Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

NORTHERN SAMAR COLLEGES INC.

Catarman, Northern Samar

Inihanda ni: BALTAZAR, CRISTINE T.


Degree Program: BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION Major in Filipino
Kurso: Fil.M5- Introduksiyon sa pamamahayag
Instraktor: G. RONALDO N. VERANO
Petsa: 11 Nobyembre 2023

Layunin: Naipapaliwanag nito ang mga katuturan, katangian at ang layunin sa pagsulat ng lathalain
at maipapahusay pa ito ng manunulat.

Paksa: Pagsulat ng Lathalain


1. Katuturan, katangian,
2. Layunin

Nilalaman:
Ang latalain, katulad ng balita, ay hindi lamang isinulat upang magpabatid, kundi lalo
pa nitong pinalalawak ang balita impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling
pamamaraan. Ito ay nagdaragdag at nagpapatingkad ng kulay at buhay sa pahayagan.
Kaya ang istilo nito ay nakasalalay sa malikhaing isipan ng manunulat.
Ang Lathalain ay isang akdang batay sa misteryong sangkap sa pamahayagan na
tinatawag na pangkatauhang kawilihan-isang pangyayari ng nakagaganyak sa atin dahil
masasalamin natin dito ang ating sariling buhay. Kung ang ating balita ay tumatalakay sa
mga mahahalagang pangyayari, ang lathalain naman ay tumatalakay sa mga kawili-wiling
bagay

Katuturan ng Lathain

 isang akdang naglalahad ng makatotohanang pangyayari batay sa karanasan,


pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang kawili-
wiling pamamaraan.
 Isang sanaysay na batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga
pagpapaliwanang, saligan at impresiyon ng sumusulat. Isang uri ng sulatin na ang
kawilihan ay nasa ibang bagay sa halip na sa mahalagang tala.

Mga katangian ng Lathalain

 May Kalayaan sa paksa. Kahit anong paksa ay maaring isulat. Mula sa


pinakakaraniwan hanggang sa pinaka bagong aspeto ng buhay ay maaaring
paksain. Kahit na ang mga pinakagasgas na paksa ay maaring pa ring mapaganda
ng manunulat sa pamamagitan ng kanyang mabisang istilo ng paglalahad.
 Walang tiyak na haba. Maaring maikli o mahaba, depende sa nais itambok ng
manunulat.
 Maaring napapanahon o di-napapanahon. Maaring ang pinagbabatayang paksa,
impormasyon o balita ay matagal na o bago palamang. Kaiba sa balitang napapanis
na pagkatapos nitong mailahad, ang lathalain ay karaniwang nagtatagal ang kawili-
wili nitong kakayahan.
 Laging batay sa katotohanan. Bagama’t kung minsan ay ginagamitan ng
maimahinasyong paglalahad, ang lathalain ay nakaangkla pa rin sa katotohanan.
 Karaniwang ginagamit ng makabagong pamatnubay
 Nasusulat sa pataas na kawilihan
 mMaaring pormal o di-pormal ang pamamaraan sa pagkakalahad ng mga tala o
ideya, maging sa paggamit ng salita.
 Maaring gamitang ng mga pang uri tayutay, dayalogo, katutubong kulay at
idiomatikong pahayag.
 Maaring sulatin sa una, ikalawa o pangatlong panauhan.
 Bagama’t may Kalayaan, naroon pa rin ang kaisahan, kaugnayan, kalinawan at ang
kariinan sa kabuuan ng akda.

Layunin ng Lathalain

 Magpabatid
 Magpayo at magbigay aral
 Magturo
 Mang-aliw

You might also like