Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

YUNIT VI: Wika, Mass Media, at Relihiyon

MEDIA AT PAMBANSANG WIKA


Rolando Tolentino

Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang


popular nitong bersyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban
sa evangelical na palabas na nagbibigay-aral at nanghihimok ng
kumbersyon sa ingles, ang kalakhan ng free channels sa telebisyon ay
gumagamit na nitong Filipino.
Dati ay primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng
pinakahuling balita sa gabi, lahat ay bumabalik sa ingles, lalo na ang news
magazine shows. Pero nahigop ito ng Filipino, lumawak ang oras at
palabas na tinaguriang “primetime,” at kung gayon, mas maraming oras
ng advertisement na pinagkakakitaan ng may-ari ng kompanya.
Magkabilang pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang
lunduyan ng pagpapalaganap ng pambansang wika. Sa isang banda, ito
na ang nakakapagpaunlad ng kontemporaryong Filipinong kauna-unawa
sa buong bansa. Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura o isabatas
hinggil sa pambansang wika ay naisasakatuparan na ng popular na media.
At hindi nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator
ng wika. Lahat ng AM stations sa radyo ay gumagamit ng Filipino at mga
wikang bernakular. Ang FM stations ay kinakailangan ding gumamit ng
Taglish kaysa ingles na may twang at slang dahil masyadong nae-alienate
ang tagapakinig, lalo na ang Amerikanong tagapakinig kapag ang DJs ay
“pretend” (nagpapanggap na American native speaker).
Ito na rin ang nagsisiwalat ng isang Filipino ingles na binibigkas.
Walang American twang, tadtad ng idiomatikong expresyong pidgin o
kakatwa lang sa Pilipinas, at may rekurso sa Taglish bilang performatibong
wika ng gitnang uring tagapakinig ng FM station. Ang umuunlad na
pinapakinggang Taglish ang siyang benchmark ng isang wika aspirasyonal

1
para sa mababang uri na kahit man lamang ito—halong Tagalog at
ingles—ay makayanang maabot, at sa mataas na uri para
makapagkomunikasyon sa sirkulo ng iniinugang mababang uri, tulad ng
kanilang katulong, driver, watch-your-car boy, nagbebenta ng sampaguita
at yosi, at iba pa.
Ang umuunlad na wika ay pragmatikong wikang kolokyal.
Nasasapol nito ang aspirasyonal na layunin ukol sa komunikatibong
operasyon sa bansa. Na ang abang uri ay maari ring umangat—at the very
least, maging call center agent—kung makikinig lamang ito ng Taglish sa
popular media, mga bagay na hindi niya lubos na matutunan sa
akademikong kalakaran na purong Filipino o purong ingles lamang.
At ang mataas na uri ay maaring magkaroon ng reli (relevance) sa
kinakausap na abang uri, dahil marahil sa kauna-unahang pagkakataon,
may nauunawaang popular na wikang pinaghahalawan ang kumakausap
at kinakausap. Para itong wika ng popular na pelikula, kahit mamilipit na
ang mga karakter—na ginagampan ng pinakabatikang batang artista—na
magdiretsahang ingles, nakakapanghimok pa rin ang wika ng aspirasyonal
na lifestyle choice: edukasyon, career, pag-ibig, pamilya at gitnang uring
buhay.
Na kahit nga abang uri ang mga tauhan at naratibo ng mga
pelikulang popular, sa pamamagitan ng gitnang uring panuntunan, ang
punto-de-bista at pagpapahalaga ay maglilikhang hindi nakikita at
natutunghayan ang materialidad ng abang uri. Tanging ang aspirasyon ng
gitnang uri ang tumitingkad. Kaya ang ordinaryong assistant sa isang
advertising company na babae ay mai-inlove sa kanyang masungit na
boss, at mai-inlove gamit ang wikang Taglish.
Sa internet, sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas
maraming trafiko at hits kaysa sa sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal
na pambansang wika, at ang panuntunan ng gatekeepers ng ofisyal na
wikang pambansa ay, sa pangunahin, nakasentro sa usaping
standardisasyon (baybay, panunumbas na kahulugan, gamit sa
pangungusap, at iba pa).

2
Sa kabilang banda, sa mas pragmatikong usapin, ang
pagpapalaganap ng media ng kolokyal na pambansang wika ay hindi
naman dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa ng
pangangailangan ng higit na kita ng media—isa sa mga huling negosyong
nilinaw ng Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang—ang motibasyon
ng pagtangkilik ng negosyong media sa wikang pambansa.
Narinig kong magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz
talk show. Si Shaina Magdayao ay nagpapaliwanag kay Boy Abunda
hinggil sa pang-aalipustang siya ang dahilan ng pagka-setback sa career
ni John Llyod Cruz. Ewan ko kung tipong inaabot ni Shaina o Gerard
Anderson—na nagpapaliwanag naman sa korte ng popular na publikong
opinyon hinggil sa paghihiwalay nila ni Kim Chu–ang manonood na
kalakhan ay galing sa mababang uri, pero hindi sila makapagsalita ng
tuwid na Filipino o Ingles.
Ang kanyang rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-
inhinyero ng media conglomorates sa artista at wika: wala nang nasa labas
ng kolokyal na wika, at ang pagpaminta ng ingles sa Filipino ay ang
pagsasanib ng higit na aspirasyonal na halaga ng wikang ingles sa Filipino.
Hindi rin kakatwa na wikang ingles ang inaakalang literal na
magpapayaman sa nagsasanib nito sa wikang Filipino.
Hindi ba’t ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang
tampok na global na wika sa ating insular na mundo? Kahit pa sa boom
economies ng India at China at ang pangangailangan ng maraming
Filipinong marunong ng wika ng mga ito para sa engagement sa mga
bagong global na economic powers, patuloy lamang ang pinupuntirya ng
mga Filipino ay ang circuitous na pakikisalumuha via ingles?
Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na
pambansang wika. Ang sentral na impetus ay nanggagaling sa
pambansang motibasyong makaalinsabay sa globalisasyon, o ang
paghahanap ng lokal na idioma sa global na kapitalismo. Hindi ito
dumidiretso sa kalakarang global, ang pagpasok sa ekonomiya ng India,
China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na bansa.

3
Ang trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng
globalisasyon sa pambansang kondisyon: ang higit pang penetrasyon ng
global sa lokal. Ang kultural nitong pagsasalin ay nangangahulugan ng
mobilisasyon sa pamamagitan ng overseas contract work sa labas ng
bansa at call center work sa loob ng bansa. At media ang nagpako ng
kasalukuyang estado ng pangarap ng mamamayan.
Ang kahulugan ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang
pambansa sa media ay nagsaad rin ng nasyonal na agenda: sa
pamamagitan ng kolokyal na wikang pambansa makakalahok ang bansa
sa kolokyal na globalisasyon. Nananatiling nasa laylayan ang bansa at ang
wika nito tungo sa internalisasyon ng globalisasyon. At dahil
magpakaganito, tumitingkad ang materialidad ng di-pantay na
penetrasyon ng globalisasyon sa buong mundo.
Kung titignan ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang
lehitimong peryodismo—ay nakasulat sa ingles. Sa mga tabloid, na higit
na tinutunghayan ng mas maraming bilang ng ordinaryong mamamayan,
ay sadlak sa sensationalismo, ang bulgar at bawal, sexual at bastos, at iba
pa. Hindi ba’t ang isinasaad nito ay ang di-opisyal at popular na
motibasyon sa kaalaman-kultural na dulot ng tabloid ay tungo sa
mismong hindi aangkop sa kinikilalang ofisyal na peryodismo sa bansa?
Kaya ito ang debacle sa wikang pambansa at media na
nagpapalaganap ng kolokyal na variasyon nito: ang pinapatingkad ay ang
kabalintuan ng di makapantay at makaagapay sa ofisyal na globalisasyon,
at ang kasalukuyang tereyn ng kolokyal na wikang pambansa ay
nananatiling nasa bulgar, ipinagbabawal, sexual at bastos.

4
WIKA AT RELIHIYON
Jovy M. Peregrino

Mga Palagay sa Wika ng Relihiyon

Batay sa pananampalataya ng isang indibidwal ang pag-iral ng isang


supernatural being at paglahok sa mga ritwal ng kaniyang
kinabibilangang relihiyon at pagtingin sa relihiyon bilang produkto ng
lipunan. Tuwiran lamang itong mabubuhay, iiral, lalahok, at magiging mas
makapangyarihan kung gagamitin bilang instrumentong makatutulong
sa pagpapahayag ng mga saloobin, sasabihin, at paniniwala. Ang
pinakapaksa ng relihiyon ay abstrak, bagay na maaaring pagtalunan kung
mayroon nga o wala, kung umiiral ba o hindi dahil sa ganitong katanglin
ng paksa, ang wikang maaaring gamitin upang maging lunsaran at
instrumento ng diskursong panrelihiyon ay magiging abstrakto rin at
simboliko. Abstrakto o simboliko ito sa puntong tatalakay o tutukoy ang
wikang ito sa bagay na itinutunng na abstrakto. Ipinagpapalagay pal nga
itong “non-cognitve language” o "language of faith" isang wikang walang
katuturan, lohika, at simpleng pagpapahayag lamang o ekspresyon sa
kabila ng pagkakaroon nito ng sistema tulad ng wikang ginagamit ng
siyensiya. Ang wika ng siyensiya ay may kaakibat na paliwanag o patunay
sa kaniyang isinasaad o tinatalakay. Maaaring masuportahan ng mga
patunay at karanasan ang wika ng siyensiya samantalang ipinagpapalagay
na ang wika ng relihiyon ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita o kaya'y
maaaring maranasan. Tila empirikal na basehan ang lahat ng bagay na
tinutukoy ng wika ng relihiyon. Dahil dito, ang wikang ito'y wikang
abstrakto at non-cognitive o wika lamang ng pananampalataya.
Tinitingnan ang wika ng relihiyon na pagpapahayag lamang ng
nararamdaman at pinaniniwalaan ng tagapagsalita bagama't
nangangailangan ito ng patunay. Hindi laging ganito dahil ang
nararamdaman ng tagapagsalita ay maaaring hindi paniwalaan ng
5
nakikinig kung hindi siya naniniwala sa isinaad nito. Halimbawa nito'y ang
pagsasabi na ''Si Hesus ay anak ng Diyos"—maaari nitong
ipagpakahulugan bilang isang katotohanang kailangang patunayan.
Ngunit paano ito mapatutunayan kung ang tinutukoy na Diyos ay
pinagtatalunan kung umiiral o hindi. Kaya masasabing ito'y simpleng
pagpapahayag lang ng saloobin at sariling paniniwala. Sa kaso ng mga
naniniwala sa pag-iral ng Diyos, ang pahayag na ito ay lohikal at may
batayan mula sa kasaysayan ng kaligtasang nakasulat sa Bibliya. Ito'y
hindi simpleng pahayag lamang kundi isang wika ng pananampalataya.

Ayon kay George Abcrnethy at Thomas Langford:

Ang Diyos ay hindi layon ng katwiran kundi layon ng


pananampalataya. Kapag tayoyj nagbapahayag tungkol sa
salita, partikular sa salita ng Diyos, may taglay itong kahirapan.
Sa pananaw ng mga Kristiyano, ang salita at gawa ay itinuturing
na Rebelasyon. Si Hesus ang salita. Para sa Kristiyano ang
rebelasyon ay salita ng Diyos. Ang salita ay ipinahayag sa
pamamagitan ng Divine majesty. Sa kasong ito nagmumula ang
posibilidad ng pagsunod. Ang rebelasyon ng Diyos ay maaaring
lamang masumpungan, mahanap, maunawaan at husgahan sa
pamamamgitan-ng pagsunod at pakikinig na nagiging isang
desisyon. Hindi tayo maaaring mag-iisip at magsalifa tungkol sa
rebelasyon ng Diyos, maaari lamang tayong magmuni-muni sa
isinasaad ng salita (Abenthy at Langford, 1962:237).

Sa madaling sabi, kailangan na lamang pagtiwalaan ang pag-iral ng


Diyos dahil hindi naman ito maaaring patunayan sa pamamagitan ng
empirikal na paraan o eksperimentasyon tulad sa siyensiya. Ang ganitong
sitwasyon ay malinaw na nagpapakita ng kontrol ng wika sa
mananampalataya dahil sa taglay nitong katangiang naging isang
misteryo at tumutukoy o pumapaloob sa isang mas malawak na misteryo.

6
Ipinaliwanag ni Langford (1962) na ang wika ng relihiyon ay
nagmumula sa tinatawag na Sakramento. Dito nagmumula ang
komunikasyon ng mananampalataya at ng Diyos. Maaaring makita sa
sakramentong ito ang iba't ibang blending ng pagsasalita, aksiyon, ilaw,
kulay, tono, anino, ritmo, pabango o insenso. Dito magmumula ang
tinatawag nilang Berbalisasyon tulad ng ebanghelismo o pagpapahayag
ng nakasulat sa Bibliya, Kerygma o pangangaral, testimonya, panawagan
o deklarasyon, Doktrina o Dogma na tumutukoy sa sistematikong pag-
aaral at pagtuturo ng tungkol sa Diyos o mga bagay na dapat paniwalaan.
Sa lahat ng berbalisasyong ito, nangangailangan ng wika upang
maipaunawa ang relihiyon, disiplina at pamarnahala ng mga namumuno
sa mga nasasakupan.
Sa pagdaraos ng mga sakramento ng relihiyon tulad ng misa ng
mga Katoliko, may mga salitang dapat mabuo o gamitin upang tumukoy
sa bagay na ginagamit sa pagsasagawa ng sakramento. Halirnbawa, ang
salitang "ostiya" ay tumutukoy sa katawan ni Kristo, "alak" para sa
kaniyang dugo, "kandila" sa liwanag, "krus" sa kaligtasan at marami pang
iba. Sa mga gawain, sa sakramento o mga aktibidad at mga ideolohiya ng
isang relihiyon magmumula ang pagbuo ng wika ito. Ang wikang ito,
bokabularyo o slntaks ay tinawag ni Plato na "Articles of Faith." Dahil ang
mga salitang ito'y makakatulong sa mananampalataya para maipadama
nito ang kaniyang aktibong pakikiisa o pakikisangkot o pakikilahok sa
pinaniniwalaang relihiyon.
Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Ang mga simpleng salitang ginagamit sa ordinaryong pakikipag-


usap ay nagtataglay ng iba at malawak na kahulugan kung ito'y ipapasok
sa wika o usaping pànrelihiyon. Pansinin áng inga salitang "pag-ibig,"
"paghihírap," "pagtitiis," "kaligtasan," "ligaya," at "kayamanan." Kapag
pumaloob ito sa konseptong Diyos, hindi na ito magtataglay ng
ordinaryong kahulugan, iba ang ibig sabihin ng pahayag na "Ako'y
naghihirap" sa pahayag na "Si Kristo'y naghihirap" o kaya nama'y "Mahal

7
ka ng iyong ina" sa "Mahal ka ng Diyos." Sa ordinaryong pakikipag-usap,
ang mga kataga ay maaaring mapatunayan at maramdaman sa karanasan
ngunit sa wika ng relihiyon ito'y isang asersiyon.

Dito pumapasok ang katangian ng wika ng relihiyon bilang isang


snnbolikong wika. Ito'y kinapapalooban ng talinghaga at mga bagay na
hindi basta makita, maranasan, maramdaman o maunawaan. Alam nating
ang isang wika'y makabuluhan kung ito'y nasa empirikal na kalagayan.
Samantalang ang wika ng relihiyon ay pinatutunayan na lamang at
pinalilinaw na lamang ng pananampalataya. Sa puntong ito, kontrolado
na ang tao ng teksto at pahayag ng mga salita ng relihiyon dahil sa ating
pananampalataya.
Konkretong halimbawa nito ang mga salitang “krus,” “banal na
tubig,” “aklat ng Biblia,” “altar,” “imahen,” “bandila,” “insenso,” “kandila,”
“libingan,” “abito,” at “rosaryo,” na itinuturing na banal na mga bagay at
sukdulang igalang ng mga mananampalataya sa oras na makita o
mahawakan nila ito. Ang mga ito'y naging sagrado dahil tinaglay ang
simbolo ng mga banal na bagay ng Sakramento ng relihiyon. Naakit ang
tao na mapasunod, mapagaling, at mapagbago sa pamamagitan ng mga
salita o kagamitang ito dala ng kanilang simbolong kinapapalooban at
papel nila sa relihiyong pinaniniwalaan. Gayundin ang mga lugar at bagay
na banal para sa mga Muslim—ang masjid (moske) at ang Koran.
Binanggit din nina Langford (1962) na ang wika ng relihiyon ay
ginagamit upang makakontrol ng kaniyang mga nasasakupan sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangungusap na nagsasaad ng
utos, moral na pananaw, katotohanan, impormasyon, at impormatibong
mga pangungusap. Pansinin ang ilang halimbawang maririnig natin sa
loob ng ating kinabibilangang relihiyon:

nagsasaad ng utos
1. Mahalin mo ang iyong Diyos nang higit sa lahat.
2. Mangilin ka kung pista ng pangilin.

8
nagsasaad ng moral na pananaw
1. Huwag kang mangangalunya
2. Hindi ka dapat mandaya

nagsasaad ng katotohanan
1. Si Hesus ay isinilang sa Bethlehem.
2. Tunay ngang sinasabi ko, ako ang daan, buhay at
katotohanan.

nagsasaad ng impormasyon
1. iboto natin ang mga taong may takot sa_Diyos tulad nina...
2. nangangailangan ang ating parokya ng ganitong halaga

Pinaniniwalaan ng mga mananampalataya ang mga pangungusap


na ito dahil maaari itong makatulong sa kanilang personal at espiritwal na
pangangailangan. Gagamitin nila ito upang makipag-ugnayan sa kanilang
mga kasamahan sa relihiyon at makibahagi ng kanilang
magkakaparehong karanasan. Dahil sa pagkakaroon ng panibagong
karanasan at paniniwala, ang mga salita ay nagbabago ng kahulugan
upang lumapat sa sistema ng pagpapakahulugan at paniniwala ng isang
mananampalataya.

Wika Bilang Ultimate Concern

Tinitingnan din ang wika ng relihiyon bilang isang wikang tinatawag


na ''ultimate concern" o kabuuang oryentasyon sa buhay. Sa pagdarasal,
ito’y pagtatangka ng mananampalataya na umasa sa kaniyang
idinadalangin sa Diyos, at isabuhay ang kanyang pinaniniwalaan. Ang
tinutukoy na pagiging ultimate concern na katangian ng wika ng relihiyon
ang nagpapakita kung paano naiimpluwensiyahan ng wika ng relihiyon
ang mga mananampalataya sa oras na ito'y kanilang glnagamit at

9
binibigkas. Nagiging pag-asa ng mga mananampalataya para sa kanilang
pananampalataya ang mga salitang kanilang ginagamit. Naisasaloob ng
mananampalataya ang wikang kanilang ginagamit upang taos puso nilang
maiparating ito sa Diyos. Ang kanilang ginagawa mismo ay maituturlng
na religious act.

Ang mga Katoliko ay sumasama sa mga prusisyon at nagnonobena


at nagpapamisa upang maging bahagi ng kanilang mga pinaniniwalaan
na ipinaliwanag sa wika bago ito maganap- Ang salitang jihad halimbawa
ng mga Muslim ay nagpapakahulugan sa banal na digmaan. Matamang
isasagawa ito ng mga Muslim kung hinihingi ng pagkakataon.

Ang ganitong kalagayan ng mga mananampalataya ay nagpapakita


ng pagsunod nila sa wika o salitang kanilang naririnig, sinasabi o
pmammwalaan at nagsisilibing kontrol sa karmilang mga pagkilos dala ng
kanilang pagsasabuhay sa mga salitang panrelihiyon. Ang mga salitang
prusisyon, misa, anibersaryo ng relihiyon, jihad, pagsamba,-pag-awit,
abuloy, at mafami pang iba na-nagpapatungkol sa pananampalataya ay
matømang sinusunod ng mga mananampalataya para sa kanilang sariling
kagalingan at katahimikan.

Analohiya sa Wika ng Relihiyon

Tinitingnan naman ni Thomas Aquinas ang garnit ng wika sa


relihiyon sa Mtlong kaparaanan. Una, univocal ang paggamit sa wika kung
ang isang salita ay paulit-ulit na ginagamit at hindi nag-iiba ng kahulugan.
Ikalawa, analohiya kapag hindi masabi kung ito'y univocal o equivocal.
Konkretong halimbawa nito ang salitang pagmamahal. Maaaring sabihing
ang aso'y mapagmahal at ang isang tao'y mapagmahal din. Ito’y univocal
dahil pareho silang nagtataglay ng katangiang mapagmahal. Ngunit
dapat isaalang-alang ang hindi pantay na katayuan at katangian ng
dalawang sabjek, ang isa’y superyor sa isa, dahil maaari kayang equivocal
ang paggamit ng salitang pagmamahal? Dito papasok ang analohiya. Sa

10
paraang ito maaaring ipaliwanag ang kaisipan ng Diyos. Maaaring ang
salitang pag-ibig ay gamitin sa tao at sa Diyos. Ngunit ang level o antas
ay magkaiba. Di hamak na mas malawak ang kahulugan ng pag -ibig
kapag idinikit sa Diyos kung ikukompara sa limitado at kondisyonal na
pag-ibig ng tao. Ang mga salitang “ama” at “kaharian” ay nagtataglay ng
bagong kahulugan kung ikukompara sa tinutukoy na ama mo sa lupa at
kaharian sa lupa.

Wika ng Relihiyon Bilang Asersiyong Di-Kognitibo

Gaya ng nabanggit sa una, ang katangtan ng wika ng relihiyon


bilang isang wikang di-kognitibo ay maituturing na isang asersiyong di-
kognitibo. Ipinagpapalagay na isa lamang paggigiit ang wika ng relihiyon
ngunit ito'y sinusunod ng mga mananampalataya. Masasabing ito'y isang
wikang hindi na pinag-iisipan ang kahulugan kung tama o hindi dahil ito'y
wikang ginagamlt ng mga mananampalataya upang sumampalataya sa
kanilang dapat sampalatayahan. Sa puntong ito, kontrolado ng wikang ito
ang pag-iisip ng mananampalataya. Wala na siyang dapat pang isipin
kundi sumampalataya na lamang sa isinasaad ng wika.

Maaaring isang unibersal na katangian ng paggamit ng wika sa


relihiyon ang ganitong pananaw ngunit sa pagbuo ng register o repertoire
ng isang partikular na relihiyon, mahalagang isaalang-alang ang
pagkakaiba ng kasaysayang pinagmulan nito- Sa pamamagltan ng pag-
iiba-iba ng mga gawain/ritwal ng bawat relihiyon, nakakabuo sila-ng kani-
kanilang termino, simbolo, at senyas para sa pang-unawa ng bawat kasapi
nito. llan sa mga halimbawa nito ang mga salita ng Muslim na “jihad,”
“masjid,” at “Koran” na hindi ginagamit ng Kristiyano sa loob ng kanilang
relihiyon dahil ang mga salitang ito'y salamin ng kasaysayan ng relihiyong
Islam. Iba-iba nn ang tawag ng bawat relihiyon sa Diyos. Tinatawag itong
El Shaddai, Jehovah, Allah, Apo, at iba pa. Ang mga salitang ito'y may
senyas o simbolong inuunawa ng bawat kasapi ng isang relihiyon.

11
Wika ng Relihiyon Bilang Larong Pangwika o Language Game

Tinitingnan naman ni Wittgenstein (Hick, 1989) ang wika ng


relihiyon bilang isang larong pangwika. Ayon sa pananaw na ito ang iba't
ibang uri ng wika, maparelihiyon, mapaagham o mapabatas man ay
pumapaloob sa kani-kanilang “laro.” Upang makilahok sa Kristiyanong uri
ng pamumuhay, kailangang gamitin at sundin ang kaakibat na wika ng
mga Kristiyano na nagtataglay ng sarili nitong panloob/internal na
pamantayang nagtatakda kung ano ang tama at mali sa 1oob ng
eksldusibong diskurso nito. Ang mga internal na transaksiyon ng isang
larong pangwika ay maaaring dumanas ng mga kritisismo mula sa
panlabas na puwersa o mga relihiyong hindi nakauunawa dito
(Constantino, et al., 1985:96). Ang natutuhang wika ng mga tao ay isang
wika ng pananampalataya, wikang nilalahukan na set ng magkakaugnay
na mga konsepto na may kinalaman sa iba’t ibang konteksto tulad ng
relihiyon, siyensiya, moralidad, pakikipag-usap ng pormal/di-pormal,
paglalarawan ng bagay, pagpapakahulugan sa panaginip, at iba pang may
kinalaman sa porma ng buhay. Sa larong pangwika walang
pangkalahatang pamantayan sa pagigmg makabuluhan nito; sa halip,
bawat language game ay may kani-kaniyang criterion sa pagtasa sa
pagiging makabuluhan ng wika na mapapatunayan lamang sa pagtingin
sa porma ng buhay na kinabibilangan nito (Charlesworth, 1972: 161). Dahil
dito, masasabing ang kahulugan ay maaari lamang maitakda sa
pamamagitan ng paghanap dito sa espesipikong larong pangwika, kaya
may sariling wika ang relihiyon.

Ang pagsasabing ang wika ng relihiyon ay isang larong pangwika ay


maaaring patunay ng pagkakaroon ng iba't ibang register ng isang
partikular na relihiyon. Maaari ding makita sa pananaw na ito na ang wika
ng isang partikular na relihiyon ay maaaring hindi maunawaan ng isang
mananampalatayang hindi kasapi ng relihiyong ito. Dahil dito, ang mga
simbolo o senyas ng isang relihiyon ay maaaring hindi maunawaan ng
isang hindi kabilang sa relihiyong ito dala ng hindi pagkaunawa sa mga

12
doktrina nico. Maaaring sabihing ang Islam ay may sariling larong
pangwika kompara sa Kristiyamsmo. Samantalang ang mga Kristiyano ay
may kani-kanilang mga “laro” depende sa kanilang mga paniniwala sa
kanilang mga ritwal; -doktrina o gawain na maaari ding mag-iba-iba.

Halimbawa, tinatawag ng mga Muslim ang Diyos bilang Allah at si


Hesus ay isa lamang sa maraming propeta ni Allah, samantalang ang mga
Katoliko nama'y naniniwalang ang salita ng Diyos ay binubuo ng tatlong
persona (Ama, Anak, Espiritu Santo) gayong ang mga Iglesia ni Cristo ay
naniniwalang ang Diyos ay iisa at hindi kasali dito si Hesus at ang Espiritu
Santo. Sa puntong ito, dala ng pagkakaiba ng kanilang mga doktrina o
paniniwala’t gawain, nagkakaroon sila ng iba’t ibang pagpapakahulugan.
Maaari ding makita ang kontrol ng wika sa mananampalataya sa punto ng
larong pangwika sa pamamagitan ng pagsunod at pagsasabuhay ng kani-
kanilang mga mananampalataya sa doktrinang itinuturo ng kani-kanilang
relihiyon.

Wika ng Relihiyon Bilang Senyas/Simbolo


Sa bahaging ito tatalakayin ang wika ng relihiyon bilang senyas, sign
statement, sign complex, at simbolo. Malay o di-malay na
nakaiimpluwensiya, napaniniwala, at nakokontrol ng wika ng relihiyon ang
tao dahil sa pagiging senyas at simboliko nito. Ang senyas ang
pinakakumong bahagi ng simbolikong wika. Makikita ang mga senyas na
ito sa sining at arkitektura ng Kristiyanismo. Halimbawa nito ang mga
bintana ng mga simbahan, lektern, pulpito, silya, screen, banner, at
maging ang sahig ng simbahan. Nagagawa ng mga edipisyong ito na
mapaigting ang pamniwala at pananampalataya ng tao sa simple at
hayagang paraan. Nagagamit ang mga senyas at simbolo na kinikilala ng
mga mananampalataya bilang instrumentong nakapagpapaisip sa kanila,
nakapagpapaalala, at nakapagpapamuni sa pinagmulan ng kasaysayan ng
kaligtasan (Fawcet, 1970: 13).

13
Ipinapakita ritong bahagi ng wika ang mga senyas at simbolong ito
na nagagamit upang makatulong sa pagpapainit ng pananampalataya sa
relihiyon. Ang mga senyas at simbolong ito'y maaaring makakontrol at
makapagpasunod sa mga mananampalataya kung ang mga ito'y ganap
nilang nauunawaan o ito’y bahagi ng kanilang doktrina. Nakatutulong ang
mga ito sa biswal na imahinasyon ng mga mananampalataya upang
palagiang magpaalala sa kanila ng mga bagay na dapat nilang pag-ukulan
ng sampalataya. Sa kabilang banda hindi magiging epektibo ang mga
senyas na ito kung hindi nauunawaan ang kahulugan at tinutukoy nito.

Ang mga simbolong ginagamit ng mga Muslim ay bahagi ng


kanilang wika ngunit hindi lubusang mauunawaan ang mga senyas na ito
kung hindi gagap ang kanilang doktrina na pinagmumulan ng mga ito.
Ganito rin ang kanilang palagay sa mga senyas na ginagamit ng mga
Kristiyano. Maging ang mga kulay ay mga senyas na Katolisismo.
Halimbawa nito ang pagsasama ng asul at puti na patungkol sa katauhan
ni Birheng Maria, pula at puti sa katauhan ni Hesus, berde na nagpapaalala
kay San Jose na asawa ni Maria. Marahil para sa mga Muslim ang
pagsasama ng mga kulay o pagbanggit sa mga ito'y walang kabuluhan.
Gayon din ang simbolo ng pagsasama-sama ng pula, berde, at puti na
kamukha ng bandila ng Italya ngunit para sa mga Iglesia ni Cristo ito'y
tatak ng kanilang relihiyon na may kaakibat na kandelarya ng bansang
Israel. Ang mga pagpapakahulugang ito'y nagaganap dahil sa
kumbensiyon o pagkakasunduan at pagkakaunawaan. Bahagi rin ito ng
kani-kanilang larong pangwika.

Makalilikha at magagamit ng relihiyon ang wika bilang lohikal na


senyas na nakakabuo ng isang sign statement. Tinutukoy nito ang
paglikha ng alpha-omega na ang ibig sabihin ay simula't katapusan na
kinuha mula sa alpabetong Griyego. Isda ang sirnbolo ng Kristiyanismo
na nagmula sa isang milagrong isinagawa ni Hesus tungkol sa
pagpapakain ng isda at tinapay sa mga tao; susi ang simbolo ni San Pedro
na nagmula sa pagbibigay ni Hesus ng kapangyarihan kay Pedro na

14
magpapasok sa langit at magpatawad ng kasalanan. Nagkakaroon ng
kapangyarihan ang senyas na sundin at paniwalaan dahil sa ipinahahayag
nito mula sa isinasaad ng mga sallta ng Biblia (Fawcet, 1970: 18).

Wika ng Relihiyon Bilang Kontrol

Maituturing na hindi neutral ang wika ng relihiyon naipararamdam


nito na ang mga tao'y nasasakupan ng isang supernatural being,
inuutusan at iniimpluwensiyahan ang taong lumagay sa dapat niyang
kalagyan sa pakikipag-usap sa Diyos (Fawcet, 1970: 36). Dito pumapaloob
ang kapangyarihan ng wika upang kontrolin ang buhay ng isang
mananampalataya dahil sa mababang pagtingin nito sa kaniyang
katayuan kung ikukompara sa mga banał na may kapangyarihang
kumontak at makipag-ugnayan sa supernatural being. Marahil
pinahihintulutan at pinaniniwalaan na nararapat na pagpapailalim sa
kanilang kapangyarihan dahil sa nabanggit nilang mga katangian. Maging
sa mga imahen at kagamitang panrelihiyon ay gayon na lamang ang
pagpapahalaga ng mga mananampalataya. Isa itong indikasyon ng
sikolohikal na pananaw o pananampalataya sa mga ideang ipinapahayag
nitong realidad. Pumapaloob ang penomenong ito sa simbolo ng wikang
ginagamit ng relihiyon sa mga mananampalataya. Dahil dito, walang pag-
aalinlangang sinusunod ito at nakaimpluwensiya sa pagkilos, pag-iisip, at
pagpapahalaga ng isang mananampalataya.
Isinasaloob ng indibidwal ang kaniyang relihiyon gaya ng
pagsasaloob niya sa wika nito. Ang lahat ng kaniyang naririnig, nakikita
ay inaaplay niya sa kaniyang pagkatao at sarili. Ang narinig na salita ay
pagpapakilala ng konsepto. Maaari niyang gayahin ang kaniyang nakikita,
nakukuha niya ang iba't ibang padron, norm, at pagpapahalaga sa
pamamagitan ng karanasang makita ito sa kaniyang mga magulang,
kagrupo, at iba pa bago niya pag-isipan ang mga gawaing kaniyang
kinagisnan (Johnstone, 1975: 89). Nagamit ng relihiyon ang wika upang
makaimpluweńsiya at kumontrol sa mananampalataya dahil sa pagiging
ultimate concern nito, analohikal, di-kognitibo, at laro.

15
Konklusyon

Wika + Relihiyon = Wika ng Relihiyon. Bukod na variable ang wika


na nagiging daluyan ng mga kaalaman. Ang relihiyon naman ay isang
institusyong nangangailangan ng serbisyo ng wika ayon sa papel nito.
Nakabubuo ng isang realidad ang Wika, gayundin naman ang relihiyon
ngunit sa pagsasama ng wika at relihiyon, nakabubuo ang relihiyon ng
Isang wikang may tatak ng relihiyong gumagamit nito. Sa madaling sabi,
nagiging adjective ng wika ang relihiyon. Maaaring magkaroon ng
espcsyal na gamit ang wika sa katangian ng pag-iral ng isang relihiyon.
May sariling wika ang relihiyon na nagmula sa unatawag na Faith
Language. Sa paggamit ng rclihiyon sa wika, nagkakaroon ng involvement
o pakikisangkot ang mga tao sa ng relihiyon. Naipararamdam ng wika na
ang tao'y nasasakupan ng isang supernatural being, inuutusan,
imimpluwensiyahang lumagay sa dapat niyang kalagyan. Parehong
nagmula sa lipunan ang wika at relihiyon. Nagkaroon ng wika dahil sa
pangangailangan gayon din naman ang pag-iral ng relihiyon. Nagkaroon
ng kapangyarihan mula sa grupo, naging maimpluwensiya sa lipunan
matapos mabigyan ng kapangyarihan. Sa madaling sabi, dalawa itong
magkaibang variable sa loob ng lipunan ngunit may malalim na ugnayan
sa isa't isa at may kakayahang bumubo o gumawa ng isang realidad sa
loob ng isang lipunan. Kung ang katangian ng relihiyon abstrak, ganito rin
ang maglging katangian ng instrumentong gagamitin nito. Sasalamin ang
itsura ng wikang gagamitin ng relihiyon sa anyo.

16
YUNIT VI: Wika, Mass Media, at Relihiyon
Gawain sa Pag-unawa

Pangalan ALHIZA PERALTA Iskor

A. Sagutin nang sapat, tumpak, at may impak ang sumusunod na mga


tanong patungkol sa wika at mass media.
1. Ano-ano ang mga nagiging katangian ng wika kapag ginamit ng
mass media?
Kung titignan ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang
lehitimong peryodismo—ay nakasulat sa ingles. Sa mga tabloid, na higit
na tinutunghayan ng mas maraming bilang ng ordinaryong mamamayan,
ay sadlak sa sensationalismo, ang bulgar at bawal, sexual at bastos, at iba
pa. Hindi ba’t ang isinasaad nito ay ang di-opisyal at popular na
motibasyon sa kaalaman-kultural na dulot ng tabloid ay tungo sa
mismong hindi aangkop sa kinikilalang ofisyal na peryodismo sa bansa?
Kaya ito ang debacle sa wikang pambansa at media na
2. Ilarawan ang paraan
nagpapalaganap ng naiyong
ng kolokyal paggamit
variasyon nito: angng wika sa internet,
pinapatingkad ay ang
facebook, twitter, instagram, mobile phone, blog, vlog, chat, at iba
kabalintuan ng di makapantay at makaagapay sa ofisyal na globalisasyon,
at ang kasalukuyang tereyn ng kolokyal na wikang pambansa ay
pang anyo ng
nananatiling ginagamit
nasa mong media.
bulgar, ipinagbabawal, sexual at bastos.
Ang aking paggamit ng wika sa internet, facebook, twitter, instagram,
mobile phone, blog, vlog, chat, at iba pang anyo ng ginagamit kong media
ay naka depende kung ano ang aking sasabihin o caption ko sa isang post
o sa aking pag kokomento.Minsan ay nagiging pormal ako sa paggamit ng
wika at minsan naman ay nagagamit ko naman ang ibang anyo ng wika.
Kapag ang kausap ko ay mga mas matatanda sa akin ay gumagamit ako
ng maayos na wika at kung mga barkada ko naman o minsan ay sa
kalokohang pagkokomento at pag ca-caption sa aking mga post ay minsan
3. Paano naiimpluwensiyahan
gumagamit ako ng mga salitang ngbalbal
social
at media ang pagbabago
mga nauusong ng wika
salita ngayon sa
social media.
sa usapin ng mga kahulugan?
Naiimpluwemsiyahan ng social media ang pagbabago ng wika sa usapin
ng mga kahulugan kapag ang tao ay ginagamit ito sa ibang
pamamaraan.At mapapansin natin na nagiiba rin ang kahulugan ng salita o
wika sa kung sino ang gagamit nito sa social media. Marami ang salita
ngayon na nabago ang kahulugan dahil sa social media.
Halimbawa ay "Pa starbs naman ako mamaya."
Ang salitang "starbs" ay kinuha sa salitang "starbucks" at sa starbucks ay
kape(coffee) ang kanilang binibenta.Mapapansin na ang kape at copy o sa
filipino ay kopya ay magkasingtunog. Kaya ang nagawang kahulugan ng
starbs ay kopya o copy.
17
B. Sagutin nang sapat, tumpak, at may impak ang sumusunod na mga
tanong patungkol sa wika at relihiyon.

1. Ilarawan ang mga katangian ng wika ng relihiyon.


Sa ordinaryong pakikipag-usap,
ang mga kataga ay maaaring mapatunayan at maramdaman sa karanasan
ngunit sa wika ng relihiyon ito'y isang asersiyon.
Dito pumapasok ang katangian ng wika ng relihiyon bilang isang
snnbolikong wika. Ito'y kinapapalooban ng talinghaga at mga bagay na
hindi basta makita, maranasan, maramdaman o maunawaan. Alam nating
ang isang wika'y makabuluhan kung ito'y nasa empirikal na kalagayan.
Samantalang ang wika ng relihiyon ay pinatutunayan na lamang at
pinalilinaw na lamang ng pananampalataya. Sa puntong ito, kontrolado
2. Ipaliwanag
na ang tao ng ang ugnayan
teksto ng wika,
at pahayag ideolohiya,
ng mga at relihiyon.
salita ng relihiyon dahil sa ating
pananampalataya.
Sa paggamit ng rclihiyon sa wika, nagkakaroon ng involvement
o pakikisangkot ang mga tao sa ng relihiyon. Naipararamdam ng wika na
ang tao'y nasasakupan ng isang supernatural being, inuutusan,
imimpluwensiyahang lumagay sa dapat niyang kalagyan. Parehong
nagmula sa lipunan ang wika at relihiyon. Nagkaroon ng wika dahil sa
pangangailangan gayon din naman ang pag-iral ng relihiyon. Nagkaroon
ng kapangyarihan mula sa grupo, naging maimpluwensiya sa lipunan
matapos mabigyan ng kapangyarihan. Sa madaling sabi, dalawa itong
magkaibang variable sa loob ng lipunan ngunit may malalim na ugnayan
3. Paano
sa isa't masasamin sa wika ang
isa at may kakayahang kultura
bumubo ng mgangPilipino
o gumawa sa usapin
isang realidad sa ng
loob ng isang lipunan. Kung ang katangian ng relihiyon abstrak, ganito rin
mga gawaing panrelihiyon?
ang maglging katangian ng instrumentong gagamitin nito. Sasalamin ang
Nagiging pag-asagagamitin
itsura ng wikang ng mga mananampalataya para sa kanilang
ng relihiyon sa anyo.
pananampalataya ang mga salitang kanilang ginagamit. Naisasaloob ng
mananampalataya ang wikang kanilang ginagamit upang taos puso nilang
maiparating ito sa Diyos. Ang kanilang ginagawa mismo ay maituturlng
na religious act.
Ang mga Katoliko ay sumasama sa mga prusisyon at nagnonobena
at nagpapamisa upang maging bahagi ng kanilang mga pinaniniwalaan
na ipinaliwanag sa wika bago ito maganap- Ang salitang jihad halimbawa
ng mga Muslim ay nagpapakahulugan sa banal na digmaan. Matamang
isasagawa ito ng mga Muslim kung hinihingi ng pagkakataon.
Ang ganitong kalagayan ng mga mananampalataya ay nagpapakita
ng pagsunod nila sa wika o salitang kanilang naririnig, sinasabi o
pmammwalaan at nagsisilibing kontrol sa karmilang mga pagkilos dala ng
kanilang pagsasabuhay sa mga salitang panrelihiyon. Ang mga salitang
prusisyon, misa, anibersaryo ng relihiyon, jihad, pagsamba,-pag-awit,
abuloy, at mafami pang iba na-nagpapatungkol sa pananampalataya ay
matømang sinusunod ng mga mananampalataya para sa kanilang sariling
kagalingan at katahimikan.

18
C. Pangkatang Gawain. Maglista ng tig-20 mga salitang ginagamit
ninyo sa internet at magbigay ng repleksiyon hinggil dito. Ilagay ang
gawaing ito sa hiwalay na file document.

Wika sa Internet, Facebook, Simpleng Kahulugan at


Twitter, Instagram, Mobile Paglalarawan
Phone, Blog, Vlog atbp.
Halimbawa: hotdog Ginagamit na sagot sa pagsasabi
ng kaibang kahulugan ng “huh” na
ang sagot ay hotdog na ibig
sabihin ay pang-aasar.

D. Pangkatang Gawain. Maglista ng sampung ordinaryong salitang


may ordinaryong kahulugan ngunit nagkakaroon ng kahulugang
pangrelihiyon ang orihinal na kahulugan. Magbigay ng repleksiyon
patungkol dito. Ilagay ang gawaing ito sa hiwalay na file document.
Ordinaryong Ordinaryong Kahulugan Kahulugang
Salita Panrelihiyon
Halimbawa: Kinakain ng mga Katawan ni Kristo sa
tinapay Pilipino sa almusal, pananaw ng mga
minsan may palaman, katoliko.
minsan wala, pagkaing
isinasawsaw sa kape.

19

You might also like