Week 7 Kompan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panahon Bago Dumating ang mga Espanyol

Isang mabisang ekspresyon ng damdamin ng isang lipunan ang kanyang wika. Isa ito
sa pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura ng isang bansa sa mga
henerasyon na bumubuo at magpapatunay nito. Samakatuwid, ang wika ay di lamang
institusyon kundi kasangkapan din na nakatuon sa pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan
ng mga mamamayan na nakikipagtalastasan sa loob ng isang lipunan.
Ang lawak ng kaalaman ay nakakamit sa tulong ng malawak na paglalakbay ng
isipan sa mga larangan ng kaalaman at impormasyon.
Sa modyul na ito, babalikan natin ang kasaysayan ng pag-unlad ng wikang
Filipino at paano ito nagamit sa pagpapayaman ng ating kultura at pangangailangang
panlipunan- ang wikang katutubo na ginagamit sa bansa bilang wika ng komunikasyon
ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ito ay dumaraan sa proseso
ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t-ibang barayti ng wika para sa iba
ibangsitwasyon. Sa mga nagsasalita nito na may iba’t-ibang sanligang sosyal, at para
sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Panahon Bago Dumating ang mga Espanyol


Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa ang naging
pananakop ng mga espanyol sa bansa. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan n
gating lahi- mga kuwentong bayan, alamat, epiko, awiting bayan, salawikain, kasabihan,
bugtong, palaisipan, at iba pa.
Gayundin, nag-aangkin din tayo ng sariling baybayin na ginagamit sa pakikipag-
ugnayan. Ito ang katutubong alpabetong binubuo ng 17 titik na hawig sa mga ginagamit
ng mga indones o ng mga taga-Malayo-Polinesyo. Ang baybayin ay binubuo ng tatlong
patinig at 14 na katinig.

Narito ang paraan ng paggamit ng baybayin:


Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. kung
nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan
ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog /o/ o /u/ ang nais isama sa
pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama
ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang krus (+) bilang
hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog. Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa
hulitan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito.

You might also like