Multo NG Isang Trahedya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MULTO NG ISANG TRAHEDYA

Arlan M. Camba
“Coed, HINOLDAP… PATAY!”

Gumimbal sa buong kampus ang masamang balitang ito. Naging laman ng maraming pahayagan ang
krimen at naging usap-usapan ang brutal na kinasapitan ng naturang estudyante sa kamay ng mga
holdaper. Isang working student, patungong eskwelahan galing sa pinapasukang trabaho ang naturang
biktima. Sumakay ito ng FX taxi at bumagtas sa kahabaan ng Ortigas Extension. Hindi pa nakakalayo ang
sasakyan ay sumakay ang tatlong kalalakihan. Isa sa harapan, katabi ng drayber, isa sa panggitnang
upuan at ang isa ay sa hulihan. Mag-aalasais na ng hapon ang mga oras na ‘yon. Manaka-nakang
binabalutan na ng dilim ang buong kalangitan. Hindi pa man kumakanan ang FX taxi patungong Imelda
Avenue ay nagdeklara na ng holdap ang mga salarin. Agad-agad na nilimas ng mga holdaper ang mga
pera, relo at cellphone ng mga biktima. Mabilis na tumakas ang mga salarin ngunit bago lubusang
makaalis, nagpakawala ang mga ito ng isang putok mula sa isang 9 mm kalibre ng baril. Tumama ang bala
sa katawan ng biktima. Tinamaan ang atay na naglagos hanggang sa kanyang baga. Dinala ito sa
pinakamalapit na ospital ngunit hindi pinalad na maisalba pa ang kanyang buhay. Binalot nang
pagkabigla, lungkot at panghihinayang ang iniwan ng naturang trahedya. Pagkabigla sa walang saysay na
pagkamatay ng biktima, lungkot sa napakaaga at walang katuturang pagkitil sa kanyang buhay at
panghihinayang sapagkat ang kanyang kasawian ay nangangahulugan din ng kamatayan ng kanyang mga
pangarap. Nang pumasok ako ng araw na iyon ay nagimbal ako sa katahimikan sa loob ng silid-aralan.
Bakas sa mukha ng aking mga estudyante ang matinding pagdadalamhati. Ang iba ay kababakasan ng
matinding kalungkutan, ang ilan ay hindi mapigilan ang maiyak at maluha sa pagkawala ng isang kaklase
na itinuring na rin nilang kaibigan, kaharutan at kakulitan sa mga panahong sila ay magkakasama. “Sir,
patay na po si Shiela… hinoldap po at saka binaril!” “Sino…?” Tanong kong may halong pagkabigla. “Sir, si
Shiela… si Shiela Buenafe… ‘yung klasmeyt naming laging late sa sa klase natin…” May kung anong
bumara sa aking lalamunan. Hindi ko magawang makapagsalita. Parang may kung anong bagay na
nagpapaimpis sa aking sikmura. Nakapanlalambot ng pakiramdam. Sandali akong lumabas ng silid para
makalanghap ng hangin. Mabigat ang hakbang ng aking paa papalabas. Lumilipad ang aking isip, patda at
halos hindi makapaniwala. Paisa-isang nagsingit-singit sa sulok-sulok ng aking gunita ang malinaw na
larawang iyon. Hindi kataasang babae, hindi kaputian at hindi rin kahabaan ng buhok; ngunit kapansin-
pansin sa kanya ang mga matang punongpuno ng pag-asa at pangarap; kababanaagan ng kasiglahan,
pagpupursige at determinasyon. Estudyante ko siya sa panggabing iskedyul sa dalawang Major Subject
ng kursong Edukasyon. At dahil nga isang working student, madalas siyang ma-late. Kung kailan nasa
kalagitnaan ako ng paglelektyur ay saka siya papasok ng silid na hindi lang miminsang nagiging dahilan
ng pagkaantala ng aming liksyon. “Ms. Buenafe… late ka na naman…!” Ang madalas kong paninita sa
kanya. Pamumulahan siya ng mukha. Waring nahihiya at ang tanging itutugon niya sa akin ay isang
matipid na ngiti kasabay ng sabing; “sir, hindi na po mauulit…” Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Tanggapan ng Pangalawang Pangulong Pansangay at mga Kampus Santa
maria bulakan kampus Santa Maria, Bulakan 73 Ngunit ang mga pangako ay hindi lang tatlo o ilang beses
pa na napako. Naging kalakaran na sa loob ng klase ang pagiging late ni Ms. Buenafe. Kung baga, nasanay
na kami. Minsan, inaantabayanan pa namin ang kanyang pagdating. At madalas ang kanyang pagiging
late ang nagiging sentro ng katatawanan. Siya ang aming nagiging object of laughter. Kapag
nararamdaman naming paparating na siya at papasok na ng silid, papalakpak nang malakas ang buong
klase. Magugulat at mabibigla si Ms. Buenafe. Para siyang isang artistang binigyan ng standing ovation
matapos ang isang matinding performance. Pero sa kanya, wala lang… deadma lang… kakaway pa ang ale
at saka magba-bow…! Ngunit kahit anong tindi ng pagiging late ni Shiela, kailanman ay hindi siya um-
absent. Kahit 15 minutes na lang before the bell, papasok pa rin siya at ako ay kakausapin. “Sir, pasensya
na, late na naman ako.” “Oo nga eh, dapat dropped ka na!” Tugon ko. “Wag naman sir. Hindi po ako
makakapag-aral kung hindi po ako magtatrabaho… sir, please…! “Aba’y dapat matuto kang mag-
prioritized…! Ano bang mas uunahin mo, ang mag-aral o magtrabaho? Hindi pwedeng laging ganyan!
Lagi mo na lang sinasakripisyo ang subject ko…ano ang tingin mo sa klase natin… bakasyunan?!” ang
mariin ngunit mahinahon kong sabi sa kanya. Iyuyuko lamang ni Shiela ang kanyang ulo. Mananahimik.
Pinakikinggan lamang ang sermon ko. At pagkatapos, buong pagpapakumbabang hihingi siya ng sorry
kasabay ng pagsasabing “sir, babawi po ako…” Ewan, pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng galit
sa kanya. Siguro ay dahil may bahagi sa kanya na nakikita ko ang aking sarili, o marahil ay dahil sa angkin
nitong likas na talino at abilidad. Hindi man siya nakakapasok ng tamang oras sa klase ko, sinisigurado
naman ni Shiela na nagagawa niya ang lahat ng assignments at requirements sa aking subject. Nagagawa
niyang maipasa ang mga quizzes at exams. Nakakasagot sa mga graded recitations; bagaman pumapalya
sa ilang group work at class discussion; dama mo ang kanyang pagpupursige, makikita mo ang kanyang
determinasyon. Sa kanyang maliit na paraan pinagsusumikapan niyang punan ang kanyang mga
pagkukulang. At sa kabila ng pagbabanat ng buto upang makapag-aral, tiyak kong isa siyang taong
punong-puno ng pangarap. Gabi, nagpasya akong sadyain ang kinaroroonan ng lamayan. Matarik ang
lugar na aking tinalunton. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kulumpon ng mga taong naglalamay.
Nasa dulo ng putol na daan ang kinaroroonan ng lugar. Nagtutumpukan ang mga tao, kanya-kanyang
umpukan sa bawat mesa habang abala sa paglalaro, panonood at “pagmimiron” sa mga nagsusugal. Sa
isang panig ay makikita ang ilang grupo ng mga kabataang nagkakatuwaan at nagkakantahan. Ngunit ang
mas nakakatawag pansin ay ang manaka-nakang bulongbulungan at alingasngas ng mga makakati ang
dilang pinagpipiyestahan ang tunay na kinasapitan ng kaawa-awang biktima. Dahop ang lugar, walang
rangyang maipagmamalaki. Sabihin pa ngang ito nga ay isang iskwater. Ang mga nakatira dito ay umaasa
sa awa ng gobyernong ipagkaloob sa kanila ang kapirasong lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan. Ang
kabuuan ng lamayan ay niyuyungyungan ng malaking tolda na sadyang inilagay upang pananggalang sa
init ng araw at kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Salamat sa kapitan ng baranggay (na ang
pangalan ay nakasulat pa sa malapad na tolda) na matatakbuhan at mahihingan ng tulong sa mga
pagkakataong katulad nito. Pasintabi akong pumasok ng bahay. Nabungaran ko ang isang babaeng
namumugto ang mata at halos napabayaan ang sarili simula nang mangyari ang trahedya. Tantiya kong
siya ang ina. Humigit kumulang sa Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Tanggapan ng Pangalawang Pangulong Pansangay at mga Kampus Santa maria bulakan kampus Santa
Maria, Bulakan 74 apatnapu at limang taon ang edad na lalo pang pinatanda ng mga gatlang makikita sa
kanyang mukha. Kapansinpansin ang nanunuyo at nangunguluntoy na balat, ang naghuhumindig na ugat
sa bisig at kamay na tanda nang matagal-tagal na ring pakikipagbuno sa mga labada. Sinalubong niya ako
ng isang “pilit na ngiti” kasabay ng mahinang anas na “tuloy po kayo,” pinaupo niya ako at pagkatapos ay
inalok ng biskwit at malabnaw na kape. Hindi ko maiwasang igala ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa
harap ay naroroon ang puting kabaong. Kapansin-pansin ang tatlong sisiw na nanginginain sa ibabaw
nito. Sinasabi at pinaniniwalaang ito daw ang uusig sa mga budhi ng sinumang responsable sa krimen.
Umaasa na makonsensya at sumuko sa batas upang mapanagot sa ginawang kawalanghiyaan. Sa
magkabilang dulo ng ataul ay nakatambad ang ilang piraso ng bombilyang nagbibigay ng liwanag at tila
mga gwardyang nagbabantay sa katawang nakahimlay sa loob ng ataul. Mayayabong at makukulay ang
mga “korona.” Koronang hindi ipinuputong sa mga hari at reyna kundi koronang nakalaan lamang para sa
mga patay. Sa gitnang bahagi ng ataul ay nakapatong ang isang larawan. Kuha ito sa kanyang pagtatapos
sa hayskul. Litaw na litaw ang kanyang ganda sa suot niyang puting-puting toga. Ngunit ang nakakatawag
pansin ay ang kanyang matipid na ngiti na pinaningning ng kanyang matang punong-puno ng pag-asa at
pangarap ngunit ngayon ay dinupilas ng malagim na karahasan. Tumambad sa may pintuan ang isang
lalaki. Matangkad ngunit may kapayatan. Nakasumbrero ito. Nangungupas ang suot na polo.
Nagnanasnas ang kupasing maong na pilit binagayan ng de-gomang sapatos. At ang braso’y nangingintab
sa pawis na tinatamaan nang malamlam na sinag buhat sa liwanag ng bombilya. Humpak ang pisngi na
ang mukha’y pinagiging barumbado ng makapal na tubo ng balbas at bigote. Ang mga mata’y tigib ng
malalim na damdamin. Panatag ang kaanyuan ngunit naroon ang tinitimping galit na anumang oras ay
maaaring magsilakbo, maaaring kumulo at sumambulat. Agad nitong binungaran ang bangkay ng anak.
Hinimas-himas pa ang puting kabaong. Animo’y kinakausap at inaalo ang nakahimlay na katawan ng
anak. Maya-maya’y naulinigan ko ang hikbi at hibik ng pinipigilang damdamin; hanggang ang damdami’y
kumawala sa pagpalahaw. Bumulanghit sa pagnguyngoy ang amang ninakawan ng pag-asa, ang anak na
katuparan ng kanyang pangarap, ang anak na kahulugan ng kanyang buhay at ang sumatutal nang lahat-
lahat niyang pagsisikap. Humahagulgol ang ama sa kapaitang sinapit nang walang kalaban-labang anak
sa mga kamay ng mga buhong na kriminal. Anong klaseng damdamin ang umaalimpuyos sa kanyang
pagkatao? Ang kakarampot na kinikita mula sa pag-eekstra bilang tagahalo ng semento sa isang
konstruksyon at ang araw-araw na pagtanggap ng mga labada ng kanyang maybahay ay kanilang tinitiis
at binabata upang igapang ito sa pag-aaral, upang maging bahagi sila ng pagsasakatuparan ng mga
pangarap ng anak, upang kahit papaano’y makapagtapos ito; magkaroon ng pag-asa at mabigyan ng
kahit kaunting dangal ang kanilang pagkabusabos at paghihirap. Ngunit ngayo’y nagsaklob ang langit at
lupa. Wala nang natira ni katiting na pag-asa, wala nang nalabi kundi karahasan at pagdurusa. Matagal-
tagal din bago napahupa ang eksenang iyon. Dama ang lungkot at paghihinagpis ng isang pamilyang
naghahanap ng katarungan sa tinamong trahedya. Nagpasya na akong umuwi, ngunit bago tuluyang
magpaalam, makailang ulit ko pang sinilip ang bangkay ng aking estudyante. Wala na ang mga tingin,
wala na rin ang mga ngiti at ang naroon ay ang kalunos-lunos na kaanyuan ng isang biktimang hindi
matanggap ang tinamong napakaagang kamatayan. Waring naghahanap ng hustisya sa walang saysay at
walang kapararakang pagkamatay. At naitanong ko sa aking sarili; “may kahulugan pa ba ang budhi at
konsensya sa katuturan ng buhay kung ang pumatay ang magiging kasagutan sa nararamdamang
Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Tanggapan ng Pangalawang
Pangulong Pansangay at mga Kampus Santa maria bulakan kampus Santa Maria, Bulakan 75
kagutuman?” Umalis akong halos nagugulumihanan. Sa daan papauwi, nagsusumiksik pa rin sa utak ang
katanungang iyon. Sa sulok ng isip ay naroroon ang agam-agam at pagkatakot. Nangangamba na wala
nang kaligtasan ang mga oras at sandali ng pag-iisa. Walang pinipiling oras ang karahasan. Ang
masamang elemento ay naririyan lamang, naghahanap nang tamang pagkakataon upang sumalakay,
sumila ng mabibiktima at isakatuparan ang masamang balakin hanggang magwakas sa nakapanlulumong
trahedya. Hindi ako nakatulog ng gabing ‘yon. Pabiling-biling ako sa higaan. Maging sa pagtulog ay
naroon ang takot na baka bukas ay hindi na magising. Bumangon ako sa pagkakahiga, ayaw akong
dalawin ng antok. Kinuha ko mula sa ibabaw ng tokador ang aking cellphone. Binuksan iyon sa pag-
aakalang baka may matanggap na message. Pagkatapos ay binuksan ko ang phonebook; ini-scroll ito
pababa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pangalang SHIELA B., nakarehistro rin ang numero ng
kanyang cellphone. Hindi ako maaaring magkamali, ito ang cellphone number ni Shiela Buenafe; ang
aking estudyante, ang walang iba kundi ang nag-iisang biktima ng madugong holdapan. Naalala kong
ibinigay niya sa akin ang kanyang numero isang buwan bago maganap ang nasabing insidente; at ang sim
card kung saan nakarehistro ang numerong iyon ay kasama sa mga cellphone na nilimas ng mga
holdaper. May kung anong bagay na pumasok sa aking isip. Hindi ko namalayan ang pagpindot ng mga
daliri sa cellphone patungong create message. Nag-text ako ng mensahe at isinend sa numero ni Sheila.
Bahala na kung may mag-reply, hindi ako umaasa. Ang mahalaga ay nasabi ko ang mensaheng gusto kong
sabihin. Ngunit sa isang saglit lang ay nag-ring ang cellphone. Binuksan ko ito at nag-appear ang
pangalang SHIELA B.. May bahagyang takot akong naramdaman. Pinindot kong muli ang cellphone;
binasa ang message at agad akong nag-reply. Hindi ko inaasahang ang sasagot sa akin ay ang mismong
mga holdaper na may tangan sa cellphone ni Sheila. Ilang beses pa kaming nagpalitan ng mensahe.
Maiksi, ngunit malaman ang kabuuang takbo ng aming pag-uusap… AKO: d’re bkt nman ganun? hinoldap
mo n nga, bkt nman pinatay mo pa?!!! HOLDAPER: SORI N LANG BAY… GNUN TLGA ANG BUHAY… WG
KNG MG-ALA2… IKW NMAN ANG ISU2NOD KO! AKO: ikw ang bhla… syang lng tlga ung bata, estudyante
un! mraming pngarap tpos pinatay mo lang! HOLDAPER: BAGAY LNG UN SA KNYA…IKW…PNAPAHANAP N
KTA… KW N ANG ISU2NOD KO…! AKO: gnun b? nsa syo yn, cguro nman may konsensya kp… pro bago un
gusto kong mgpkila2 syo… ako nga pla si SHIELA BUENAFE…ung hinoldap at pnatay mo nung isang
araw!!! Wala akong alam kung anong klaseng takbo ng pag-iisip meron ang katulad nilang mga kriminal.
Iniisip ko tuloy kung meron pa bang takot na natitira sa kanilang katawan o may sumbat pa ba ang
kanilang budhi o talagang wala na silang mga konsensya. Ngunit nang magpakilala akong ako si Sheila
Buenafe na hinoldap nila at pinatay, hindi na sila nagtangkang sumagot o mag-reply man lang! Matapos
ang pangyayaring iyon ay pinilit kong maging normal ang lahat. Maging sa loob ng eskwelahang
pinapasukan ay minabuti ko at ng aking mga estudyante na iwasang pag-usapan ang mga bagay na
patungkol sa naturang trahedya. Ngunit ilang linggo lamang ang nakalipas, nakatanggap ako ng balita na
isa sa tatlong suspek ang nasukol sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba. Isang lalaki na
nasa pagitan ng dalawampu’t walo hanggang tatlumpu’t limang taong gulang ang nadakip Republika ng
Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Tanggapan ng Pangalawang Pangulong Pansangay
at mga Kampus Santa maria bulakan kampus Santa Maria, Bulakan 76 ng mga pulis. Nutoryus ito sa
kanilang lugar sa kasong pagnanakaw at patung-patong ang kinakaharap na kasong robbery at hold-up
w/ homicide. Ayon sa paunang imbestigasyon, siya ang primary suspect. Siya rin ang trigger man; ang
kumalabit ng gatilyo ng 9mm na kalibre ng baril na umutas sa buhay ng kaawa-awang biktima.
Magandang balita ito para sa lahat sapagkat magkakaroon na rin ng hustisya ang pagkamatay ni Sheila.
At ang pagkadakip sa naturang salarin ang magiging daan sa tiyak na pagkahuli sa dalawa pang natitirang
suspek. Masaya ako sa tinatakbo ng kaso ngunit mayroong bagay na nagpapabagabag sa akin. At ang
pagkabagabag na ito ay naramdaman ko simula ng madakip ang pangunahing suspek na kinilala lamang
sa alyas na Bong Baho. Ang alyas na Bong Baho ay hindi na naiiba sa akin. Ito ang alyas ng isang kababata
at kakilala na kapanabayang nagtutulak ng kariton sa pagdyadyaryo at pagbobote. Noon ay laman kami
ng mga kalsada. Magkakasama kaming naghahanap ng mga tumpok ng basura na aming kakalkalin upang
mamulot ng plastik, bakal, bote, garapa, karton at tanso na aming ipagbibili sa junk shop ni Tambong.
Libot namin ang kalsada ng buong Rosario, De Castro, St. Joseph, Junction, Manggahan, Santolan, Ugong
at ilang kalye sa Marikina. Laman kami ng mga subdibisyon ng mga lugar na ito sa pag-aakalang makaka-
jackpot ng “mina” sa basura na kadalasang ang kinauuwian ay ang pakikipaghabulan sa mga gwardya at
kung minsan ay pinapahabol kami sa naglalakihang mga aso. Nakita ko pa nga kung paano sagpangin ng
police dog ang binti ni Bong habang palundag na umaakyat ng pader. Sa halip na bigyan ng paunang
lunas ang tinamong pinsala ng mga gwardyang nakahuli sa kanya; pinagsusuntok pa nila ito at
pinaggugulpi. Naging tampulan ng tukso kay Bong ang karanasang iyon. Malimit na ito ang dahilan ng
kanyang pakikipagbabag at pakikipag-away sa pang-aalaska at pang-aasar ng kanyang mga kababata.
Simula noon ay naging palaiwas si Bong. Hindi na siya sumasama sa amin at madalas ay gumagawa siya
ng sariling “diskarte” sa pamumulot ng basura. May kakatuwang ugali itong si Bong; tuwing hapon bago
ibenta sa junk shop ang mga napulot na plastik at bote ay ugali niya na maligo at sumisid sa mabaho at
kulay itim na tubig ng Manggahan Floodway saka didiretso sa junk shop ni Tambong na basang-basa at
nakakapit sa katawan ang mabaho at masangsang na amoy ng pinagpaliguan. “Bong Baho” ang naging
palasak na tawag sa kanya simula noon. Naging mahigpit hanggang sa ipagbawal na sa mga magbobote
ang pumasok sa loob ng mga subdibisyon. Naging todo-bantay ang mga gwardya dahil sa mga
napabalitang nakawan kung katanghaliang tapat at patay ang oras at ang mga kasambahay ay
kasalukuyang nagpapahinga. Hindi naman kalakihan at mamahalin ang mga nawawala at ninanakaw na
bagay; ‘ika nga ay small time lang. Kakatuwang isipin na ang mga butas na kaldero, kaserola, kawali,
sandok at takure ang pinagdidiskitahang “pitikin” at “umitin” ng sinasabing magnanakaw. Hanggang
isang araw, naging usap-usapan sa junk shop ni Tambong ang pagkakahuli kay Bong Baho habang
papatalon sa isang pader ng niloobang bahay bitbit ang isang sandok at takip ng kaldero. Sa mga
gwardya pa lang ng subdibisyon ay katakut-takot na na panggugulpi at pambubugbog ang kanyang
naranasan. Hanggang sa Barangay Hall ay pilit na pinaamin kay Bong Baho na siya ang responsible sa iba
pang nangyaring nakawan. Hindi naman niya itinanggi ang gayung mga akusasyon. At nang tanungin
kung bakit niya ginagawa ang gayung bagay; walang kagatul-gatol na sinabi niyang kailangan niya ng
pera. Ang bawat kilo ng napagbentahang aluminum na kaldero, kaserola, kawali, sandok at takure ay
malaking tulong para ipanustos sa gamot ng inang may tuberkulosis. Batay sa pagsisiyasat ng mga nag-
imbestiga, hindi nagawang ibenta ni Bong Baho ang lahat ng mga ninakaw na bagay. Ang mga ito ay
kanyang itinago at tinipon. Isinilid sa mga sako na nakatali sa kung tawagin ay Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Tanggapan ng Pangalawang Pangulong Pansangay at mga
Kampus Santa maria bulakan kampus Santa Maria, Bulakan 77 mga “taeng-bakal” (palasak na tawag sa
namuong pinagtunawan ng bakal) na nasa ilalim ng mabaho at maitim na tubig ng Manggahan Floodway.
Pinagdusahan ni Bong Baho ang krimeng iyon. Isang linggo matapos makalaya, namatay ang kanyang ina
sanhi ng maraming komplikasyon. Magmula noon ay hindi na siya napagkakakita sa aming lugar. Hindi na
rin siya naglalabas ng kariton sa pagbobote. Hanggang lisanin ko ang lugar na iyon, lumipat ng matitirhan
at makapagturo; wala na akong balita sa kanya na naging kababata at kakilala. Batbat pa rin ng
pagkabagabag ang aking nararamdaman. Mabilis ang tibok ng aking puso. Nagsasalasalabat ang mga
katanungang naghahanap ng kasagutan. May gustong maapuhap sa buong pagkatao ng naturang suspek.
Binabagabag ako ng kasalukuyan. Gusto kong bumalik sa nakaraan nang sa gayu’y ‘wag akong sumbatan
ng aking hinaharap. Dali-dali akong nagtungo sa istasyon ng pulis. Sa may information desk, nag-usisa
ako sa kalagayan ng suspek. Ipinabasa sa akin ang isang log book na naglalaman ng impormasyon ng
naturang kriminal: DOGOMEO BAUI Y BAUTISTA a.k.a “BONG BAHO”: CASE # 4283030, ROBBERY,
HOLDAP W/ HOMICIDE. Lalo akong kinabahan. Parang binabayo nang makailang ulit ang aking dibdib.
May kung anong damdamin ang lumulukso sa aking pagkatao. Agad itinuro sa akin ang kinaroroonan ng
selda. Sinamahan ako ng isang unipormadong pulis. Parang may tumutulak sa akin ngunit mabigat ang
mga paa sa paghakbang. Patuloy ang pagkabog ng dibdib. Habang papalapit ay nakaramdam ako ng
pagkaalinsangan. Namumutilmutil ang aking pawis. Sumasalubong ang masangsang na amoy mula sa
selda. Kumakapit sa ilong ang amoy ng pawisang katawang nakukulob sa maalinsangang kulungan. Sa
tantya ko ay may isa’t kalahating metro ang lapad nito na may habang lima hanggang walong metro ang
sukat. Isa itong malaking nitso. Humigit-kumulang sa dalawampung preso ang nagsisiksikan sa loob ng
kulungan. Ang iba ay nakahiga, ang iba ay nakatayo at ang karamihan ay nakasalagmak sa sahig habang
hubad ang damit pantaas. Pinagtitiyagaan ang hanging pumapasok sa siwang ng tarangkahan ng selda.
“Bong Baho, may dalaw ka!” Pabulyaw ang pagkakasabi ng pulis. Ang mga preso ay parang mga dagang
nagpulasan kasabay nang pagbaling ng tingin sa pulis na hindi naman katabaan ngunit nakausli ang
malaking tiyan. Sandali ko munang ikinubli ang sarili sa gilid ng pader. Kahit paano ay may tensyon akong
nararamdaman. May namumuong takot sa dibdib na ang haharapin ay isang mamamatay tao; isang
magnanakaw, isang kriminal. Ngunit ang kadahupan sa sagot sa mga tanong ng nakaraan ay tila mga
barenang nagpaparindi sa aking sintido. Bumabaon sa isip ang mga larawang iyon. Nakapagpapangilo
ang mga eksenang nagpapaalala ng aking nakaraan. Huminga ako nang malalim. Humugot ng lakas ng
loob. Humakbang akong paharap sa selda. Nabungaran ang isang lalaking nakayuko; hawak sa
magkabilang kamay ang rehas na bakal. May kapayatan ngunit namimintog ang mga masel. Kapansin-
pansin ang mga tattoo na nakaguhit sa braso, binti at sa hubad na katawan. May mahabang peklat sa
kaliwang bahagi ng tagiliran. Bagaman nakayuko, aninag ang bukol at pasa sa kanyang kanang pisngi.
May sariwang sugat siya sa ibabaw ng kaliwang kilay. Iniangat niya ang kanyang ulo. Nagtama ang aming
paningin. Hindi ito nagbitaw. Nagtatanong ang aking mata. Nag-uusisa. Hinahanap sa kanyang tingin ang
kasagutan. Walang pagdadamot na nagpaubaya siya ng mga ganting titig. Malalim at matalim ang
kanyang mga titig; at hindi ko man lamang siya kinakitaan ng pagkabigla. Walang katinag-tinag.
Nananatili siyang kalmado. Ngunit sa kanyang balintataw ay masasalamin ang matinding Republika ng
Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Tanggapan ng Pangalawang Pangulong Pansangay
at mga Kampus Santa maria bulakan kampus Santa Maria, Bulakan 78 poot na ikinikimkim. Nag-aapoy
ang kanyang mga mata. Nag-aalab. Naglalagablab ang damdaming ikinukubli nang matagal na panahon.
Napapaso ako sa kanyang tingin. At bago tuluyang matupok ng kanyang mga titig; ako na ang bumasag
ng katahimikan. “Kamusta Bong?” Ang halos pabulong at banayad na tanong ko sa kanya. Patuloy pa rin
ang pagkabog ng aking dibdib. Nag-aabang ng maaari niyang isagot. Sumandaling katahimikan. Bahagya
siyang yumuko. Iniwas ang mata sa akin. At ang inaasahang tugon sa ipinukol kong tanong ay sinagot
nang marahan ngunit pikit-matang pag-iling. Nagngangalit ang kanyang panga. Nagtitiim ang kanyang
bagang. Muli niya akong tinitigan. Mata sa mata. Sabay hagod nang mapanukat na tingin sa aking
kabuuan; “mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo.” Umatras siyang papalayo sa selda. Bumitaw
ang dalawang kamay sa pagkakahawak sa rehas na bakal. At sa ikalawang pagkakataon ay muli niya
akong hinagod ng tingin ngunit ngayon ay mas mapang-usig; “mula paa hanggang ulo, mula ulo
hanggang paa…!” “Boss, Tsip… hindi ko kilala ‘yan… pwde n’yo na ‘yang pauwiin!” Matigas ang kanyang
pagtanggi. Nakakarindi sa pandinig na lalo pang nagpabilis sa pintig ng aking puso. Bumaling ako ng
tingin sa pulis; kapwa kami nabigla. Muli kong itinapon ang tingin kay Bong. Ngayon ay mapanudyo ang
kanyang ngiti… hindi ngiti kundi ngisi ng isang taong nanunukso, nanunuya, nang-aasar. Tumalikod siyang
tinalunton ang dulo ng selda at hindi na muling lumingon pa. Halos patakbo akong napakapit sa selda.
Dalawang kamay na napahawak sa rehas na bakal. Gusto ko siyang pigilan ngunit naumid ang aking labi.
Hindi ako nakapagsalita. May kung anong bagay na humarang sa aking lalamunan. Nakaramdam ako
nang matinding kahihiyan sa buong pagkatao. At habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong
kababata’t kakilala ay nakita ko ang sariling ibinilanggo sa mga sumbat ng mga multo ng isang trahedya.

You might also like