Professional Documents
Culture Documents
Ang 8 Bahagi NG Pananalita
Ang 8 Bahagi NG Pananalita
Ang 8 Bahagi NG Pananalita
Bahagi ng
Pananalita
Ipinasa ni:
Rhyza May G. Bocauto
Ipinasa kay:
Norma Gonzales
8 Bahagi ng Pananalita & Kanilang Mga Kahulugan
at Halimbawa
BAHAGI NG PANANALITA – Narito ang walong(8) bahagi ng pananalita at mga
kahulugan at halimbawa ng bawat isa.
May walong(8) bahagi ng pananalita at ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito.
Papag-usapan natin ang kanilang mga kahulugan at mga halimbawa ng bawat isa.
1. Pangngalan
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari,
o ideya.
Mga Halimbawa:
G. Tom Cruz
San Juan Elementary School
Kaarawan
Silya
Aso
2. Panghalip
Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa
isang pangungusap o taludtud.
Mga Halimbawa:
Ako
Ikaw
Siya
Tayo
Kami
3. Pandiwa
Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
Kumakain
Naglaba
Tumalon
Kumanta
Umalis
4. Pangatnig
Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa
isang pangungusap.
Mga Halimbawa:
Ngunit
At
Subalit
Kaya
Dahil
5. Pang-ukol
Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan,
panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito.
Mga Halimbawa:
Para sa
Ayon kay
Para kay
Hingil Kay
6. Pang-angkop
Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga
salita upang mas madulas ang pagbasa nito.
Mga Halimbawa:
na
ng
7. Pang-uri
Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay,
pook, pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang.
Mga Halimbawa:
Maganda
Mataas
Dilaw
Walo
Mapayap
8. Pang-abay
Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o
kapwa niya pang-abay.
Mga Halimbawa:
Mabilis niyang kinuha
Agad na umalis
Pupunta sa ospital
Ayaw siyang tantanan