Sports Bomb 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LEBRON JAMES: KALABAW LANG ANG TUMATANDA!

What’s up mga bro! We’re back at it again para sa bagong episode ng The Sports Bomb! At this time mga
‘tol, usapang LeBron James naman tayo.

Alam naman nating lahat na isa sa best players ng buong mundo si LeBron James at alam ding natin na
napakaraming accolades na ang nasa ilalim ng kanyang pangalan. At kahit nasa father time na eh wala
tayong makitang nag slow down siya sa kanyang laro. Kaya ngayong 38 years old na siya, balikan natin
ang mga nangyari noong nakaraang mga araw para sa Hari ng basketball.

In case you missed it, Nito lang November 22, opisyal nang nakuha ni Lebron ang kaniyang ika-39,000 th
point at siya lang din ang nag-iisang player sa NBA na nakakuha ng ganitong feat. Panigurado, once na
magretire sa NBA si Lebron, baka siya lang ang natatanging player na iiscore ng 41,000 career points.

Same day, nag move din siya sa ika pitong pwesto sa all time three points made list passing Vince Carter
at si Damian Lillard na ang susunod sa kaniyang listahan.

At nito lang nakaraang araw, sa kanilang pagkatalo sa Philadelphia, may dalawang record din ang
nabasag ni LeBron, isa na rito ay siya na rin ang alltime leader in minutes played, passing Kareem Abdul
Jabbar, at dito rin niya nakuha ang worst loss of his career na kung saan sila natalo via 44 points blow
out.

Isa pa, this was the first time in 13 straight years na kung saan hindi siya nakakuha ng kahit isang
rebound. Ang huling laro na hindi siya nakakuha ng kahit isang rebound ay year 2010 pa kontra sa
Timberwolves.

At hindi lang ‘yan, alam n’yo rin bang 20 straight years ng nagaaverage si Lebron ng 25 points per game
kada season? At idagdag pa natin na siya lang din ang natatanging player na pasok sa top 10 ng points,
rebounds, assists, steals at blocks.

Napakahaba ng credentials ng ating lolo Lebron, siguro kung hindi lang siya 4-6 sa NBA Finals, wala ng
argument ng LeBron vs MJ sa GOAT conversation. Kayo mga ‘tol? Anong masasabi n’yo patungkol sa MJ
vs LeBron GOAT conversation? Comment down below ang inyong mga opinion!

So mga ‘tol yan na muna nga ang ating bagong hain para sainyo. See you next episode, peace out!

You might also like