AP6 Q2 Test Questions Checked

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan:___________________________________ Baitang/Seksyon:_________________
Paaralan:___________________________________ Petsa:__________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Itiman ang bilog sa letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang pangulo ng Estados Unidos na nagpadala kay Heneral Wesley Merrit upang pamunuan ang
pamahalaang militar?
A. Bill Clinton C. Theodore Roosevelt
B. Ronald Reagan D. William McKinley
2. Anong patakarang ang pinatupad ng mga Amerikano na naglalayong masupil ang diwang makabayan ng
Pilipino?
A. Batas Brigansiya C. Philippine Organic Act
B. Patakarang Kooptasyon D. Patakarang Pasipikasyon
3. Anong batas ang nagbabawal sa paggamit ng bandila o anumang simbulong makabansa na nagpapahayag
ng pagtaligsa sa mga Amerikano tulad ng watawat ng katipunan?
A. Batas sa Bandila C. Batas sa Sona
B. Batas sa Sedisyon D. Batas sa Brigansiya
4. Anong batas ang nagtadhana ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas?
A. Batas Payne-Aldrich C. Batas Hare-Hawes Cutting
B. Batas Tydings-Mc Duffie D. Batas Simmon Underwood
5. Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?
A. Dahil hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino
B. Dahil tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan ng mga Amerikano
C. Dahil kontrolado ng mga Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas
D. Dahil mataas ang buwis na ipinataw ng mga Amerikano sa kalakalan ng mga Pilipino
6. Paano pinauunlad ng pagsasaka sa ating bansa noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
A. Sa pamamagitan ng paggawa ng balsa
B. Sa pamamagitan ng paggamit ng kalabaw
C. Sa pamamagitan ng pagtulong ng kapwa magsasaka
D. Sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong tekniko sa pagsasaka tulad ng paggamit ng patubig at
pataba
7. Alin sa mga sumusunod ang nagtatadhana ng pagkakaroon ng halalan at pagpapatuloy ng kampanya para
sa kalakalan?
A. Batas Jones C. Batas Tydings-McDuffie
B. Batas Cooper D. Batas Hare-Hawes Cutting
8. Ano ang naging layunin ng mismong Os-Rox na pinamumunuan ni Osmena at Roxas?
A. Magkaroon ng pagmamayari C. Hilingin ang kalayaan ng Pilipinas
B. Hilingin ang batas ng Pilipinas D. Magkaroon ng kinatawan ng Pilipinas
9. Anong komisyon ang inatasan ni Pangulong William McKinley sa pagpapatupad ng Pilipinisasyon?
A. Komisyong Taft C. Komisyong William
B. Komisyong Jones D. Komisyong Schurman
10. Sino ang kauna-unahang napili bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema noong 1901?
A. Alan Cayetano C. Drew Cayetano
B. Cayetano Arellano D. William McKinley

Address: M. Ortiz St., Brgy. Washington, Surigao City


Telephone No.: (086) 826-3075
Email: surigao.city@deped.gov.ph
11. Ano ang naging batayan sa legal na pagtakbo o paghalal sa pagkapangulo,pangalawang pangulo at
miyembro ng konseho?
A. Municipal Code Act No. 82 C. Municipal Code Act No. 84
B. Municipal Code Act No. 83 D. Municipal Code Act No. 85
12. Anong hakbang ang ginawa ng pamahalaang Komonwelt upang makamit ang minimithing kasarinlan?
A. Humiling ng kalayaan ng may kapalit
B. Nagsagawa ng mga dahas na pamamaraan ang mga Pilipino
C. Nagsagawa ng mga misyon at batas pangkalayaan ang mga Pilipino
D. Pumili ng mga namumunong magagaling para mamuno sa pakikipaglaban
13. Ano ang magandang naidulot ng pagsisikap ng mga Plipino tungo sa nagsasariling pamahalaan?
A. Natuto ang mga Pilipino sa paghawak ng katungkulan
B. Naipakita ang kanilang katapangan para sa bansa
C. Walang naging epekto sa ekonomiya ng bansa kaya hindi dapat ito pagtuunan ng pansin
D. Hihina ang pakikipag-ugnayang panlabas na bansa dahilan upang ihinto ng ilang bansa ang kanilang
tulong-pinansyal
14. Paano mo pahahalagahan ang mga pagsisikap ng ating mga sinaunang Pilipino sa pagtatag ng
nagsasariling pamahalaan?
A. Alamin ang mabuti nilang nagawa at huwag nang alalahanin
B. Pag-aralan ito para makapasa sa pasulit sa paaralan at nang makakuha ng malaking grado
C. Kilalanin ang kanilang mga mabuting nagawa at isa puso’t isip ang kanilang mga layunin para sa bayan
D. Gayahin ang kanilang mga ginawang pakikipaglaban at hindi magpatalo kahit sa anumang labanan para
makamit ang tunay na kalayaan
15. Sino ang nanungkulan bilang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
A. Ferdinand Marcos Sr. C. Rodrigo Roa Duterte
B. Manuel L. Quezon D. Sergio Osmena Sr.
16. Aling sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa programang pang-edukasyon ng pamahalaang
komonwelt.
A. Pagtakda ng kalayaan ng Pilipinas sa loob ng pitong taon
B. Sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala ng bansa
C. Paglaganap ng kuluturang Amerikano sa kabuhayan ng mga Pilipino
D. Paghirang ng kinatawang Amerikano sa kongreso ng Estados Unidos
17. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa panahong Komonwelt na naranasan ng mga
Pilipino sa larangan ng politika?
A. Pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan
B. Pag-aaral ng libre sa mga pampublikong paaralan
C. Pagiging kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan
D. Pagbibigay ng karapatan na makapili at makaboto ang mga Pilipino
18. Ano ang wikang panturo ang ginamit sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
A. Bisaya C. Ingles
B. Ilonggo D. Tagalog
19. Bakit nagkaroon ng pambansang halalan noong Setyembre 7, 1935?
A. Upang makapili ng pambansang wika para sa bansa
B. Upangmakapiling mamahala sa Pamahalaang Komonwelt
C. Upang makapili ng mamumuno sa Sandatahang Lakas ng bansa
D. Upang maipahayag ang hinahangad ng mga Pilipino kasarinlan
20. Kailan dinakip si Emilio Aguinaldo na siyang naging hudyat ng pagwawakas ng digmaang Pilipino at
Amerikano?
A. Enero 14, 1901 C. Abril 17, 1901
B. Marso 23, 1901 D. Hunyo 12, 1901

Address: M. Ortiz St., Brgy. Washington, Surigao City


Telephone No.: (086) 826-3075
Email: surigao.city@deped.gov.ph
21. Paano ipinapapalaganap ang edukasyon sa bansa noong panahon ng pananakop ng Amerikano?
A. Sa tulong ng mga Pilipinong mambabatas
B. Sa pamamagitan ng pagtatag ng demokrasya
C. Hindi pagsunod sa mga patakaran ng paaralan
D. Sa pakikilahok ng ng mga aktibista sa unibersidad
22. Ano ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano?
A. Kakulangan ng mga sandata
B. Walang pagkakaisa ng mga pinuno
C. Kakulangan sa lakas at tibay ng loob
D. Walang sapat na kakayahan sa pakikipaglaban
23. Paano binigyang pansin ng mga Amerikano ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino?
A. Namigay ang mga Amerikano ng mga pagkain at gamot
B. Pinahinto ng mga Amerikano ang pagpapagamot ng mga Pilipino sa mga albularyo
C. Nilait ng mga Amerikano ang pamamaraan ng mga Pilipino sa kalusugan at sanitasyon
D. Nagtayo ang mga Amerikano ng Lupon sa Kalusugan ng Bayan o Board of Public Health
24. Alin sa mga sumusunud ang HINDI kasama sa mga pangunahing layunin ng pagpapalaganap ng
edukasyon sa bansa sa panahon ng mga Amerikano.
A. Pagtuturo ng wikang ingles.
B. Pagpapalaganap ng demokrasya
C. Pagpapaabot sa mga taong kulturang mga Amerikano
D. Pagpapatayo ng mga gusaling matataas para sa pagsamba ng mga Pilipino
25. Sa anong taon itinatag ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o Department of Public Instruction?
A.1501 B.1701 C.1801 D.1901
26. Kailan ikinabit sa Maynila ang unang makabagong sistema ng telepono na ngayon ay bahagi ng Philippine
Long Distance Telephone Company o PLDT?
A.1766 B.1865 C.1965 D. 1966
27. Paano ipinatupad ng mga Hapones ang mga patakaran sa mga Pilipino upang supilin ang kalayaan?
A. Binigyan ng halaga ng mga hapones ang relihiyon ng mga Pilipino
B. Binigyan ng karapatan ang mga kababaihan na mamuno sa bansa
C. Binigyan ng kalayaan ang mga Pilipino upang maipaabot ang kanilang saloobin
D. Nagpatupad ng paghigpit sa mga pahayagan at inalis mula sa aklat ang anumang patungkol sa Kulturang
Amerikano
28. Ang sumusunud ay mga masamang epekto ng pananakop ng mga Hapones sa bansa, MALIBAN sa.
A. Paggamit ng wikang tagalog
B. Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang edukasyon
C. Nagdulot ng takot at paghihirap sa maraming Pilipino
D. Nawalan ng kalayaan at makapagsalita at makapagpahayag ng damdamin
29. Bakit tinatawag na “mickey mouse money” ang ipinalabas na salapi ng mga hapon?
A. Dahil ito ay isang laruan
B. Dahil ito ay manipis na papel lamang
C. Dahil ito ay may mukha ni mickey mouse
D. Dahil sa kakulangan ng mahahalagang impormasyon sa disenyo
30. Ano ang pinakamalaking suliranin ang dinaranas ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones?
A. Kawalan ng trabaho
B. Kawalan ng disiplina
C. Kakulangan sa pagkain
D. Kawalan ng mga karapatan

Address: M. Ortiz St., Brgy. Washington, Surigao City


Telephone No.: (086) 826-3075
Email: surigao.city@deped.gov.ph
31.Ano ang naging epekto at resulta ng mga Patakarang ipinatupad ng mga hapones sa mga Pilipino?
A.walang halaga
B.nagtayo ng isang organisasyon
C.Pantay-pantay ang karapatang pantao
D.Nilabag ang karapatang pantao ng mga mamamayan gaya ng pagpatay at iba pa.
32. Paano naging mabuti ang mga patakaran na ipinatupad ng mga Hapones sa Pilipinas?
A. Pagdagdag ng kitang pamahalaan sa Pilipinas
B. Pagtangkilik ng mga produktong gawa sa Amerika
C. Dahil nagkaroon ng maraming trabaho sa Pilipinas
D. Dahil ang karapatan ng mamamayan ay kanilang nilapastanganan at hindi tinupad ang pangakong bigyan
ng kalayaan ang bansa
33. Anong batas ang inaprubahan ni Pangulong Quezon na nagtatalaga sa GSP bilang pambansang
organisasyon?
A. Commonwelt Act 542 C. Republic Act 1052
B. Commonwelt Act 753 D. Executive Act 9072
34. Sino ang may paniniwala na wala sa kulay ng balat ang husay ng isang tao kundi nasa layunin at gawa
tungo sa ikauunlad ng daigdig?
A.Jose Abad Santos C. Luis Taruc
B.Josefa Llanes Escoda D. Miguel Malvar
35. Ano ang tawag sa Kilusang binuo ng mga magsasaka ng handang mangalaga sa katahimikan ng bayan?
A. Gerilya C. HUKBALAHAP
B. KALIBAPI D. MAKAPILI
36. Sino ang gumanap sa tungkulin ni Pangulong Quezon nang siya ay inilikas upang hindi madakip ng mga
Hapones?
A.Jose Abad Santos C. Macario Peralta
B.Jose Rizal D.Tomas Cabili
37. Ano ang tawag sa mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga hapones?
A.Gerilya C. HUKBALAHAP
B.KALIPI D. MAKAPILI
38. Ano ang naging ambag ng mga kababaihan upang manatiling lihim ang operasyon ng kilusan?
A. Sumanib sa pwersa ng Espanyol
B. Sumali sa mga katipunero sa pakikipaglaban
C. Nagdaos ng Kasiyahan kasama ang mga Espanyol
D. Ginamit ang kanilang kagandahan upang linlangin ang mga Espanyol
39. Paano inilikas ni Pangulong Manuel L. Quezon ang kanyang pamilya?
A. Sa pamamagitan ng pagsakay ng kalesa
B. Sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano
C. sa pamamagitan ng pagsakay ng helicopter
D. Sa pamamagitan ng pagsakay ng submarine
40. Ano ang tanging layunin ng Greater East Asia Co-Prosperity?
A. Mapag-isa ang mga bansa sa Asya C. Mapalaganap ang kanilang relihiyon
B. Para maging makapangyarihan sila D. Maparami ang kanilang nasasakupan
41. Alin ang bukod tanging nagawa ng mga sibilyan para sa mga Pilipinong mandirigma?
A. Nagtago dahil takot makipag-digmaan
B. Lumaban ng harapan sa mga Hapones
C. Ginamot at pinakain ang mga Hapones
D. Tumakas sa ibang lugar at hindi na bumalik

Address: M. Ortiz St., Brgy. Washington, Surigao City


Telephone No.: (086) 826-3075
Email: surigao.city@deped.gov.ph
42. Sa anong lugar nagsimula at natapos ang martsa ng Kamatayan?
A. Maynila hanggang Cavite
B. Cavite hanggang Bulucan
C. Batac, Ilocos Norte hanggang Bulucan
D. Mariveles, Bataan at San Fernando, Pampanga
43. Ano ang tunay na layunin ng mga Hapon sa kanilang pananakop sa Pilipinas?
A. Upang magkaroon ng sariling pamahalaan
B. Dahil ayaw nila na may sumuway sa kanilang mga batas
C. Gusto ng mga Hapon na maging sunod sunuran sa kanila
D. Naghahanap na makukunan ng mga likas na yaman upang gamitin sa mga makabagong teknolohiya at
mga kagamitang pandigma
44. Sinong girilya ang lider militar sa Mindanao?
A. Josefa Llanes- Escoda C. Ruperto Kangleon
B. Macayo Peralta D. Tomas Cabili
45. Ilan sa mga Pilipinong nagbuwis ng buhay ay ang mga sumusunod MALIBAN kay;
A. Andres Bonifacio C. Diego Silang
B. Daniel Tirona D. Gregorio del Pilar
46. Sino ang kinilala bilang Tandang Sora na nag-aalaga sa mga sugatang Pilipino sa panahon ng pananakop
ng Espanyol?
A. Gabriela Silang C. Josefa Llanes Escoda
B. Jesusa dela Cruz D. Melchora Aquino
47. Sino ang nagtatag ng Babaeng Iskawt ng Pilipinas na tumulong sa mga sundalo noong panahon ng mga
Hapon?
A. Gabriela Silang C. Melchora Aquino
B. Josefa Llanes Escoda D. Theresa Magbanua
48. Ano ang natatanging layunin ng samahang HUKBALAHAP?
A. Makikipagkalakaran sa mga mananakop
B. Wakasan angpananakop ng mga Espanyol
C. Makikipag-ugnayan sa mga bansang mananakop
D. Tulungan ang mga Espanyol upang maisakatuparan ang kanilang layunin
49. Sino ang gumamit ng panulat na paraan upang ilahad ang pagtutol sa patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol?
A. Felix R.Hidalgo C. Marcelo H. Del Pilar
B. Juan Luna D. Teresa Magbanua
50. Ano ang ginamit na paraan ng mga bantog na pintor na sina Juan Luna at Felix R. Hidalgo upang
maipakita ang kanilang pagtutol sa patakarang ipanatupad ng mga Espanyol?
A. Dula-dulaan C. Sayawan
B. Panitikan D. Sining

Address: M. Ortiz St., Brgy. Washington, Surigao City


Telephone No.: (086) 826-3075
Email: surigao.city@deped.gov.ph
Address: M. Ortiz St., Brgy. Washington, Surigao City
Telephone No.: (086) 826-3075
Email: surigao.city@deped.gov.ph

You might also like