Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

FB https://www.facebook.com/profile.php?

id=61555876837277
PAGE

AMAHAL SA W
AGM IKA
P
MGA MIYEMBRO:
CAUILAN, TRISHA P.
CORDOVA, ARABELLE
CORNEL, CHENIE S.
DELA CRUZ, AHLEXIS FAYE A.
DIAZ, NICKY I.
EPRES, FRANCIS ANGELA B.
TIWANAG, KENALYN S.
ITURRIOS, BLESYRLL
ZAUSA, JOHN CHRISTOPHER J.
GA MIYEMBRO
M

CAUILAN, TRISHA P. CORDOVA, ARABELLE CORNEL, CHENIE S.

DELA CRUZ, AHLEXIS FAYE A. DIAZ, NICKY I. EPRES, FRANCIS ANGELA B.

TIWANAG, KENALYN S. ITURRIOS, BLESYRLL ZAUSA, JOHN CHRISTOPHER J.


Pamagat ng proyekto
Ang aming proyektong napili ay ang pagsagawa ng Facebook page na
pinamagatang “WiKatha” na nagmula sa pinaikling, Wika at Likha. Ito
ang napagpasyahan ng aming grupo bilang pamagat ng aming
Facebook page na gagawin dahil isa sa layunin ng grupo ay mang
hikayat at ipakita ang halaga ng sariling wikang Filipino sa
pamamagitan ng paglikha ng ibat-ibang malikhaing kontent na mag
bibigay kaalaman at susubok sa kanilang kaalaman sa wikang
Filipino.

Ang aming page ay binubuo ng dalawangput limang kontent (25) na


hinati sa tatlong (3) parte at isingawa sa dalawang (2) paraan,
palitrato at maikling bidyo.

Mga palitratong kontent:


(4) Wika ngayong araw
(1) Pag babalik tanaw
(4) Slogan
(3) Poster
(3) Buoin ang salita
(1) Kompletuhin ang salita
(1) Hanapin ang malalim na salitang filipino

Maiikling bidyo:
(1) Alam mo ba?
(1) Filipino ako,
(2) Spoken poetry
(1) Music Video

Panayam:
(1) Tanong ko, Sagot mo 1
(1) Tanong ko, Sagot mo 2
(1) Mabilisang katanungan
Kailan at Saan isinagawa
Ang pag sasagawa ng mga nilalaman ng aming proyekto ay
nahahati sa tatlong kategorya. Unang kategorya ang
pagpaplano na isinagawa noong Enero 25 gamit ang MS
Teams na app, dito pinagusapan at pinlano ng maayos ang
mga kontent at hinati sa bawat miyembro ang mga gagawin
na nilalaman. Pangalawang kategorya, ang pagsasabuhay ng
mga nagawang plano na nahahati din sa tatlong parte. At
pinaka huling kategorya ay ang paggawa ng panulat at pa-
bidyo na dokumento. Sa unang parte ng aming nilalaman,
ito’y ginanap ng ika- Enero 29, alas siete ng umaga sa
Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa at sa
Intramuros. Inilaan ng aming grupo ang buong araw na ito sa
pagbuo ng mga kontent na pa-bidyo kagaya na lamang ng
inteview, mga montage na bidyo, Filipino-ako at iba pa, upang
magkaroon ng mahabang panahon para sa pagsasa-ayos ng
iba pang kontent lalung- lalo na sa pag-eedit nito.

Ginanap ang panayam na kontent sa loob lamang ng aming


paaralan dahil naniniwala ang aming pangkat na ang mga
PUPian’s ay laging handa na humarap sa anumang pagsubok.
Isa pa sa lugar na napili ng aming grupo ay ang Intramuros
dahil isa ito sa ikinukunsiderang makasaysayang lugar na
siyang makakatulong sa amin upang kumuha ng mga
maiikling shots o montage kung tawagin, na magagamit
namin bilang parte sa aming music bidyo at panimulang
bidyo. Dito rin namin isinagawa ang pagkuha ng ilang mga
kontent na pinamagatang “Filipino Ako..” at “Alam mo ba?”.
Kailan at Saan isinagawa
Sa pangalawang parte ng aming proyekto, ika- Enero 30 dito
buong araw na ini-upload at isina-ayos base sa pamagat, ang
mga bidyo na nakunan, gayundin ang pag gawa ng logo at
Facebook page. Dito din pinaghati-hatian ang paggawa ng
kapsyon sa bawat kontent ng aming page. Nagbigay din ako ng
sapat na araw sa aking mga kagrupo upang magbigay oras na
matapos ang mga gawain na aka-atang sa bawat miyembro,
kabilang na dito ang pag-eedit ng mga bidyo, paggawa ng mga
palaro at iba pa. At pinaka-huling parte ay ang pagpopost nito
sa aming Facebook page, pag like at share na naka-ayos base sa
planong napag-usapan, mula Pebrero 3 hanggang Pebrero 6
ang araw ng pag popost ng mga nilalaman.

Sino ang nakinabang


Isa ang facebook sa mga platapormang madalas gamitin at pag
aksayahan ng oras ng maraming tao, kaya naman ang nakinabang sa
aming proyektong isinagawa ay ang mga taong aktibo sa paggamit ng
platapormang ito, bata man o matanda. Dahil malaya ang pagbabahagi
sa platapormang ito, madali para sa amin ang pagpapalaganap ng aming
mga kontent patungkol sa pag hikayat at pag bigay ng bagong kaalaman
tungkol sa wikang Filipino na naging dahilan din upang mas madami ang
makinabang dito.

Sa simple pag babasa, panunuod, pag like, o pag bigay ng komento sa


aming ibinahagi sa facebook page ay isang indikasyon na nagustuhan at
naintindihan nila ang mensaheng aming gustong iparating. Ang layunin
ng aming grupo ay hindi limitado sa mga kabataan lamang dahil
naniniwala ang aming pangkat na ang pag babalik loob at pag mamahal
muli sa wikang Filipino ay indikasyon ng pagiging makabayan na walang
pinipiling edad.
Badyet na inilaan

Ang perang nilaan ay ginamit sa transportasyon, mula sa


pagpunta sa dalawang lokasyon na nabanggit at pauwi sa
kanya-kanyang tirahan. Kasama na din ang pera na ginamit sa
pagkain mula umagahan, tanghalian at miryenda. Naglaan din
ang bawat miyembro ng pera para sa sapat na load upang
magamit sa komunikasyon sa mga magulang at bawat
miyembro. Pinakahuli ang paglaan ng badyet para sa mga
papremyong aming hinanda, upang mas maraming tao ang
maengganyo sa aming kontent. Sumatutal, ang nagastos ng
pangkabuuang miyembro para sa proyektong ito ay nasa
halagang 3,900 pesos.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

KAPANAYAMIN AT
MABILISANG TANUNGAN
Pagsasalin ng wikang
Ingles sa tagalog
Ang aming grupo ay magbibigay ng ilang
mga Ingles na salita, upang masukat ang
intelektwal na kaalaman ng mga mag-aaral
upang itranslate ang mga ibinigay na salita.

Tanong ukol sa
Kasaysayan
Layunin nito na malaman kung may
kaalaman ba ang mga PUPian’s sa
kasaysayan ng ating bansa.

Opinyon
Mahalaga ang paghingi ng opinyon ng mga
estudyante, dahil naniniwala kami na “ang
mga kabataan ang pag-asa ng bayan”.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

SPOKEN POETRY
NI BB. CAUILAN
Pagsulat ng Spoken
Poetry para sa Bayan
Sa pagsulat ng malayang tula para sa
bayan , napapahalagahan natin ang talento
na ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon
kaya naman gamitin ito para maipakita ang
pagmamahal sa bayan.

Maipalaganap ang
pagmamahal sa bayan
.Sa pagagamitan ng pagsulat ng “Spoken
Poetry” naipapaalala sa mga manonood
ang pagmamahal sa bayang kinagisnan at
mga paraan kung paano maipapakita ang
pagmamahal dito.

Mapanumbalik ang
interes sa ating Wika
Ipaalala sa ating kapwa Pilipino
ang kagandahan ng ating wika at
kung paano nito binubuklod ang
ating bayan.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

SPOKEN POETRY
NI BB. CORNEL
Pagkatha ng Malayang
Tula para sa Bayan
Sa pamamagitan ng talentong
pinagkatiwala sa amin ni Bathala sa
pagtula ay pinamalas namin dito ang
pagiging malikhain at pagmamahal sa
bayan

Muling buhayin ang Apoy


Ang layunin nito ay sa maliit na paraan ay
magising ang diwang makabansa sa mga
puso ng mga Pilipino lalo na sa mga
kabataan.Ang nilalaman ng Tula ay
tungkol sa masakit at malungkot na
katotohanan sa kalagayan ng
Nasyonalismo sa Bansa,ngunit sa huli ay
nagbigay ng Hamon na muling paigtingin
ang natitirang apoy sa puso natin para sa
Bayan..

Paalalahanan
Mahalaga na pinapaalalahanan
ang mga Pilipino na Huwag
kalimutan ang nangyari sa
nakaraan na siyang bumuo sa
kasalukuyan.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

SALITA NGAYONG
ARAW
Pagpapalawak ng
Bokabularyo at Kaalaman
Sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga
bagong salita at konsepto, naging mas
sariwa ang kanilang pang-unawa sa wika at
sa mga ideya na kaugnay dito.

Pagpapalalim ng
Pang-unawa
Sa pamamagitan ng pagtatalakay sa iba't
ibang mga salita tulad ng baybayin,
nasyonalismo at pag-alpas, ang mga tao ay
nahasa sa kanilang kakayahang mag-isip
nang mas malalim.

Pagbibigay ng
bagong kaalaman
Sa pamamagitan nang pagbabahagi ng
mga salita na ito, nabigyan namin ng
bagong kaalaman ang mga tao hinggil sa
wika at kasaysayan ng bansa.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

BALIK - TANAW
Pag-alala
Sa pamamagitan ng kontent na ito, layunin
nito na magbalik tanaw sa iilang mga salita
na napag-aralan na noon, na maaring
nakalimutan na ng mga kabataan ngayon.

Pagpapalalim ng
Pang-unawa
Nakasaad din dito ang mga kahulugan, o
historya ng kwento na nabanggit sa aming
kontent na “ balik-tanaw”.

Pagbibigay ng
kaalaman
Sa pamamagitan ng pagbabahagi nito,
nakalagay din sa kontent na ito ang iba
pang mga mahahalagang impormasyon na
dapat malaman ng mambabasa.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

MGA PALARO
Pagtranslate ng wikang
Ingles sa tagalog
Ang aming grupo ay magbibigay ng ilang
mga Ingles na salita, upang masukat ang
intelektwal na kaalaman ng mga mag-aaral
upang itranslate ang mga ibinigay na salita.

Paghanap ng

Layunin nito na malaman kung may


kaalaman ba ang mga PUPian’s sa
kasaysayan ng ating bansa.

Opinyon
Mahalaga ang paghingi ng opinyon ng mga
estudyante, dahil naniniwala kami na “ang
mga kabataan ang pag-asa ng bayan”.

Pagbuo ng salita
Layunin ng palarong pagbuo ng salita ng
wikang Filipino ay upang mapalawak ang
talasalitaan ng mga kalahok, mapalalim
ang kanilang pang-unawa sa kahulugan at
paggamit ng mga salita sa wikang Filipino,
at mapalakas ang kanilang kakayahang
komunikatibo sa pamamagitan ng paglikha
ng mga malikhaing salita at pagsasama-
sama ng mga ito sa tamang konteksto.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

SL O G A N A T P O S T E R
Paglinang ng Artistikong
kaisipan
Dahil sa aktibidad na ito, nahahasa ang
aming isipan na maging malikhain.

Paglalarawan
Dito naipapakita namin ang kabuuang
konsepto ng aming mga natutunan sa mga
nagdaang itinuro ng aming guro sa paraan
ng paglalarawan.

Paghikayat
Marami ang namangha at nagandahan sa
mga likhang sining na aming ginawa. Dahil
dito marami ang nagkaroon ng interes
upang basahin ang pamagat o caption na
nagpapaliwanag sa kung ano ba ang
mensahe ng likahng sining na iyon.

Pagsusulong
Upang maipahayag at maipakalat ang
kahalagahan ng ating sariling wika sa mas
malawak na madla. Ito rin ay isang paraan
para maipakita ang ating pagmamahal at
suporta sa pagpapalakas at
pagpapalaganap ng wikang Filipino sa
makabagong panahon gamit ang digital na
platform.
T N I L A L A M A N
NG BAWA

ALAM MO BA?
Pagbibigay ng bagong
kaalaman
Ako ay nagbigay ng kaalaman sa ating
kapwa Pilipino tungkol sa pagmamahal sa
ating bayan at wika.

Pagmamahal sa bayan
Nagbigay ako ng iba’t ibang paraan kung
paano natin maipapakita ang pagmamahal
sa ating bayan dahil bilang Pilipino
gampanin natin na mahalin ang sariling
atin.

Opinyon
Mahalaga ito upang mas mapalawig pa ang
kaalaman ng ating kapwa Pilipino ukol sa
ating bayang sinilangan.
A T N I L A L A M A N
NG BAW

FILIPINO AKO...
Paglalarawan
Ang layunin nito ay makapagbigay at
maipakita sa mga manonood ang mga
katangian, kultura, at gawi ng mga Filipino

Pagmamalaki sa Pagiging
Pilipino
Nais namin itong maging inspirasyon sa iba
na huwag nilang ikahiya ang kanilang
kinalakhan, bagkus ay ipagmalaki at
ipagtanggol ng mga manonood ang
kanilang pagka-Pilipino

Natatanging Filipino
Nais din namin ipakita ang kaibahan ng
katangian at kultura ng pinoy sa ibang
bansa. Na hindi porket naiiba ay
nakakahiya na. Na ang bawat kultura ay
may sariling halaga at dapat igalang.
A T N I L A L A M A N
NG BAW

MAKABAYANG
AWITIN
Makabayang Musika
Maraming paraan upang mapukaw ang
interes ng mga kabataan at isa na dito
ang paraan ng pag-awit. Kung tayo
nga ay nabibighani sa K-POP, at
Hollywood na mga awitin, dapat
pagtuunan din natin ng pansin ang mga
makabayang awitin na nagtataglay na
payaabungin ang pagka-makabayan
natin. Layunin nito na mahikayat ang
mga kabataan o mga pilipino na
mahalin natin ang ating bayan.

Sa kantang ito din naipahiwatig ang


mga nagdaang hinagpis ng ating bansa
at ipinakita din ang pagsakripisyo ng
mga historyal na tao kabilang na dito
si Dr. Jose Rizal na siyang pambansang
bayani natin.
Layunin ng FB PAGE

PANGKABUUANG LAYUNIN
Napansin ng aming grupo na halos kabuuang porsiyento ng populasyon ng
Pilipinas ang aktibo sa paggamit ng Facebook. Kung kaya’t ito ang naisip naming
platform upang itakda ang mga contents na lumalaro sa aming isipan upang
marami ang makapanood at makabasa ng aming mensahe. Ang layunin ng
WiKatha Page ay ipakita ang bawat talento ng mga miyembro at muling ipaalala
sa mga kabataan sa henerasyon ngayon ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Sa
page din na ito, ipinapakita at sinusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagiging makabayan nila sa pamamagitan ng mga palaro at panayam. Layunin
din nito na magbalik- tanaw sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa madilim na
nakaraan at sa pag usbong ng ating bansa.
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
KAPANAYAMIN AT MABILISANG TANUNGAN
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
SPOKEN POETRY
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
FILIPINO AKO,
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
ALAM MO BA?
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
MAKABAYANG AWITIN
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
SALITA NGAYONG ARAW
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
PAG BABALIK TANAW
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
SLOGAN AT POSTER
Larawan ng mga
Materyal na ginamit
MGA PALARO
Partisipasyon
CAUILAN, TRISHA P.
Bilang miyembro ng aming pangkat , masasabi ko na
naging matagumpay ang aming naging proyekto. Bawat isa sa
amin ay may kanya kanyang naka atas na gawain at masasabi
ko na nagampanan ko lahat ng gawain na naka atas sa akin. Ako
ay gumawa ng maglikhaing pagsusulat ng isang “Spoken
Poetry” patungkol sa pagmamahal sa ating bayan at wika.
Pagtapos ng pag sulat, nirecord ko ito at inedit .Bukod pa rito,
ako rin ang gumanap sa isang content na “Alam mo ba” kung
saan ako ay nagbigay ng kaalaman patungkol sa pagmamahal sa
bayan. Isa rin ako sa nag interview sa mga PUPians upang
alamin ang kanilang kaalaman at opinyon patungkol sa wika at
kasaysayan ng Pilipinas.

Sa aming pagsasagawa, humarap kami sa ilang mga


pagsubok ngunit dahil ang layon namin ay ang ipalaganap ang
pagmamahal sa bayan, ginawa namin itong inspirasyon para
aming mapagtagumpayan ang proyekto. Kapag nakita mo ang
dedikasyon ng iyong mga kagrupo, mas lalo tayong ginaganahan
sa ating mga ginagawa kaya naman nagpapasalamat ako sa
aking mga miyembro dahil sa pagkakaisa namin bilang isang
grupo.
Partisipasyon
CORDOVA, ARABELLE
Bilang miyembro ng aming pangkat, hindi man sa lahat
ng oras ako ay ay mabilis tumugon sa mga dapat gawin,
masasabi ko pa din na kahit papano ay may kabuluhan ang
aking naging tulong sa pag tapos ng matagumpay sa proyektong
ito. Sa pag pa plano pa lamang ipinakita ko na ang aking
pagiging aktibo sa pag papalano at pag pili ng proyektong
gagawin namin, isa ako sa mga aktibong nag bigay ng ideya ng
mas magandang proyekto na mapapadali ang aming gawain at
pag bigay ng suhestiyon sa mga magandang gagawin na
ilalaman dito. Ako rin ay na atasan gumawa ng dalawang
nilalaman ng “Salita ngayong araw” at pag gawa ng isa sa
mga palarong ibabahagi namin sa aming facebook page. Bukod
pa dito ako din ay naatasan gumawa ng ilang parte sa pasulat
na dokumentong ito, katulad ng pamagat ng proyekto, mga
nakinabang, budyet, at mga materyales na ginamit.

Nag karoon man ako ng komplikasyon dahil sa aking


trabaho kaya may oras na ako ay hindi aktibo, masasabi ko na
mula umpisa aking ipinamalas ang aktibong partipasyon at
dedikasyon sa pag sagawa ng proyekto. Masasabi kong totoong
nakakapagod gawin ito, kaya laking pasasalamat ko sa aking
mga ka grupo sa kanilang pinamalas na galing at talento.
Naging maganda ang kinalabasan ng proyektong ito hindi
lamang dahil sa talento at sipag ng mga kasapi nito, kundi pati
na rin sa magandang samahan na aming na buo.
Partisipasyon
CORNEL, CHENIE S.
Isang mapagpapalang araw, ako si Chenie Cornel isa sa
inyong lingkod na MANGKAKATHA ng Pangakat 3.Kung ako’y
gagamitin ng isang salita na makakapaglarawan ng aking naging
karanasan sa pagbuo ng ganitong konsepto, ang salitang yun ay
walang iba kundi HALO-HALO. Huwag kang mag-alala hindi ako
gutom AHHAHA. Sadyang Halo-Halo ang aking naramdaman.Una
na doon ay pagkasabik nung kami pa lamang ay nagpupulong
kung anong konsepto ang aming pipilin. Ngunit sa kasagsagan ng
aming unting pagbibigay buhay sa aming mga naging plano ay
mararamdaman mo ang nakakapagod na reyalidad HAHHA. Mainit
na panahon sa Manila at dagdag pa doon ang pagsaway sa amin
ng guwardiya sa intramuros. Ngunit sa kabuuan ay masasabi ko
na ang aming naranasan ay napakagandang alaala na aking
babalikan. Ngunit sa kabila noon ang pagkakaroon ng Halo-
Halong emosyon at karanasan ay nagbigay ng tagumpay sa aming
adhikaing maipagsigawan sa mundo ang Kagandahan at
Kahalagahan ng ating wika.

Ang aking mga naging kontribusyon upang maisakutaparan


ang napakagandang proyekto na ito ay una ay Ako ay Gumawa ng
video para sa Spoken Poetry, Kumatha ng isang Slogan, at ng isa
sa aming kontent na Mabilisang Usapan o Fast talk. Dahil hindi
ako ganun kaalam sa pageedit ay minarapat ko na ako maging
responsable sa pagbabahagi (pagshashare) ng mga kontent sa FB.
Partisipasyon
DELA CRUZ, AHLEXIS FAYE A.
Bilang isang miyembro ng pangkat na ito, masasabi ko na
kahit papaano ay may mga naiambag rin ako sa matagumpay
na huling pangkatang gawain. Iba‘t iba ang mga nakaatas na
gawain sa bawat miyembro, ako ay gumawa ng “digital
slogan“ na patungkol sa pagtangkilik ng sariling wika at
pagiging makabayan, na makikita sa aming FB page. Ako rin
ay isa sa nagbahagi ng mg ideya patungkol sa ilang mga
katangian at kinagawian ng mga Filipino, kasama si ginoong
Zausa na pinamagatang “Filipino Ako, Syempre…“ na
makikita rin sa aming FB page.

Sinubukan ko ring gumawa ng aming “trailer“, bagama‘t


hindi ito ang napili ay masaya ako dahil nagawa ko ang isang
bagay na sobrang kinakabahan akong gawin, dahil hindi ako
masyadong maalam o mahusay sa pag e-edit ng mga bidyo.
Isa rin ako sa nag interbyu ng mga PUPians patungkol sa
kanilang “general knowledge” at mga opinyon sa ating wika
at kasaysayan. Panghuli, isa rin pala ako sa mga kumuha ng
“behind the scene” bidyo para sa aming dokumentasyon.
Partisipasyon
DELA CRUZ, AHLEXIS FAYE A.
Bilang pangwakas, malaki ang aking pasasalamat sa aking
mga ka-miyembro dahil lubos silang masisipag, matatalino, at
malikhain. Hindi ko ito magagawa kung ako ay mag isa
lamang, mahirap man para sa amin dahil nagsabay-sabay na
rin ang aming mga gawain, ngunit masaya kami na maranasan
ang ganitong klaseng gawain. Nakapasyal kami sa mga iba’t
ibang “historical sites”, nakatuklas ng mga bagong kaalaman,
at mas nakabuo kami ng magandang samahan.
Partisipasyon
DIAZ, NICKY I.
Bilang isang miyembro ng pangkat, layunin kong ipakita
ang aking aktibong partisipasyon at dedikasyon sa pagsasagawa
ng proyektong aming napili. Ako, kabilang ng iba pa naming
kagrupo ay kabilang sa pagsasaayos at pag paplano ng
kabuuang ideya ng nasabing proyekto. Ako ay nagbahagi ng
iilang suhestiyon at ideya na maaaring magamit o makatulong
sa pagsasagawa nito. Isa rin ako sa mga tumulong sa pagkuha
o pag-rekord ng iilang bidyong nilalaman ng aming FB page,
ako ay naatasang i-rekord ang audio nito upang makakuha ng
mas malinaw na kopya ng nasabing bidyo na aming gagamitin
sa pag-eedit ng mga ito. Ako rin umalalay sa aming lider sa
pagtatala ng progreso at mga kinakailangang punan sa
nilalaman ng aming FB page.

Ang indibidwal na gawaing nakaatang sa akin ay ang


pagsagawa ng nilalaman ng ‘Salita ngayong araw’, pagbuo
ng mga palarong aming ibinahagi sa FB page, at pagsasagawa
ng mga katanungang aming ginamit sa panayam. Ako rin ay
naatasang gumawa ng logo at cover para sa aming FB page.
Partisipasyon
DIAZ, NICKY I.
Ang aking pangunahing gampanin ay ang pag eedit ng
mga litrato at bidyong nilalaman ng nasabing proyekto, ilan sa
mga ito ay ang ‘Spoken poetry’, ‘Filipino ako’, ‘Fast
talk’, at ‘Alam mo ba’ na mayroong pag-aalay mula kay
Bb. Francis Epres. Ang nakapaloob na nilalaman ng nasabing
bidyo at litrato ay ideya at naipag parte parte sa buong grupo
at akin lamang isinaayos sa pag eedit ito.

Magmula umpisa ay ako ay nagpakita ng aktibong


partisipasyon at pakikiisa sa pagbuo ng nasabing proyekto.
Aking ipinamalas ang sipag, dedikasyon, at malikhaing
pagkatha ng mga nilalaman nito. Masasabi kong hindi madali
ang naging proseso sapagkat may pagkakataong hindi
nagtutugma ang mga layunin sa oras na aming inilaan para sa
ilang gawain ngunit sa huli ay nagawan naman namin ito ng
paraan at matagumpay na naitawid ang proyektong ito. Sa
tulong ng aking mga kagrupo ay maayos at matagumpay
naming natapos ang mga gawaing nakaatang sa amin. Sa
kabila ng pagod na aming natamasa sa pagsasagawa ng mga
bidyo ay masasabi kong naging masaya at makabuluhan ang
aming munting paglalakbay sa makasaysayang lugar na
Intramuros.
Partisipasyon
EPRES, FRANCIS ANGELA B. EPRES
Bilang namumuno sa grupo, napaka hirap ng aking trabaho
dahil gampanin ko na pamahalaan ang bawat miyembro, desisyon,
at proseso, upang maisagawa namin ang plano ng maayos.
Madalas din na ako ang sumasalo ng mga gawain lalung- lalo na
kung hindi aktibo ang iba kong mga kagrupo at kung hindi nila
kaya ang aktibidad na inatang ko sa kanila. Itong FB page na ito
ay hindi lamang ideya ko kundi pinagsama-samang ideya ng
aking mga kagrupo.

Gawain ko din bilang isang lider na timbangin ang kani-


kanilang desisyon at piliin kung alin ang mas pasok at mas
makakabuti para sa aming proyekto. Napag- desisyunan ng aming
pangkat na mag toka-toka sa mga gawain upang mas mapabilis
ang proseso ng pag-post. Ako din ang nagdirek at nagbidyo ng
mga bidyong nilalaman ng aming FB page, kung kaya’t
karamihan sa mga bidyong mapapanuod ay hindi ako kabilang at
indibidwal ang aking parte. Ako din ang kanang kamay ni Bb.
Nicky Diaz sa pag-eedit ng mga nilalaman ng aming page lalo
na sa mga bidyo na pinamagatang “music bidyo, trailer, final
bidyo at sa Alam mo ba” Gayundin ang paggawa nitong pasulat
na dokumento. Bukod dito, ang binahagi kong nilalaman sa aming
page ay ang paggawa ng dalawang malikhaing sining, panayam
at makabayang awitin kasama na ang iilan sa mga kapsyon na
mababasa sa aming Facebook page.
Partisipasyon
EPRES, FRANCIS ANGELA B. EPRES
Ipinakita ko ang husay, sipag, talino at dedikasyon sa
paggawa ng aktibidad na ito. Masasabi ko sa aktibidad na ito na
nakakapagod, nakakabahala dahil sabay- sabay ang pag asikaso
ko dito, sa pagsagot sa iba pang mga paksa. Ilang araw din
akong hindi nakatulog ng maayos para matapos ang iilan sa mga
nilalaman. Gayundin ang paminsan-minsang pagka-pikon sa iilan
sa aking mga kgrupo dahil, ang iilan ay aktibo lamang sa
umpisa, ngunit bilang isang lider kailangan ko itong
maintindihan dahil ang iilan sa aming mga kagrupo ay may
“part time job”, kahit ganon ay nagpapasalamat ako kila Bb.
Nicky Diaz, Ginoong John Zausa, Bb. Arabelle Cordova at Bb.
Chenie Cornel na aktibo mula umpisa hanggang sa matapos ang
proyektong ito.
Sa lahat ng hamon na aking hinarap, naniniwala ako na; sa
bawat paghihirap may kapalit itong sarap. Ako’y masaya, bilib
at saludo sa aking mga kagrupo dahil sa pagpapakita nila ng
kanilang mga talento at sipag sa paggawa ng mga naka-atang na
gawain sa kanila. Masasabi kong napagtagumpayan ng aming
grupo ang gawaing ito, dahil naeengganyo din ang mga kabataan
na magcomment, mag-follow at magreact sa aming page.
Partisipasyon
TIWANAG, KENALYN S.
Bilang isang miyembro sa pangkat na ito, ay natagumpayan
kong gampanan na tugunan ang aking kooperasyon at pagiging
aktibo sa mga gawain na naka toka sa akin sa kabila ng mga
hadlang sa akin isa na ang aking pagtatrabaho sa gabi bilang
isang crew sa milkteashop ng tita ko ay naisagawa at
nakapagbahagi padin ako ng kontribusyon sa pangkat na ito.
Gumawa ako ng isang malikhaing sining tulad ng “digital
slogan“ at ibinahagi ito sa aming “FB page“ na kung saan ito
ay sumisimbolo ng pagmamahal sa sariling wika na may temang
“Ipagbunyi ang wikang Filipino tungo sa pagkakaisa nating mga
Pilipino“ , isa din ako sa gumanap ng panayam sa madaliang
salita o kilala bilang “fast talk“.Bukod pa dito, mayroon din
akong panayam patungkol sa pagttranslate ng wikang english sa
wikang filipino at gumawa din ako ng palarong salitang bubuuin
na konektado sa pagsusulong sa wikang Filipino.

Gayunpaman, malaki ang aking pasasalamat sa mga


kasamahan ko sa pangkat na ito sapagkat binigyan nila ako ng
pagkakataon na maibahagi ko ang aking pagkamalikhain at
ramdam ko ang aming pagtutulungn ,pag iintinde sa isat isa at
pagsisikap na naging susi na matagumpayan ang proyekto na
ito.
Partisipasyon
ITURRIOS, BLESYRLL
Bilang isang miyembro ng koponan, nais kong ipakita ang
pagiging aktibong lumahok sa aming mga proyekto kahit na minsan
ay sumasabay ang aking trabaho kahit na ganun ginagawa ko padin
ang aking makakaya upang magawa ang aking parte sa aming
koponan at ipakita ang aking mga itinatagong abilidad sa pag gawa
ng iba naming mga proyekto . Kasama ang iba pang mga miyembro
ng aming koponan, ako ay kasangkot sa pag-aayos at pagpaplano ng
pangkalahatang ideya ng aming proyekto.

Nagbahagi ako ng mga gawain tulad ng “Digital Poster” kung


saan ipinapamalas ko ang aking natutunan sa pamamagitan ng
simpleng pag likha sa pamamagitan ng Poster maliban dito mayroon
din kaming isang gawain na kung saan, mag bibigay kami ng isang
laro nag lalaman ng apat na imahe na kung saan huhulaan ng mga
tao kung ano ang katumbas na kahulugan nito base sa kanilang
nakikita at kung mayroon ba silang nalalaman kasaysayan ng ating
Bansa. Isa rin ako sa mga tumulong sa pag-record ng ilang video
content para sa FB page.

Sa kabila ng mga proyektong aming ginawa masasabi kong hindi


madali ngunit kung ito ay iyong pag sisikipan at pagtutuunan ng
pasin ay magiging maayos at magiging matagumpay ang lahat basta
lahat ay nagtutulungan upang maisagawa ng maayos ang isang
proyekto. Lubos akong nag papasalamat sa mga lider dahil isa sila sa
pinaka malaking naiambag sa aming mga proyekto sa kanilang
diterminasyon sa pag bigay ng impormasyon at pag unawa sa mga
miyembro masasabi kong malaki ang aking pasasalamat sa kanila.
Partisipasyon
ZAUSA, JOHN CHRISTOPHER J.
Bilang miyembro ng pangkat na ito, masasabi kong kahit
papaano ay malaki at naging makabuluhan ang aking
partisipasyon sa grupo. Mula sa pagpaplano ng aming proyekto
hanggang sa pagpapalaganap ng aming mga contents sa FB
page, lubos kong naramdaman ang aking kontribusyon sa
tagumpay ng aming ginawang proyekto.

Sa pagpaplano para sa aming proyekto, isa ako sa mga


aktibong nagbigay ng mga ideya at isa rin sa nagtala ng mga
suhestiyon ng aking mga kagrupo patungkol sa aming mga
gagawing aktibidad para sa aming proyekto. Bukod pa rito,
gumawa rin ako ng isang malikhaing sining na kung tawagin ay
“Slogan”, at pati na rin sa pagisip at paggawa para sa
content namin na “Salita Ngayong Araw”, na kung saan kami
ay nagbahagi araw-araw ng isang salita kasama ang kahulugan
at gamit sa pangungusap nito. Dagdag pa rito, ako rin ang
gumanap bilang isang Filipino sa isang content namin na
“Filipino ako, syempre…”, na kung saan kami ay nagsambit
ng mga katangian at nakagawian ng isang Filipino. Isa rin ako
sa naginterview sa mga PUPians upang alamin ang kanilang
kaalaman at opinyon patungkol sa wika at kasaysayan ng
Pilipinas. Tumulong din ako sa pag-edit ng mga bidyo, gaya ng
mga ginawa naming interview sa mga PUPians. At pinakahuli,
Partisipasyon
ZAUSA, JOHN CHRISTOPHER J.
ako ang responsable sa paggawa ng aming Facebook page at sa
pagpopost ng mga nilalaman nito.

Sa bawat hakbang ng aming proyekto, ipinakita ko ang


aking sipag, dedikasyon at angking kakayahan upang maging
matagumpay ang aming proyekto. Aaminin ko, hindi ito naging
madali. Ang proseso sa paggawa nito ay lubhang nakakapagod at
nakakaubos ng pasensya. Ngunit, sa bawat pagod at pagsubok,
andiyan naman ang aking mga kagrupo. Batid ko na sila ang
aking mga kasama sa laban, handang magtulungan at magbigay
ng suporta sa bawat isa. Kaya naman, bilib at sobrang saludo
ako sa kanila. Sa huli, masasabi kong aming napagtagumpayan
ang proyekto na ito, at talaga namang nakapagbigay ito ng
bagong kaalaman at inspirasyon sa mga taong nakakita at
nakapanood sa aming mga gawa.
Pagpapatunay na
Naisagawa ang proyekto
Pagpapatunay na
Naisagawa ang proyekto
Pagpapatunay na
Naisagawa ang proyekto
Pagpapatunay na
Naisagawa ang proyekto
Pagpapatunay na
Naisagawa ang proyekto
Pagpapatunay na
Naisagawa ang proyekto
IBA PANG MGA
Larawan
Mga larawan sa
Likod ng mga Eksena
Mga larawan sa
Likod ng mga Eksena
Mga larawan sa
Likod ng mga Eksena
Mga larawan sa
Likod ng mga Eksena

You might also like