Melc 14

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
10
RETORIKAL NA PANG-UGNAY

QUARTER: 4 MELC NO. 14

Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat(baybay, bantas, at iba


pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangumgusap / talata.
MELC (F10WG-IVb-c-79)

Pangalan ng Guro: PACIENCIA T. RIBAC


Paaralan: PURO NATIONAL HIGH SCHOOL
District: MAGSINGAL

1
PAMANAHUNAN BILANG 4
GABAY NG MAG-AARAL SA
PAGKATUTO BILANG 14
MELC #

PAUNANG SALITA

Tungkol sa Gabay ng Mag-aaral sa Pagkatuto


Ang kagamitang ito ay para sa mga mag-aaral na huhubog sa kanilang
kaalaman sa kasalukuyang panahon n tinatawag nating “New Normal”. Kaagapay ito
ng bawat mag-aaral para sa buo at ganap na pagkatuto. Ito ay orihinal na ginawa at
binago ng guro para makamit ang mga inaasahang pamantayan ng K to 12 Kurikulum.

Para sa mga Magulang/Tagapag-alaga

Sa panahon ngayon ng pandemya malaking hamon para sa atin na magabayan


ang ating mga anak lalo na at nahaharap tayo sa tinatawag na “New Normal” na uri ng
edukasyon. Nararapat pa rin na maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pagdukal ng
kaalaman.
Bilang mga magulang/tagapag-alaga, mahalaga ang iyong gampanin sa tamang
paggabay ng inyong mga anak upang matagumpay na matugunan ang
pangangailangan ng modyul na ito.
Maraming salamat at hangad naming ang inyong pakikipagtulungan.

Para sa mga Mag-aaral

Isang magandang araw kaibigan!

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng edukasyon dahil sa umiiral na


pandemya, narito ang panibagong moyul na inihanda ko para sa iyo. Tulad ng ibang
modyul, madali lamang ang modyul na ito. Mahalaga lamang na magpokus at maglaan
ka ng kaunting oras upang matagumpay mong matugunan ang pangangailangan ng
modyul na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito tiyak akong mas mauunawaan mo ang akda
ni Jose Rizal na El Filibusterimo. Tuturuan kang mas higit na na mapahalagahan ang
akda sapagkat nakapaloob dito ang ilang gawaing tutulong sa iyong maimulat ang
puso at isipan sa mga naging kaganapan sa panahong nasulat ang akda at ang nag-
udyok kay Rizal upang sulatin ito. Maging matiyaga ka lang kaibigan sa iyong
pagbabasa at pagsagot sa mga gawain.
Handa aka na ba? Ang dami ano? Pero huwag kang mag-alala, kayang-kaya
mo ‘to.
Isang masayang pag-aaral sa iyo!

2
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat(baybay, bantas, at
iba pa), gayundin ang wastong pag-uugnay ng mga pangumgusap / talata.
MELC (F10WG-IVb-c-79)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga retorikal na pang-ugnay.
2. Nabibigyang halaga ang paggamit ng mga iba’t ibang pang-ugnay sa
pagsulat.
3. Nakapagbubuod gamit ang wastong pang-ugnay at wastong pag-uugnay
ng mga pangungusap/ talata.

PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK

Kumusta kaibigan!
Ang pag-uugnay ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay
mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa
pangungusap o bahagi ng teksto.Sa Filipino,ang pang-ugnay
na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-
ukol, at pangatnig.
Halika, subukan moa ng iyong kaalaman tungkol ditto.

PANUTO: Piliin ang pang-ugnay sa pangungusap.

1. Para kay Jelay ang pagkain na ito.


2. Siya ay mabait na bata.
3. Bibong bata si John.
4. Nagsasayaw siya habang nagluluto.
5. Puntahan mo ako upang tulungan kita.

Binabati kita at nasagot mo ito ayon sa iyong


nalalaman. Tingnan natin kung ilan ang nakuha mong
tama. Ang mga kasagutan ay matatagpuan sa pahina
9.Kung hindi mo man nakuha lahat, okay lang ‘yan…
panimulang pagtataya lamang ito. Ngayon, maaari ka nang
magpatuloy sa modyul na ito. Marami ka pang dapat
3
maunawaan at matututuhan.
MAIKLING PAGTALAKAY

Ano ang Pang-ugnay?


Ito ang tawag sa mga kataga o salitang nagpapakita ng relasyon
ng dalawang salita, ng dalawang parirala, o dalawang sugnay at
pangungusap.
MGA URI NG PANG-UGNAY
1. Pang-angkop
2. Pang-ukol
3. Pangatnig

1. Pang-angkop- mga salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


na- iniaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig
Halimbawa: metatag na kinabukasan, marangal na pag-uugali
-ng – ginagamit kapag ang inaangkopan ay nagtatapos sa
patinig.Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: bagong bayani, mabuting anak
-g --- ikinakabit sa mga salitang nagtatapos sa letrang n sa magkasunod
na salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa: bayan- magiliw= bayang magiliw
Maalinsangan- lugar= maalinsangang lugar

2. Pang-ukol – ito ang tawag sa salita o katagang nag-uugnay sa isang pang-


ngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
-sa - ayon sa/ ayon kay
- ng - hinggil sa/kay
- kay/kina - ukol sa/ kay

4
- alinsunod sa/ kay -- para sa / kay
- laban sa/ kay -- tungkol sa/ kay

3. Pangatnig- ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
a. Paninsay- nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay.
at pati saka ni
datapuwa maging ngunit subalit

b. Pantulong- nag-uugnay ng di- magkatimbang na salita, parirala o sugnay.


kung nang kapag upang
dahil sa sapagkat kaya para

Halimbawa: Mahalaga ka sa kanya kaya ayaw ka niyang mawala.

5
PAGSASANAY

Mula sa iyong mga natutunan sa maikling pagtalakay, natitiyak


kong handa ka na sa mga pagsasanay. Basahing mabuti ang
mga panuto at sagutin ang mga ito.

PAGSASANAY 1
Panuto: Tukuyin kung pang-angkop, pang-ukol, o pangatnig ang mga
pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang Isulat sa
unahan ng bilang ang PA kung ito’y pang-angkop, PU kung pang-ukol, at
PG kung pangatnig.

1. Namatay si Jose Rizal ngunit ang kanyang prinsipyo ay nanatiling buhay.


2. May mga bagong kalihim na hinirang ang pangulo ng bansa.
3. Napakagandang tingnan ang bughaw na langit.
4. Ang taumbayan ay nakikiisa para sa proyekto ng pangulo.
5. Ayon sa Pangulo, matatamo natin ang kaunlaran.
6. Ang kanyang paninindigan ay mananatiling buhay sapagkat nariyan pa
ang ilang lider na handang magpatuloy.
7. Ang mga manlalaro ay naglalakad na lamang mula sa paaralan
hanggang sa gymnasium.
8. Ang biyaya ng paggawa ay makakamtan kung sasamahan ito ng sipag
at tiyaga.
9. Tungkol sa Filipino ang seminar.
10. Ang kanyang paninindigan ay mananatiling buhay sapagkat nariyan pa
ang ilang lider na handang magpatuloy.

PAGSASANAY 2
Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay ang patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap.
1. Ang isyu ngayon ay _________ katapatan _____ bayan.
2. ______________ kagandahang-asal ang manira ng kapwa.
3. Igalang ang iyong mga magulang __________ iyan ang nararapat.
4. Ang babae_______ nakaluksa ang ina ng biktima ng sakit na Covid-19.
5. Mabait ang namumuhunan ________ nakikiisa ang mga manggagawa.

PAGSASANAY 3
Panuto: Sumulat ng isang talatang naglalahad ng karanasan sa panahon ng
pandemya tulad ng Covid-19.Gumamit ng mga nauukol na pang-ugnay na
natutunan. Bilugan ang lahat ng pang-ugnay na ginamit. Maaaring isulat ang
sagot sa pahina 9.

6
PAGLALAGOM

Mahalagang makilala ang mga retorikal na pang-


ugnay sap ag-uugnay ng mga pangungusap/ talata,
gayundin, dapat isaalang-alang ang wastong bantas,
baybay, at iba pa sa pagsulat o pagbubuod.

APLIKASYON
PANUTO: Gumawa ng buod ng huling kabanatang tinalakay sa El
Filibusterismo ni Dr.Jose Rizal.Tiyaking maisaalang-alang ang
tamang mekaniks sa pagsulat.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

PAGTATAYA

PANUTO. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


Tukuyin ang pangatnig sa pangungusap.
1. Dapat sabihin ko sa kanya ang katotohanan sapagkat ayokong
magalit siya sa akin.
a. ayaw b. dapat c. magalit d. sapagkat
2. Si Hanna ang kakanta dahil siya ang pinakamahusay na mang-
aawit sa klase.
a. dahil b. kakanta c. mang-aawit d. pinakamahusay

3. Uuwi ako nang maaga para makatulong ako sa mga gawaing-


bahay.

7
a. Maaga b. makatulong c. nang d. sa

Tukuyin ang pang-ukol sa pangungusap.


4. Ang mga sariwang bulaklak ay para kay Mama Mary.
a. bulaklak b. mga c. sariwa d. para kay
5. Tunkol sa lumalalang sitwasyon ng bansa sa paglaganap ng
Covid-19 ang pinag-uusapan sa live streaming na isinasagawa ng
kamara.
a. ang b. na c. sa d. tungkol sa
Tukuyin ang salitang may pang-angkop sa pangungusap.
6. Responsibilidad natin ang itaguyod ang mga patakarang
makatarungan.
a. itaguyod b.natin c. makatarungan d. patakaran
7. Kailangan natin ang epektibong lunas para matigil na ang
pagkalat ng Covid-19.
a. Epektibo b. lunas c. matigil d. pagkalat
8. Ang masunuring mag-aaral ay pinupuri ng mga magulang,
kamag-aral, at mga guro niya, at nagbibigay-karangalan din ito
para sa pamilya.
a. ito b. masunurin c. nagbibigay-karangalan d.
pamilya

SANGGUNIAN

Most Essential Learning Competencies. Filipino 10


Google, https://www.teacherworksheets.co.uk
MUOG, Pundasyon ng Karunungan sa Filipino

8
MGA SAGOT

Pagganyak:

1. Para kay
2. Na
3. –ng
4. Habang
5. upang

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

1. PG 6. PG 1. Tungkol/ukol
2. PA 7. PA /hinggil sa/ sa
3. PA 8. PG 2. Labag sa
4. PU 9. PU 3. Dahil
5. PU 10. PG 4. –ng 5. kaya
5.
Pagsasanay 3 Aplikasyon

( depende sa (depende sa
mekaniks) mekaniks)

Pagtataya
1. d 6. d
2. a 7. a
3. c 8. b
4. d
5. d

You might also like