi
kumpara sa iba niyang destinasyon at dahil ditto ito ang nagging instrument ng Tsina sa paglago
ng Europa sa Panahon ng Renaissance.

You might also like