Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 4
Ikatlong
Industrial Arts
Markahan
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga kagamitan sa pagsusukat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Danrey Niño L. Piandiong
Editor: Ruth D. Cabrera
Tagasuri: Dolores Antolin
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP
Industrial Arts 4
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Mga Kagamitan sa Pagsusukat
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4 (Industrial Arts) ng Modyul 1 para sa araling Pagkikilala sa mga
kagamitan sa pagsusukat.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


(Industrial Arts) Modyul 1 ukol sa Pagkikilala sa Mga Kagamitan sa Pagsusukat.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Sa Pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay


inaasahang nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kilalanin ang mga kagamitang panukat.


Hanapin sa kahon sa ibaba ang pangalan ng mga
panukat na nasa larawan at ilagay sa bakanteng
kahon.

ISKUWALANG ASERO PROTRAKTOR


METER STICK RULER
PULL-PUSH RULE T-SQUARE

1. 4.

2. 5.

3.
BALIK-ARAL

Panuto: Buuin ang halo-halong letra upang makabuo ng


salita. Ang mga salitang ito ay kadalasang ginagamit ng isang tao
sa pagkain.

1. dorinit

2. topla

3.tipalto

4.asta

5. asbo

baso plato kutsara


tinidor platito tasa

ARALIN

Ikaw ba ay marunong magsukat?


Paano ka nagsusukat?
Ano-ano ang mga ginagamit mo sa pagsusukat?
MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang


angkop na sukat ng isang bagay. Basahin mo at isaisip ang
gamit ng mga kasangkapang panukat na nakasulat sa ibaba.
Ang bawat kasangkapang panukat ay may kaniya-kaniyang
bagay na dapat paggamitan sa pagsusukat.

IKUWALANG ASERO Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa


malalaki at malalapad na gilid ng isang
bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy,
lapad ng tela, lapad ng mesa, at iba pa.

ZIGZAG RULE Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na


ang haba ay umaabot ng anim na piye
at panukat ng mahahabang bagay.
Halimbawa, pagsusukat ng haba at
lapad ng bintana, pintuan at iba pa.
METER STICK
Ito ay karaniwang ginagamit ng mga
mananahi, sa pagsusukat para sa
paggawa ng pattern at kapag
nagpuputol ng tela.

PULL-PUSH RULL
Ang kasangkapang ito ay yari sa
metal at awtomatiko na may haba na
dalawampu't limang (25) pulgada
hanggang isang daang (100)
talampakan. Ang kasangkapang ito ay
may gradasyon sa magkabilang tabi,
ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay
nasa metro.
PROTRAKTOR Ang kasangkapang ito ay ginagamit
sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw
ay gumagawa ng mga anggulo sa
iginuguhit na mga linya.

RULER AT TRIANGLE Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa


paggawa ng mga linya sa drowing at
iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.

T-SQUARE Ito ay ginagamit sa pagsukat ng


mahahabang linya kapag
nagdodrowing. Ginagamit din ito na
gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga
drowing na gagawin.
TAPE MEASURE
Ang kasangkapang ito ay ginagamit
sa pagsusukat ng mga mananahi. Ito
ay ginagamit nila sa pagsusukat ng
mga bahagi ng katawan kapag tayo
nagpapatahi ng damit, pantalon,
palda, barong, gown, atbp.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ilagay
sa patlang ang tamang panukat na gagamitin.

________1. Anong panukat ang ginagamit sa paggawa ng


tuwid na guhit o linya sa papel.
________2. Ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw
ay gumagawa ng mga anggulo.
________3. Ginagamit sa pagsusukat sa taas ng pinto at bintana.
________4. Ang panukat na ito ay ginagamit sa pagsusukat
sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay.
________5. Ito ay ginagamit ng mananahi sa pagsusukat ng
mga bahagi ng katawan.
Pagsasanay 2

Panuto: Piliin ang sagot sa Hanay B ng mga larawang


ginagamit sa pagsusukat na na sa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

_____1. a. tape measure

_____2. b. meter stick

_____3. c. protraktor

_____4. d. ruler

_____5. e. t-sqaure

f. pull-push rule
PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang Pagsusukat?


_________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________

2. Anu-ano ang mga kasangkapang panukat?


_________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Si Marie ay mag-aaral na sa pasukan ngunit wala pa siyang


mga uniporme. Isinama siya ng kaniyang nanay sa mananahi
upang magpagawa nito. Sinukatan siya ng mananahi gamit ang
tape measure. Pagkalipas ng dalawang araw, nakuha niya ang
kaniyang bagong uniporme.Natuwa si Marie dahil tama ang lapat
sa kaniya ng mga tinahing uniporme.
Ano ang kahalagahan ng paggamit ng tape measure o
mga panukat sa pagsusukat ng mga angkop na bagay?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangungusap. D


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha
ng mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga
anggulo sa iginuguhit na mga linya.
A. Ruler B. Protractor
C. Tape measure D. Iskuwalang aser
2. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng mahahabang
linya kapag nagdodrowing. Ginagamit din ito na
gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing na
gagawin.
A. T-square B. Pull-push rule
C. Meter stick D. Iskuwalang aser
3. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng
mga mananahi sa mga bahagi ng katawan kapag tayo
nagpapatahi ng damit, pantalon, palda, barong, gown,
atbp.
A. Meter stick B. Tape measure
C. Zigzag rule D. Stick
4. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay
umaabot ng anim na piye at panukat ng mahahabang
bagay. Gingamit ito sa pagsusukat ng haba at lapad ng
bintana, pintuan at iba pa.
A. Ruler at triangle B. Tape measure
C. Zigzag rule D. Meter stick
5. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga
linya sa drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.
A. Ruler at Triangle B. Tape measure
C. Zigzag rule D. Meter stick

Tandaan:
Mga kagamitang ihahanda sa susunod na aralin:
1. Ruler o triangle
2. Meter stick
3. Tape measure
4. Lapis
5. Papel
Paunang Pagsubok Panapos na Pagsusulit
1. protraktor 1. B. protraktor
2. t-square 2. C. t-square
3. meter stick 3. B. tape measure
4. pull-push rule 4. C. zigzag rule
5. ruler 5. A. ruler at triangle
Balik-Aral
1. tinidor
2. plato
3. platito
4. tasa
5. baso
Pagsasanay 1
1. ruler at triangle
2. protraktor
3. zigzag rule
4. iskuwalang asero
5. meter stick
Pagsasanay 2
1. e. t-square
2. c. protraktor
3. a. tape measure
4. b. meter stick
5. f. pull-push rule
Paglalahat
1. Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat ng isang
bagay.
2. Iskuwalang asero, zigzag rule, meter stick, pull-push rule, protraktor, ruler at
triangle, t-square, tape measure
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

A. Aklat

Edukasyong Pantahanan at Pangkalusugan

B. Pampamahalaang Publikasyon

Depeartment of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurikulum


Mayo 2016 Competency code
Dep Ed Most Essential Learning Competencies Competency
code (EPP4PP-….)

C. Online at Elektronikang Pinagmulan

1. https://www.moodfabrics.com/lance-t-square-ruler-100062

2.https://www.schoolspecialty.com/school-smart-hardwood-
meter-stick-with-metal-ends-081902

3.https://www.alibaba.com/product-detail/-MEASPRO-
Printed-Steel-Try-Square_60711160231.html

4.https://www.vintagetools.net/stanley-four-square-4-foot-
zig-zag-rule-714a

You might also like