Pananaliksik FINAL 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
SCHOLA CHRISTI, INC.
Maestrang Kikay, Talavera, Nueva Ecija, 3114

Epektibong Pag-gamit ng Makabagong Teknolohiya sa Pananaliksik

ng Aralin sa mga Piling Mag-Aaral ng Junior High School ng

Paaralang Schola Christi, Inc.

Joaquin Jose P. Miranda

Ramil P. Atendido Jr.

Joey Boy C. Antonio

Chester H. Hipolito

Van Denver C. Luna

Aira J. Del Rosario

Humanities and Social Sciences – A

Schola Christi, Inc., Talavera, Nueva Ecija

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 11

Kimberly Nine D. Mariano, LPT

May 2023
KABANATA I

MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Laganap na ang pag-gamit ng teknolohiya habang ang mundong

ginagalawan natin ay umuusbong sa makabagong panahon. Naapektuhan

nito ang iba't ibang aspeto ng sangkatauhan kabilang ang edukasyon.

Ang teknolohiya, ay naging mabisa at mahalagang kasangkapan sa ating

buhay dahil ang ito ay tumutulong sa atin na bawasan ang oras na

ating ginagamit gaya ng sinabi ni Raja, R., & Nagasubramani, P. C.,

(2018). Sa kadaragdagan, sinabi rin niya na mas madali ang

pakikipagpalitan ng impormasyon dahil mas accessible ang pag-gamit

ng teknolohiya sa makabagong panahon. Dahil sa impluwensiya ng

teknolohiya sa ating panahon, hindi na kinakailangan maghanap ng mga

mag-aaral ng libro sa mga silid-aklatan upang makahanap ng mga

aralin bagkus nakikita na lamang ang mga ito sa mga search engines

tulad ng Google, ita-type na lamang ito at mayroong posibleng mga

sagot ukol dito. Sa karagdagan, dahil rin sa lockdown na nangyari

noong nakaraang Marso taong 2020, teknolohiya ang naging daan upang

pansamantalang mabago ang sistema ng edukasyon. Dahil sa

pangyayaring ito, nagresulta ito sa pag-gamit ng internet at mga

search engines upang mas maintindihan ng mga estudyante ang kanilang

aralin at para rin mas mapalawak ang kapasidad ng kanilang

pagintindi.

Nakatutulong ang teknolohiya upang mapaunlad ang larangan ng

mga tao. Binibigyan nito ng oportunidad ang lahat para umunlad at


umusbong. Ginagamit rin ang teknolohiya para masagot ang mga

problema o mga isyu sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon, ang mga

makabagong teknolohiya ay parte na ng pang-araw araw na pamumuhay ng

mga tao. Dahil sa patuloy na pag-abante ng mga teknolohiya, patuloy

rin na dumarami ang maaaring paga-gamitan nito. Matanda man o bata,

pinapadali nito ang gawain sa trabaho, bahay, at pati na rin sa

paaralan.

Nakatuon ang pananaliksik sa kung paano nakatulong ang

teknolohiya sa mga mag-aaral sa Junior High School ng Schola

Christi, Inc. na ma-access ang kanilang mga aralin. Ang pag-gamit ng

mga gadget tulad ng mga mobile phone, tablet, laptop, at computer ay

karaniwan sa mga kabataan. Ngayon, ito ang dahilan kung bakit

nilalayon ng mga mananaliksik na pag-aralan kung paano ito mabisang

gamitin sa akademiko ng mga mag-aaral ng Junior High School sa

paaralang Schola Christi, Inc.

Kabilang ang mga mag-aaral ng Junior High School ng paaralang

Schola Christi, Inc. sa mga kabataan na mayroong ginagamit na

gadyet. Maraming mga paraan ang ginagawa ng mga mag-aaral upang

mapahusay ang kanilang pagganap sa larangan ng akademiko sa

paraalan. Isa sa mga paraan ay ang pag-gamit ng teknolohiya tulad ng

mobile phone, laptop, at tablet sa paghahanap ng kanilang mga

aralin. Madalas nila itong ginagawa upang sagutin ang kanilang

modyul, takdang-aralin, aktibidad, at maging ang kanilang mga ulat.

Ang teknolohiya ay nagbibigay ng tulong pang-akademiko upang higit

mapaunlad ang kanilang kritikal na pag-iisip at upang matulungan


silang matugunan ang kanilang mga kinakailangan. Ang pag-gamit ng

video-sharing websites gaya ng Youtube at TikTok ay laganap sa mga

kabataan at ang pagbabahagi ng accurate na impormasyon ng iba’t

ibang tao ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral. Ayon kay Ozkanal et

al. (2020) ang internet ay kapaki-pakinabang upang mapahusay ang

pagganap at pag-uugali ng mga mag-aaral sa akademya. Gayunpaman,

dahil ang internet ay madaling ma-access upang magbigay ng

impormasyon, hindi ito nakokontrol at nasusubaybayan kung ano ang

inilalathala ayon kay Yolal at Kozak (2008) bilang binanggit ni

Ozkanal et al. (2020).


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy epektibong pag-

gamit ng teknolohiya sa pananaliksik ng aralin sa mga piling mag-

aaral ng Junior High School sa paaralang Schola Christi, Inc.

Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang makakuha ng

mga sagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demographic profile ng mga respondents ukol sa

kanilang;

1.1. Pangalan (Opsyonal)

1.2. Edad

1.3. Antas ng Baitang

2. Ano ang mga partikular na teknolohiya ang ginagamit ng mga

mag-aaral ng Junior High School sa Schola Christi, Inc.?

3. Ano ang mga makabuluhang pagkakaugnay ng pag-gamit ng

teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng Junior High

School ng Schola Christi, Inc.?

4. Paano nakatulong ang teknolohiya sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral ng Junior High School sa paaralang Schola Christi,

Inc.?
BALANGKAS NG PAG-AARAL

KONSEPTUAL NA BALANGKAS

Independent Variable Dependent Variable


1. Ang demographic Epektibong pag-gamit
profile ng mga respondents
ng makabagong
ukol sa kanilang;
teknolohiya sa
1.1. Pangalan (Opsyonal) pananaliksik ng aralin
1.2. Edad sa mga piling mag-
aaral ng Junior High
1.3. Antas ng Baitang
School ng paaralang
2. Ang mga partikular Schola Christi, Inc.
na teknolohiya ang
ginagamit ng mga mag-aaral
ng Junior High School sa
Schola Christi, Inc.

3. Ang mga makabuluhang


pagkakaugnay ng pag-gamit
ng teknolohiya sa
akademikong pagganap ng mga
mag-aaral ng Junior High
School ng Schola Christi,
Inc.

4. Mga magandang epekto


ng makabagong teknolohiya
upang makapanaliksik ng mga
aralin

Pigura 1. IV-DV Paradigma ng Pananaliksik

Ipinapakita ng pigura ang konsepto ng pananaliksik na

pinamagatang Pag-Aaral tungkol sa Epektibong Pag-gamit ng Makabagong

Teknolohiya sa Pananaliksik ng Aralin sa mga Piling Mag-Aaral ng

Junior High School ng Paaralang Schola Christi, Inc.


THEORETICAL NA BALANGKAS

GURO

PAARALAN
LIBRO

E-BOOKS MAG-
AARAL WEBSITE

EKSPERTO
SOCIAL
MEDIA

SEARCH
ENGINES

Pigura 2: Modelo ng Connectivism Learning Theory

Ang teoretikal na pinagbabatayan ng pag-aaral na ito ay ang

Connectivism Learning Theory nina George Siemens at Stephen Downes

noong 2005. Ipinapaliwanag nito na dapat pagsamahin ng mga mag-aaral

ang mga kaisipan, pananaw, impormasyon sa isang kapaki-pakinabang na

paraan. Kinikilala ng teoryang ito ang pangkatang pag-aaral na

nagagamit sa pagresolba ng problema, pagdedesisyon, at pagbibigay ng

kahulugan sa isang impormasyon. Isinusulong ng connectivism ang

pagkatuto na nangyayari sa labas ng isang indibidwal tulad ng social


media, internet, blogs, information databases. (Western Governor’s

University, 2021)

Nakatutulong ang teoryang ito upang maipakita ang epektibong pag-

gamit ng makabagong teknolohiya sa pananaliksik ng aralin. Hindi

maiiwasan sa mga estudyante ng Junior High School ng Schola Christi

na gumamit ng teknolohiya upang mas mapadali ang kanilang pagkalap

ng impormasyon. Sila ay gumagamit ng impormasyon na ginawa ng ibang

eksperto upang mas mapadali ang pag-intindi nila sa kanilang mga

aralin. Kabilang dito ang pag-gamit ng video-sharing na kung saan

ginagamit ng mga tao ang platapormang iyon upang makapagbigay at

makakuha ng impormasyon. Dito ipinapakita ang teorya na kung saan

isinusulong ang interpersonal na pag-aaral.

SAKLAW AT DILIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa epektibong paggamit ng

makabagong teknolohiya sa pananaliksik ng aralin sa mga piling mag-

aaral ng junior high school sa Schola Christi, Inc.. Hinahangad ng

pag-aaral na ito na matuklasan ang pagiging epektibo ng paggamit ng

mga makabagong teknolohiya sa pananaliksik ng mga aralin. Ang pag-

aaral ay isinagawa sa panahon ng school year 2022-2023. Nakapokus

ito sa paaralan ng Schola Christi, Inc. ng Talavera, Nueva Ecija.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa resulta ng panayam na isinagawa ng

mga mananaliksik para sa mga junior high school ng nasabing

paaralan.
Hindi saklaw ng pag-aaral ang kagawaran ng elementaya at

kagawaran ng senior high school ng Schola Christi, Inc. Ang pag-

aaral na ito ay isasagawa na may limitadong balangkas ng oras.

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA (OPERATIONAL)

Para sa mas mahusay na pag-unawa sa mga terminong ginamit sa

pag-aaral na ito, tinukoy ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

● Search Engine - isang produkto ng teknolohiya na kung saan

naglalaman ng iba't ibang impormasyon, artikulo, journals

atbp.

● Internet - Ang malawak na computer network na maaaring gamitin

ng publiko sa buong mundo

● Gadgets - isang teknolohiya na pinag-gagamitan ng search

engines, e-books, etc. na pinapadali na makahanap ng accurate

na impormasyon

● Digital Literacy – kasanayan sa pag-gamit ng teknolohiya

● Teknolohiya – Isang aparato na kung saan ginagamit sa

modernong panahon
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalayong ipakita ang mga Kaugnay na

literatura at pag-aaral pagkatapos ng malalim na paghahanap na

ginawa ng mga mananaliksik. Ilalahad din dito ang sintesis upang

lubos na maunawaan ang gagawing pananaliksik.

MGA BANYAGANG PAG-AARAL AT LITERATURA

Teknolohiya

Hindi nabigyan ng International Society for Technology in

Education (ISTE) ng konkretong kahulugan ang teknolohiya.

Pinaniwalaan ng kanilang pananaliksik na hindi magiging kapaki-

pakinabang ang depinisyon nito kung ililista lamang ang mga

teknolohiyang nabuo ng mga tao sa nagdaang panahon (Warner et al.,

2018). Sa kabilang banda, Itinutukoy ang teknolohiya bilang

aplikasyon ng siyentipikong kaalaman sa mga praktikal na layunin ng

buhay ng tao o, kung minsan ay ipinapahayag ito, sa pagbabago at

pagmamanipula ng kapaligiran ng tao (Britannica, 2022). Ang

teknolohiya rin ay isang mahalagang instrumento upang mas mapaayos

ang pagkatuto ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-access ng

edukasyon kahit saan ayon kay Turugare & Rudhumumbu (2020) bilang

binanggit ni Lai et al. (2022)

Ayon sa resulta ng panayam nina Tugun et al. (2020) mayroong

35 na mag-aaral (mag-aaral ng Federal University of Kazan (Volga


region), the Institute of Legislation and Comparative Law under the

Government of the Russian Federation, Plekhanov Russian University

of Economics and Sechenov University.) ang nagsabi na kinakatawan ng

teknolohiya ang kaalaman, at mas napadali para sa kanila ang

pagkatuto. Ayon sa isang respondente, kadalasang ginagamit niya na

teknolohiya para sa kaniyang pag-aaral ay ang computer. Siya ay

kumakalap ng impormasyon sa paraang paghahanap sa internet gamit ang

partikular na teknolohiya na ito. Bagamat pangunahing gamit nila sa

teknolohiya ay komunikasyon, Lumabas din sa resulta ng kanilang

panayam na nakatulong ang teknolohiya para sa epektibong pagkatuto.

Social Media

Ang social media ay tumutukoy sa mga website at application na

nakatuon sa komunikasyon, interaksyon, kolaborasyon, at pagbabahagi

ng iba’t ibang kaalaman. Ginagamit ng mga tao ang social media upang

makipag-ugnayan sa mga kaibigan, pamilya, at iba’t ibang komunidad

(Lutkevich, n.d.). Ilan sa mga kilalang halimbawa nito ay Facebook,

Twitter, Google+, Wikipedia, Linkedin, Reddit, at Pinterest. Bilang

karagdagan, ang social media ay isang digital na teknolohiya na

nagpapadali sa pagbabahagi ng mga content, multimedia, at

impormasyon sa pamamagitan ng mga virtual network at komunidad

(Dollarhide, 2023).

Ang mga tao sa buong mundo ay gumagamit ng social media upang

magbahagi ng impormasyon at makipag-konekta sa iba pang gumagamit

nito. Sa personal na antas na pag-gamit nito, maaaring gamitin ang


social media sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at pamilya, matuto ng

mga bagong kaalaman, magdebelop ng iyong mga interes, at maaliw. Sa

propesyonal na antas naman ng pag-gamit ng social media ay maaari

itong gamitin upang palawakin ang iyong kaalaman sa isang partikular

na larangan at lumikha ng iyong propesyonal na network sa

pamamagitan ng pagkonekta sa iba pang propesyonal sa iyong

industriya (USF, 2023). Ayon sa isang pag-aaral, kung titingnan

naman kung positibo o negatibo ang epekto ng social media sa pag-

aaral at grado ng mga mag-aaral, masasabi na maaaring mapabuti ng

social media ang pag-aaral ng mga estudyante ng Laguna State

Polytechnic University – SCC. Makikita sa talahanayan na malaking

porsyento ng mga mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa mga negatibong

epekto nito sa kanilang pamumuhay. May iilang nawawala sa pokus sa

pag-aaral dahil dito ngunit mas lamang ang bilang ng mga estudyante

na nagsabing malaki ang naitulong ng social media sa kanilang pag-

aaral (Quintos, 2017).

E-Books

Ayon kina (Faverio at Perrin, 2022), tatlo sa sampung

Amerikano ang nagbasa sa pamamagitan ng e-book sa nakalipas na taon.

Pinapakita rito na sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng e-book,

nananatili pa rin sa pag-gamit ng mga nailimbag na libro ang mga

Amerikano bilang paraan ng pagbabasa. Sa Pilipinas naman, tinatayang

nasa 23.98% ng kabataang Filipino ang nagbasa ng e-book sa nakalipas

na taon (De Vera, 2018). Ayon din sa isang pananaliksik na ginawa sa

UP Diliman, 103 na mag-aaral mula sa iba’t ibang taon at kurso ang

pinasagot ng sarbey tungkol sa pag-gamit ng e-book. 70% ng mga


sumagot ay nagsasabing gumagamit sila ng e-book kung saan marami ang

mula sa Kolehiyo ng Agham at Pag-iinhinyero. Napagalaman na madalas

gamitin ang mga e-books at malaki ang tulong nito sa pag-aaral. Ayon

din sa resulta ng ginawang sarbey, marami na ang tumatangkilik ng e-

book subalit hindi ibig sabihin nito ay malalaos na ang pag-gamit ng

pisikal na aklat (Rabanal, 2017).

Search Engines

Dahil sa kadalian ng access sa mga teknolohiya, ang mga search

engine tulad ng Google at Bing ay nagiging pugad ng impormasyon.

Dahil rito, ang karamihan ay binibigyan ng malawak na kapangyarihan

ang search engine upang magkalat ng impormasyon. Ang paghahanap ng

mga impormasyon ay kadalasang isinasagawa ng mga tao sa Google.

Ngayon, ang mga lumalabas na resulta sa search engine na ito ay

importante sa pagdaloy ng impormasyon sa publiko (Ham, 2019).

Gumagamit ang mga estudyante ng Google Scholar at Google search

engine para sa kanilang pananaliksik ng bibliograpiya sa

kadahilanang mas tiyak na pang-akademikong impormasyon. (Salehi et

al. 2018; Soules 2015; Parissi et al. 2019 bilang binanggit ni

Lavidas et al. 2019). Lumalabas sa resulta ng kaniyang pag-aaral na

ang mga gumagamit ng search engine ay may positibong pananaw sa pag-

gamit nito.

MGA LOKAL NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Digital Literacy
Ayon kay Hsieh (2012) bilang binanggit ni Baterna, Mina, at

Rognayan (2020) sa kanilang pag-aaral, ang kakayahan ng isang tao na

gumawa, makaproseso, maka-access, at maintindihan ang isang

impormasyon sa digital na setting, ay maituturing na digital

literate. Ang teknolohiya ay naituring nang isang pangangailangan

upang maipakita na ang edukasyon ay isang karapatan, lalo na sa

panahon natin ngayon na kamakailan nararanasan ang krisis at hindi

pagkakaunawaan. (UNESCO, 2023 bilang binanggit ni Baterna, Mina, at

Rognayan 2020).

Ang resulta ng sarbey na isinagawa ni Operio (2022) sa

kaniyang pag-aaral, 25 sa 29 na mga respondente na mag-aaral ay

ginagamit ang kanilang digital literacy sa tuwing kinakailangan nila

ang teknolohiya upang masuportahan ang kanilang pagkatuto.

Ikinumpara ng mananaliksik ang naging resulta sa sinabi ng Casey

Foundation (2021). Ikinumpirma niya na ang mga kabataan (Generation

Z at Post-Millenials) ay mas gumagamit ng teknolohiya at social

media. Dagdag pa rito, lumabas rin sa kanilang sarbey na madaling

nakakakuha ng impormasyon at ideya dahil sa digital literacy.

Gayunpaman, bagamat madaling nakakakuha ng impormasyon at ideya,

lumabas rin sa resulta ng kanilang sarbey na ang hindi nakakahimok

na tampok ng digital literacy ay ang pagkakaroon ng maraming pekeng

impormasyon na nakakuha ng 25 na sagot.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Nakatuon ang kabanatang ito sa pagtalakay sa mga pamamaraan at

proseso ng pananaliksik na sinusunod ng mga mananaliksik upang

sistematikong masagot ang mga suliranin na inilatag. Ipinaliwanag ng

kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, lokal na pag-aaral,

respondente ng pag-aaral, instrument ng pananaliksik, tritment ng

mga datos, at pag-aanalisa ng mga datos

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan

ng pananaliksik. Layon ng disenyo na ilarawan ang mga impormasyon na

kinakailangan para sa pag-aaral. Layunin ng mga mananaliksik na

tukuyin at i-analisa gamit ang content analysis sa persepsyon ng mga

mag-aaral sa epektibong pag-gamit ng mga teknolohiya sa pananaliksik

ng kanilang mga aralin.

LOKAL NA PAG-AARAL
Ang Schola Christi, Inc. ay isa sa mga paaralang katoliko sa

munisipalidad ng Talavera, Nueva Ecija, na nag-aalok ng edukasyon sa

elementarya at sekondaryang antas. Ang Schola Christi, Inc. ay may

malaking populasyon ng mga mag-aaral sa Junior High School sa school

year 2022-2023. Mayroon itong 194 na mag-aaral sa junior high school

na nasa face-to-face classes. Kaya, ang Schola Christi, Inc. ay ang

perpektong lokasyon para sa panayam dahil ang mga mananaliksik ay

makakakuha ng sapat na makabuluhang impormasyon, iba't ibang ideya,

at natatanging opinyon mula sa mga tunay na karanasan sa junior high

school na kailangan para sa pag-aaral.

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang respondente o saklaw ng pag aaral na ito ay ang mga Junior

High School sa Paaralang Schola Christi, Inc. Sa pamamagitan ng

Random Sampling, ang mga respondente ay pipiliin ayon sa kanilang

mga seksyon. Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa

gurong nangangasiwa sa respondente na saklaw ng pag-aaral. Ang mga

respondente ay napili sapagka’t para sa mga mananaliksik ang mga

mag-aaral na kabilang sa Junior High School ang mas may kakayahan na

makapag-bigay ng mga makatarungang sagot na makatutulong sa paggawa

ng isang malinaw na konklusyon para sa pananaliksik na ito. Dahil sa

limitadong balangkas ng oras, 20.61% lamang ng kabuuan ng Junior

High School ang nakuhang respondente ng mga mananaliksik.

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE

Respondente ayon sa Bilang Bahagdan


Kasarian

Lalaki 20 50%

Babae 20 50%

Kabuuan: 40 100%

Talahanayan 1: Bilang ng Respondente ayon sa Kasarian

Respondente ayon sa Bilang Bahagdan

Baitang

Ika-7 Baitang 10 25%

Ika-8 Baitang 10 25%

Ika-9 na Baitang 10 25%

Ika-10 Baitang 10 25%

Kabuuan: 40 100%

Talahanayan 2: Bilang ng Respondente ayon sa Baitang

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumagamit ng mga

sumusunod na instrumento upang hanapin at kolektahin ang lahat ng


data na kinakailangan upang masagot ang mga partikular na suliranin

sa pag-aaral:

Mga talatanungan sa panayam

Ang mga talatanungan para sa panayam ay binubuo ng open-ended

questions na kinakailangan nilang sagutin. Ito ay binuo ng mga

mananaliksik upang malaman ang persepsyon ng mga piling mag-aaral ng

Junior High School ng Schola Christi tungkol sa pananaliksik ng

aralin. Gagamitan rin ng recording device ang panayam upang maitala

ang buong detalye at impormasyon galing sa mga respondente.

Pagpapatunay

Ang mga mananaliksik ay humiling ng tulong sa kanilang

tagapayo sa pananaliksik upang matiyak na ang mga talatanungan ay

angkop at magkakaugnay. Ang mga talatanungan na nabanggit ay

ipinamahagi sa ilang mga eksperto, kabilang ang kanilang guro sa

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 11.

Ang mga rekomendasyon ng mga validator ay isinasaalang-alang sa

huling bersyon ng mga talatanungan.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang mga katanungang isinagawa sa pakikipanayam ay lubos na

pinag-isipan ng mga mananaliksik upang makuha ang mga kasagutan at

estratihikal na opinion ng mga mag-aaral tungkol sa Teknolohiya. Sa

pamamagitan naman ng pakikipagpanayam nakapagtala ng sapat na datos


ang mga mananaliksik. Mabilis lamang na naisagawa ang pag-aanalisa

dahil sapat at katamtaman lamang ang dami ng mga respondente.

Isinagawa ang panayam sa mga estudyante ng Junior High School sa

Paaralang Schola Christi Inc. Ito ay upang mas mapaliit ang saklaw

ng grupo ng mga respondente at ito ay mabusising mapagaralan bilang

isang panimulang pagpasok sa pag-aaral ng mga isyu patungkol sa

Epektibong Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa Pananaliksik.

PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Sa pag-aanalisa ng mga datos, ginamitan ng mga mananaliksik ng

content analysis ang mga impormasyon na nakalap galing sa mga

respondente. Pinagsama-sama ng mga mananaliksik ang mga datos na

magkaka-ugnay at ito ang naging basehan upang ilarawan ang mga ito.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng presentasyon at

interpretasyon ng mga datos na nakalap sa pag-aaral.

I. Ano ang teknolohiya ang inyong ginagamit sa pag-aaral?

Uri ng Teknolohiya Bilang

Cellphone 30

Laptop 6

Desktop 4

Talahanayan 1: Uri ng teknolohiya na madalas ginagamit ng mga

respondente

Ang Talahanayan 1 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa mga uri ng teknolohiya na kadalasang ginagamit

sa pag-aaral. Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami ang sumagot

ng “Cellphone” na mayroong bilang na 30, samantala, ang

pinakakaunting sagot naman ay ang “Desktop” na mayroong bilang na 4.

II. Saan niyo madalas ginagamit ang mga teknolohiya na ito?

Akademiko Bilang Libangan Bilang

Research 11 Social 16
Media

Powerpoint 2 Online 10

Presentation Gaming

Online 2

Shopping

Talahanayan 2: Mga bagay na madalas pinagagamitan ng mga

respondente ng teknolohiya

R1: “Sa Research ko madalas ginagamit ang teknolohiya, tapos pwede

rin makipag-communicate sa mga classmates kasi iyon ang pinaka-

portable tapos kahit nasaan ka puwede mo gamitin”

R2: “Sa Social Media, dahil nakakausap ko ang mga kaibigan ko”

R3: “Pag naglalaro saka social media, dahil iyon lang ang puwedeng

pagkakalibangan”

Ang Talahanayan 2 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa mga kadalasang paggamit sa teknolohiya.

Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami ang sumagot ng “Social

Media” na mayroong bilang na 16, samantala, ang pinakakaunting sagot

naman ay ang “Online Shopping” at “Powerpoint Presentation na

parehong mayroong bilang na 2.

III. Gaano ka kadalas gumamit ng teknolohiya?

Dalas ng pag-gamit ng Bilang


teknolohiya

7 oras 7

5 oras 7

6 oras 6

12 oras 6

3 oras 5

8 oras 4

10 oras 4

15 oras 1

Talahanayan 3: Mga bagay na madalas pinagagamitan ng mga

respondente ng teknolohiya

Ang Talahanayan 3 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa dalas ng paggamit sa teknolohiya sa loob ng

isang araw. Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami ang sumagot

ng “7 hrs.” at “5 hrs.” na parehong mayroong bilang na 7, samantala,

ang pinakakaunting sagot naman ay “15 hrs.” na mayroong bilang na 1.

IV. Sa paanong paraan nakakatulong ang mga teknolohiya sa

iyong edukasyon?

Paraan kung Paano Nakatutulong Bilang

ang mga Teknolohiya sa


Edukasyon

Paghahanap ng impormasyon para 34

sa mga aralin

Panonood ng mga tutorials 4

Napapabilis at napapalawak ang 2

bokabularyo kumpara sa libro

Talahanayan 4: Mga paraan kung paano nakakatulong ang

teknolohiya sa edukasyon ng mga respondente

Ang Talahanayan 4 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa mga paraan kung paano nakatutulong ang

teknolohiya sa edukasyon. Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami

ang sumagot ng “paghahanap ng impormasyon para sa aralin” na

mayroong bilang na 34, samantala, ang pinakakaunting sagot naman ay

ang “Napapabilis at napapalawak ang bokabularyo kumpara sa libro” na

mayroong bilang na 2.

V. Sa anong paksa mo ito madalas gamitin?

Major Subjects Bilang Minor Subjects Bilang

English 13 I.C.T. 8
Math 7 T.L.E. 1

Science 5

Araling 5

Panlipunan

Filipino 1

Talahanayan 5: Mga paksa na madalas pinagagamitan ng mga respondente

ng teknolohiya

R1: “…Science, minsan hindi ko maintindihan sa book kaya nagssearch

ako kasi sa social media mas maraming opinion na iyon ang tama”

R2: “…English. Kasi po sa English may mga words po ako na hindi

masyadong maintindihan and hindi ko po alam yung mga meaning kaya po

sine-search ko po siya sa google. Sa pagse-search ko po, nau-

understand ko po yung mga meaning ng words po”

R3: “Ang pinakamadalas ko talaga na gamitan ng teknolohiya ay yung

Araling Panlipunan, dahil iyon talaga yung marami kaming nagiging

report. Therefore, iyon yung may pinakamaraming kailangan na

research”

Ang Talahanayan 5 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa mga paksa kung saan ginagamit ang mga

teknolohiya. Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami ang sumagot

ng “English” na mayroong bilang na 13, samantala, ang pinakakaunting


sagot naman ay ang “Filipino” at “T.L.E.” na parehong mayroong

bilang na 1.

VI. Nasisiguro mo bang tama ang mga impormasyong nahahanap

mo?

SAGOT BILANG

Nakasisiguro 29

Hindi Nakasisiguro 11

Talahanayan 6: Bilang ng mga respondente na nakasisiguro at

hindi nakasisiguro na tama ang mga impormasyong nahahanap nila

gamit ang mga teknolohiya

R1: “Pag nagpapass ako ng assignment tama naman yung nagiging marka

ni teacher sa papel.”

R2: “Minsan po hindi po ako sigurado kasi galing lang po siya sa mga

brainly, kaya minsan mas nagtatanong nalang rin po ako sa mga

parents ko or sa mga nakakatandang may alam.”

R3:” Tama naman, kumbaga dino-double check ko naman at nagtatanong

tanong rin ako para sure na tama”

Ang Talahanayan 6 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa mga nakasisiguro at hindi nakasisiguro na tama


ang mga impormasyong nahahanap nila gamit ang teknolohiya.

Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami ang sumagot ng

“Nakasisiguro” na mayroong bilang na 29, samantala, ang

pinakakaunting sagot naman ay ang “Hindi nakasisiguro” na mayroong

bilang na 11.

VII. Anong search engine ang ginagamit mo pang-search?

Search Engine Bilang

Google 25

Brainly 9

Safari 6

Talahanayan 7: Mga Search Engine na madalas ginagamit ng mga

respondente

Ang Talahanayan 7 ay nagpapakita ng distribusyon ng mga

respondente ayon sa mga search engine na madalas nilang gamitin.

Ipinapakita sa talahanayan na pinakamarami ang sumagot ng “Google”

na mayroong bilang na 25, samantala, ang pinakakaunting sagot naman

ay ang “Safari” na mayroong bilang na 6.


KABANATA V

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Schola Christi, Inc.,

Maestrang Kikay, Talavera, Nueva Ecija na may kabuoang bilang na 40

na respondente ng kagawaran ng junior high school. Deskriptibo ang

ginamit na pamamaraan sa pananaliksik na ito. Ang ginamit na

talatanungan sa pananaliksik na ito ay open-ended questions upang

maging detalyado ang mga sagot.

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epektibong Pag-gamit ng

Makabagong Teknolohiya sa Pananaliksik ng Aralin sa mga Piling Mag-

aaral ng Junior High Hchool ng Schola Christi, Inc.”.

Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na ito ang kanilang maging paksa

para sa kanilang pag-aaral sa kadahilanang, sa pagsibol ng

modernisasyon sa ating panahon, naging parte na ng ating pamumuhay

ang pag-gamit ng teknolohiya kabilang sa larangan ng edukasyon. Ang

layunin ng pananaliksik na ito ay kung paano ng aba ka-epektibo ang

pag-gamit ng teknolohiya sa pananaliksik ng mga impormasyon para sa

ating aralin.

Nais ng mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang demographic profile ng mga respondents ukol sa

kanilang;

1.1. Pangalan (Opsyonal)

1.2. Edad

1.3. Antas ng Baitang


2. Ano ang mga partikular na teknolohiya ang ginagamit ng mga

mag-aaral ng Junior High School sa Schola Christi, Inc.?

3. Ano ang mga makabuluhang pagkakaugnay ng pag-gamit ng

teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng Junior High

School ng Schola Christi, Inc.?

4. Paano nakatulong ang teknolohiya sa akademikong pagganap ng

mga mag-aaral ng Junior High School sa paaralang Schola Christi,

Inc.?

KONKLUSYON

Batay sa nakalap na impormasyon at datos, ang mga mananaliksik ay

ilalahad ang mga susunod na konklusyon batay sa mga suliranin ng

pananaliksik:

1. Sa aming ginawa na panayam, ang pangunahing aparato na

ginagamit ng mga junior high school ng Schola Christi, Inc. sa

kanilang pag-aaral ay ang cellphone na mayroong bilang na 30. Ayon

sa ilang respondente, mas madaling dalhin ang cellphone kaya’t eto

ang kanilang pangunahing ginagamit na teknolohiya.

2. Mas maraming uri ng libangan ang sagot ng mga respondente

bilang kanilang pangunahing pag-gamit ng mga nasabing aparato. Ito

ay naglalaman ng social media, online gaming, at online shopping.

Nasa kategorya na ito ang may pinakamataas na sagot (social media)

na mayroong bilang na 16. Ayon sa mga respondente, ginagamit nila

ang social media upang makipag-usap sa kanilang mga mahal sa buhay

tulad ng kanilang pamilya at kaibigan. Ngunit, sa pang-akademiko na

kategorya ay nangunguna ang pananaliksik ng mga impormasyon na


mayroong bilang na 11. Samaktuwid, mas malaki ang bilang ng social

media bilang kanilang pangunahing gamit ng teknolohiya. Ngunit, may

iilan ring sumagot ng online gaming, powerpoint presentation, at

online shopping.

3. Bagamat social media ang kanilang pangunahing gamit ng

kanilang teknolohiya, ang lahat ng respondente ay may sagot sa kung

paano nakatulong sa kanilang edukasyon ang teknolohiya, ang

karamihan ay naniniwala na nakakatulong ito sa pananaliksik ng

impormasyon na kinakailangan para sa kanilang mga aralin. Ang iba

naman ay ang panonood ng tutorial at ang may pinaka-kaunting bilang

ay ang pagpapalawak ng bokabularyo. Ang lahat ng kanilang sinagot ay

inasahan na ng mga mananaliksik. Ngunit, ipinapakita sa Talahanayan

6 na mayroong iilang mga junior high school na hindi nakakasiguro sa

kanilang mga nahahanap na impormasyon sa social media. Ayon sa

kanila, minsan ay kumukuha sila sa mga hindi beripikado na mga

website tulad ng Brainly. Gayumpaman, ang karamihan sa mga

respondente ay sigurado sa impormasyon na kanilang hinahanap

sapagkat kapag minamarkahan ng guro ang kanilang mga gawa ay tama

naman ito. Naipakita rito na may pagkakaugnay ang pag-gamit ng

teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga piling junior high school

ng Schola Christi, Inc.

4. Ipinapakita sa nakalap na datos ay Google ang kanilang

pangunahin na search engine na ginagamit para sa pag-aaral ng mga

respondente.
REKOMENDASYON

Batay sa nakalap na impormasyon at datos, ang mga mananaliksik ay

ilalahad ang mga susunod na rekomendasyon:

1. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na mas palawigin pa ang pag-

gamit ng teknolohiya sa akademiko.

2. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon ng mga seminar

at symposium ukol sa tamang estratehiya sa pananaliksik upang

maiwasan na makakalap ng maling impormasyon.

3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na bigyan ng patnubay na

gabay ang mga junior high school sa pag-gamit ng teknolohiya upang

hindi nito maapektuhan ang sarili sa aspeto ng kalusugan.

You might also like