MUSIC-3-Qr 4 Modyul 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

MUSIC– Ikatlong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Bilis at Bagal sa Musika


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Modyul 1

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MUSIKA – Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Bilis at Bagal sa Musika!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MUSIC 3 Modyul ukol sa Bilis at Bagal sa Musika!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos


mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga


mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibinubuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan


halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay


naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.


MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


A. Nakikilala ang bilis sa musika;
B. Natutukoy ang bilis at bagal sa musika; at
C. Nakaaawit ayon sa tempo.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa
bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito
sa sagutang patlang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod na mga awitin ang may mabilis


na tempo?

A. Tiririt ng Maya C. Paru-parong Bukid

B. Bahay Kubo D. Sitsiritsit Alibangbang

_____ 2. Anong hayop ang sumisimbolo sa mabagal na tugtog?

A. pagong C. kabayo

B. ibon D. kuneho
_____ 3. Alin sa mga sumusunod na mga sasakyan ang
maihahalintulad ang kilos sa mabilis na tugtog?

A. dyip C. tren

B. kotse D. lahat ng nabanggit

_____ 4. Ito ay tumutukoy sa bilis o bagal sa musika.

A. tempo C. dynamics

B. tekstura D. ritmo

_____ 5. Alin sa mga hayop ang may mabagal na kilos?

A. C.

B. D.

BALIK-ARAL
Ano ang dynamics?
Ang dynamics ay isa sa mga elementong nagbibigay buhay
sa musika na nauukol sa paglakas at hina ng tunog.

Nagbibigay laya ito sa pagbibigay kahulugan sa musika


kung mahina, katamtaman, o malakas. Maiuugnay ito sa galaw
ng tao, hayop, at kalikasan.

ARALIN
Kilalanin ang mga hayop na nasa larawan.
Paano kumilos ang mga hayop na ito?

Ano-anong mga hayop ang nabanggit sa awiting “Mga Alaga


Kong Hayop”?
Gayahin ang kilos o tunog na ginagawa ng mga hayop.
Paano gumalaw ang mga hayop?
Alin sa mga hayop ang mabilis gumalaw?
Alin sa mga hayop ang mabagal gumalaw?
Sa musika ang bilis at bagal ng daloy ng awitin ay tinatawag
na Tempo. Ang bilis ng daloy ng tempo ay nag-iiba. Ito ay
maaring mabilis, katamtaman o mabagal. Ang tempo ay
maihahambing sa galaw ng mga hayop at tao.

Gawin Mo
Awitin ang “Mga Alaga kong Hayop”. Isakilos ang mga
galaw na isinasaad sa awitin.

Awitin na kasing bilis ng tumatakbong pusa, katamtaman


katulad ng lumukso ang aso, at mabagal katulad ng lumalakad
na pato.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap
ay tumutukoy sa tempo at isulat naman ang MALI
kung hindi.

1. Ang tempo ay maaaring may mabilis at mabagal


na daloy ng tunog o musika.
2. Ang mabagal na kilos/galaw ay maaaring ilapat sa
mabilis na musika.
3. Ang awiting “Ako ay May Lobo” ay nagtataglay ng
mabagal na tempo.
4. Ang mabilis na musika ay maaaring lapatan ng
mabilis na kilos.
5. Ang tempo ay tumutukoy sa bilis at bagal sa musika.

Pagsasanay 2
Panuto: Kilalanin ang kilos ng mga sumusunod. Isulat ang F
kung mabilis, S kung mabagal, at M para sa
katamtaman.

______ 1. butiki _______ 4. tren

______ 2. kabayo _______ 5. uod

______ 3. Kariton

Pagsasanay 3

Panuto: Suriin ang mga awitin ayon sa tempo. Ilagay ang


inyong sagot sa angkop na hanay.

Maliliit na Gagamba Bahay Kubo


Lupang Hinirang Magmartsa Tayo

Leron-Leron Sinta Are You Sleeping, Brother John

Mabilis na Tempo Mabagal na Tempo


PAGLALAHAT
Ma

Ano ang tempo?


Saan ito maaaring maihahalintulad?

PAGPAPAHALAGA
Ano ang dahilan kung bakit nagiging kawili-wili at
nakapagbibigay-ligaya ang musika? Bakit ito mahalaga?
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

______ 1. Ang ______ ay tumutukoy sa bagal at bilis sa musika.

A. ritmo C. tekstura

B. tempo D. dynamics

______ 2. Ang sumusunod na mga awitin ay may mabagal


na tempo maliban sa isa.

A. Soldier’s March C. Pilipinas Kong Mahal

B. Magtanim Ay Di Biro D. Twinkle, Twinkle, Little

______ 3. Ang “Lupang Hinirang” ay inaawit ng may


______________ na tempo.

A. mabagal C. katamtaman
B. mahinang-mahina D. mabilis
______ 4. Maaari nating maihahambing ang tempo sa
galaw ng mga hayop.

A. Oo C. wasto ang a at b

B. Hindi D. wala sa nabanggit

______ 5. Paano magiging kaaya-aya o kawili-wili ang isang


musika?

A. Kapag ito ay naaawit ng may kasiyahan.

B. Kapag ang isang awitin ay may mabagal at


mabilis na tempo.
C. Kapag naiintindihan ang nais ipahiwatig ng
musika.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Aklat:

⮚ Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me 3. 2013.


Missionbook Publishing, Inc
⮚ Ilagan, Amelia M. et al. MAPEH 3 Kagamitan ng
Mag-aaral. 2014. Book Media Press Inc.
⮚ Ilagan, Amelia M. et al. MAPEH 2 Kagamitan ng
Mag-aaral. 2013. Rex Book Store Inc.

Internet:
⮚ 1FreeWallpaper. Puting Kalapati Malawak.(n.d.).
https://1freewallpapers.com/white-dove-wide/tl

You might also like