Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

COLLEGE OF ST.

CATHERINE QUEZON CITY


College Department

Banghay Aralin
I. Layunin:
Sa pagtatapos ng talayakin ang mga mag aaral ay inaasahan na:
A. Nailalarawan ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano.
B. Naipapaliwanag ang mga tiyak na kaisipan, ideya, at opinyon.
C. Nakikilala ang mga manunulat sa panahon ng Amerikano

II. Paksang aralin: Panitikan sa panahon ng Amerikano


Mga kagamitan: Canva Presentation, Laptop, tv screen, Larawan
Sanggunian: Libro; Panitikan ng Pilipinas

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
- Pagdarasal
- Pagbati

B. Pagganyak

a.) “Apat na Larawan, Isang Salita”


Magpapakita ang guro ng apat na larawan na kapag ipinag ugnay-ugnay ay
mayroong iisang salita.

b.) “Pinaghalo-halong mga titik”


Magpapakita ang guro ng larawan ng tatlo sa mga tanyag na manunulat sa
panahon ng Amerikano at tutukuyin ng mga mag aaral ang pangalan ng
manunulat na ito, sa tulong ng mga ginulong letra (Jumbled letters)

OAAMD V. EDZNANHRE

Sagot: Amado V. Hernandez

ONVERISE SERYE

Sagot: Severino Reyes

OPEL K. SONTAS

Sagot: Lope K. Santos

C. Analisis
Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang panitikan sa panahon ng Amerikano,
ang mga manunulat at ang ilan sa mga halimbawa ng kanilang likhang panitikan.

D. Abstraksyon

Matapos ang paglalahad tungkol sa mga Panitikan sa panahon ng Amerikano


pati na rin ang mga manunulat at ang ilan sa mga halimbawa ng kanilang likha.
mayroong babasahin ang mga estudyante na iilang mga pangungusap o
COLLEGE OF ST. CATHERINE QUEZON CITY
College Department

saknong ng ilang panitikan sa panahong ito at kanila itong ipapaliwanag ayon


sa tiyak na kaisipan, ideya at opinyon.

E. Aplikasyon

Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat at magbibigay ang guro ng Puzzle


kung saan ang bubuuin ng Unang Pangkat ay ang larawan ni Jose Corazon de
Jesus at sa Pangalawang pangkat naman ay ang larawan ni Lazaro Francisco.
Pagkatapos mabuo ang larawan, sasabihin ng bawat pangkat ang Pangalan ng
nasa larawan at magbibigay din sila ng isang Panitikan na nilikha nito.

IV. Pagtataya
Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit ayun sa mga tinalakay na aralin.

Isulat ang sagot sa Patlang.

________1. Kilala sa tawag na Tandang Among. Ipinalalagay na obra-maestra


niya ang Nena at Neneng
________2. Ipinalalagay na pinaka-pangunahing manunulat na babae sa Ingles
bago magkadigma.

________3. Pinakatanyag na pilipinong manunulat sa Ingles. Kilala sa sagisag


na Doveglion

_________4. Mananaysay at Mananalumpati

_________5. Ama ng Dulang Tagalog. May-akda ng Walang Sugat.

_________6. Makatang liriko.

_________7. Kilalang-kilala sa sagisag na Huseng Batute. Tinagurian din siyang


makata ng pagibig.

_________8. Tinaguriang makata ng manggagawa. Marami siyang naging


ambag sa panitikan tulad ng Isang Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit, Luha
ng Buwaya, Bayang Malaya, Ang Panday.

_________9. May sagisag na Batikuling

_________10. Noong ______ isang bagong pangkat ng mga manunulat ang


nagsimulang magpahayag ng Ingles.

You might also like