Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

West Visayas State University

Lambunao Campus
College of Education
Lambunao, Iloilo

FIL ED 213 – KULTURANG POPULAR


JELLY ROSE Y. EERMITA ADONES OROFEO
Taga -ulat Guro
URI AT ELEMENTO NG KULTURA

Uri ng Kultura
Bago pa man dumating sa kapuluan ang mga dayuhang mananakop, ang mga katutubo ay mayroon nang
sariling kultura. Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang lugar. Ito
ang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng isang mamamayan. Dahil sa kultura, matutukoy ang pagkaka-iba-
iba ng mga tao.

May dalawang bahagi o uri ang kultura: materyal na kultura at di-materyal na kultura.

 Materyal na Kultura - mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga
kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain.
 Di -Materyal na Kultura - nagpasalin-salin sa iba’t ibang panahon. Nabibilang dito ang mga
kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-
buhay .
Elemento ng Kultura

 Paniniwala o Beliefs - Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at


tinatanggap na totoo. Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa
kabuuan. Nakaaapekto ito sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang
indibiduwal o pangkat ng tao.
 Pagpapahalaga o Values - Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung
ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011)
 Norms - Ito ang mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
Nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.
 Uri ng Norms
 Folkways - pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan.
 Mores - tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos.
 Symbols - ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White,
1949). Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible
ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.

You might also like