Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

1. Magkaroon ng Ritwal ng Pasalamat


Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-iisip at pagsusuri sa sarili. Araw-araw, kahit ilang
sandali lamang, pagnilayan mo ang mga tao o bagay na nais mong pasalamatan. Isang
magandang ideya ang paggawa ng listahan ng mga taong nais mong pasalamatan o mga
bagay na nais mong gawin upang ipakita ang iyong pasasalamat sa kanila. Isama rin sa pag-
iisip ang pagpapahalaga sa Diyos na patuloy na nagbibigay sa iyo ng buhay at sa kalikasan
tulad ng hangin, araw, ulan, at iba pa.
2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na
nangangailangan ng iyong pasasalamat.
Kahit simpleng paraan lang ito, nagpapakita ito ng mas malalim na pasasalamat. Ang
pakiramdam ng pagtanggap ng isang liham na nakasulat sa stationery ay iba kaysa sa
pagtanggap ng isang mensahe sa text, email, o Facebook.
3. Bigyang ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan
Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kabutihang kanilang ginawa para sa iyo. Isang
magandang paraan ng pasasalamat ay ang pagyakap sa iyong magulang dahil sa masarap
na pagkain na inihanda niya para sa iyo, upang ipakita sa kanya na tunay mong
pinapahalagahan ang kanyang mga pagsisikap.
4. Magpasalamat sa bawat araw
Sa bawat araw ng iyong paggising, pag-isipan ang kagandahan at layunin ng iyong buhay.
Harapin ang bawat araw sa pamamagitan ng pagpapaalala sa sarili ng mga biyayang
natatanggap sa pamamagitan ng panalangin sa paggising sa umaga, bago kumain, bago
pumasok sa paaralan o umalis ng tahanan, at bago matulog.
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpababuti sa iyong pakiramdam
Madalas nating marinig o mabasa ang mga quotations na nagpapahayag ng kaalaman o
nagbibigay inspirasyon sa ating kaisipan at damdamin. Mas mainam kung titipunin mo ang
mga ito sa isang librito, at ilagay ito sa mesa o tabi ng higaan upang madalas mong mabasa
o maalala.
6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay may birtud ng pasasalamat, madalas kang gumawa ng mga simpleng bagay na
nagbibigay kasiyahan sa ibang tao, tulad ng pagbukas ng pinto para sa kanila, pagtulong sa
pagbuhat ng kanilang mabibigat na dalahin, pagbibigay ng kontribusyon sa mga gawain ng
kawanggawa, at iba pa.
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo

Isang simpleng regalo ngunit nagpapakita ng pagpapahalaga sa taong nagbigay sa iyo ng kabutihan
na nagdudulot ng kagalakan. Ang mahalaga dito ay ang sinserong intensyon ng pagbibigay mula sa

You might also like