Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sa isang baryo may isang dalaga na ubod ng ganda siya ay si Celine, maraming lalaki ang nagkakagusto sa

kaniya sapagkat ang ganda niya ay natural at simple lamang. Siya ay nag - iisang anak kung kaya't
talagang iniingatan ito ng kaniyang mga magulang. At nasa isang masayang pamilya itong si Celine na
kung saan ay maayos ang buhay nito kasama ang kaniyang mga magulang. Tuwing linggo ay sama - sama
silang nagsisimba at naglilingkod sa Panginoon na kung saan masasabi na ang pamilya ng mga ito ay
talagang sinasamba ang Panginoon. Si Celine ay nagsisilbi sa kanilang simbahan na kung saan siya ay
kasama sa mga nagtuturo ng mga bata kung kaya't malapit talaga ang loob niya sa Diyos at ganoon na rin
sa mga batang kanyang tinuturuan. Kahit na nag - aaral pa lamang ito ay nagagawa na niyang magsilbi sa
Panginoon sapagkat nabibigyan na niya ng oras ito. Pagkarating niya galing sa paaralan ay tumutulong na
agad ito sa kaniyang mga magulang, hindi mo ito kakikitaan ng katamaran sa kaniyang sarili. Talagang sa
pag - aaral , pagtulong sa magulang at pagsisilbi sa simbahan umiikot ang buhay ni Celine. Hindi niya
pinagtutuunan ng pansin ang pagkakaroon ng karelasyon na kung saan tanging pagkakaroon lang ng
relasyon sa Diyos ang kaniyang nais sa kaniyang buhay.

Isang araw ay may bagong lipat na binata sa kanilang baryo, ang binata na ito ay maangas, matikas at
matipuno. Kahit na bagong lipat pa lang ito ay maraming mga kababaihan na agad ang nagkakaroon ng
interes sa kaniya maliban kay Celine sapagkat si Celine nga ay walang hilig sa mga ganitong bagay. Ang
binata na bagong lipat sa baryo nila Celine ay si Emmanuel siya ay hindi galing sa may kayang pamilya
katulad ni Celine. Si Emmanuel ay bata pa lang ay naulila na sa kaniyang mga magulang ang tanging
kasama niya na lamang sa buhay ay ang kaniyang lola. Napalipat sila ng tirahan sapagkat napaalis sila sa
dati nilang tinitirhan sa Lungsod ng Maynila. Sa hindi inaasahan nga na pagkakataon ay sa parehong
eskwelahan sila nag - aaral, doon nga rin sa pinapasukan ni Celine nag - aral si Emmanuel kung kaya't
palagi silang nagpapanagpo rito. Silang dalawa nga ay nasa huling taon na sa kolehiyo , sila nga ay
parehong magsisipagtapos na. Isang araw unang pasok ni Emmanuel ay nakita niya si Celine at kaagad
nakuha nito ang kaniyang atensiyon. Humanga kaagad ang binata sa angking ganda ni Celine sapagkat
ang ganda nga raw nito ay simple at natural lamang. Sa buong maghapon ng kaniyang pagpasok ay si
Celine ang kanyang bukam bibig sapagkat sa bawat daan ni Celine sa kaniyang harapan ay talagang
napapahanga ito sa kaniya. Hanggang sa makauwi sila sa kanilang baryo ay si Celine ang kanyang naiisip.

Kinaumagahan, si Celine ay patungo sa Simbahan para magturo sa mga bata at habang siya ay
naglalakad nakasalubong niya si Emmanuel na nakatangin sa kaniya. Naglakas na ng loob si Emmanuel na
kausapin ito at tinanong niya nga kung saan ang tungo ni Celine. Hindi na niya tinanong ang pangalan
nito dahil marami na siyang napagtanungan kung ano nga ba ang ngalan ni Celine sapagkat napakalaki
nga ng paghanga nito sa dalaga. 'Saan ang lakad mo?' tanong nito kay Celine, hindi naman siya pinansin
ng dalaga kung kaya't sinundan niya ito. Nagulat si Celine sa ginawang pagsunod ni Emmanuel sa kaniya
sapagkat hindi pa naman niya ito kilala dahil nga wala naman siyang interes sa mga lalaki. Tinanong nga
siya ng binata kung saan ang tungo nito pero hindi nga niya ito pinansin pero sa kakulitan ni Emmanuel
ay sinusundan pa rin siya nito. Ano bang kailangan mo? sambit niya kay Emmanuel. Natulala naman si
Emmanuel sa kanya ng siya ay humarap na, napagtanto nga niya na napaka amo talaga ng mukha ni
Celine lalong lalo sa malapitan na. Hindi nakaimik si Emmanuel kung kaya't nagpatuloy na sa paglalakad
si Celine patungo sa simbahan pero ang ginawa ni Emmanuel ay sumunod pa rin ito kay Celine. Hindi na
lang pinansin ni Celine ang patuloy na pagsunod sa kanya ni Emmanuel at ng malapit na ito sa loob ng
simbahan paglingon niya sa kanyang likuran ko ay wala ng Emmanuel na sumusunod sa kanya. Laking
pagtataka niya kung bakit hindi na sumunod si Emmanuel sa kaniya.
Habang sinusundan nga ni Emmanuel si Celine ay sayang saya ito at nag - iisip na siya kung ano pang
paraan ang magagawa niya para mapalapit ang loob nito sa kanya ngunit sa patuloy na pagsunod niya
kay Celine ay napansin niya kung saan ang tungo nito at ito nga ang lugar na ayaw niyang puntahan.
Napatigil sa kanyang pagsunod si Emmanuel kay Celine ng makita niya ang isang lugar na ayaw na ayaw
na niyang mapasok. Tumigil na siya sa pagsunod kay Celine at kaagad na siyang umalis sa lugar na iyon.

Ng matapos na ang pagtuturo ni Celine sa mga bata ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang biglang
pagkawala ni Emmanuel sa kanyang likuran kanina hanggang siya ay makauwi na sa kanilang tahanan ay
ito pa rin ang iniisip niya. Habang si Emmanuel ay papaalis sa lugar ng pagsunod niya kay Celine ay
parang bumabalik na naman ang lahat ng masasakit na mga pangyayari sa kanya. Hindi na naman siya
mapakali na parang nararamdaman na ulit niya ang sakit na kaniyang naramdaman at naranasan. Ang
galit at pagkamuhi nito ay nagkaroon na naman ng puwang sa kaniyang puso. Ng makarating siya sa
kanilang tahanan ay kaagad niyang kinuha ang larawan ng kaniyang mga magulang at habang
pinagmamasdan niya ang larawan ng mga ito ay kasabay nito ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Napapikit na lamang siya sa sakit nararamdaman niya na kung saan bumabalik lahat ang tila bangungot
sa kaniyang buhay. Sa pagpikit nga ng kaniyang mga mata ay ang mga pangyayaring hinding hindi niya
talaga makakalimutan. Naalala nga niya ang araw na walang wala na siyang malapitan kundi ang
Simbahan at ang Diyos dahil nga ang mga magulang niya ay nag - aagaw buhay. Wala siyang malapitan sa
mga oras na iyon dahil nga sila ay mahirap lamang wala siyang mapuntahan na mga kamag - anak, hindi
na nga niya alam ang gagawin na kung saan sa murang edad pa lamang nito ay nararamdaman at
nararanasan na niya kaagad ang mga ganitong pangyayari. Sa hindi inaasahan nga ay naaksidente ang
sinasakyan na tricycle ng kaniyang mga magulang at naging kritikal nga ang kalagayan ng mga ito.
Lumapit siya sa simbahan at nagdasal na sana huwag munang kunin ang kaniyang mga magulang dahil
nga hindi niya raw alam ang gagawin kapag nawala ang mga ito sa kaniya. Umiyak ng umiyak siya habang
nagdadasal. At habang pabalik siya sa ospital ay umaasa siya na magiging ayos na ang kalagayan ng
kaniyang mga magulang sapagkat nakalapit na nga siya sa Panginoon. Habang papalapit siya sa kwarto
kung saan naroon ang kaniyang mga magulang ay may lumapit na sa kanyang isang doktor at sinabi sa
kaniya na hindi na kinaya ng mga magulang niya kung kaya't wala na ang mga ito. Hindi niya kaagad
naintindihan ang sinabi ng doktor dahil nga nasa murang edad pa lamang ito. Tinanong niya nga kung
nasan na ang kaniyang mga magulang at sinabi nga ng doktor na patay na ang mga ito. Bumagsak ang
mga luha nito at nagtatakbo patungo sa bangkay ng kaniyang mga magulang at doon ay inaalog niya ang
katawan ng mga ito na tila ginigising. Bumalik siya sa simbahan ng mga oras na iyon at nagsisigaw siya sa
loob nito na kung saan nagagalit siya sa Diyos kung bakit kinuha niya kaagad ang kaniyang mga
magulang, nakapagsasalita na ito ng masasamang salita dahil nga sa sakit at galit na kaniyang
nararamdaman sa mga oras na iyon. Ang huling binanggit niya sa loob ng simbahan ay wala siyang Diyos
na kikilalanin pamula ng mga oras na iyon. Habang inaalala ni Emmanuel ang tila matinding bangungot
sa kaniya ay nakatulog na lamang siya habang may luha sa kaniyang mga mata. Kinaumagahan nakita
niya si Celine sa harap ng kanilang bahay at kaagad niya itong tinawag at binati ng 'Magandang Umaga' at
ngumiti naman ito sa kanya na siyang ikinatuwa niya kung kaya't kaagad niya itong nilapitan. Dahil na nga
rin sa pagtataka kung bakit nawala si Emmanuel sa kanyang likuran kahapon ay lumapit si Celine sa
binata matapos siyang batiin nito ng Magandang Umaga. Tinanong niya kung anong ngalan ni Emmanuel
at kaagad naman itong binanggit ng binata. At matapos alamin ni Celine ang pangalan nito ay kaagad na
niya itong tinanong kung bakit nawala siya kahapon ay biglang nagbago ang awra nito na siyang lalong
ikinagulat ni Celine. Hindi na sinagot ni Emmanuel ang tanong ni Celine at kaagad na itong pumasok sa
kanilang bagay. Nabigla siya sa tanong ni Celine kung kaya't hindi niya nasagot ito at hindi rin niya alam
kung paano niya ito sasagutin. At habang pabalik naman si Celine sa kanila ay bakas pa rin sa mukha niya
ang pagtataka kung ano nga ba talaga ang nangyayari kay Emmanuel. Ngunit hindi na lang niya ito
pinansin pa at inisip ng muli.

Sa pagdaan pa ng araw at palagi na ngang nagkikita sila Celine at Emmanuel sa loob ng paaralan at
ganoon na rin sa baryo nila kung kaya't parang nagkakalapit na ang loob nila. Nakukuha na nga ni
Emmanuel ang loob ni Celine at nagiging magkaibigan na silang dalawa.

Araw ng pagtatapos ng mga ito sa kolehiyo ay binati nila ang isa't isa at itong si Emmanuel ay ipinakilala
ni Celine sa kaniyang mga magulang na ikinatuwa naman ni Emmanuel ang ginawang pagpapakilala sa
kanya ni Celine.

Makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon na ng relasyon ang dalawa na kung saan ipinakita naman ni
Emmanuel ang totoong pagmamahal niya para kay Celine at ganoon na rin naman si Celine nahulog na
rin ang loob nito sa binata.

Isang araw inaya ni Celine si Emmanuel na magtungo sa simbahan upang magpasalamat sa mga
magagandang biyaya na dumating sa kanilang buhay, hindi na naman mapakali si Emmanuel kaya't
nagtaka na naman si Celine sa ikinikilos nito. Tinanong ni Celine kung anong nangyayari sa kanya. "Bakit
ganyan ang ikinikilos mo?" sambit nito kay Emmanuel. Hindi alam kung sasabihin na ba talaga ni
Emmanuel ang kaniyang matagal ng itinatago kay Celine.

"Kase hindi ko kayang pumasok sa simbahan na lagi mong pinupuntahan" sambit ni Emmanuel habang
nakatingin kay Celine. Ikinagulat ito ni Celine sapagkat si Celine nga ay talagang malapit sa Panginoon
bata pa lang.

At ikiniwento ni Emmanuel ang mga nangyari kay Celine na siyang nagpaiyak sa kanilang dalawa. Hindi
akalain ni Celine na ganoon kapait ang mga nangyari sa buhay ni Emmanuel noon.

"Hindi natin dapat sisihin ang Panginoon sa mga bagay na nangyayari sa ating buhay" banggit ni
Emmanuel kay Celine. Binukas ulit ni Celine ang mga puso ni Emmanuel na magtiwala ulit at mapalapit
sa Panginoon kaya naman nagtiwala ulit ito.

Naging kasa - kasama na niya ito sa mga gawain sa simbahan maging sa pagtuturo ng bata. Ikinagalak ni
Celine ang pagtitiwala muli ni Emmanuel sa Panginoon.

Ilang taon na ang lumipas at nagsasama na nga si Emmanuel at Celine ngunit hindi pa rin magka - anak
silang dalawa. Ilang panalangin na ang kanilang ginawa na kung saan kulang na lang ay humiling sila kay
Bathala na magkakaroon na sila ng isang anak. Ginawa na nila ang lahat ng paraan para nga lang
mabuntis na itong si Celine ngunit hindi pa rin talaga.

At habang naglalakad sila ay may isang matandang lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay ni Celine.

"Iha, matutupad na ang inyong kahilingan" sambit ng matandang lumapit sa kanila.

Nagulat si Celine ganoon na rin si Emmanuel sa binanggit ng matanda.

"Ano po ang ibig niyong sambihin?" tanong ni Celine sa matanda.

"Magkakaroon na kayo ng anak" wika ng matanda. Natuwa ang dalawa sa binanggit ng matanda.
Pagkarating nila sa kanilang bahay ay kaagad na nag pregnancy test si Celine at konpirma nga nila na
buntis si Celine.

"Totoo ang sinasabi ng matandang nakasalubong natin" sambit ni Emmanuel

Napaiyak na lamang si Celine sa tuwa sapagkat natupad na ang kaniyang hiling na magkaroon ng anak.

Kinabukasan, matapos malaman nila ang pagdadalang tao ni Celine ay kaagad na ang mga ito ay
pumunta sa simbahan upang magpasalamat.

At sa ilang buwan nga ng pagbubuntis ni Celine ay naging maayos naman ito ngunit isang gabi biglang
humilab ang tiyan ni Celine.

"Emmanuel.... Emmanuel" sigaw nito.

Kaya dali daling nilapitan ito ni Emmanuel .

At habang papalit ito kay Celine ay laking gulat niya ng makita na may dugo na ito sa mga binti. Dinala
niya kaagad ito sa ospital. Habang naghihintay sa resulta ay hindi na mapakali si Emmanuel at bigla nga
na lumabas ang doktor at kinausap niya si Emmanuel.

“Kailangan ng biyakin ang tiyan ni Celine sapagkat delikado na ang lagay ng anak mo maging si Celine”
sambit ng doktor kay Emmanuel.

Nanghina si Emmanuel sa narinig niya at nagdesisyon na gawin na nga ito.

Pero tinapat siya ng Doktor.

“Isang himala na lang kung mailalabas na buhay ang anak mo sapagkat sa kondisyon niya ngayon ay hindi
na talaga maganda” .

Matapos niyang marinig ang mga salitang iyon ay napaupo na lang siya kasabay ng pagpatak ng kaniyang
mga luha.

Sa kalagitnaan ng operasyon ni Celine si Emmanuel ay nagtungo sa simbahan upang manalangin sa


kaligtasan ng kanyang mag – ina. Ngunit sa kasamaang palad pagbalik niya sa ospital ay nakita niyang ang
mga magulang ni Celine ay umiiyak na. Habang papalapit siya ay niyakap na siya ng nanay ni Celine at
sinabing “wala na ang anak mo”.

Bumuhos ang mga luha ni Emmanuel ng malaman ito at kaagad na pinuntahan si Celine. Nakita niyang
mahimbing pa ang tulog ni Celine na hindi pa alam ang nangyari sa kanilang anak.

Sa ilang oras na pagkakatulog ni Celine ay kaagad na rin itong nagising at sa paggising niya ay hinahanap
na niya ang kanilang anak.

“Emmanuel, nasan ang anak natin? Hindi pa rin ba dinadala rito?” tanong nito kay Emmanuel.

Hindi alam ni Emmanuel kung anong isasagot nito kay Celine.

“Ahhhh, Celine…..”

“Ano? Nasan ang baby natin? Kunin mo na siya” sambit ni Celine


“Celineeee, wala na ang baby natin” sagot ni Emmanuel habang pumapatak na ang mga luha.

Nagulat si Celine sa sinabi ni Emmanuel na kung saan kaagad itong tumayo para puntahan ang anak.
Pinigilan siya ni Emmanuel at niyakap habang umiiyak.

“Hindi… hindi pwedeng mawala ang anak ko” sigaw ni Celine.

“Hindi kukunin ng Panginoon ang anak ko, nagtiwala ako sa kanya….nagsilbi ako sa kanyaaa …hindi niya
ito magagawa sa akin” sigaw pa rin ni Celine habang umiiyak.

At sa ilang araw ng burol ng anak ni Celine ay pumunta ito mag – isa sa simbahan. Nagtungo siya rito ng
may galit sa kaniyang puso.

“Bakit? Bakit mo kinuha kaagad sa akin ang anak ko?” tanong niya.

“Naging mabuti akong tao….dinadakila kita pero bakit nagawa mo sa akin ito?” dagdag pa niya.

“Mula ngayon, hindi na kita kikilalanin pa”.

Matapos ang mga pangyayari na iyon ay hindi na nga talaga mapapalapit si Celine maging si Emmanuel
sa simbahan , hindi na katulad dati na naglilingkod talaga ito sa simbahan.

Ngunit isang gabi nanaginip si Celine.

“Magtiwala ka lang sa akin anak….hindi kita pababayaanan” wika ng Panginoon sa kaniya.

“ May magandang plano ako para sa iyo anak” dagdag pa nito.

“Ang batang dinadala mo noon ay gawa ng demonyo”.

“Hindi talaga ito tunay na tao anak kung kaya’t iniligtas kita”.

“Magtiwala ka lang sa akin at manalig ibibigay ko ang iyong kahilingan sapagkat nararapat ito para
sa’yo”huling sambit nito.

Kaagad na gumising si Celine dahil sa panaginip na iyon at sinabi niya ito kay Emmanuel.

Kinaumagahan, habang naglalakad sila ay napadaan sila sa simbahan at napatigil si Celine na siyang
ikinagulat ni Emmanuel.

“Anong gagawin mo?” tanong ni Emmanuel kay Celine

“Babalik na ako sa kaniya” sagot ni Celine habang papasok na sa simbahan.

You might also like