Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“PANAGBENGA: ISANG KULTURA AT EKONOMIKONG PAGSUSURI”

(KonseptongPapel) Ni Crisanto S. SalamatU.P.Baguio

Hindi lingid sa ating kaalaman ang malawakang paglaganap ng globalisasyon at


komersyalisasyon sa ating bansa. Ito ay mararamdaman sa halos lahat ng panig ng Pilipinas,
partikular na ang Baguio na isa sa mga maunlad na lungsod sa bansa. Ang Baguio ay
isa sa mga paboritong bakasyunan ng mga turista dahil sa maganda nitong klima. Tinagurian
din itong “Summer Capital” ng Pilipinas. Ipinagmamalaki rin ng Baguio ang Panagbenga o
“Flower Festival”na dinarayo ng mga turista. Tampok dito ang parade ng iba’t ibang bulaklak
na tanim sa Baguio.
Ngunit nababahiran ito ng komersyalisasyon na laging dala ng turismo sa ibang lugar. Sa halip
na isang cultural na pagdiriwang ay nagiging isang komersyal na gawain ito. Sa ganitong
pangyayari ay unti-unting namulat ang tradisyon kasama ang kultura sa oryentasyong
pagkamal ng salapi kapalit ng pananatili ng katutubong kultura. Ang panagbenga ay isang
malinaw na resulta ng komersyalisasyon. Pangunahing layunin ng papel na ito, na ipakita sa
mga mamamayan ang tunay na kaganapan at kalagayanng Cordillera (sa perspektibang
lungsod ng Baguio) na ikinukubli ng masaya at magarbong pagdiriwang ng Panagbenga .
Pangalawa, ay upang bigyang katwiran kahit na ito sa kontekstong naabuso at nabubusabos
na katutubong kultura ng mga Cordillera na minana pa nila sa kanilang ninuno.Tiyak na
layunin ng papel na (a) Tukuyinang pag-unlad ng Baguio mula sa panahon ng Kastila
hanggang sa kasalukuyan; (b) Tiyakinang kasaysayan ng Panagbenga at komersyalismong
nangyayari rito; (c) Suriinan ang epektong komersyalisasyong ito at lungsod; (d)Tukuyin ang
mga maaaring hakbang para lutasin ang problema. Magpopokus ang papel na ito sa kultura
at ekonomikal na aspektong Baguio kasama ng Panagbenga at ang epekto ng lumalaganap na
komersyalisasyon. Mithiinng pag-iinterbyu, pagsasalikisik sa aklatan, mga artikulo at
pahayagan, pagkuha ng opinion at pananaw ng iba,kasama ang kaunting paghahanap ng
datos sa internet, na maipakita at malinawan ang tunay na kalagayan ng Panagbenga sa
aspektong cultural at ekonomikal. At upang makita rin ang epekto ng komersyalisasyon sa
lungsod ng Baguio, kultura at sa mga taong nakakasaksi ng “Commercialiazed Panagbenga”.
Isang 20-25 pahinang papel, double-spaced,ang inaasahang mabubuong pananaliksik na
tutukoy sa huli sa mga hakbang tungo sa paglutas sa problemang komersyalisasyon ng
Panagbenga. Lalagyan din itong 2-3 apendiks na bubuuin ng mga litrato at ilang dokumento.
-
Halaw mula sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’tIbangTekstoTungo sa Pananaliksik (Bataysa K
-12 Kukulum)

You might also like