Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

DETALYADONG PLANO NG ARALIN SA ARALING PANL IPUNAN 7

PAARALAN CBSUA- SIPOCOT BAITANG 7


LUGAR NG PAG Araling
GURO BONIFACIO S. OLILI
AARAL Panlipunan
ORAS AT 8:30- 9:30
KWARTER 1st
PETSA January 30,2024

I. LAYUNIN
Pamantayan ng Nilalaman
Pamantayan ng pag ganap
Mga kakayahan sa pag- aaral/Layunin Sa loob ng animnapong minute (60) 80%
ang mag aaral ay:

A. Natutukoy ang kahulugan ng


tradisyon,pilosopiya, relihiyon.
B. Napaghahambing ang
pagkakaiba ng konsepto ng
tradisyon, pilosopiya at relihiyon.
C. Napapahalagahan ang
tradisyon, relihiyon at pilosopiya
ng kasaysayan.

II. NILALAMAN Araling Panlipunan


III. MGA PINAGKUKUNAN NG
PAGKATUTO
Sanggunian
Pahina Ng Gabay Ng Mga Guro
Pahina Ng Materyales Sa Pag Aaral Powerpoint, Video Clips, Marker, Flashcard
Pahina Ng Aklat-Aralin
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

IV. PAMAMARAAN
GAWAING MAG AARAL
GAWAING GURO
A. Panimulang Gawain

▪ Pagbati at pagpapakilala
Magandang Umaga din po Guro!
✔ Magandang Umaga Mga Bata!
✔ Ako si sir Bonifacio San Lorenzo Kami po ay nagagalak na makilala ka Sir
Bon.
Olili tawagin nyo nalang akong sir
Bon.

▪ Panalangin
✔ Maari Mo Bang Pangunahan Ang Opo sir bon!
Ating Panalangin?

Panginoon maraming salamat sa lahat ng


mga biyayang ipinakaloob mosa amin.
Bigyan mo po kami ng karunungan
Panginoon upang maunawaan at
maintindihan namin ang mga ituturo ng
aming mga guro.Patnubayan mo kaming
lahat ang aming mga kaklase at guro. Ito
ang aming samot dalangin namin sa
pangalan ng ating Panginoong Hesukristo.
Amen
▪Patakaran sa klase
✔ Iwasan ang ingay
✔ Iwasan ang cellphone sa klase
✔ Ayusin ang upuan at puluin ang
dumi sa ilalim kung mayroon man.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

B. Pag tatala ng lumiban. Mayroon Wala po Guro!


bang mga lumiban ngayong araw?

Very good! Ako ay nagagalak na lahat


ay naririto.

C. Balik Aral Ako po Guro! Ang ating tinalakay noong


Bago tayo tumungo sa ating nakaraang araw ay tungkol sa mga bagay
panibagong paksa mag balik aral at kaisipang pinagbatayan (sinocemtrism,
muna tayo tungkol sa huli nating divine origin, devajara) sa pagkilala sa
tinalakay Sino ang gustong sumagot? sinaunang kabihasnan.

Mahusay! Nagagalak ako sa iyong


natutunan sa ating klase.
Sa aming lugar Sir Bon mayroong
Bago natin simulan ang ating dalawang relihiyon, ito ay Katoliko at
panibagong talakayan, maaari ba Iglesia ni Cristo.
kayong magbigay ng mga alam
ninyong relihiyon?
Ang pagsasagawa ng pyesta ay isang
Very good! Sino naman ang may alam tradisyon na sa ating bansa lalong lao na
ng iba’t ibang tradisyon sa ating sa mga kanayunan.
bansa?

Magaling mga bata dahil marami


kayong kaalaman.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Sino naman kaya ang may kilalang Ako po Sir! Kilala si Confucius bilang
pilosopo? isang pilosopo na nagmula sa bansang
Tsina na naglalayong ipahayag ang
edukasyon.

PAG GANYAK: Sa panimulang pag aaral,


tukuyin kung ang nasa larawan ay
nagsisimbolo ng pilosopiya, tradisyon at
relihiyon.

Sir Bon, ang larawan ay tumutukoy sa


Relihiyon
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Paano mo nasabi na ang larawang ito ay Dahil po ang isang relihiyon ay


isang simbolo ng relihiyon? nagpapakita ng muling pagsasama-sama
sa mga piniling manampalataya.

Ang larawan po na ito ay nagpapakita ng


isang uri ng tradisyon.

Bakit nasabi mo na ito ay isang uri ng Dahil ang nasa larawan po ay isang
tradisyon? sayaw noong unang panahon na
ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na
ngayon ay nagpasalin salin na sa iba’t
ibang henerasyon.

Ang nasa larawan po ay isang halimbawa


ng pilosopiya

Sa iyong palagay, ano ang katangian ng Sa aking palagay, ang pilosopiya ay


isang pilosopiya? pagmamahal sa karunungan kung kaya’t
ito ay palagiang nagtatanong sa mga
bagay-bagay upang magbigay linaw, mag
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

alay ng kasagutan at magdagdag ng


karunungan sa nagtatanong.

PAG TATALAKAY
Isipin Natin!
Ito ay nagsisimbolo ng relihiyon,
Ano ang masasalamin mo sa mga pilosopiya at tradisyon.
larawang ito? Kilalanin at ilarawan sa
iyong sarili kung ang larawan ba ay
nagpapahiwatig ng tradisyon, pilosopiya, o
rehiyon.

Tradisyon, Pilosopiya, at Relihiyon

Ang tradisyon, pilosopiya, at relihiyon ay


mga mahahalagang konsepto na
nagsisilbi bilang haligi sa pagkaka-isa at
pag- unlad ng isang sibilisasyon. Malaki
ang ginagampanan ng mga ito sa
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

paghubog ng pagkakakilanlan at
kasaysayan ng bawat kabihasnan.

Ang mga pananaw at paniniwala na dala


ng tradisyon, pilosopiya, at relihiyon ay
nadadala hanggang sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga Asyano.

Pilosopiya
Kalikasan na ng pilosopiya ang laging
Sa inyong palagay, ano ang ideya ninyo nagtatanong sa mga bagay-bagay sa
sa pilosopiya? mundo. Ito ay upang magbigay linaw,
Tumuklas ng kasagutan, at pagpapalawak
ng kaalaman tungkol sa mundo at sa mga
tao, bagay, at pangyayari dito.

Ang pilosopiya ay nakatutulong sa mas


malawak na pagtingin sa mga
bagay-bagay sa buhay. Ito rin ay
nagsisilbing gabay sa pamamalakad at
pamumuhay ng tao.
Ang pilosopiya ay tumutukoy sa isang
partikular na pangkat ng kaisipan tungkol
sa kaalaman, katotohanan, moralidad
kalikasan at kahulugan ng buhay ng tao,
at iba pa, na taglay ng isang lipunan.

Ang salitang pilosopiya (philosophy) ay


nagmula sa mga salitang Griyego (Greek)
na philo at sophia.

Philo – “pagmamahal”
Sophia – “karunungan”

Mga Halimbawa:
Confucianismo (Confucianism) –
paniniwala sa kaisipan na ang mabu/ng
paraan ng pamumuhay ng isang tao ay
magdadala sa kanya ng kapayapaan sa
sarili.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Ano pa ba ang ibang halimbawa ng Taosimo (Taoism) – paniniwala na ang


pilosopiya? tao, kalikasan, at ang lahat ng bagay sa
mundo ay konektado at isa.
Legalismo (Legalism) – paniniwala na
ang paglawak at pag/bay ng estado ang
makakapagbu/ sa lahat ng miyembro ng
lipunan.

Relihiyon
“Ang relihiyon ay isang organisadong
sistema ng pananampalataya,
pamimitagan, paggalang, kaugalian, at
pananalig na nakasentro sa isa o higit
pang kinikilalang diyos.” - (Samson, et. al.,
2013)

Sa inyong palagay, ano ang kahulugan ng


relihiyon? Ayon kay Mactal (2014), ang Asya
ay kilala ng mga eksperto na sinilangan
ng relihiyon sa mundo. Ito ay sapagkat
kung pagbabasehan ang kasaysayan, dito
nagmula at sumanga ang maraming
relihiyon sa mundo.

Ang salitang relihiyon ay tinatayang


nagmula sa salitang Lumang Pranses
(Old French) na religio (kahulugan:
obligasyon, buklod, paggalanag) o
Ang relihiyon ay hindi lamang gabay sa salitang Latin na religare (kahulugan:
paniniwala at buhay espiritwal kundi magbigkis).
nagsisilbi ring gabay ng pamumuhay ng
tao. Ito ay mahalaga sapagkat ito ay
malaking salik sa pagkakaunawaan at
pagkaka-isa ng maraming pangkat ng tao.

Relihiyon na Umusbong sa Asya

Hinduismo – paniniwala sa
pinakataas-taasang diyos na si Brahma at
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

sa iba pang mga diyos na nagmula sa


kalikasan.

Sa inyong palagay, ano ano pa kaya ang


mga relihiyon na umusbong sa Asya? Buddhismo – paniniwala kay Buddha o
“Ang Naliwanagan” (The Enlightened
One) at sa mga aral nito.
Jainismo – paniniwala na walang diyos o
mga diyos, ngunit mayroon mga banal na
taong nakakamit ng kasakdalan.
Sikhismo – paniniwala sa isang Diyos na
walang kamatayan, kasarian, at hugis na
matatagpuan sa sarili at sa kapaligiran.
Judaismo – paniniwala sa isang Diyos na
lumikha sa mundo at patuloy na kumikilos
at umaapekto sa lahat ng kilos ng tao.
Kristyanismo – paniniwala sa Santisima
Trinidad (Holy Trinity), ang pagkakaroon
ng iisang Diyos na nasa anyo ng Ama,
Anak, at Espiritu Santo.
Islam – paniniwala sa iisang diyos na
nagngangalang Allah at sa kanyang
dakilang propeta na si Muhhammed.
Zoroastrianismo – paniniwala sa diyos
na si Ahura Mazda, ang diyos ng
katotohanan, at Ahriman, ang diyos ng
kasamaan.
Shintoismo – paniniwala sa diyos ng
kalikasan na si Kami na nag-uugnay sa
tao at sa pisikal na kapaligiran nito.
Tradisyon
Ang salitang tradisyon (tradition) ay
Sa iyong sariling kaalaman, ano ang nagmula sa salitang Latin na traditio - na
kahulugan ng tradisyon? nangangahulugang “pagbibigay, paglilipat,
o pagpapasa”.

Ang tradisyon ay maaaring nasa anyo ng


pag-iisip, pag- uugali, pag-kilos, o gawi na
natatangi sa loob ng isang pangkat,
pamilya, o lipunan.

Ang tradisyon ay maaaring maipasa o


maipamana nang pasalita (orally) tulad ng
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

pagkukuwento at pagkanta. Maaari rin


itong maipasa nang pakilos
tulad ng pagsayaw at pagsasagawa ng
ritwal.

Ang tradisyon ay maaaring maipasa nang


sinasadya (consciously) at di- sinasadya
(non- consciously). Ito ay isang natural na
proseso ng nangyayari sa isang lipunan.
Ang tradisyon ay tumutukoy sa mga
katangiang kultural na ipapasa sa bawat
henerasyon upang ito ay pangalagaan at
hindi mawala sa kabila ng pagbabago ng
panahon at lipunan.

Ang tradisyon ay salamin ng


pinaniniwalaang pilosopiya relihiyon ng
isang lipunan. Ito ay sa kadahilanan na
ang tradisyon ay nahuhubog sa paglipas
ng panahon base sa mga paniniwalang
isinasabuhay ng mga tao. Ito ay
importante at nasa kalagitnaan ng
pamumuhay bawat lipunan at bawat
henerasyon sapagkat ito ang nagbibigay
ng pagkakakilanlan sa mga ito.

Halimbawa:

Tradisyon ng mga Hindu (mga naniniwala


sa Hinduismo) ang pumunta sa ilog
Ganges taon-taon upang maligo rito.

Bakit naniniwala ang mga Hindu sa ilog ng


Ganges? Dahil ayon sa kanila, Ang ilog Ganges ay
banal na pook para sa mga Hindu, na
kanilang pinaniniwalaan na may
kakayahang maglinis ng kanilang katawan
at kaluluwa.
Tradisyon na ng mga Muslim ang
pag-aayuno
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Paano kaya isinasagawa ng mga Muslim


ang kanilang pag aayuno? Ito ay isinasagawa mula sa pagsikat
hanggang sa paglubog ng araw tuwing
panahon ng Ramadan. Ang panahong ito
ay tradisyonal na nagtatapos sa
pamamagitan ng pagkain nila ng ilang
dates at gatas o tubig.

TANDAAN:

Pilosopiya - isang partikular na pangkat


ng kaisipan patungkol sa kaalaman,
katotohanan, moralidad kalikasan at
kahulugan ng buhay ng tao, at iba pa, na
taglay ng isang lipunan.

Relihiyon - organisadong sistemang


pananampalataya, pamimitagan,
paggalang, kaugalian, at pananalig na
nakasentro sa isa o maraming diyos.

Tradisyon - mga katangiang kultural na


ipinapasa sa bawat henerasyon. Ito ay
nahubog nang pinaniniwalaang pilosopiya
at relihyon ng lipunan.

PAGLALAHAT:

Mula sa ating pinag aralan ngayong araw, Ang tradisyon, pilosopiya, at relihiyon ay
ano kaya ang iyong natutunan? mahalagang salik sa pagkakaisa,
pag-unlad, at pagkakaroon ng
pagkakakilanlan ng isang sibilisasyon.

Ang relihiyon ay mula sa salitang Latin


(re-ligare) - pagbubuklod, pagbabalik-loob
sa Griyego (re-legion) - pagpili,
paghirang nabuo sa kahulugang muling
pagsasama ng mga pinili sa
pananampalataya. Ang tradisyon ay mga
impormasyon, doktrina, o kaugalian na
nagpasalin-salin mula sa mga magulang
tungkol sa mga anak o naging kinagawian
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

paraan ng pag-iisip o pagkilos. Ang


pilosopiya ay ang pagmamahal sa
karunungan, Kung kaya't ang Pilosopiya
ay laging nagtatanong sa mga
bagay-bagay upang magbigay-linaw,
mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng
karunungan sa nagtatanong

Ano ang kahulugan ng pilosopiya batay sa Ang pilosopiya ay isang pagmamahal sa


iyong naunawaan? karunungan kung saan ang layunin ay
Ano naman ang kahulugan ng Relihiyon makahanap ng sagot sa mga katanungan.
batay sa iyong naunawaan sa ating Ang relihiyon ay mga pangkat ng mga
talakayan? taong pinili ang pananampalataya at
paggalang sa kanilang kinikilalang Diyos.

Ano ang kahulugan ng tradisyon batay sa Ang tradisyon ay ang mga nakaugaliang
iyong naunawaan sa ating talakayan? nakasanayan na naipasa sa iba’t ibang
henerasyon.

APLIKASYON:

Gawain : Pangkatang Gawain


Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong
grupo. Bibigyan Ko ng 5 minuto para sa
paghahanda at 2 minuto para sa
presentasyon. Magbigay ng 10 salita ang
bawat pangkat upang ipakita ang
pagkakaiba-iba ng tradisyon, relihiyon at
Pilosopiya sa pamamagitan ng Venn
Diagram.
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Halimbawa:

Pangkat 1
Pangkat 2
Pangkat 3

Sagutin ang tanong sa ibaba bilang


konklusyon ng iyong pinagsama samang
ideya.

1. Bilang isang mag aaral na pilipino,


paano mo maisasabuhay ang mga
aral sa relihiyon na iyong na
kaangkupan?
2. Sa pang araw-araw na buhay,
ano-ano kaya ang sa palagay mo
ang tradisyon na patuloy pa ring
tinatangkilik ng mga pilipino?
3. Magbigay ng isang halimbawa ng
pilosopiya na iyong isinasabuhay
bilang isang pilipino.

Pamant Napaka Katamta Nangan


ayan husay man gailanga
4-5 2-3 n pa ng
Pagsas
anay
1
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Nilalam Malinaw Paglala Kakikita


an at had sa an ng
mapanu mga kakulan
ri ang detalye gan ng
pagkaka na mga
tulad ng sumusu detalye
mga porta sa na
detalye paksa sumusu
na upang porta sa
sumusu malinan pangun
porta sa g ang ahing
paksa pangun ideya.
upang ahing
malinan ideya.
g ang
pangun
ahing
ideya

Kalinaw Malina, Hindi Kailang


an ng malakas gaanon an pang
pagbigk at g pag
as sa angkop malinaw husayan
pagtatal ang at ang
akay boses malakas paglalah
ang ad
boses

Kahusa Napaka May Magulo


yan ng husay pagkaka at hindi
pagpap ng taong maintind
alitan ng pagbibig hindi ihan
mensah ay ng malinaw ang
e at konstrak ang mensah
pagkam tibong pagbibig e
alikhain mensah ay ng
e na mensah
binibigy e ng
ang diin binibigy
ang diin
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

Disiplina Nagkak May Magulo


sa aunawa pagkaka at nag
grupo an at taong aaway-a
may hindi way sa
paggala nabibigy ideyang
ng sa ang susundi
mensah pansin n.
e ng ang
bawat ideya ng
isa iba.

Kabuuang puntos 15

PAGTATAYA:

1.Ito ay nagmula sa salitang latin na


re-ligare na ang ibig sabihin ay
pagbubuklod at pagbabalik- loob.
A.paniniwala
B.relihiyon
C.pilosopiya
D.tradisyon

2. Ang Pilosopiya ay nagmula


sa salitang griyego na ____
A. pilo at sopi
B. philos at piya
C. philo at Sophia
D. phil at sophies

3. Ang pagsamba sa iba’t-


ibang uri at anyo ng diyos
ay halimbawa ng ________.

A. relihiyon
B. paniniwala
C. pananaw
D. pilosopiya

4. Kapag gumawa ka ng
masama ang katumbas nito
ay dapat gumawa ka ng
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

kabutihan. Ito ay ________.

A. pilosopiya
B. relihiyon
C. paniniwala
D. tradisyon

5. Ang Vedas, Allah, Bibliya at


Koran ay halimbawa ng _____.
A. paniniwala
B. relihiyon
C. tradisyon
D. pilosopiya

TAKDANG ARALIN:

Magsaliksik sa mga Pilosopiya, Relihiyon


at Tradisyon na paniniwala at
isinasabuhay ng mga pilipino. Isulat ang
iyong mga nasaliksik sa kwaderno.

Inihanda ni:

BONIFACIO S. OLILI
Gurong sinasanay
Nabatid ni:

NOREEN ALCARAZ
Gurong tagapamatnubay
Republic of the Philippines
CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE
Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

You might also like