Introduksyon Sa Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

MGA SALALAYANG

KAALAMAN SA PAGBASA
Ano ba ang pagbasa?
Isang paraan ng pagkilala at pag-asa sa
mga nakalimbag na simbolo upang
matukoy ang kahulugan nito. Pagkuha ng
impormasyon mula sa isang nakasulat na
akda. Ang mga simbolo na ito ay mga titik na
bumubuo ng iba't ibang salita.
Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang
makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita,
pagsulat, at panonood ng isang tao dahil
nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga
kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at
maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng
disiplina o larangan.
Batay sa maraming pananaliksik, ang
pagbasa ay isang kompleks na gawaing
pangwika at pangkaisipan na
kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon
ng mambabasa at ng teksto.
Bakit itinuturing na kompleks na
gawaing pangwika at
pangkaisipan ang pagbabasa?
Ipinaliwanag ni Johnston(1990) na ito’y
isang kompleks o masalimuot na gawaing
nangangailangan ng konsyus at di-konsyus
na paggamit ng mga estratehiya o
kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin
upang makabuo ng kahulugang ninanais
ipahatid ng awtor.
Ayon naman kay Baltazar(1977), ang
pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng
mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan
ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa
napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang
karanasan sa pagbasa.
Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay
nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag
sa tao na harapin ang mga di-inaasahang
suliranin sa buhay.
Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga
babasahin.

Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong


lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-
iisip.

Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na


nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan,
kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
BAKIT MAHALAGA NA
TAYO AY
NAGBABASA/BUMABASA?
Ang pagbabasa ay isa sa pinakamahalagang
bagay na kailangan nating matutunan dahil
isa ito sa pinakamabisang paraan ng pagkuha
ng impormasyon. Sa pamamagitan ng
pagbabasa, nahahasa ang iba't ibang kasanayan
ng isang indibidwal.
Ilang kadahilanan
ng pagbasa
• may nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o
karunungan

• may nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang


nangyayari sa paligid, ayaw niyang mapag-iwanan ng
takbo ng panahon

• may nagbabasa upang maaliw o malibang, mabawasan


ang pagkainip at pagkabagot na nararamdaman.
ANG KAHALAGAHAN
NG PAGBASA
1. NAGDADAGDAG NG KAALAMAN

Sa pagbabasa, nakakakuha tayo ng


bagong kaalaman. Dagdag pa,
nakakatuklas tayo ng mga impormasyon
na hindi pa natin alam.
2. NAPAPAYAMAN ANG KAALAMAN AT
NAPAPALAWAK ANG TALASALITAAN

Napapaunlad din ng pagbabasa ang ating


likas na kaalaman. Nakakatulong ito upang
mapalago ang ating bokabularyo, bunga nito,
mas gagaling pa tayo sa iba pang kasanayan
tulad ng pagsasalita at pagsulat.
3. NAKARARATING SA MGA POOK NA
HINDI PA NARATING

Sa tulong ng pagbasa, napagagana nito ang


ating malawak imahinasyon at tila ba
nailalagay natin ang ating sarili sa lugar
kung saan nais tayong dalhin ng may akda.
4. NAHUHUBOG ANG KAISIPAN AT
PANININDIGAN
Sa tulong ng pagbasa, nalalaman natin
ang tama at mali. Natututo tayong
maging mapanuri at nalalaman natin
ang mga dapat ipaglaban.
5. NAKAKUKUHA NG MGA MAHAHALAGANG
IMPORMASYON

Katulad din ng pagkuha natin ng kaalaman, tayo ay


nakakakuha ng mahahalagang impormasyon sa
pagbabasa. Ang halimbawa ng mga impormasyong ito
ay impormasyon tungkol sa nangyayari sa paligid at
mga impormasyon tungkol sa akademiko.
6. NAKATUTULONG SA MABIBIGAT NA SULIRANIN
AT DAMDAMIN

Hindi lang impormasyon ang pwede nating makuha sa


gawaing ito. Maari din itong maghatid sa atin ng aliw sa
tuwing tayo ay nalulungkot at may mabigat na
nararamdaman. May mga babasahin din na nagbibigay
ng hakbang upang makatulong sa pagresolba ng mga
problema.
7. NAGBIBIGAY NG INSPIRASYON
AT NAKIKITA ANG IBA’T
IBANG ANTAS NG BUHAY AT
ANYO NG DAIGDIG.
ANG PROSESO NG PAGBASA
Ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at
salita. Bilang proseso, ito ay may apat na
hakbang ayon kay William S. Gray (1950),
ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”:
1.PERSEPSYON

Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga


nakalimbag na simbolo at kakayahan
sa pagbigkas ng mga tunog.
2. KOMPREHENSYON

Ito ay pag-unawa sa mga


nakalimbag na simbolo o salita.
3. REAKSYON

Ito ay kaalaman sa pagpasiya o


paghatol ng kawastuhan, kahusayan,
pagpapahalaga at pagdama sa
teksto.
4. INTEGRASYON

Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-


uugnay at paggamit ng mambabasa sa
kanyang dati at mga bagong karanasan
sa tunay na buhay.
APAT NA HAKBANG/PROSESO AYON KAY WILLIAM S.
GRAY (1950), ANG KINILALANG “AMA NG PAGBASA”:

1.PERSEPSYON
2. KOMPREHENSYON

3. REAKSYON

4. INTEGRASYON

You might also like