Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WIKA KO AY WIKA MO

Ang wikang Filipino ay isang wikang patuloy pa rin sa pag-unlad, isang work-in-progress. Ang wikang
Filipino ay hindi (at hindi dapat) purong Tagalog lamang. Kailangan itong patuloy na payabungin gamit
ang mga wikang katutubo ng Pilipinas at iba pang mga wika. Sa gayon, magiging tunay na PAMBANSA
ang wikang pambansa. Ang wikang Filipino ay hindi Tagalog lamang.

Ang wika ang isa sa pinakamahalaga sa buong kasaysayan ng bawat bansa, ang pangunahing
instrumento ng ating komunikasyon at nagsisilbing salamin ng ating kasaysayan at kultura, na
nagpapakita ng kahalagahan ng bawat bansa, na atin dapat ipagmalaki, mahalin at pagyamanin. Ang
wika ko at ang wika mo ay ang ating koneksyon, kilos, gawa at desisyon na resulta ng isang matibay na
fundasyon ng ating bansa kasi ang yong wika at ang aking wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan,
simbolo at kaugnayan.Ang wika ang isa sa pinakamahalaga sa buong kasaysayan ng ng bawat bansa, ang
pangunahing instrumento ng ating komunikasyon at nagsisilbing salamin ng ating kasaysayan at kultura,
na nagpapakita ng kahalagahan ng bawat bansa, na atin dapat ipagmalaki, mahalin at pagyamanin. Dahil
malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting
pagsasamahan. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa
pamamagitan ng wika. Magagawa nitong pagbuklurin at pagsamahin ang isang bansa ay lahing nasa
gitna ng sigalot at kaguluhan. Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa
dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi
uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Naipadarama ng
wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang
kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang kaibuturan ng
pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman kayat ang wika mo ay wika ko.

Ang wika ay mahalaga sapagkat dito natin nailalahad ang ating damdamin. Wika ang dahilan kung bakit
tayo nag uunawaan sa ating komunikasyon, ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay nagkakaisa. Ang wika
ay dapat pahalagahan may mga kayamanan ito na tago kapag itoy pinag-aralan. Wikang filipino hindi sa
kulay at dugo ang sukata, kundi sa wika ng inyong pinanghahawakan, ang wikang filipino ba ang
kaluluwa at salamin sa pagkatao ng ating bansa? wikang filipino ang daan at wikang filipino ating gamitin
dahil ito ay sariling atin.

Wikang filipino ating mahalin sapagkat ito ang sagisag ng ating bansa. Binuklod nito ang ating
damdaming mga pilipino. Dugo at pawis ang pinuhunan ipaglaban ang wika ng ating inang bayan.
Wikang filipino wika ng pagkakaisa, wika ang susi ng puso at diwa.

Wika mo, wika ko, wika natin ay wikang filipino, Anuman ang lahi mo, Iba man ang kultura at kulay ng
balat ko, ikaw, ako, kayo ay tunay na mga Pilipino, wikang filipino ay bukod tangi at nag-iisang wikang
filipino maghahatid ng panibagong pag-asa.

You might also like