Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SURING-BASA BLG. 2

MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK


JOSEPH T. SALAZAR

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA =

Isa sa mga bagay na nag-udyok sa may akda sa pagsulat nito ay ang


kanyang layunin na mas mapaigting ang pag-aaral sa asignaturang Filipino
upang mas maging epektibo ito sa bawat mag-aaral. Pinaliliwanag ng may akda
kung ano ang maidudulot o ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Pananaliksik
sa mababang baitang ng paaralan, kung gaano kahalaga na kahit nasa
elementarya pa lamang ang mga mag-aaral ay mas mainam na kahit papano ay
unti-unti mo na silang minumulat sa asignaturang ito. Kung gaano kahalaga na
bilang isang Filipino dapat alam mo ang sarili mong Wika, kilala mo ang sarili
mong Wika.

2. LAYUNIN NG MAY-AKDA =

Nais ng may akda na malaman ng mga tao o ng mga Filipino na parte o


kailangan din ang pag-aaral ng Humanidades at Agham panlipunan sa
Pananaliksik, kung ano ang madudulot o maambag ng pag-aaral ng mga ito sa
paggawa ng isang Pananaliksik, kung ano ang kahalagahan nito sa ating pang
araw araw na buhay, kung paano ito makakatulong sa bawat indibidwal, at kung
paano natin nagagamit ang Pananaliksik sa mga bagay na hindi natin
namamalayan na ginagamitan pala natin ng Pananaliksik. Isa pa sa layunin ng
may akda ay upang malaman ng mas maraming tao kung gaano nga ba kalawak
ang Pananaliksik at kung paano ito nakaka ambag sa atin sa pagkatuto ng iba’t-
ibang mga bagay.

3. TALASALITAAN =
Humanidades – sining ng wastong paggamit ng salita at pagsulat batay sa mga tuntunin
ng isang wika.
Agham panlipunan – (social studies) isang pangkat ng mga disiplinang akademiko na
pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo.
Akademiko - tumutukoy sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o pag-aaral na
nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na
gawain.
Probabilidad – ang probabilidad (probability) o pagkakataon ay sumusukat sa
pagkakataon na ang isang pangyayari ay mangyayari o magkakatotoo.
Madla – ang madla ay isang salitang nangangahulugang grupo ng tao, publiko o kaya
naman kahit sino.
Espesipiko – natatangi, nakapokus sa isang tinututuringan, nag-iisa.
Lunas – karaniwng tumutukoy sa gamot sa mga karamdaman o sagot sa isang
problema o suliranin.
Paglalathala – pagbibigay ng pokus sa isang paksa sa pamamgitan ng isang sulatin,
maaring bigyan ng deskripsyon o kwento rin na may pinagbabasehan paring
impormasyon
Globalisasyon – konsepto ng mas malawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng iba’t-ibang
bansa sa mundo.
Bokabularyo – munting aklat na tinutugmaan ng kahulugan ang mga karaniwang salita.
Kabag – paninigas ng tiyan.
Denotasyon – ay ang kahulugan ng salita, ito din ay literal o ito ang totoong kahulugan
ng salita.
Konotasyon – ay ang mga salita o parirala na malalim ang kahulugan.
Kredibilidad - ay ang sukat ng pagiging katiwa-tiwala ng isang indibidwal.
Kahali-halina – kaaya-aya o nakakamangha.
Siglo – daang taon
Adhikain – layunin o hangarin
Balarila – isang agham na tumatalakay sa mga salita at kanilang pagkakaugnay-ugnay.

4. PAGSUSURI =

Pananaliksik ang pangkalahatang tawag sa mga kaparaanang tumutukoy


sa proseso ng pagsagot ng mga makabuluhang tanong na maaring humantong
sa pagkakatuklas ng bagong kaalaman sa lahat ng bagay, mula sa materyal na
realidad hanggang sa mga pilosopikong tanong.
Ang pananaliksik ay mahalaga sa paglinang ng kritikal na pag-iisip sa anumang
uri ng gawain na hindi hiwalay o tiwalag sa karaniwang karanasan. Ang
kaalamang nabubuo sa pananaliksik ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa
paglalathala, pagbuo ng patakaran, at iba pang pormal na daluyan ng kaalamang
panlahat, makikita din ito sa pagpapasiya ng mga indibidwal hinggil sa wastong
direksiyon ng kanilang buhay sa pamamagitan ng sistematikong pagsusuri sa
kanilang sari-sariling kalagayan. Laging nagbibigay ng pagkakataon ang
pananaliksik tungo sa pagsasakatutubo at lokalisasyon ng kaalaman.
Kailangang bigyang diin ang kultural na gamit ng pananaliksik lalo na sa
panahong ito na marubdob ang kampanyang itanghal ang benepisyo ng
globalisasyon.
Pundamental sa pananaliksik ang kakayahang komunikasyon, lalo na ang
maingat na paggamit sa wika para tukuyin ang pisikalidad at katuturan ng bagay-
bagay.
Kailangang idagdag na hindi literal ang lahat ng komunikasyon. Kontekstuwal at
kultural din ito. Ano man ang pundasyon ng wika, kailangan itong isakonteksto
lagi ayon sa nagbabago-bagong kondisyon ng lugar, panahon, at kaugalian. Ang
pagiging kontekstuwal at kultural mg komunikasyon ay magiging labis na kapaki-
pakinabang sa antas ng dalubhasaan.
Ang mabisang paggamit sa wika ay dapat madagdagan ng pagkakatuto o literasi
sa ibang disiplina, upang makapagsagawa ng iba’t- ibang uri ng pananaliksik.
Kung tutuusin, maraming literasi ang maaaring malinang kung sistematiko
lamang ang magiging pundasyon ng pag-aaral ng wika at panitikan. Hindi
lamang layon ng literasi ang matutong magbasa at magsulat, marami itong anyo.
Gayundin, mahalagang pundasyon ng pananaliksik ang pagpapatalas ng
imahinasyong sosyolohiko (sociological imagination), isang mahalagang
katangian ito sa pag-uugnay ng sarili sa mga nagaganap sa lipunan.
Ibinabalik ang pananaliksik sa kaniyang konteksto upang mapag-isipan kung
paano ito maiuugnay sa kaalaman.

5. BUOD =

Pananaliksik ang pangkalahatang tawag sa mga kaparaanang tumutukoy


s aproseso ng pagsagot ng mga makabuluhang tanong na maaring humantong
sa pagkakatuklas ng bagong kaalaman sa lahat ng bagay, mula sa materyal na
realidad hanggang sa mga pilosopikong tanong.

Apat na bahagi ng pananaliksik:


- Pagbuo ng makabuluhang tanong;
- Paghanap ng mga pamamaraan upang masagot ang tanong;
- Pagsusuri ng nalikom na datos batay sa idinisenyong pamamaraan; at,
- Pagharap ng kasagutan sa orihinal na tanong sa madla.

Mula elementarya hanggang kolehiyo, dapat ipadanas sa mag-aaral ang iba’t-


ibang gamit at baryasyon ng pananaliksik sa iba’t-ibang paraan at pamamaraan.
Para s amga gurong nagtuturo ng wika, komunikasyon, panitikan, sining, kultura
at pilosopiya, mahalagang itatak sa isipan ng mga mag-aaral na
pundamentalang pananaliksik sa anumang gawain – akademiko man o hindi.
Ang pananaliksik ay mahalaga sa paglinang ng kritikal na pag-iisip sa
anumang uri ng gawain na hindi hiwalay o tiwalag sa karaniwang karanasan.
Ang kaalamang nabubuo sa pananaliksik ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa
paglalathala, pagbuo ng patakaran, at iba pang pormal na daluyan ng kaalamang
panlahat, makikita din ito sa pagpapasiya ng mga indibidwal hinggil sa wastong
direksiyon ng kanilang buhay sa pamamagitan ng sistematikong pagsusuri sa
kanilang sari-sariling kalagayan. Laging nagbibigay ng pagkakataon ang
pananaliksik tungo sa pagsasakatutubo at lokalisasyon ng kaalaman.
Kailangang bigyang diin ang kultural na gamit ng pananaliksik lalo na sa
panahong ito na marubdob ang kampanyang itanghal ang benepisyo ng
globalisasyon.

Ang Pananaliksik bilang Kakayahang Pangkomunikasyon


Pundamental sa pananaliksik ang kakayahang komunikasyon, lalo na ang
maingat na paggamit sa wika para tukuyin ang pisikalidad at katuturan ng bagay-
bagay.
Kaya naman sa mga unang baitang pa lamang ng pag-aaral, kailangan ang
paglinang ng kakayahang pangwika bilang pundasyon ng pananaliksik sa
anumang asignatura.
Kailangang idagdag na hindi literal ang lahat ng komunikasyon. Kontekstuwal at
kultural din ito. Ano man ang pundasyon ng wika, kailangan itong isakonteksto
lagi ayon sa nagbabago-bagong kondisyon ng lugar, panahon, at kaugalian. Ang
pagiging kontekstuwal at kultural mg komunikasyon ay magiging labis na kapaki-
pakinabang sa antas ng dalubhasaan.

Ang Pananaliksik bilang Saligan ng iba’t-ibang Pagkatuto o Literasi


Ang mabisang paggamit sa wika ay dapat madagdagan ng pagkakatuto o
literasi sa ibang disiplina, upang makapagsagawa ng iba’t- ibang uri ng
pananaliksik. Kung tutuusin, maraming literasi ang maaaring malinang kung
sistematiko lamang ang magiging pundasyon ng pag-aaral ng wika at panitikan.
Hindi lamang layon ng literasi ang matutong magbasa at magsulat, marami itong
anyo, ilan sa mga literasing ito ay ang sumusunod:

a. Kapaki-pakinabang (functional) – abilidad na gamitin ang mga batayang


kakayahang pangkomunikasyon;
b. Simboliko – abilidad na maunawaan ang pagpapahayag na gumagamit ng
uri ng komunikasyong simboliko para bumuo ng kahulugan;
c. Pang-impormasyon – abilidad na humanap, kumalap, sumuri at
tumimbang sa bisa at halaga ng anumang impormasyon. Pundamental pa
rin ito sa pananaliksik sa anumang larangan. Hindi lahat ng
impormasyong nakalimbag at ipinagpaplagay na totoo ay may kabuluhan
at kawastuhan;
d. Biswal – abilidad na bumuo ng katuturan at kahulugan
e. gamit ang iba’t-ibang simbolismo sa labas ng mga sistemang pangwika;
f. Pansining – kakayahang bigyan ng pagpapahalaga ang sining;
g. Pangmidya – abilidad na masuri ang iba’t-ibang anyong pangmidya at
makita ang potensyal at panganib ng paglikom ng impormasyon mula dito;
h. Panteknolohiyang Elektroniko o Dihital – abilidad na gumamit ng
kompyuter at mga aplikasyon nito para makalikom ng impormasyon at
magamit sa mga kapaki-pakinabang na gawain;
i. Pinansiyal – kakayahang humawak ng salapi at unawain ang implikason
ng paggamit nito sa iba’t-ibang paraan;
j. Pangkalikasan – pagkakatuto ng paglinang ng isang pamumuhay na
nagsusuri sa mga limitasyon ng mga likas na yaman at pagsiyasat sa
implikasyon sa kalikasan;
k. Pangkultura – abilidad na unawain ang kaibahan ng mga kultura at
kilalanin ang mga historiko at panlipunang kondisyong nagtatangi sa
sariling kultura.
Marami pang uri ng literasi na hindi na binabanggit sa listahang ito. Ang mga
prosesong pangkomunikasyon na matututuhan sa mga klaseng katulad sa
Filipino ay mainam na pundasyon sa pagpapatalas ng kasanayan sa
pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip para sa iba’t-ibang bagay na nagtatalaga ng
kolektibong kaayusan sa ating panahon.

Ang Pananaliksik bilang Pagsasanay sa Imahinasyong Sosyolohiko


Gayundin, mahalagang pundasyon ng pananaliksik ang pagpapatalas ng
imahinasyong sosyolohiko (sociological imagination), isang mahalagang
katangian ito sa pag-uugnay ng sarili sa mga nagaganap sa lipunan. Hindi
limitado ang imahinasyong sosyolohiko sa mga sosyologo o mga propesyonal na
may karanasan sa mga agham panlipunan, isa itong kasanayang kailangang
malinang sa kahit na sinong mananaliksik.
Kaya kailangang himukin ang mga mag-aaral na magsaliksik tungkol sa mga
paksa at usaping malapit sa kanilang sariling karanasan.

Ang Pananaliksik bilang Pundasyon ng Pag-unawa sa Kultura


Ibinabalik ang pananaliksik sa kaniyang konteksto upang mapag-isipan
kung paano ito maiuugnay sa kaalaman. Habang bata pa, kailangan nang
ipakilala sa mga estudyante na ang pag-aaral ay hindi lamamng maisasagawa
sa pamamagitan ng pagmememorya ng datos sa mga libro. Ang totoo, kailangan
ang paglabas sa silid-aralan upang tunay na magsaliksik sao paligid o daigdig ng
mag-aaral, ito ang lohika ng fieldtrip na nagbabalatkayong uri ng pamamasyal.
Ang pamamasyal ay isang metapora para sa pag-obserba sa paligid.
Bilang pagdidiin, nais kong ulitin ang panimula kong punto. Pundamental ang
humanidades at agham panlipunan sa paglinang ng higit na maalam at bihasang
pananaliksik sa anumang larangan. Ang dalawang naturang larang ay
nagbibigay ng timbang na halaga sa pagmumuni, pagsusuri, at pagbibigay ng
angkop na representasyon sa iba’t-ibang kultura, karanasan at representasyon.
Upang maging higit na epektibo ang asignaturong Filipino, kailangan itong
umigpaw mula sa tradisyonal na mga kaparaanang naging dahilan kung bakit
hindi ito minamahalaga ng maraming lider at kahit na ng mga mag-aaral.

You might also like