Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Masining na Pagbasa)

Si Dindo Pundido

Tuwing sasapit ang dilim,


nabubuhay ang kagandahan ng hardin sa kislap ng mga alitaptap.
Sa kanilang marikit at munting mundo,
sikat ang mga anak nina Don Fuego at Donya Luz.

Ang panganay na si Silaw ang may ilaw na ubod ng lakas.


Parang plaslayt naman ang diretsong ilaw ni Sinag.
Sari-sari naman ang kulay ng kislap ni Kutitap.

Dahil sa angking galing ng magkakapatid,


pinanabikan ng lahat ang pagsilang sa bunso.
“Siguro maraming ilaw ang bunso!” hula nila,
“O kaya’y umiilaw ang pakpak!”

Nagpulong ang lahat at nag-abang sa pagsilang.


Ngunit nagulat sila sa lumabas sa itlog – isang alitaptap na walang kislap!

“Ay, wala siyang ilaw!” nagulat na sabi ni Silaw.


“Tatawagin ko siyang Dindo!” pahayag naman ni DonFuego.
“Si Dindo Pundido!! Ha- ha -ha!” tukso ni Sinag.
“Anong klaseng alitaptap iyan?” tanong ni Kutitap.
“Siya ay katangi-tangi tulad din ninyong magkakapatid,” sagot ni Donya Luz.

Paglaki ni Dindo, labis niyang ikinahiya ang pagkapundido.


“Inay, espesyal din ba ako tulad nina Kuya at Ate?”
Nag-aalalang tanong ni Dindo.
“Oo, anak. Espesyal tayong lahat. Ang kawalan mo ng ilaw
ang nagpapabukod-tangi sa iyo,” malambing na wika ni Donya Luz.

“At huwag kang mahiyang makihalo sa ibang alitaptap.


Doon mo makikita ang iyong tunay na kislap,”
payo naman ng kaniyang ama
Kaya’t sa sumunod na gabi, sinundan ni Dindo ang kanyang mga kapatid
sa pag-asang mahanap ang kaniyang sariling kislap.
“Kuya Silaw, gusto ko ring painitin ang bahay ni Landong Langgam!”ani Dindo.
“Ang malakas kong ilaw lamang ang kayang magpainit dito!” sagot ni Silaw.
“Kay Sinag ka na langmanggulo!”

“Kuya Sinag, tutulungan kita sa paghahanap sa kuwintas ni Binibining Mariposa!” wika


naman ni Dindo sa isa pa niyang kuya.
“Ilaw ko lang ang maaaring gumabay sa landas ng binibini!” sagot ni Sinag. “Kay Kutitap
kamangulit!”

“Ate Kutitap, gusto ko ring pasayahin ang salo-salo ng mga kitikiti!” wika ni Dindo.
“Huwag kang magulo! Tanging ilaw ko lang ang makulay at maganda para sa salo-salong
ito!” mataray na sagot ni Kutitap.
“Paano ko kaya mahahanap ang aking kislap?” bulong ni Dindo sa kaniyang sarili.

Nang makalaya na si Dindo, bigla niyang narinig ang matinis na sigaw ni Kutitap. “Saklolo!”
Agad na bumalik si Dindo sa kinaroroonan ng mga kapatid.
Pero, madilim na ang bahay ni Landong Langgam.
Lilipad-lipad na si Binibining Mariposa suot ang kanyang kuwintas, at tahimik na ang salo-
salo ngmga kitikiti.

Luminga-linga si Dindo at nakita niya ang isang higanteng bote.


Nakakulong dito ang kaniyang mga kapatid!

Napansin din ni Dindo ang ibang alitaptap na nagtatago sa ilalim ng malaking dahon.
Lahat sila ay takot na takot. Walang gustong lumapit sa bote.
“Kung sila ang magtatangkang sumagip,
tiyak na mahuhuli rin sila ng bata,” ani Dindo sa sarili.

Nagulat ang mga nagtatagong alitaptap nang lumapit si Dindo sa bote,


Papel lang ang takip ng bote, kaya’t tinadyakan niya ito,
hinila, binatak, at sinipa.

Isa-isang nakalaya ang mga kapatid ni Dindo.


Patakbong lumapit ang bata upang hulihin silang muli.

Ngunit biglang lumitaw na hugis-multong papalapit sa kaniya!


Sa takot, mabilis na tumakbo palayo ang bata.
Tuwang-tuwa naman ang mga alitaptap na nasahugis-multo pa rin.

Pinalibutan ng kaniyang mga kapatid sa Dindo.


“Maraming salamat, Dindo!” wika nila.

“Patawarin mo kami sa pagmamaliit namin sa iyo. Espesyal kang talaga!”

Sa unang pagkakataon, may kakaibang liwanag sa hardin para kay Dindo.


At nang gabing iyon, natuklasan ni Dindo ang kaniyang tunay na ningning.
The Resiliency of a Filipino
by William G. Bacani

B: Filipino is resilient
G: Since time immemorial, we are tested by countless calamities; volcanic eruptions,
devastating earthquakes and lahar flows, super typhoons, flash floods and landslides.
B: Victoriously, we surmounted these ordeals and pains, beyond imagination of the human
race
G: Instant death of our loved ones, claimed by transportation mishaps and natural disasters.
Thousands also die in hunger and malnutrition.
ALL: Including ambushes and endless wars in Mindanao. They trampled our basic human
rights, such as the right to live.
G: (solo): I lost my loving husband, who didn’t want to join Abu Sayyaf.
G: (solo) I lost my only son, who opted to become a military man
G: We lost our innocent children and women; we lost our homes and properties.
B. Survivors are Filipinos. The wrath of nature and cruel destiny mu steal everything from us.
B (solo): Wealth, properties and family.
ALL: But Filipinos never give up
B: For us we continuously scourged by the test of time. The spirit to survive and to bounce back
remains undefeated.
ALL: I’m as pliant as a bamboo for I’m a man of Earth
G: My hair may all be blow away by the winds
B: And my legs may be crippled by the smash of waves.
ALL: But I will stand and pick up the shattered pieces of myself and continue to live.
B: Resolute to survive, clothed with an inspiration to live, not only for my family but also for my
beloved country.
ALL: Filipinos unite in the midst of crisis, regardless of socio-economic status, tradition, and creed.
G: The world has seen the magnanimous spirit of the Filipinos in crucial times.
ALL: The gap between the rich and the poor was narrowed
G (solo): Envy was replaced by sympathy
G (solo): Hatred was conquered by love
B (solo): Selfishness was set aside.
B: And saving one’s live is the ultimate desire.
ALL: History tells us that the Filipinos have captured innumerable foes, natural and not. And shall
always strive to champion in all odds. Because innate in the Filipinos is the will to survive.
B: We may be daunted by the horrible scenes around us. But certainly, we will be strengthened by
our unwavering faith in God.
G: We have been lotted by many nations in the world, for our resiliency during disasters, other die in
savings lives.
ALL: But only few realize, that we are able to survive, because our spirit to fight is deeply anchored
from faith, that God Almighty will never forsake us.
B (solo): I believe that Filipinos, divided by varied doctrines and cultures, are capable to be on top of
any situation, if united
ALL: Together, we can face any challenge ahead of us.
B: We may stumble and fall
ALL: But we will bounce back, arms stronger with vision and Faith, that after darkness, after pains
and sufferings, the Filipinos survives, the Filipino is resilient.

“Luha”
Rufino Alejandro

Daloy, aking luha… daloy aking luha, sa gabing malalim, sa iyong pag-agos, inanod mo lamang ang aking
damdamin,Hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na
libong tiisin!Nang ako’y musmos pa at bagong nunukad yaring kaisipan,May biling ganito si Ama’t si Ina
bago sumahukay: “Bunso, kaiingat sa iyong paglakadsa landas ng buhay, Ang ikaw’y mabuyo sa gawang
masama’y dapat mong iwasan.”Nang ako’y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpakNg kapalalua’t
ang aral ni Ama’t ni Ina’y hinamak;Sa maalong dagat ng buhay sa mundo’y nag-isang lumayag,Iniwan sa
pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
na nitong huli na’y sakanakilalang alak na nanatay! Ang pinagbataya’y dapat magpasasa sa
kasalukuya’tIsang “Bahala na!” ang tanging inyukol sa kinabukasan!Kaya naman
ngayon sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ngisang huling
pagsisisi;Tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkaduhagi’t iluha ang aking palad
na nasapitna napakaapi!Daloy, aking luha… dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
ang pusong nabagbag sapakikibaka sa dagat ng buhay; inanod ang dusang dulot ng
tinamong mga kabiguan,Nang yaring hirap ko’t susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
Daloy, aking luha… dumaloy ka, dumaloy ka…!Magsisi man ako ay huli na… Ang
panahong nawaglit ay din a maibabalik!Kaya mga kabataan, huwag nyong tularan
ang aking karanasang Ang kinahantungan ay kapighatian…Kapighatiang patuloy
kong pinagsisisihan!Daloy aking luha, dumaloy ka…

You might also like