Salubong 2018

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Santisima Trinidad Parish

DALOY NG SALUBONG

I. PRUSISYON

MAHALAGANG PAALALA!
(papuntang simbahan: ang MaterDolorosa at manggagaling sa San Isidro Chapel,
samantalang ang Kristong Nabuhay ay mangagaling sa bahay ni Bro. Rey Resurreccion.
Bago matapos ang Easter Vigil Mass dapat ang mga imahe ng MaterDolorasa ay nasa
kanto na ng Espiritu Street, samantalang ang imahe ng Kristong Nabuhay ay nasa kanto
na ng Bautista Street. Simula dito may dalawang marshall na mag gigiya sa mga imahe
patungo sa pagdadausan ng salubong. Titigil na sa pagtugtug ang ati-atihan)

 Tahimik na Ilalapit sa kanto ng Dian ang imahe ng Mater Dolorosa


Sasama ang dalawang babaeng mananayaw (tiniente)
 Tahimik na Ilalapit sa kanto ng Conchu ang imahe ng Kristong Nabuhay
Sasama ang isang babaeng mananayaw (kapitana)

Ilalapit ang mga imahe sa harapan ng simbahan

Sa harapang ng simbahan

II. PAGBATI

P – Sa ngalan ng + Ama, at ng + Anak at ng + Espiritu Santo.

B – Amen.

P – Mga kapatid, tayo ay naririto ngayon upang makiisa sa mahabang tradisyon ng


Katolikong Pilipino – ang salubong. Dito isinasadula ang pagkikita ng Mahal na Ina at ng
kanyang bugtong na Anak na nabayubay sa krus at nabuhay muli para sa ating lahat. Sa
pagsasalubong ipinapahayag nating mga Filipino na ang pinakamabisang daan patungo kay
Kristo ay sa pamamagitan ng kanyang Mahal na Inang si Maria. Mga kapatid, sandali tayong
manahimik at tumawag kay Maria upang tayo bilang isang bayan ay mabiyayaan ng
pagkakaisa bilang iisang katawan ng Panginoong muling nabuhay at nasa ating piling.
(sandaling katahimikan)

P – (awit) Sumainyo ang Panginoong muling nabuhay!

B – (awit) At sumaiyo rin!

P – (awit) Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (28:1-10)

B – (awit) Papuri sa iyo, Panginoon.

rsg2018
Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo,
pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol
nang malakas. Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong
nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na
parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay
at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae,
“Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na
siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo
ang pinaglagyan sa kanya. lumakad na kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya’y
muling nabuhay at mauuna sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang sinabi
ko sa inyo.” At dali-dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot at
galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari. Ngunit sinalubong
sila ni Hesus at binati. At lumapit sila, niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa
kanila ni Hesus, “Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na
pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!”

P – (awit) Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B – (awit) Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Commentator: O Mariang mapagsinta! Puso’y mo’y tigib ng dusa! Pitong balaraw ang
umasinta! Huwag ka na magmaliw! Ang luha’y punasan na! Ang iyong anak ay narito na!
Nabuhay siyang mag-uli upang ikaw ay makasama!

rsg2018
Pipili ng dalawang Anghel na mamumuno sa Pagbigkas ng Dalit kay Inang Maria
Isasalita ito ng patula at damdamin

Tulaan at Dalit Alay kay Inang Maria


Ang pagkasulubong ni Kristo
sa kanyang Mahal na Ina

Anghel 1: sa iyo ng pagkakita.


Anghel 2:
Nang malabas na sa hukay
at si Hesus ay nabuhay Yaong mga tinataglay
ang una niyang dinalaw hapis at kapighatian
ang ang Inang namamanglaw ng puso kong nalulumbay,
inaliw sa kalumbayan. ngayo’y agad nahalinhan
nang malaking katuwaan.
Doon nga sa Senakulo
ay pinaroonan ni Kristo Ano pa’t ngayo’y nalubos
at binati nang ganito, ang tuwa kong di matapos
yaong Inang manglulumo oh! Anak kong sinta’t irog,
lumbay ay di mamagkano. ang sukal ng aking loob
napawi ngayong tibobos.
Anghel 2:
Anghel 1:
Aba, Ina kong mapalad
karamay-damay sa hirap Ikaw nga’t dili iba
tingni yaring iyong Anak, ang buhay ko’t aking sinta
ang loob ay nang lumuwag bunso ng di ka makita,
sa kapighatia’t sindak. sa loob ko’y di magbawa
ang kalumbayang lahat na.
Matuwa na’t lumigaya
ang Poon ko’t aking Ina Ngayon nga lamang naibsan
yamang aking naganap na puso ko ng kalumbayan
ang pagsakop ko sa sala at ngayon naliwanagan,
sa tanang anak ni Eba. mata kong pinag-ulapan
Anghel 1: ng dilim ng kasakitan.

Napawi na’t nakaraan Anghel 1 and 2:


ang unos ng kasakitan
ngayon ay ang katuwaan Halos di nalulubos pa
Ina ko’y siyang kakamtan ang tuwa nang Birheng Ina
nitong aking pagkabuhay. sa kanilang pagkikita,
ay pumanaw kapagdaka
Ang tugon ng Birhen Ina si Hesus na Anak niya!
Aba bunso ko aniya
buhay niyaring kaluluwa, Si Kristo’y muling nabuhay Aleluya
loob ko’y nagkamit saya
Aleluya!

rsg2018
Magsasalubong ang dalawang imahe ilalapit sa stage
Sa gawing kanan ang imahe ng Kristong nabuhay
Sa gawing kaliwa ang imahe ng Mater Dolorosa

Iyuyoko ng sabay, Itatayo muli

Ilalapit ang imahe ng Kristong Nabuhay sa Anghel Mayor

III. PAGLALAGAY NG PALMERA

Commentator: Ngayon ay matutunghayan natin ang paglalagay ng palmera sa kamay ni


Hesus. Ang palmera ay simbolo ng kanyang pagtubos sa ating kasalanan sa pag agos ng
masaganang dugo dala ng limang sugat ni Hesus at pagkamatay niya sa Banal na Krus
iniligtas niya ang sangkatauhan sa parusa ng kamatayan!
Ngayong si Kristo’y Nabuhay! Ang kamataya’y nilupig N’yang tunay! Bagong pag-asa ay
sumilay sa sangkatuha’y hatid ay pag-ibig N’yang tunay!

Ilalagay ng Angel Mayor ang palmera sa kamay ng imahe ng Kristong Nabuhay

Awit: Nabuhay akong muli Aleluya! Ako’y laging nasa yo Aleluya!

Iaatras ang imahe ng Kristong Nabuhay


Igagawi pakanan ang image ng Mater Dolorosa, Ilalapit sa Anghel Mayor

PAG-ALIS NG BELO

Commentator: Ngayon ay ating matutunghayan ang pag-aalis ng belo ng Mahal na Birhen


na sagisag ng pagtatapos ng kanyang pagluluksa. Ito rin ang tanda na natatapos na rin sa
ating sambayanan ang panahon ng kasalanan na nagdudulot ng kamatayan. Ngayon ang
bagong araw, ang araw ng tagumpay, ang araw ng kalayaan ng sambayanan.

Aalisin ang Belo

Anghel Mayor: (Awit) Reyna ng Langit unang bahagi

Mga anghel: (Awi) Reyna ng langit chorus part

P – Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya.

B - Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya.

P - Manalangin tayo. O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong anak na si


Hesukristong Panginoon naming, minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling naming
sa iyo na alang-alang sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan naming ang kaligayahan
sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong aming Panginoon kasama ng
Espiritu Santo magpasawalanghanggan.

rsg2018
B - Amen. (pagkaalis ng belo, paliliparin ang mga lobo)

Magpapakawala ng mga kalapati at confetting puti

Ihaharap sa simbahan ang imahe ng Kristong nabuhay at Mater Alegria

Awit: Handel’s Hallelujah

Pagkatapos ng awit ipapasok na sa loob ng simbahan ang mga imahe

-end-

rsg2018

You might also like