Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PYESA NG MASINING NA SABAYANG PAGBASA

GRADE 1
Ang Leon at ang Daga
NARRATOR:Isang araw, natutulog ang mabagsik na Leon. Isang daga
ang naparaan at siya’y naamoy ng leon kaya’t ito’y nagising. Bigla itong
hinuli ang daga. Nagmakaawa sa leon ang daga.

DAGA:“Maawa ka sa akin! Huwag mo akong kainin! Sa liit kong ito’y


hindi ka mabubusog. Pakawalan mo na ako. Balang araw ay makagaganti
rin ako sa iyo.”

LEON:“Sa liit mong iyan, paano ka makakatulong sa akin?”

NARRATOR: sagot na patanong ni Leon.

DAGA: “Hindi ko alam. Pero nasisiguro ko, makakatulong ako sa iyo,”

NARRATOR: sagot ni Daga.

LEON: “Magpasalamat ka at kakakain ko lang. Sige, makakaalis ka na,”

NARRATOR: sabi ni Leon.

DAGA: “Maraming salamat,”

NARRATOR:sabi ni Daga na nagmamadaling umalis.


Minsan, habang naglalakad sa gubat si Leon, hindi nya napansin ang isang
bitag. Nakita na lamang niya ang sarili sa loob ng isang lambat.

LEON:“Tulungan niyo ako!”

NARRATOR: sigaw ni Leon.Nakita ni Usa ang nangyari kay Leon.


Lumapit ito.

LEON: “Tulungan mo ako, kaibigan,”

NARRATOR: pakiusap ni Leon kay Usa.

USA:“Pakakawalan kita, pagkatapos ay kakainin mo rin ako. Ayoko!”


sagot ni Usa sabay alis.
Hindi malaman ni Leon ang gagawin. Paikut-ikot siya, nagpipilit na
makawala. Isang Unggoy ang naparaan.
LEON: “Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako,”

NARRATOR: sambit ni Leon kay Unggoy.

UNGGOY: “Ano? Pakakawalan kita? Kahapon lang ay hinabol mo ako


para kainin. Tapos ngayon, tutulungan kita?
Hindi, ayoko!”

NARRATOR: sagot ni Unggoy. At nagpatuloy ito sa paglakad.


Siya naming pagdating ni Daga.

DAGA:“Tutulungan kita, kaibigan,”

NARRATOR:ang sabi ng daga kay Leon

LEON:“Paano mo ako matutulungan? Napakaliit mo,”


NARRATOR:Pagalit na sagot ni Leon.
Hindi na sumagot ang daga. Sinimulan nyang ngatngatin ang lambat
hanggang makagawa siya ng butas na daraanan ni Leon.
Sa wakas, nakalabas din si Leon. Anong tuwa niya!

LEON: “Maliit ka nga pero malaki ang nagawa mo. Salamat, kaibigan.
Makakaganti rin ako sa iyo.

NARRATOR:Sabi ni Leon.

DAGA:“Huwag mo nang alalahanin iyon. May utang na loob din ako sa


iyo.”

NARRATOR:Sagot ni Daga.

You might also like