Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

February 16, 2022

KAPATID NA

EDUARDO V. MANALO
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
SA IGLESIA NI CRISTO
TEMPLO CENTRAL, QUEZON CITY

KAPATID NA

ROY B. DELA PEŇA


Tagapangasiwa ng Distrito
Iriga City, Camarines Sur

Mahal na Punong Ministro,

Isang mapagpalang araw po sa lahat ng Kapatiran sa Iglesia ni Cristo.

Ako po si NENA BERCES BAGASBAS, Nakatira sa Zone 6, Duran, Balatan,


Camarines Sur at nakaupong Mayor ng Bayan na ito.

Noong huli po na ako’y lumapit sainyo ay kalakip ang aking paghingi ng tulong at
suporta para sa aking kampanya tungo sa matagumpay na halalan noong nakaraang 2019
National and Local Election. Dahil doon, ang aking nag uumapaw na kagalakan at pasasalamat
sa binigay ninyong tulong ng kapatiran. At ito’y tinatanaw ko na isang malaking utang na loob
sainyong lahat.

Di rin po lingid sa aking kaalaman na ang pagtalaga ng taong bayan sa akin ay kaakibat
ang mga pasanin, hindi lamang ng pamahalaang local kung hindi ng bawat individual na aking
nasasakopan. Gaya ng asawa ko noon na si dating Alkalde Ernesto Arillas Bagasbas na
namayapa na kamakailan lamang, pareho naming pangarap na mapaayos at maiangat ang antas
ng pamumuhay dito sa aming lugar na siyang aking ipinagpapatuloy at ginagawa ngayon.

Tunay ngang sa buhay natin dumarating ang mga pagsubok na tayo ay susubukin ng
Maykapal, hindi upang tayo pahirapan bagkus upang subukin ang kakayahan upang lalo pa itong
linangin para lalo pang maging mahusay. Gaya na lamang ng pagdating ng pagsubok na ngayoy
tinatamasa pa rin nating COVID-19. Maraming nagutom, nawalan ng trabaho, at nawalan ng
buhay. Ito’y masakit, sobrang sakit, bilang leader, bilang Ina ng aking munting Bayan na
makitang nahihirapan ang mga anak ko sa panunungkulan ko. Subalit alam ko na ito’y pagsubok
lamang. At walang pagsubok na hindi malalampasan lalo na kung ikaw ay may pananalig sa
Ama, na siyang gumagabay at nagpoprotekta sa ating lahat.
Ganun pa man, sa kabila ng mga pagsubok na ito, ako’y masaya at didikado dahil
nagampanan ko ang pagpapasya ninyo sa akin. Di ko sinayang ang pagkakataon at tiwala na
ibinigay ninyo sa akin sa pamamagitan ng pagtanaw at pagtulong ng pantay-pantay at walang
pinipili lamang.

Ngayong malapit nanaman ang halalan, ako’y nandito muli sainyong harapan upang
hingin muli ang tulong ninyo sa Iglesia Ni Cristo. Ito’y ginawa ko po hindi para sa sarili ko,
bagkus para sa aking mamamayan na ang isinisigaw ay kaginhawahan. Hindi rin naman po ako
perpektong tao may pagkakamali rin ako, subalit patuloy at araw araw kong binabago ang aking
sarili para sa ikabubuti ng lahat.

Walang Mayor Nena B. Bagasbas ang Bayan ng Balatan ngayon kung hindi sa tulong
ninyo. Kaya ako’y nangangako din na tutulong sa Kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa abot ng aking
makakaya. Bilang pasasalamat sa Iglesia ni Cristo sa Pamumuno ni Kapatid na EDUARDO V.
MANALO.

Mabuhay po kayo!

At maraming maraming Salamat po.

I love you all…

Lunos na gumagalang,

NENA BERCES- BAGASBAS


Municipal Mayor
Balatan, Camarines Sur

You might also like