Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hydra ang Diyosa ng Karagatan

Sa isang Nayon na malapit sa karagatan ang mga mamayan dito ay


masaganang namumuhay dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila
ng Diyosang si Hydra. Ang Diyosang si Hydra ay maayos na
namumuno kanyang pinapanatili ang maayos at malinis ang
kanyang kaharian. Kanyang sinisiguro na may sapat na pagkukunan
ang mga mangingisda para sa kanilang ikabubuhay. Kasama ang
kanyang anak na si Zalle sa kanyang pamamalakad sa kanilang
nasasakupan.
Sa mahabang panahon ang mga nilalang sa lupa at karagatan ay
payapang namumuhay. Ngunit sa paglipas ng panahon nabago ang
mga tao.Nawala ang disiplina. Hindi na sila masaya sa kanilang
nakukuha sa karagatan at dahil sa pagiging makasarili nila sinaway
nila ang patakaran nanguha sila ng higit pa sa pinapayagan ng
Diyosang si Hydra. Isa ang grupo ni Evan sa mga taong makasarili,
sila ay pumunta sa Isla Beiri, ang isla na hindi pinapahintulutan sa
kanilang puntahan. Ito ang Isla na pinapangalagaan ng anak ni
Hydra na si Zalle. Nakita ni Zalle ang grupo ni Evan kung kaya dagli
niya itong ipinaalam sa kanyang ina. Kasama ang kanyang mga
alagad na sereno at serena sila ay pumunta kung saan naroon ang
grupo ni Evan. Sa gulat ng grupo ni Evan napaatras sila at nangatog
sa takot. Si Hydra ay galit na nagsalita sa kanila “Dahil sa
pagsuway ninyo sa mga patakaran ko na panghihimasok sa lawang
ito at ang paggamit ng dinamita sa karagatan kayo ay gagawaran
ko ng parusa ko. Simula sa araw na ito hindi na ako magbibigay pa
ng sapat na lamang dagat, kung ano na lang ang natitira sa inyong
isla na lamang dagat iyon na lamang ang inyong pararamihin”.
Nang tumagal nga nawalan ng isda ang karagatan at pagkalipas ng
isang buwan ang dagat ay tuluyan ng nawalan ng isda. Ang mga
mamayan ay nagutom pati ang mga hindi nila karaniwang kinakain
na isda ay kinain na din nila. Dahil sa pangyayaring iyon nagkaroon
ng pagpupulong ang mga tao. Nag-usap sila na kailangan nilang
humingi ng kapatawaran sa Diyosa kung kaya sila ay gumawa ng
isang ritwal, isang ritwal para sa pagbibigay patawad. At sila nga
ay pinatawad ng Diyosang si Hydra.
Pagkalipas ng ilang araw ang karagatan ay nagkaroon na ng isda.
Natuwa ang mga tao at muli sila ay gumawa ng isang ritwal, isang
pagpapasalamat sa pangalawang pagkakataon na binigay ng
Diyosang si Hydra.

You might also like