Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Apostolado ng panalangin

Plan for 2024

Bagong pangalan po ng Apostolado ng Panalangin ay ito: PWNP-AP. Pope’s Worldwide


Network of Prayer- Apostleship of Prayer

Sitwasyon po ng apostolado ng panalangin ngayon sa ating parokya.

- Kumokonti po ang mga myembro namin. Nababawasan na po kami dahil matatanda


na ang myembro namin ngayon. Marami na po kaming myembro na sumakabilang
buhay na.

- Tapos po sa nakalista naming mg 40 na myembro, malimit po ay nasa 20 hanggang


25 lamang nag nakadadalo sa monthly meetings namin. Marami na rin po ang hindi
nakadadalo sa unang byernes na debosyon dahil matatanda na. Ang iba namang
nakakasimba, hindi na dumadalo sa pulong pagkatapos ng misa.

Kaya gagawa po kami ng bagong listahan upang malaman kung ilan talaga ang active
members pa. Ililista rin po namin ang mga members na hindi na nakaaalis ng bahay.

Kaya po eto ang aming mungkahi na Gagawin

1. Sa 2024 nais po naming panumbalikin ang sigla ng aming samahan at paiigtingin


muna po namin ang formation ng mga myembro.

2. Sa 2025 na po kami magpaplano ng paghikayat sa mga bagong myembro. Sa 2025


na arin po siguro namin paguusapan kung ano ba ang maaari naming paglilingko sa mga
ibang myembro ng Parokya.

Para taong 2024

I. Panumbalikin ang sigla

Sa taong 2024 layunin muna po naming panumbalikin ang sigla ng aming samahan.
Kumokonti po ang regular na dumadalo sa monthly meetings. Nais po muna naming
maging mas regular ang pag-attend ng mga myembro sa mga meetings.

Paano namin ito Gagawin:

1. Pupuntahan po namin ang aming mga myembro. Aalamin ang mga aktibo at di na
aktibo. Gagawa ng bagong listahan ng mga myembro. Kukunin ang mga contact
numbers nila.

2. Sa mga aktibo na myembro, kilalanin, bisitahin ang mga bahay ng mga myembro.
Kukunin namin ang mga numero ng telepono nila at aalamin paano namin sila
makokontak sa messenger. Aamukiin silang kilalanin ang mga myembrong malapit sa
kanila at bumuo ng small clusters. Himukin silang kung pwede silang magkita kita o
magconnect sa messenger weekly. Pwede silang magrosaryo on line at bumasa at
magshare ukol sa gospel reading sa darating na linggo.

3. Bibigyan din po namin sila ng baha-bahgi na pag-aaral ng tagubilin ng banal na


Papa ukol sa intensyon niya para sa buong simbahan. Buwan Buwan po may intension
ang mahal na Papa at ipinagkaloob po niya ito sa Apsotolado ng Panalangin. Hindi lang
po ito ang pangalan namin. Ang tawag na po sa amin ngayon ay Pope’s Worldwide
Network of Prayer- Apostleship of Prayer. PWNP- AP.

4. Kung gusto nila kahit messenger tawagan upang magawa nag mga ito. Para sa
ganitong paraan, maipapabot s kanila ang naumang announcement galign sa prseidente.

II. Bigyang Pansin ang Paghubog

Bubuo po kami ng formation team para maghanda ng mga gawain . sial ang
maghaahnda ng mga tema at magfofollow up sa mga myembro.

Pero sila rin ang tatawagin naming elders o mga lider ng mga maliliit na grupo. Bilang
elders, maaari silang lider sa pagdarasal at pag-aaral. Pero pwede rin silang gumanap
ng mga tungkulin ng shepherding. Mga tagapayo, hingahan ng sama ng loob, kaakbay
sa paglalakbay. Tagabuo ng small groups .

Para sa formation ng mga myembro nakita naming kailangan namin ang maraming
bagay. Kaya bumuo po muna kami ng 3 layunin

A. Pagpapanibago at paglago sa kaalaman

B. Paglalim sa pananampalataya at personal na ugnayan sa Panginoon

C. Paigtingin ang espiritu ng kapatiran ng mga myembro

Nakita naming kulang kami sa tatlong bagay: kaalaman bilang myembro ng AP at


bilang katoliko. Nais naming lumago ang aming kaalaman. Gagawin naming tuwing
unang Byerns sa aming mga pagpupulong magtatakda kami ng mga tema o
paguusapan. Mga mini seminars po ito ukol sa ilang tema na aming napili.

Mag-aaral kami ng mga sumusunod na tema :

Magoorganize po kami ng ilang pagaaral ukol sa

- mga tungkulin ng mga myembro ng Apostolado ng panalangin; ibig sabihin ng


apostolado at ng panalangin

- ibig sabihin ng BEC

- Ibig sabihin ng debosyon sa mahal na birhen ng Sto Rosario. Paano ba magiging


taimtim at makabuluhan ang pagdadasal ng Sto Rosario

You might also like