Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IBA'T IBANG PAGPAPAKAHULUGAN NG MAIKLING KWENTO

* Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento

•Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na


hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

•Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang


nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at
kakauntian ang mga tauhan.

• Ito ay nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

*Ayon kay Genoveva Edroza Matute

•ang maikling kwento ay isang salaysay na tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay.

• Ito ay isang salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o


ilang mga tauhan na may iisang kakintalan o impresyon lamang.

*Ayon naman kay Bisa masasabi na ang maikling kwento ay isang kathang isip lamang ng
manunulat na maaaring bunga lamang ng kabagutan kung kaya nabuo, ngunit ito ay
sumasalamin sa mga totoong buhay ng tao.

* Soledad Reyes, ipinapaliwanag ang mga katangian ng maikling kwentong tagalog bilang
anyong pampanitikang matatagpuan ng mga pananaw o persepsyon ng mga tao sa ibat
ibang realidad.

*1935-1940- Ayon kay Teodoro Agoncillo , ang maikling kwento ay tungkol sa buhay ng
lungsod, matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin, gumagamit ng panauhan
at may iba't ibang uri.

*Rogelio Sicat at Benjamin Pascual et. al na may paksang "Pagsusuri sa tatlong piling
maikling kwento ng Teoryang Moralistiko" nakasaad sa konklusyon nito na ang maikling
kwento ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng mga gawa-gawa lamang ng
malikhaing imahenasyon ng manunulat, na masasabing sumasalamin sa totoong pangyayari
sa lipunan o sa totoong buhay.

Binalanggkas ni Abdilla sa kanyang aklat na “Mga Kuwentong ginto; Ang Maikling Kwentong
Tagalog” ang maikling kuwento ay nagtataglay ng mga katangian: banghay, paningin,
suliranin, paksang-diwa, himig, kakalasan, kasukdula, galaw. Ganito rin ang kay Dinglasan
(2005) na ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan at ito
ay nabubuo sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata na masilan ang pangungusap sa
buhay at pangunahing tauhan.

*Ayon kay Jose Villa Panganiban (panitikan ng Pilipinas),


•ang maikling kwento ay naglalahad ng mga pangyayari nang tuloy-tuloy hanggang sa
wakas o humantong sa sukdulan.

• Ito ay may kaakit-akit na panimula.

•Ito ay isang kathang pampanitikan namay sariling kaanyuan at kakanyahan.

•Hindi basta kwentong maikli dahilan sa mayroon itong mataas na uri at karaniwang
hango sa tunay na buhay.

*Diksiyonaryong Filipino-Filipino - Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela


at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

-Anumang uri ng salaysay, nakasulat man o hindi na likhang-isip lamang at Itinutulad sa


karaniwang mga pangyayari o mangyayari.

You might also like