Melc 11

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA 10
FILIPINO

PAMAGAT NG ARALIN:

ANG NILALAMAN NG EL FILIBUSTERISMO


Kabanata 31: ANG MATAAS NA KAWANI
Kabanata 33: ANG NOTSE BUENA NG ISANG KUTSERO

KWARTER:4 MELC BLG. : 11

MELC: NAIUUGNAY SA KASALUKUYANG MGA PANGYAYARING


NAPANOOD SA VIDEOCLIP ANG PANGYAYARI SA PANAHON NG
PAGKAKASULAT NG AKDA

Pangalan ng Guro: FRANCES P. RABOY


Paaralan: CABITTAOGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

1
BILANG 4
GABAY NG MAG-AARAL
11
SA PAGKATUTO BILANG

PAUNANG SALITA

Tungkol Sa SLK o Sariling Linangan Kit

Ang SLK o Sariling Linangan Kit ay isang uri ng kagamitan sa pagkatuto na sadyang
inihanda para sa mag-aaral upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa panahon o sitwasyong
hindi posible ang paghaharap ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum.Sa pamamagitan
nito inaasahang makamit ng mag-aaral ang buo at ganap na pagkatuto sa nakapaloob na
mga gawain.
Sa SLK na ito ang mabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na gumawa at umunlad ayon
sa sariling paraan,bilis at lebel ng pagkatuto ayon na rin sa kanyang kakayahan at
pangangailangan.

Para sa Magulang o Tagapag-alaga

Malaking hamon para sa magulang ang maibigay ang sariling panahon para
magabayan at matulungan ang anak sa pagharap ng tinatawag makabagong paraan ng
edukasyon bunsod ng pandemya.Gayunpaman lalong kailangan ang pagpapahalaga sa
panahon upang hindi masayang ang pagkakataon at maipagpatuloy ang pagkatuto ng mag-
aaral sa anumang paraaan gaya ng tinatawag na New Normal in Edukasyon.

Bilang mapanagutang magulang,tungkuling ninyong gampanan ang paggabay sa inyong


mga anak upang matagumpay na maisakatuparan ang pangangailangan ng sariling
linangang kit na ito.

Maraming Salamat.Hangad namin ang inyong pag-unawa at pakikipagtulungan upang


maitawid natin ang inyong anak sa larangan ng edukasyon.

Para sa mag-aaral

Isang masayang araw sa iyo my fren!


Kumusta ka na? Heto, magkakasama na naman tayo.Hangad ko ang iyong pag-
unlad kaya kaya kahit sa panahon ng pandemya ay isusulong natin na maipagpatuloy mo
ang iyong pag-unlad.Walang imposible sa katulad mong alam kong may pangarap sa
buhay-ang makapagtapos at balang araw ay magamit ito sa magandang hinaharap.
Alam mo ba na sa SLK na ito ay masasanay ka na pagkilatis ng tauhan? Gayunding
sa pag-unawa sa papel ng tauhan at magpahalaga sa estilo ng awtor sa paglalarawan ng
mga mahahalagang pangyayari sa lipunan noong isulat niya ang akda.
Ito ang hamon sa iyo bilang kabataan kaya kailangang matuto kang umunawa ng
mga pangyayari na makapagpapaunlad sa iyong kaisipan.Huwag mapagod sa pag-aaral
Kailangan lamang my fren na magtiyaga ka sa pagbabasa at handa sa pagsagawa ng mga
gawain.Pasasaan at matatapos din ang nasimulan mo ,magtiwala ka lang. O, Handa Ka na
ba?

2
KASANAYANG PAMPAGKATUTO

MELC:Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring


napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng
pagkakasulat ng akda.
1.Matutukoy at mailalarawan ang mga pangyayari sa panahon
ng pagkakasulat ng akda.
2.Maiuugnay ang lipunan sa panahong isinulat ang akda sa
mga pangyayari sa kabanata
3.Napahahalagahan ang pamumunong maka-Diyos,Makabayan
at makatao.

Gawaing Pagganyak

May pampagood vives na naman ako para sa


iyo.Basahin mo ang usapan ni Luma at Bagong Taon
sa kaganapan ng huling serye ng “Goodbye,Hello!”

Sina Lumang Taon alias “Nuno” at Bagong Taon alias’’Bebe “ay nagtagpo sa isang waiting
shed.

Nuno---------Ang tagal mo naman!


Bebe---------Ay naku Salamat po sa paghihintay.Darating naman po ako,kaya lang ay di
pa ako masyadong marunong lumakad..Alam mo na po iyon,kaya sorry po Lolo
Nuno---------Paano kasi,ikaw na lang ang hinihintay ng lahat.Nagka-count down pa ang mga
tao.Palagay mo hindi ako nasasaktan?Parang binibilangan pa akong umalis.
Bebe---------Huwag po kayong magtampo.Para sa akin mahalaga po kayo.
Nuno---------Pag magbagong taon,magbabago din daw ang kapalaran,ugali.Expect nila mas
mabuting pamumuhay ang kasabay ng pagdating mo.
Bebe---------Para sa akin po ay mali ang akala nila.Wala sa akin iyon.Nasa sarili ng mga tao
ang nais na pagbabago sa lahat ng aspeto.
Nuno---------Oo nga Bebe.Pero alam mo ba kung ano ang masakit?ang malas ko raw kasi -
bilang taon na ito maraming hindi mabuting pangyayari sa bansa ngayon.
Nandyan ang pagputok ng bulkan,pagkatapos ay Covid,bumabagsak ang

3
ekonomya at walang katapusang kamalasang iniuugnay sa akin bilang
kasalukuyang taon.
Bebe---------Nuno.siguro magiging ganyan din ang daranasin ko kung hindi kusang
magbabago ang tao.Alam mo lolo,hindi yata nila maisip na ang mga di-
magagandang pangyayari ay napakahalaga upang magbago ang tao.Kasi ang
mga pagkakamali nitong kasalukuyan panahon ang magiging batayan ng
pagpapahalaga sa kung anumang matututunan sa mga dinaranas na
pangyayari.Ito ang magiging aral at daan ng pagsisi-kap upang makamtan ang
mga pangarap na maalwan,mapayapa at mabuting buhay. Gets mo lolo?
Nuno--------Ay Salamat sa pampalubag mo ng loob ko Apo.Aalis man ako ay hindi na masakit
para sa akin.At least may aral akong maiiwan para sa mga henerasyong
darating.Hayan maari na akong umalis. O countdown na 5,4,3,2,1 Goodbye at
Maligayang bagong taon!

Wow ha! mukhang nag-enjoy kang basahin


ang usapan nina Nuno at Bebe.Affected ka
ba? May magandang mensahe ba sila para sa
iyo at para sa lahat? Ano iyon? Pakisulat nga
sa iyong kwaderno.

Ang magandang mensahe para sa akin ay_______________________


_________________________________________________________
Bakit?____________________________________________________

MAIKLING PAGTALAKAY

Matagal nang lumipas ang panahon.Ang mga


nakaraang pangyayari sa ating bansa ay
inaalala na lamang sa pahina ng kasaysayan.
Hindi mabubura ang kasaysayan at hindi rin
kayang kalimutan ng mga Pilipino ang panahon
ng pagsakop sa ating bansa,hanggat may aklat
na mababasa. Mabubuhay sa alaala ang
lumipas. Tignan mo ang mga larawan.

4
Pansinin mo ang mga larawang ito mula sa mga video clips:Mayroon ka bang ideya
tungkol sa mga ito?Kailan nangyari ang mga ito?Iyan ang iyong aalamin sa araling
inihanda para sa iyo.

5
Basahin ang hanay ng mga kaalaman.
ANG KALAGAYAN NG PILIPINAS NOONG PANAHON NI RIZAL AT SA
PAGKAKASULAT NG NOBELANG EL FILIBUSTERISMO

ANG PILIPINAS NOONG PANAHON NI RIZAL at sa PAGKAKASULAT NG


NOBELA
Batay sa kasaysayan,noong panahon ni Rizal ay laganap na laganap sa
Pilipinas ang panunupil ng Espanya.Ang mga Pilipino ay naghihirap sa ilalim ng
pamahalaang Kastila sa pagiging biktima ng inhustisya.
Ilan sa kasamaan ng mga Espanyol na naitala sa kasaysayan ng ating bansa
ay ang mga sumusunod na mabisang nailahad sa nobelang El Filibusterismo..
Ang di-matatag na administrasyong Kolonyal. Ito ay bunga ng madalas
na pagpapalit ng ipinadadalang opisyal na mamuno sa Pilipinas mula sa Espanya
Ito ang dahilan kung bakit nahahadlangan ang kaunlarang pang-ekonomya at
politikal ng Pilipinas.Di pa man nakapagsisimula ang isang gobernador heneral sa
tatlong taon sanang panunungkulan ay napapalitan kaagad kaya gaano man
kahusay ang isang punong ehekutibo,wala itong magagawa para sa kanyang
panunungkulan.

Tiwaling opisyal.Karamihan sa mga ipinadadala ng Espanya sa Pilipinas


noong dantaon 19 ay malayung-malayo sa mahuhusay at dedikadong opisyal noong
ika-16,17,18 siglo.Kung di man tiwali ,ang mga opisyal ay malulupit, makasarili at
talagang walang karapatang manungkulan.Ipinadala rito upang magpayaman
lamang mula sa mga panunuhol ng mga may pasugalan at mga mayamang Intsik na
tumatakas sa batas.
Ipinadadala rin sa bansa ang mga walang trabahong kastila at dito ay
ginagawang huwes,gobernador, panlalawigan,opisyal ng sandatahan empleyado ng
gobyerno.At madalas sila ay mga kamag-anak o kaibigan ng mga opisyal at
prayle.Higit pa karamihan sa kanila ay mga ignorante at walang alam sa tungku-ling
hinahawakan.Ang masakit silang lahat ay hambog at mapanglait dahil sa ka-nilang
puting balat at matangos na ilong.Yumayaman sila sa mga paraang illegal o di kaya
ay pagpapakasal sa mga heredera ng mayayamang pamilya.

Representasyon ng Pilipinas sa Cortes. Bilang isang kolonya ng


Espanya,sa unang pagkakataon na may kinatawan ang bansa sa korte ay naging
makabuluhan.Ngunit ang mga ika-2 at pangatlong representasyon ay di-gaanong
mabuti.Sa kasamaang palad binuwag ito noong 1837.Kaya kahit na lumalala ang
kalagayan sa Pilipinas,hindi maibunyag ng mga Pilipino ang mga anomalyang
kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno.Ito ang dahilan ng paghihimagsik ng
kalooban ng sambayanan.

Pagkakait ng Karapatang pantao sa mga Pilipino.Tanging mga Espanyol


lamang ang tumatamasa sa Kalayaan sa pananalita,pamamahayag pagbuo ng
asosasyon at masigasig na binantayan ang mga karapatang ito kaya walang hari
ang nangahas na buwagin ang mga ito.

Walang pagkakapantay-pantay sa pagpapatupad ng batas.Ang mga


misyonerong nagpakilala ng Kristiyanismo noong ika-16 na dantaon ang nagturo sa
lahat ng tao ,anuman ang lahi,at kulay ay pantay-pantay at magkakapatid sa matang
Diyos.Dahil marangal ang konseptong panrelihyon na ito,marami ang nagpabinyag.

6
Ngunit ang aral na ito ay hindi isinabuhay ng mga awtoridad na Espanyol lalo
na noong huling dekada ng pananakop.Lalo silang naging mapang-api sa mga kulay
kayumangging Pilipino at itinuring na kanilang mga alipin.Sa kanilang pagiging
imperyalista ang mga Kastila at Pilipino ay pantay sa mata ng Diyos ngunit sa ilalim
ng batas at totoong buhay ay hindi .Ang batas ay para lamang sa mga Espanyol at
kung ang magkasala ay isang kayumanggi ,mas mabigat ang ipapataw na parusa
kaysa sa mga puting Kastila.

Tiwaling Pagpapatupad ng Sistema sa Hustisya.Ang mga inilalagay na


huwes,piskal at iba pang opisyal ng korte ay walang karapatan sa kanilang tung-
kulin dahil ignorante sila sa batas.Ang hustisya ay nabibili,mabagal at may kini-
kilingan.Walang karapatan ang mga Pilipino sa hukuman dahil walang maipa-nustos
sa mga gastusin sa litigasyon.Maglaban man sa korte ang isang kayu-manggi at
puti,tiyak na ang panalo ng mga puting Kastila.

Sapilitang Paggawa o Polo.Ito ay sapilitang paggawa na ipinatutupad ng


mga awtoridad na Espanyol sa kalalakihang Pilipino edad 16-60 sa pagpapatayo ng
simbahan,paaralan,ospital pagpapaayos ng kalsada at tulay,paggawa ng mga barko
at iba pang gawaing pampubliko.Ang mga mayayaman ay makaliligtas sa ganitong
gawain sa pamamagitan ng pagbabayad ng falla o multa.Gayong may sweldo ay
malalayo sila sa kani-kanilang pamilya at ang matatanggap na sweldo ay bahagi
lamang sa napagkakasunduan.

Mga Asyendang Pag-aari ng mga Prayle.Noong panahon ni Rizal,ang mga


prayle mula sa ibat-ibang mga relihyosong orden (Agustininas,Dominicans,
Jesuits,Franciscans) ay mayayamang maylupa dahil pag-aari nila ang pinaka-
magagandang asyenda (lupang agrikultural) sa Pilipinas.Ang mga taganayong
naninirahan sa mga asyendang ito at nagsaka na rito ng ilang henerasyon ay naging
mga kasamang magsasaka.Natural lamang na tutol sila sa pagkawala ng lupang
pagmamay-ari pa ng kanilang mga ninuno bago dumating ang mga Espanyol.Sa
legal na batayan,ang mga prayle ang kikilalaning may-ari ng mga naturang lupa
dahil may pinanghahawakan silang titulo na wala sa mga ninuno dahil talaga naman
wala ito bago dumating ang mga kastila.

Ang mga Guardias Civiles.Bagamat totoong ang mga Guardias Civiles sa


Pilipinas ay nakapag-ambag ng mabubuting serbisyo sa pagsugpo sa pagla-ganap
ng mga bandido sa mga lalawigan ,kinalaunan ay nakilala sila sa mga pang-
aabuso,gaya ng pagmamaltrato sa mga inosente,pagnanakaw ng mga hayop,at
panggagahasa sa mga kababaihan ay parehong di-maganda ang pagsasanay at
walang disiplina,di-tulad ng mga Guardias Civiles sa Espanya na iginagalang ng
taumbayan.

ANG NOBELA BILANG SAKSI AT PAALALA NG UMIIRAL NA KALAGAYANG


PAMPULITIKA SA BANSA NOONG PANAHON NAISULAT ANG AKDA.

PAG-UUGNAY NG MGA PANGYAYARING PANGLIPUNAN SA NOBELA.


Basahin ang mga sumusunod na kabanata.Suriin kung paano nailahad na
pangyayari dito ay may kaugnayan sa mga pangyayari sa lipunan

7
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani

Maugong sa mga periodiko sa Maynila ang mga balita tungkol sa mga


nangyari sa Europa.Bahagya lamang napaglaanan ng balita tungkol sa
katampalasanan ng mga tulisan sa mga lalawigan sa pamumuno ni Matang-
lawin.Lumalabas lamang ang lathalang naglalarawan ng kakila-kilabot na
pangyayari kapag ang nilooban ay isang kastila o ang kumbento Subalit hindi
man lang naibalita ang nangyari tungkol kay Huli.Kung nagkaroon man ng
bulung-bulungan sa mga lipunan tungkol dito ay madali namang napawi.Ang
tanging natiyak ay ang pag-alis sa Tiani ni Padre Camorra. Naawa pa si Ben
Zayb sa prayle. Siya raw ay may mabuting kalooban.
Tulad ng inaasahan,si Basilio na lamang ang hindi nakalaya sa mga
ipiniit na mag-aaral dahil walang pangpiyansa.Nauna si Macaraig, sumunod si
Sandoval at ang huli ay si Isagani dahil hindi agad nakarating sa Maynila si
Padre Florentino.Nang malaman ng Kapitan Heneral na si Basilio ay naging
alila ni Kapitan Tiyago at walang maghahabol ay ipinasya niyang ito ang
maiwan.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio dahil siya’y magtatapos na
ng medisina sa taong iyon at maaantala rin ang panggagamot niya,Siya ay
matalino at nanghihinayang ang Mataas na Kawani.Higit sa lahat alam niyang
pinakawalang-kasalanan ang binata.
Ngunit idiniin ng Kapitan Heneral na siya ay nahulihan ng aklat na ipinag
babawal ng pamahalaan.Idinagdag pa na si Basilio ay mangmang at nararapat.
lamang na siya’y maiwan upang di-masabing nagpapabaya ang pamahalaan.
Ang Kapitan Heneral at ang Mataas na Kawani ay matagal nang may
samaan ng loob kaya ang pamamagitan ng huli para sa kapakanan ni Basilio
ay nakasama pa.
Pinangatawanan ng Mataas na Kawani ang pagtatanggol sa binata at
ipinaalala pa niya ang tungkulin ng Kapitan Heneral sa bayan,ang karapa-tan
ng mga Pilipinong maghimagsik sapagkat pinagsasamantalahan sa halip na
tangkilikin at pairalin ang matuwid, ang kabihasnan, Kalayaan at karunungan.
Ngunit sinagot siya ng Kapitan Heneral na wala itong kinalaman sa
bayan sapagkat hindi naman ito ang humirang sa kanya. Iginiit ng Kapitan
Heneral ang kanyang baluktot na katwiran at nagmalaki pang siya ang may
karapatan at nasusunod kung anuman ang naisin.
Gayon na lamang ang ginawang pagtatanggol ng Mataas na Kawani sa
mga Pilipino kaya nang matapos sa pagsasalita ay tinanong ng Kapitan
Heneral sa kanya kung alam nito ang alis ng koreo. Naintindihan ng Mataas na
Kawani ang ibig ipahiwatig ng Kapitan Heneral.
Nagpahatid sa kanyang bahay upang mag-impake at sa kutsero ay
nagwika, “Kapag kayo’y nagkaroon ng Kalayaan balang araw,ay alalahanin
ninyong sa Espanya ay may pusong tumibok para sa inyo at nagtanggol sa
inyong mga karapatan.”
Pagkaraan ng dalawang oras ay iniharap ng Mataas na Kawani ang
kanyang pagbibitiw sa katungkulan at ipinabatid ang kanyang pagbabalik sa
Espanya sa unang koreong aalis.

8
Kabanata 5: Ang Notse Buena ng Kutsero

Nang dumating si Basilio sa San Diego ay nagpruprusisyon na.Naantala siya


ng maraming oras dahil nakalimutan ng kutsero ang kanyang sedula kaya
hinuli ito ng mga guwardiya sibil,kinulata at dinala sa kwartel.
Ngayon ang karomata ay muling napigil dahil sa prusisyon.Sa unang
karosang dumaan ay magalang siyang nag-antanda.Idinaan ang imahen ni
Matusalem, ang pinakamatandang taong nabuhay sa mundo,kasunod ang
tatlong Mago.Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang
paa ni Haring Bernardo na naipit pa sa kabundukan ng San Mateo Ngumiti
lamang at saka nagkibit balikat si Basilio.
Ang mga katutubo ay may pinaniniwalaang alamat noon tungkol sa
isang katutubong hari na nakakadena sa yungib ng San Mateo , na isang araw
ay makakalaya upang tubusin ang mga katutubo sa pagkakaalipin.Sa bawat
dantaon ,isang tanikala ang kanyang nalalagot at ngayon ay tanging kanang
paa na lamang ang nakakadena.Napakalakas niya dahil ang isang buto ay
kanyang napupulbo sa kanyang paghawak,dahilan upang tawagin siyang
Haring Bernardo, marahil ay ipinagkamali kay Bernardo del Carpio.
Nasa dulo ng prusisyon ang Birheng Maria na nakadamit Divina-Pastora
at maambok ang damit upang mag-anyong manganganak.Hindi sumama sa
prusisyon.Masama ang loob dahil ginawa ang lahat ng panli-linlang upang
mapagbayad ang mga tao ng mas mataas na pamisa kaysa sa nakaugalian.
Natapos ang prusisyon.Napuna ng mga gwardiya sibil na walang ilaw
ang karomata habang dumaraan sa kwartel.Muling nasita ang kutsero at
ikinulong.Si Basilio ay napilitang maglakad na lamang.
Tanging bahay ni Kapitan Basilio ang masayang naghahanda sa mga
naraanan niya.Nabigla siyang makita roon ang kura ,ang alperes ng gwardia
sibil at si Simoun.Narinig pa niya ang usapan ngunit ang ipinagtaka ay ang si-
nabing nagpapabili ang kura ng isang pares na hikaw.Malungkot na naisaloob
ni Basilio na ang mga dayuhang katulad ni Simoun ang kumikita ng sobra-
sobrang tubo sa ipinagbibiling alahas na nakuha lamang sa kalahating presyo.
Nagtuloy na sa bahay ni Kapitan Tiago si Basilio.Ikinayamot niya ang
pag-ulat ng katiwala tungkol sa mga namatay o dinakip at pagkapeste ng mga
alaga kaya humingi ng ibang balita tungkol sa bayan.Nalungkot siya nang
malaman ang pagkidnap ng mga tulisan kay Kabesang Tales.Naalala niya si
Huli.Hindi pa man nagsisimulang maghapunan ay tumindig na at pumasok sa
kwarto ang binata.

Matapos mong mabasa ito ,mayroon ka na bang


ideya kung saan ibinatay ng may-akda ang mga
katotohanang inilantad niya sa sa nobela?
Mayroon pa bang ganitong pangyayari sa ating
lipunan O tuluyan nang binago ng kasalukuyan ang
nakaraan? Ano sa palagay mo?

9
PAGSASANAY

Maliwanag sa iyong binasa ang pagkakaugnay ng mga


pangyayari sa lipunan at sa naging paglalantad sa
nobela.
Ngayon ay masusubok ang iyong kaalaman.Ilabas mo
na ang iyong sagutang papel at magsimula na sa
pagsagot.

Pagsasanay I
.Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap
_____1. .Hindi nailathala sa pahayagan ang katampalasanang ginawa ng mga
tulisan sa mga bayan-bayan.
A. kasamaan
B. kataksilan
C. kalokohan
_____2. Nagtiis ang ating bayan sa mga panlulupig ng mga mananakop.
A .pangangamkam
B. pangongontrol
C. pambobola
_____3. Ang makataong abogado ay nasa panig ng mga kababayang sinisiil.
A. inaabuluyan
B. iniidolo
C. inaapi
_____4. Bawat mag-aaral ay may adhikain sa buhay sa kabila ng kahirapan.
A. patutunguhan
B. layunin
C. dahilan
_____5. .Ang paglait sa isang tao ay tanda ng kalupitan sa kapwa.
A. pagmaliit
B. pagpuna
C. pagpuri

Pagsasanay 2.Pag-unawa sa mga kabanatang binasa.Piliin ang pinakaangkop na


sagot.Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

_____1. Ano ang piniling ilathala ng mga pahayagan sa Maynila?


A. Ang tungkol sa tagumpay ng operetang Pranses
B. Ang pagkamatay ni Huli.
C. Ang pamumuno ni Matanglawin
_____2. Bakit hindi nailathala sa alinmang pahayagan ang nagyari kay Huli?
A. Ito ay upang pagtakpan ang kasamaan ng kastilang mapagsamantala.
B. Ito ay upang ilipat na sa ibang Parokya si Padre Camorra.
C. Ito ay upang hindi masira ang imahen ng Pilipinas.
_____3. Bakit ganoon na lamang ang ginawang pagtatanggol ng Mataas na Kawani
sa mga Pilipino gayong siya ay isang Espanyol?
A. Nakita niyang hindi makatarungan ang ginagawa ng Kapitan Heneral.

10
B. Nagdadalawang isip siyang sabihin na hindi-makatwiran ang Kapitan
Heneral.
C. Gusto niyang subukin kung hanggang saan ang kaya ng Kapitan
Heneral.
_____4. Bakit sinabi ng Kapitan Heneral wala siyang utang na loob sa bayan
at gawin niya ang kanyang gusto sa pagdedesisyon nang walang dapat makialam?
A. Ito ay dahil hindi ang mga mamamayan ang humirang sa kanya.
B. Dahil isa siyang Kastila at hindi niya kalahi ang Pilipino.
C. Siya ay aalis din agad at uuwi sa Espanya.
_____5. Bakit masabing maka-Pilipino ang Mataas na Kawani gayong siya ay isang
Kastila?
A. Ipinaalala niya sa Kapitan Heneral ang kanyang sinumpaan noong
ipinadala siya bilang mamamahala sa Pilipinas.
B. Ipinagtatanggol ng Mataas na Kawani ang karapatan ng mga Pilipino na
dapat bigyan pansin ng Kapitan Heneral.
C.Pinupuna ng Mataas na Kawani ang hindi pagtupad sa tungkulin ng
Kapitan Heneral .

Pagsasanay 3. Batay sa nalamang impormasyon ,magpakahulugan sa tulong ng


mga larawan.Ibigay kung ano ang kahulugan ng mga na larawan bilang
paghahambing sa mga pangyayari sa lipunan noon at ngayon.Dugtungan lamang
ang mga simulain .

1.

Ipinahihiwatig ng larawan na sa kasalukuyan ang ating


mga lider o mamumuno ng bansa ay pinipili at inihahalal
ng taumbayan,hindi katulad noong panahon ni Rizal
na______________________________

2.

Noon ay _____________________________________

_______________________________________

Ngunit ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng


mga tanggapan upang manaig ang hustiya at
pagkapantay-pantay na karapatan ng lahat sa serbisyo ng
gobyerno .

11
3.
Kung noon ay malaki ang agwat ng mga Kastila at Pilipino
sa maraming bagay ang mga Kastila at Pilipino ngayon ay

_________________________________________

_________________________________________

4.

Ito ang timbangan.Ito ang simbolo ng katarungan.Ngayon


ay kapwa may karapatang ipagtanggol ang sarili sa
korte,hindi tulad noong panahon ni Rizal
na______________________

______________________________________.

5.

Noong panahon ni Rizal maraming magsasaka ang


inagawan ng lupa upang maging malawak na
asyendang pag-aari ng orden na kanilang
kinabibilangan,pero ngayon _________________

________________________________________

Dahil sa mga gawaing ito marahil ay mayroon na


namang naidagdag na kaalaman at kakayahan upang
maisagawa mo sa mga susunod pang mga aralin sa
kwarter na ito. Magpatuloy ka lang.

12
PAGLALAGOM

Tandaan ang mga sumusunod na salitang ginamit sa


araling tinalakay.
Abito-kasuotan ng isang prayle o pari
Karomata-karitela o kalesa
Koreo-barkong magdadala ng sulat sa ibang bansa
Kwartel-kulungan ng “masasamang loob”
Falla-multa
Lakayo-utusang lalake
Periodico-pahayagan
Piyansa-katibayan ng pagkakautang o halagang ibabayad
para sa pansamantalang paglaya ng isang bilanggo o
preso.

APLIKASYON

Sa isang malinis na papel isulat ang iyong sagot sa tanong


na ito:
MAY MAGAGAWA KA,Fren!
Sa kasalukuyan,paano ka makatutulong sa pagbabago ng
isang pinuno upang makatiyak na ang mga pinunong-
bayan ay di umabuso sa tungkulin?

PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod sa isang malinis na papel.Mahalagang basahing


mabuti at sundin ang mga panuto.

I. Magpakahulugan ng mga pangyayari.


_____1. Matagal nang may samaan ng loob ang Kapitan Heneral at ng Mataas na
Kawani at ang pagtatanggol ng huli para kay Basilio ay tila nakasama pa.Ano ang
nagyari sa usapan nila?
A. Ang pag-uusap nila ay tila naging personalan.
B. Ang usapan ay tila naging katawa-tawa.
C. Ang usapan ay tila pataasan ng puntos.
_____2. Sa pagsasabi ng Kapitan Heneral na si Basilio ay mangmang dahil naging
alila at dapat lamang na maiwan sa bilangguan ay mahihinuha na siya ay taong
A. mapangpahamak

13
B. mapanghamak
C. mapanulsol
_____3. Ang kutsero ay sinita at kinulata sa kwartel ng mga guwardia sibil.Ano ang
ginawa sa kutsero ?
A. Siya ay ipinagtanggol ng mga guwardia sibil.
B. Siya ay binugbog ng mga guwardia sibil.
C. Siya ay minulta at pinaglinis doon.
_____4.Sa paniniwala ng mga Pilipino noon tungkol sa isang alamat na balang araw
ang katutubong hari ay siyang tutubos sa pagkaalipin ng mga katutubo ay
nagpapahiwatig ng
A. pag-asa na balang araw ay magiging malaya ang mga Pilipino.
B. pananaw na maghahatid ng kaluwalhatian sa mga Pilipino.
C. pangarap na maging mayaman ng mga Pilipino.
_____5.Ipinaalala ng Mataas na Kawani ang sinumpaang pangako ng Kapitan
Heneral.Ano ang pangakong ito na alam niya?
A. Ito ay ang pangako niyang magtitino habang nasa Pilipinas.
B. Ito ay tungkol sa kung ilang taon siyang mamalagi dito.
C. Ito ay tungkol sa pagiging makatarungan sa tungkulin.

II.Magpatunay.Tukuyin ang pahayag na magpapatutoo sa mga pangyayari sa bawat


bilang.Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
_____1. Halimbawa ng isang pangyayari sa nobela na nagpapakita ng isang tiwaling
opisyal noon sa bansa ay:
A. Ang kutserong si Sinong ay pinarusahan ng mga gwardiya sibil dahil
nakalimutan ang sedula.
B. Hinugot ng pamahalaan si Carolino upang magsundalo at malayo na sa
naghihirap na pamilya.
C. Nireregaluhan ni Simoun ng alahas para sa isang hinihinging pabor ang
Kapitan Heneral.

______2.Hindi naging matatag ang administrasyon sa Pilipinas sa panahon ng


Pamamahala ng mga Kastila.
A. Ang mga ipinadadalang mamuno sa bansa ay tatlong taong manilbihan.
B. Ang mga ipinadadalang mamuno sa bansa ay madalas pinapalitan.
C. Ang mga ipinadadalang mamuno ay humahadlang sa kaunlaran.

______3.Ipinakita sa nobela ang kalupitan at pagmamalabis ng mga guwardiya sibil


sa pamamagitan ng pangyayaring:
A. Si Sinong,ang kutsero ay hinuli dahil nakalimutang sindihan ang ilaw ng
kanyang karomata at saka pinarusahan sa kwartel.
B. Si Sinong ay hinuli nang malaman na ang isinakay ay si Basilio.
C. Si Sinong ay hinuli upang pagmultahin at paglinisin sa kwartel.

______4.May nangyayaring suhulan,hindi lamang sa matataas na tanggapan kundi


rin sa pamamahayag upang baligtarin ang mga pangyayari o di kaya ay pagtakpan
ang isang krimen.
A. Si Benzayb na isang reporter ng pahayagan ay pinangakuan ng pera
B. Si Benzayb bilang isang reporter ay nagbabalita ng mga pangyayari.

14
C. Si BenZayb ay pinalalaki ang mga balita para kumita.

______5.Ang tiwaling pagpapatupad ng batas ay hayagan.Pinatotohanan ito ng


pangyayaring
A. Kapag ang isang Kastila ay biktima sa isang krimen,agad
napaparusahan ng mabigat ang may sala.
B. Kapag magkalaban ang isang Kastila at Pilipino sa korte,tinitiyak na pa
panalunin ang Kastila.
C. Kapag Pilipino ang biktima ng isang Kastila,ginagawan ng paraan upang
mapawalang sala siya.

III.Magpahalaga.Alin ang hindi kasama sa pagpapaliwanag? Titik lamang ang isulat


sa sagutang papel.
______1.Paano naipakikita ng isang lider ang kanyang pagiging makatarungan
gaya ng Mataas na Kawani?
A. Siya ay pantay-pantay ang pagtrato sa tao.
B. May malasakit siya sa kapwa.
C. Tumitingin siya sa lahi.

______ 2.Paano masasabing ang isang pinuno ay maka-Diyos?


A. Matapat siya sa tungkuling gawin ang trabaho
B. Siya ay may konsensya at takot sa Diyos
C. Siya ay may pagsasamantala sa kapwa

_______3. Alin ang hindi dapat gawin ng isang marangal na opisyal?


A. Humingi ng tulong sa nakatataas sa kanya.
B. Makipagsabwatan sa mga opurtunista.
C. Magtrabaho sa tamang oras.

______4.Kailan masasabing maka-tao, makabayan at maka-Diyos ang


pamamahala ngisang lider o pinuno?
A. Kung ang mga tao ay may kalayaan,kapayapaan at kaunlaran sa
bayan.
B. Kung may mga taong nagrerebelde dahil hindi nakukuntento.
C. Kung may kaayusan sa pagpapatupad ng batas at tungkulin.

______5.Bakit mahalagng magbago ang isang opisyal para sa kanyang pamumuno?


Ang isang makataong pinuno ay naninilbihan nang may
A.Nang sa ganun ay makapagsilbi siyang may paglingap sa kalagayan ng
lahat ng nasasakupan
B. Nang sa ganun ay maipakitang siya ay may pananagutan sa Diyos at
malinis na konsensya
C. Nang sa ganun ay malinis niyang maisakatuparan ang hangaring
pansarili.

SANGGUNIAN

15
Arturo Sebastian Cabuhat, 1996 El Filibusterismo,Pampanitikang Talakay,LJF
Publications 10999 Palm Drive Faculty Village,U.P. Los Banos Laguna
Maria Odulio De Guzman, First Revised Edition Ang Filibusterismo ni
Rizal,Ika-16 na Pagpapalimbag,Cacho Hermanos,Inc.PinesCor Union
Sts.Mandaluyong City
Norbert C. Lartec et al,2008 Maharlika,Wika at Panitikan ng Bayang Malaya
(El Filibusterismo)DJCE Enterprises,Antipolo City
Greborio F.Zaide,Sonia M. Zaide,1999 Jose Rizal,Buhay,Mga Ginawa at Mga
Sinulat ng Isang Henyo,Manunulat,Siyentipiko at Pambansang Bayani,Ika-2
Paglilimbag,All Nations Publishing Co.Inc.935 Aurora Blvd.,corner Pittsburgh St.,Rm
204 Alforge Building,Cubao,Quezon City.

MGA SAGOT

PAGSASANAY-I
1. A

16
2. B
3. C
4. B
5. A
PAGSASANAY-II
1.A
2.A
3.A
4.A
5.B
PAGSASANAY-III
1. Ang maging pinuno ng bansa(Kapitan Heneral) ay ipinadadala ng
Espanya.
2. May mga opisyal na nasusuhulan para pagbigyan ang hinihinging
pabor.
3.Ang Espanya at Pilipinas ay parehong bansang nagpapahalaga sa
kanya-kanyang nasasakupan. Walang mas mataas o mababang lahi.
4.Ang batas noon ay palaging pumapanig sa mga may pera lalo na sa
mga maimpluensya at makapangyarihang Kastila.
5. Ang mga Pilipino ay maari nang magkaroon ng sariling lupa at
Malaya nang pag-ingatan ito.May batas na ring nangangalaga sa mga
magsasaka
PAGTATAYA-I
1.A
2.B
3.B
4.A
5.C
PAGTATAYA-II
1.C
2.B
3.A
4.
5.B
PAGTATAYA-III
1.C
2.C
3.B
4.B
5.C
Posibleng sagot sa aplikasyon:
Bilang isang Pilipinong may pagmamahal sa bayan, upang matiyak na hindi
aabuso ang isang pinuno ay mayroon akong dapat gawin.Ito ay ang i-report sa
kinauukulan kung ang lider ay hindi-tumutupad ng tungkulin o di kaya ay may
pinapanigan.

17

You might also like