Semi Lesson Plan ESp Week 2 Q3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

Grade I- Love
I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay…
a. Natutukoy ang karapatan ng mga bata tulad ng karapatan ng pagkain ng masustansiya.
b. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging masunurin, pagpapanatili ng
kaayusan, kapayapaan at kalinisan sa loob ng tahanan at paaralan.
c. Naisasabuhay ang pagiging masunurin at magalang sa tahanan, nakasusunod sa mga
alituntunin ng paaaralan at naisasagawa nang may pagpapahalaga ang karapatang
tinatamasa.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Karapatang Tinatamasa: Kumakain ng
Masusustansyang Pagkain

Sanggunian: BOW ,ADM,PIVOT


Kagamitan: TV, Powerpoint, videos
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang Karapatan at ang masusustansyang pagkain.
III. PAMAMARAAN
A. Pangunahing Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban sa klase.

B. Balik-aral
Kahapon ay pinag-aralan natin ang mga paraan upang maipakita ang pagiging masunurin
at magalang. Mayroon ako ritong mga larawan. Sabihin ang TAMA kung ito ba ay
pagpapakita ng pagiging masunurin o paggalang at HINDI naman kung hindi.

1.Pagganyak
-Ipakanta ang “Bahay Kubo’’ sa klase.
-Itanong: Alin sa mga gulay ang kanilang kinakain.
-Itanong: Binibigay ba kaagad ng nanay o tatay ang pagkaing gusto
ninyong kainin sa oras na iyon?
C. Paglalahad
-Basahin ang tulang” Pagkain Pahalagahan’’
D. Pagtatalakay
-Mula sa binasahang tula, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Paano ipinakita ng bata ang pagpapahalaga sa pagkaing masustansya?
a. Pag-aaksaya ng pagkain ay iniiwasang kusa.
b. Pag-aaksaya ng pagkain ay ginagawang kusa.
c. Pag-aaksaya ng pagkain ay mabuting gawain.
-Ipabasa ang tandaan:
Ang bawat bata ay may mga karapatang tinatamasa. Isa sa mga karapatang ito ay ang
makakain ng mga masusustansyang pagkain upang ang katawan ay maging malusog at
aktibo.

1. Gawain may patnubay ng guro.


Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng masustansyang pagkain?

2. Paglinang sa Kabihasaan (Independent Practice)


Lagyan ng masyang mukha ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagkain ng masusustansya at malungkot na mukha ( ) kung
hindi.

3. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Application)


Iguhit ang puso kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkain ng
masustansiyang pagkain at bituin kung hindi.
_____1. Kumakain ng gulay at prutas araw.araw.
_____2. Mahilig sa softdrinks si Arnold.
_____3. Tuwing recess nilagang saging at kamote baon ko.
_____4. Tsokolate at mga kendi ang paboritong meryenda ng ate ko.
_____5. Umiinom ako ng gatas bago matulog

E. Paglalahat
-Itanong sa mag-aaral:
 Ano ang isa sa mga karapatan mo bilang isang bata?
 Ano anong pagkaing masustansya ang dapat mong kainin?
 Dapat ba tayong maging masunurin sa bilin ng magulang na dapat kainin at hindi?
 Bakit kailangang masustansyang pagkain ang iyong kainin?
 Masasabi ba nating isang karapatan ang pagkain ng masusustanyang pagkain? Bakit?
 Sa iyong palagay, bakit isa sa mga karapatan mo bilang bata ang magkaroon ng sapat
napagkain at malusog na pangangatawan?
 Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga mo sa karapatan mong magkaroon ng sapat
napagkain at malusog na pangangatawan?

IV. PAGTATAYA NG ARALIN (Evaluation)


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat sa
iyong kuwadernong panggawain ang salitang Opo kung nagpapakita ng pagpahalaga
sa pagkain at Hindi po kung hindi naman.
______1. Kakain ako ng mga lutong gulay ni Nanay.
______2. Ang anumang prutas na ibibigay ni Nanay sa akin ay aking kakainin.
______3. Kukuha ako ng maraming saging kahit alam kong di ko ito maubos.
______4. Susuwayin ko ang aking nanay, bibili ako ng maraming kendi.
______5. Iiwasan ko ang pagkain ng sitsirya at Isoftdrinks.

Inihanda ni:

You might also like