Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Nov.

17, 2019

Attitude of Gratitude
Luke 17:11-19
Inihanda ni: Ptr. Argel Joseph L. Salva

Introduction

Mayroon tayong isang buwan na pag-araral tungkol sa pagpapasalamat, hindi lamang para
ihanda tayo sa Araw ng pasasalamat kundi para muli tayong mapaalalahan kung ano ba ang
epekto at tulong na ginagawa sa atin ng pagiging mapagpasalamat. Last Sunday ay
napaalalahanan tayo ng mga dahilan kung bakit nga ba dapat tayo maghandog at
magpasalamat sa Diyos. Ngayong umaga ay pag-aaralan naman natin ang attitude ng isang
taong mapagpasalamat. (Basahin ang Lucas 17:11-19)
Narito ang sampung tao nasa parehong kalagayan at parehong pangangailangan.
Magkakaiba ang mga pinaggalingan pamilya at bayan ngunit nagkasama-sama dahil sa
pare-pareho nilang kalagayan. At may iisa din lang na panawagan sila sa panalangin ang
gumaling. Kaya ng mabalitaan nilang parating ang Panginoong Jesus hindi nila pinalampas
ang pagkakataon. “Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng Jesus! Panginoon mahabag po
kayo sa amin.” Kung minsan ang mga karamdaman ay paraan ng Diyos para kunin ang ating
atensyon at matutunang tumawag sa Kanya. Ang kanilang paghiyaw ay nagpapahayag ng
kanilang matinding pangangailangan. Ganyan din naman tayo hindi ba! Paglaki ng ating
pangangailangan, paglaki din ng tulong na ating kailangan. Isang biyaya na maituturing na
sa gitna ng paghihirap ay maunawaan mong si Jesus na lamang ang pwede mong asahan.
Ganyan ang naranasan ng 10 ketongin, para sa akin biyaya ng Diyos na sila’y makarating sa
puntong maunawaan na si Jesus na lamang ang kanilang pag-asa. Pangalawa, maituturing din
nating biyaya na sila’y tinugon ng Diyos sa kanilang panawagan. Ganun din naman gusto kong
i-encourage ang lahat, kung ang Diyos din lang ang kinikilala nating pag-asa sa buhay, hindi rin
naman Niya tayo bibiguin. Ang mga ketonging ito’y itinaboy at inihiwalay sa karamihan, hindi
sila pwedeng lumapit sa iba at hindi rin naman sila pwedeng lapitan ng ibang tao. Ang
pagkakaroon ng ketong ang pinaka-nakakahabag na sakit noon. At narito paparating ang
Panginoong Jesus kung saan sila naroon. Kapansin-pansin na sinalubong sila ng sampu
ngunit hindi lubos na lumapit kay Jesus, tamang sa distansya na nagkakatanawan at
nagkakarinigan lamang sila lumapit kay Jesus. Hindi ba’t makikita natin dito kung gaano
kabuti ang Panginoon hindi sila pwedeng umalis sa kanilang kinaroonan kaya’t ang
Panginoong Jesus ang pumunta sa kanila. Totoong totoo ‘yan sa atin hindi tayo ang unang
lumapit sa Panginoon, ang Panginoon ang unang lumapit sa atin, kaya mayroon tayo
ngayon ng buhay na walang hanggan. Pwede ba nating palakpakan ang Diyos sa
katotohanang ‘yan.
Ang sabi ng Panginoong Jesus sa kanila “humayo kayo at pumaroon kayo sa saserdote.”
Kailan gumaling ang sampu? Noon bang nagsalita ang Panginoong Jesus o pagkatapos na
sinunod ng 10 ang sinabi ni Jesus? Pagkatapos na kanilang sundin ang sinabi ni Jesus
tinanggap nila ang kagalingang kanilang inaasam-asam. Purihin ang Diyos. Ang kanilang
paniniwala at pagsunod sa sinabi ni Jesus ang nagdala sa kanila ng kagalingan. Ito’y isang
magandang paalala at hamon sa ating pananalig at pagsunod sa Diyos. Laging may dalang
pagpapala ang ating pagsunod. Believe and you will be saved, obey and you will be blessed.
Ngayon magaling na ang sampu, along the way napansin ng isa na siya’y magaling na
kaya’t bumalik s’ya kay Jesus para magpuri at magpasalamat. “nasaaan ang siyam” tanong
ng Panginoong Jesus? Nasaan na nga ba ang siyam? Bakit isa lang ang nagbalik para magpuri
sa Diyos? Ang manalig sa Diyos ay isang bagay. Ngunit ang maging mapagpasalamat ay iba
ding bagay. Ang pananalig ay tugon natin sa kapangyarihan ng Diyos samantalang ang
pasasalamat ay tugon natin sa kabutihan ng Diyos. Hindi sila pareho o sabay na nabubuo sa
pagkatao ng isang tao. Humihingi ng panibagong antas ng paglago ang pagiging
mapagpasalamat. Maraming mga mananampalataya na ngunit maaaring hanggang ngayon
ay hindi pa rin natutunan na maging mapagpasalamat. At hindi rin nangangahulugan na sa
oras na maging kristyano na ang isang tao ay marunong nang magpasalamat. Romans 1:21a
“…although they knew God, they did not glorify Him as God, nor were thankful.” Gusto kong
aralin natin ngayong umaga mula sa halimbawa ng Samaritano kung paano ba tayo dapat
magpasalamat sa Diyos. Apat na attitudekatangian ng isang taong mapagpasalamat.
Angtaong mapagpasalamat ay
1. Ang pagpapasalamat ay palaging personal (personal magpasalamat)
Lucas 17:15-16 “Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng
pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y
Samaritano.”

Ang Samaritano ay nagbalik upang personal na magpasalamat kay Jesus. Gaano


kahalaga na personal tayong nagpapasalamat. Hindi ba excited ang taong ito na umuwi sa
kanyang pamilya? Ako’y naniniwalang excited s’ya katulad ng siyam na iba pa na makauwi
sa kani-kanilang tahanan. Ngunit ang Samaritano ay hindi nagdalawang isip na balikan si
Jesus upang personal na sabihin ang kanyang pasasalamat. Sa sampung ketongin na
gumaling tanging ang Samaritano lang ang bumalik para personal na pasalamatan ang
Diyos. Uso sa atin yong “pakisabi daw na salamat” kapag may natanggap tayo na regalo o
anumang anyo ng pagpapala. Nagpapasalamat din naman tayo pero ipinapaabot natin sa
pamamagitan ng ibang tao. Sa halimbawa ng samaritano, Ang isang taong grateful
pinipiling personal na ipaabot ang pasasalamat sa halip na ipasabi-sabi lang. Sa sampung
ketongin ang Samaritanong ito ang huling inaasahan mo na lalapit kay Jesus para
magpasalamat. Dahil sila’y hindi inakilala at inatanggap ng mga Hudyo, tawag sa kanila’y
foreigner. At kung sino pa ‘yong higit mong inaasahan (mga hudyo) na gagawa nito ang
hindi nagpasalamat sa Diyos. Maaari kayang mas magaling pang magpasalamat ang mga
hindi mananampalataya kesa atin, mahiya tayo sa ating sarili at sa Diyos kung ‘yan ay totoo
man sa atin.
Isang taong waring walang personal na pagkakilala kay Jesus ang s’ya pang nagkusa-
kusang personal na pasalamatan si Jesus. Dapat tayong mga kristyano ay mas magaling
magpasalamat kesa sa mga taga-labas. Huwag tayong patatalo sa iba. Kung minsan mahusay
lang tayong personal na lumapit sa Diyos sa mga panahong mayroon tayong
pangangailangan, nagkukulong tayo sa kwarto para personal na idulog ang ating mga
problema, paghihirap, hinaing ngunit sa mga panahong mayroon tayong dapat
ipagpasalamat bakit parang tinitipid natin ang Diyos na makausap ng personal. Wala na
tayong panahon para sa Diyos. Mas mahaba ang oras na ibinibigay natin sa mga panahong
may kailangan tayo ngunit napakaliit ng panahong ibinibigay natin sa mga panahong dapat
tayo ay nagpapasalamat. Sabi ng Awit 96:2 “Tayo ay lumapit sa Kanyang harapan na may
pasalamat. Siya ay purihin ng mga awiting may tuwa at galak.” Awit 100:4 “Enter his gates
with thanksgiving and his courts with praise; give thanks to him and praise his name.”
Hinihikayat tayo ng Awit 95:2 na lumapit sa Diyos para magpasalamat. Huwag tayong puro
tungkol sa paghingi ang agenda sa paglapit sa Diyos, lumapit tayo para magpasalamat din
naman. Pakiabi sa katabi “#huwag lang puro hingi, magpasalamat ka din naman.” Ewan ko sa
inyo kung sa inyo gagawin ‘yon na everytime na lang lalapit sa iyo ang isang tao nahuhulaan
mo na kung anong sadya, manghihingi na naman ‘yan, mangmamalimos na naman,
mangungutang na naman ‘yan. Kung minsan ay mapipilitan ka talagang pagtaguan ang
ganyang mga tao. Nakakatakot kapag sila’y darating tiyak na mababawasan na naman ang
laman ng iyong wallet. Mabuti na lamang at hindi tayo ganyan inatrato ng Diyos. Alam na rin
ang Diyos anuman ang ating agenda sa paglapit sa Kanya at ang kagandahan doon ang
Diyos ay tinatanggap at pinapakinggan pa rin tayo. Amen! Napakatiyaga ng Diyos para
maghintay. Pwede bang palakpakan muli natin ang Panginoon dyan. Ang sabi ni Jesus
“wala bang ibang bumalik para magpasalamat kundi ang DAYUHANG ito? Pakisabi sa iyong
katabi hindi ka “dayuhan” mamamayan ka ng langit. Nakakalungkot lamang na kung minsan
tayo pang maraming dapat ipagpasalamat ang madamot magpasalamat sa Diyos. Pakisabi sa
iyong katabi “wag kang madamot sa Diyos.”
Sa ating panahon ngayon sa pamamagitan ng Cellphone, text or chat ay masipag tayong
magreply ng “Thank You” sa ating kausap at ‘pag inatamad magtype shorcut na lang, “TY.”
Hindi ko sinasabing mali ito, ngunit sa halimbawa ng Samaritano higit pa sa pagsesend sa
text or chat ng Thank You o TY ang hinihingi sa atin. Ang isang taong grateful ay personal
na sinasadya ang taong dapat pasalamatan. Gaano kadalas na sinasadya natin puntahan at
handang pag-abalahan ang mga taong gumawa sa atin ng mabubuting bagay? Ito ang isang
malungkot, kung minsan sa puntod na tayo personal na nakapunta para magpasalamat.
Pwede kayang habang nariyan pa ang mga taong nagkaroon ng mahahalagang
contribution sa ating buhay kung hindi man madalas kahit paminsan-minsan ay ating
personal na madalaw at mapuntahan para maipakita man lang natin ang ating pagkilala at
pasasalamat sa kanilang naging kontribusyon. At lalo’t higit sa Diyos, hindi naman
nawawala ang Panginoon sa ating tabi, palaging nariyan ang Diyos kasa-kasama natin,
naghihintay lamang ang Diyos na ma-acknowledge natin Siya at ang kanyang mga ginawa para
sa atin.
“Hindi ba sampu ang gumaling, nasaan ang siyam?” Nasaan ang siyam tanong ng
Panginoong Jesus. Inahanap ni Jesus ang mga taong dapat na nagpapasalamat at
nagpupuri sa Kanya. Pakisabi sa katabi, “inahanap ng Diyos ang pasasalamat mo sa
Kanya/inahintay ng Diyos na magpasalamat ka sa Kanya .” Nagkataon lamang ba o sinadya
ni Jesus na dumaan sa hangganan ng Samaria at Galilea? Hindi ba alam ni Jesus na doon
naga-stay ang mga ketongin? Ako’y naniniwalang hindi nagkataon ang pangyayari, sinadya
ni Jesus na doon dumaan para makapagturo nang isang mahalagang aral sa mga alagad.
Nagkataon din lang ba na nakilala mo ang Panginoon o personal kang sinadya ng
Panginoon para katagpuin at magpakilala sa iyo? Kung tayo’y sinadya ng Panginoon sa
kabila ng ating iba’t ibang kalagayan sa buhay, hindi ba tama lamang na ganoong tugon din
ang ating ibigay. Hindi napipilitan kundi sinasadya nating dumulog sa Diyos ng personal, hindi
para humingi ng ating mga kahilingan kundi para pasalamatan Siya sa lahat ng mga bagay na
kanyang ginawa at ipinagkaloob sa atin. Pasasalamat lang ay sapat na para malugod sa atin
ang Diyos.

2. Ang pagpapasalamat ay kaagad


v.15 “Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa
Diyos.”
Noong oras na narealize ng Samaritano na gumaling na s’ya sa kanyang sakit ang agad
n’yang ginawa ay bumalik kay Jesus para magpasalamat. Hindi na n’ya pinagpabukas-bukas
pa, kaagad siyang tumungo kay Jesus at galak na galak na nagpupuri at nagpapasalamat sa
Panginoong Jesus. Tanong, pwede kayang ang isang taong labis na nagagalak sa ginawa ng
Diyos sa kanyang buhay ay hindi magpasalamat? Ako’y naniniwalang kung tayo’y nagagalak
sa maraming mga bagay na ginawa sa atin ng Diyos hindi tayo makakatiis na hindi
magpapasalamat sa Diyos. Hindi nakatiis ang Samaritanong ito na hindi agad balikan si
Jesus para pasalamatan. Ganyan “ang isang taong grateful hindi makatiis na hindi
magpapasalamat.” Ang agad n’yang naalala nang siya’y gumaling ay ang Panginoon.
Kamusta tayo sa mga panahong natutugon ang ating mga ipinapanalangin/hinihingi o
kapag tumatanggap tayo ng mga biyaya at pagpapala sa Diyos? Sino ang una nating naaalala
at ano ang agad nating ginagawa? Naaalala pa ba natin ang Diyos kapag natanggap na natin
ang ating hinihingi? Ang malungkot ay ito, maraming pagkakataon nalilimutan na natin ang
Diyos, kapag nariyan na ang mga pagpapala. Maraming pagkakaton ang agad nating
reaksyon sa mga tinatanggap at nararanasang pagpapala ay ang i-enjoy ang mga
pagpapalang ito. Agad nating binibili ang ating kailangan baka mawala pa ay, agad tayong
nagpapasakarap sa tinanggap natin. Masyado nang natuon ang ating atensyon sa
pagpapalang tinanggap sa halip na sa Diyos na nagbigay ng mga pagpapalang ating ina-
enjoy ngayon. Ang paala ng Awit 103:2 “Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papuriha, at
huwag mong lilimutin ang Kanyang kabutihan.” Pakisabi sa katabi ‘wag kang makalimot
kapatid na magpasalamat.” Pwede bang simula ngayon ay praktisin natin, sa oras na
mapuna/marealize nating tinupad na nang Diyos ang ating kahilingan o mapuna nating may
pagpapalang ibingay ang Diyos, ang agad nating gagawin ay ang lumuhod sa panalangin at
magpasalamat sa Kanya. Bago mo gawin ang anumang mga bagay sa oras na mapuna
mong may ginawa ang Diyos sa buhay mo, hihinto ka sa anumang mga ginagawa mo at
agad na dudulog sa Diyos para magpasalamat. Ano ang kagandahan kung matutunan nating
maging mabilis/maagap sa pagpapasalamat? Ang pagiging maagap sa pagpapasalamat ay
gamot para hindi tayo makalimot sa mga kabutihang ginawa sa atin ng Diyos. Ang taong
grateful ay laging nagmamadali sa pagharap sa Diyos lalo na sa mga pagkakataong may
mga bagay na dapat ipagpasalamat. Hindi ko alam pero marahil nga kaya siguro hindi na
bumalik ang iba ay dahil sa excitement at tuwa na sila’y magaling na rin, sila’y excited na
makauwi sa kani-kanilang tahanan. Hindi ba excited ang Samaritanong ito na umuwi?
Palagay ko’y miss na miss na rin n’yang umuwi, ngunit noong oras na ‘yon ang unang
naging reaksyon n’ya ay pumunta kay Jesus para magpasalamat. Ang naging prioridad n’ya
ay purihin at pasalamatan si Jesus. Sa isang taong grateful ang magpasalamat ay
ginagawang prioridad. Gawin rin nating una sa listahan ang magpasalamat, anuman ang
nararanasan sa Panginoon ang unang-una nating gagawin ang lumapit sa Diyos at
magpasalamat. Tularan natin ang halimbawa ng Samaritano. Ang magpasalamat ay isang
prioridad na ating pinapahalagahan at inuuna bago magpatuloy sa iba nating gagawin.
Pauwi na ang taong ito pero hindi nagdalawang isip na bumalik kay Jesus para
magpasalamat. Pwede rin kaya nating gawin ‘yon na sa anumang mga bagay na natatanggap
natin mula sa Diyos lalo na kung ito’y mabubuting bagay, ang agad nating tugon ay papuri at
pasasalamat sa Diyos. Huwag tayong maging na humingi ngunit mabagal namang
magpasalamat. Sana’y automatic sa atin ang magpasalamat. Ang ginawa ng Samaritano sa
katuwaan n’yang siya’y magaling na, agad s’yang pumunta kay Jesus. Ipinagpaliban ng
samaritano ang i-enjoy ang kagalingang natamo para bumalik muna kay Jesus at
magpasalamat. Handang magsakripisyo ng isang taong grateful makapgpasalamat lamang
sa Panginoon.

3. Ang pagpapasalamat ay hindi kaabalahan (handang maabala)


v.17 “Hindi ba sampu ang gumaling? Tanong ni Jesus. Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik
at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?

Nagtanong ang Panginoong Jesus bakit isa lamang ang nagbalik gayong mayroon pang
siyam. Hindi ba talaga alam ni Jesus o nagtatanong si Jesus hindi dahil hindi N’ya alam ang
dahilan kundi dahil gusto n’yang ituro ang isang mahalagang aral sa Kanyang mga alagad.
Maraming mga tao na ang napagaling at ginawan ng himala ang Panginoong Jesus, ngunit
sa kwentong ito ay binigyang diin ng Panginoong Jesus ang kahalagahan ng pagiging
mapagpasalamat. Ang Samaritanong bumalik para magpasalamat at magpuri sa Diyos ay
ang saktong larawan nang pagiging mapagpasalamat na gusto ng Diyos na makita sa lahat,
lalo na sa ating mga sumasampalataya sa Kanya. Hindi ba’t hindi naman ine-require ni Jesus
na bumalik sila, ang sabi lang ni Jesus ay humayo sila at magpakita sa mga saserdote,
walang sinabi na, at pagkatapos ay bumalik kayo sa Akin. Walang ganun, pero bakit bumalik
ang Samaritano? Ano ang nangyari sa kalooban ng Samaritano? Hindi ba ipinapakita nito na
ang isang taong grateful ay hindi mo na kailangan pang utusan o sabihan, kundi nagkukusa.
Hindi kaya ito nagpapahiwatig na ang Panginoong Jesus ala man S’yang iniutos ngunit
naghihintay Siya sa mga taong ginawan N’ya kabutihan na magbalik? “Dahil para isang
taong grateful hindi kapaguran ang magpabalik-balik para magpasalamat.” Kung inaturing
nating ang pagsamba tuwing linggo ng umaga ay pagkakaton natin para mapasalamatan at
mapapurihan ang Diyos hindi ba tama lamang na tayo’y nagmamadaling pumunta.
Iniiwannating ang ibang kaabalahan natin para bigyan ng panahon ang Diyos. Ngunit ang
malungkot minsan ay baligtad, ang paglalaan ng oras sa Diyos ay parang isang malaking
abala sa iba, mas mahalaga pa ang mga makamundong gawain kesa sa pagsamba sa Diyos.
Marami sa atin ay busy, busy sa trabaho, busy sa pag-aasikaso sa school, busy sa paglalaro,
busy sa maraming bagay. Sa kabila ng ating mga kabusyhan mga kapatid nakakapaglaan pa
ba tayo ng panahon man lang para dumulog sa Diyos at magpasalamat sa lahat ng bagay na
ginawa N’ya sayo? Nakakalungkot lang minsan na handa tayong maabala sa maraming
bagay, handa tayo at willing tayong paabala kapag tungkol na sa trabaho, kapag tungkol na
sa school, kapag tungkol na sa paglalaro, kapag tungkol na sa paggala, pero parang ang
hirap nating maabala kapag para na sa Panginoon. Para bang namamalimos ang Diyos ng
oras mula sa atin. Bakit ganun? Maaari kayang ang ganitong klase ng kalagayan ay
kapahayagan na hindi pa tayo nakakarating stage ng pagiging grateful sa Diyos?
Nananampalataya na nga tayo ngunit anlayo-layo pa natin sa katotohanan ng pagiging
grateful. Ang sabi ng Awit 9:1 “O Panginoon ko, buong puso kitang pasasalamatan, ang
kahanga-hangang ginawa mo Yahweh aking isasaysay.” Ganya sana angmaging saloobin
natin mga kapatid sa pagpapasalamat, “buong puso.” Kaya nga siguro sinadya ni Jesus
dumaan kung saan naroon ang sampung ketongin, Gustong ituro at ipaunawa ni Jesus sa
mga sumusunod sa Kanya na ok na kayo sa inyong pananampalataya ngunit sa bahaging ito
ay hindi pa. Ang pagiging grateful ay resulta ng kung ano ang mga nararanasan natin sa
Diyos. Ako’y naniniwalang kung mayroon pang isa na dapat maging katawagan sa mga
kristyano ay hindi lamang ‘yong pagiging banal kundi ‘yong tayo’y tawaging mga grateful
person. Hindi ba tayo nagugilty minsan na kristyano tayo pero wala ka man lang
maipagpasalamt sa Diyos? Tanong, pwede bang mangyari na kung ang isang tao ay tunay na
naging mananampalataya posible bang wala s’yang makikita na dapat ipagpasalamat sa
Diyos araw-araw? Give thanks to the Lord for he is good, his love endures forever.” Ps. 118:29
Maraming tao kahit kristyano handang mag-abala sa ibat ibang okasyon bilang
kapahayagan daw ng kanilang pasasalamat pero sa hindi sa pagpapasalamat sa Diyos.
Halimbawa kapag may nakatapos ng pag-aaral magapablow-out, kapag nakapasa sa Board
Exam magapablow-out, kapag nakapasok sa trabaho magapablow-out. Ang blow-out ay
paraan natin para magpasalamat sa nangyari sa atin. Pero gusto kong sabihin na ang
pagboblow-out ay hindi isang klase ng pasasalamat bagkus ito’y isang anyo lamang ng
pagpaparty. Ang tunay na pagpapasalamat ay ‘yong kilalanin ang naging dahilan ng iyong
tagumpay, pumunta sa mga taong tumulong sa iyo para marating mo ang iyong narating,
puntahan sila at personal na pasalamatan sa kanilang ginawa para sa atin. Huwag nating
ipagkakamali na kapag nakapagpablow-out o nagapaputong tayo ay nakapagpasalamat ka
na. Bumalik tayo sa lahat ng naging source ng ating tagumpay, pagka-abalahan natin na
sila’y personal na puntahan at pasalamatan. Kung naniniwala tayong kung wala silay hindi
tayo magtatagumpay then ‘wag tayong mangingiming pagkaabalahan na puntahan ang
mga taong ito. Lalo’t higit sa Diyos kung naniniwala tayong ang Diyos ay makapanyarihan at
nasa Kanyang kapahintulutan ang lahat ng bagay, magbigay tayo ng oras na pasalamat at
purihin ang Diyos sa tagumpay na ginawa Nya sa buhay mo.
4. Ang pagpapasalamat ay hindi inakahiya (ipinagsisigawan/may buong pagpupuri)
v.12-13 “Nang papasok na siya sa isang nayon , Siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil
sila sa malayu-layo at humiyaw ng “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin
v.15 “Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa
Diyos?”

Pareho ng kalagayan ang 10, lahat sila’y sumisigaw kay Jesus na sila’y kahabagan ngunit
nang sila’y pinagaling na iisa ang bumalik na sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Iisa ang
nagkusa at nagkaroon ng lakas ng loob na ipagsigawan ang kabutihang naranasan n’ya sa
Panginoong Jesus. Papaano natin ipinapakita ang ating pasasalamat sa Diyos? Ang sabi ng
talata “nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos” hindi rin nakatiis ang Samaritanong
ito na manahimik lamang sa laki ng kabutihang tinanggap n’ya sa Panginoon. Ganyan din
naman ang isang taong grateful hindi makatiis na mananahimik lang gayong mayroon
siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos. Kitang-kita sa Samaritanong ito ang buong galak at
kasiyahan sa kagalingang kanyang naranasan kaya hindi siya nakapagpigil na umawit at
magpuri sa Diyos na nagbigay sa kanya ng kagalingan. Waring walang pakialam ang
Samaritanong ito sa mga taong makakakita sa kanya. Waring wala nang makakapigil pa sa
taong ito. Naalala ko tuloy si David, nagsasayaw dahil sa galak sa Diyos, hindi alintana ang
mga tao sa paligid at iisipin ng mga tao. Ganyan ang isang taong grateful sa Diyos, hindi mo
mapipigilang sumigaw ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. Kamusta naman tayo mga
kapatid, katulad ba tayo ng Samaritanong ito sa pagpapasalamat sa Diyos? Pakisabi sayong
katabi “wag kang papipigil na magpuri sa Diyos.” ang nakakatuwa pa Samaritanong ito ay
hindi lamang s’ya basta sumambit ng papuri at pasasalamat sa Diyos, ang sabi ay
“sumisigaw ng pagpupuri” sa English ay “praising God in a loud voice.” Ano ang
ipinapahiwatig nang praising God in a “loud voice?” Hindi ba ito nagpapahiwatig nang
buong pagmamalaking sinasabi mo na ang Diyos ko’y mabuti at hinahayaan mong marinig
din ng iba ang tungkol sa kabutihan ng Diyos. Hindi kaya nakaagaw ng atensyon sumisigaw
na pagpupuri sa Diyos ang Samaritano? Parang gusto kong isipin at maniwala na nakakuha
ito ng atensyon para ang iba rin ay matuon ang atensyon kay Jesus at maniwalang mabuti
at makapangyaihan ang Panginoon. O maaari din namang prasing God in a loud voice ay
nanganaghulugang ibigay mo ng todo ang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos, ‘wag mong
tipirin ang Diyos. Kung may ginawa ang Diyos sa buhay mo ibigay mo ng todo ang pagpupuri
sa Kanya. Alam n’yo po ‘yong isang taong grateful sa Diyos nothing can stop him in
worshipping the Lord. At ang pagsamba ng isang taong nagpapasalamat sa Diyos ay bigay
todo. Noong panahong ‘yon ang pagkakaroon ng ketong pinakagrabeng karamdaman na
pwede matamo ng isang tao, kaya itinataboy sila at inihihiwalay sa karamihan, walang
gamot sa kanilang karamdaman. Kaya nga nang malaman nilang si Jesus ay parating
ganoon na lamang ang paghiyaw na silay kaawaan at kahabagan sa kanilang kalagayan.
Hindi ba’t totoo rin sa atin ‘yan kung hindi tayo kinaawaan at kinahabagan ng Diyos asan
kaya tayo ngayon? Hindi ba kung mayroon may mas malaking ipagpapasalamat at
ipagpupuri sa Diyos ay tayo ‘yon? Kaya kapag tayo’y lalapit sa Diyos para sumamba at
magpuri pwede bang ‘wag nating isipin ang sasabihin ng ating katabi, ibigay mo sa Diyos
ang nararapat na pagpupuri. God deserves that. Amen? 2 Samuel 6:14 “And David was
dancing before the Lord with great enthusiasm” (AMP) / “And David danced before
the Lord with all his might” (ESV), / “At nagsayaw si David ng kaniyang buong lakas sa harap
ng Panginoon” (ADB) Si David ay Hari na nang panahong ‘yan ngunit hindi nakahadlang sa
kanya ‘yon para mapapurihan ang Diyos nang may buong lakas. Pakisabi sa katabi, ibigay mo
ng todo ang pagpupuri mo sa Diyos. Huwag tayong tahimik let us shout kung kinakailangan,
let us dance in worshipping the Lord kung kinakailangan, let us sing with a grateful heart in
worshipping the Lord. Nalugod ang Panginoong Jesus sa ginawa ng samaritano. Ikakalugod
ng Diyos ating mga pagpupuri at pagpapasalamat rin sa Kanya.
Isaiah 12:4 “Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “magpasalamat kayo kay Yahweh, Siya ang
inyong tawagan; Ipaalam ninyo sa mga bansa ang Kanyang ginawa, ipahayag ninyo ang
kadakilaan ng Kanyan pangalan.”

Conculsion

Napakarami nating dapat ipagpasalamat sa Panginoon, ang totoo bawat umaga, bawat
araw may mga bagong bagay tayong pwede makita upang ipagpasalamat sa Panginoon.
Luminga-linga lang tayo sa paligid natin at makakakita tayo ng mga bagay na magtutulak sa
ating magpasalamat sa Diyos. Hindi tayo mauubusan ng dahilan para magpalamat at
magpuri sa Diyos. At kung sakali mang wala ka talagang makita sa paligid mo, may isang
dahilan na habang buhay na magtutuak sa ating magpuri at magpasalamat sa Diyos, ang
pagpapatawad, pagtanggap, at pagkalinga sa atin ng Diyos ay panghabang buhay na mga
dahilang dapat nagacause sa ating buong pagmamalaking magpuri at magpasalamat sa
ating Diyos na buhay.
Let your roots grow down into him, and let your lives be built on him. Then your faith will
grow strong in the truth you were taught, and you will overflow with thankfulness.” Col. 2:7

You might also like