Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 39: Si Doña Consolacion

Narrator: Sa bahay ng Alperes, sa parting bintana, ay may makikitang silyon na laging


inuupuan ni Doña Consolacion. Si Doña Consolacion ay isang gusgusing babaeng nag-
aastang Oropea. Asawa siya ng Alperes. Mas kilala siya bilang Doña Alperesa. Mahilig
siyang mag-Espanyol, at nagpapautal-utal ng Tagalog upang hindi siya mahalata. Isang
araw ay maririnig na umaawit si Sisa na inaalagaan sa bahay ng Alperes kaya’t ipinatawag
ito ni Donya Consolacion upang pakantahin.Hindi ito nakapagbigay galang kaya’t agad na
kinuha ni donya ang nakasabit na latigo.

D. Consolacion: (nilatigo ang baliw) Vamos magcantar icau! Guardia! Dile a esa mujer que
canta tagalo! Él no me entiende! No hace falta ser español!

Narrator: Ipinabatid ng guardia civil ang sinasabi ng Doña kay Sisa. Kumanta ng kundiman
si Sisa na siyang nagpalungkot sa Donya.

D. Consolacion: Tigil na! Wag ka nang kumanta! Wag kang kumanta! Nakahahapis sakin
ang tulang iyan!

Narrator: Nabigla ang mga guardia civil dahil ang Doña ay narinig nilang matatas
managalog. Napahiya ang Doña. Sa pagkapahiya, pinaalis ng Donya ang bantay.
Lumalakad na payaot padito sa silid na hinuhutok ng kamay ang latigo; at saka huminto sa
harap ng baliw.

D. Consolacion: Bayla—baila, baila!

Narrator: Nag-iindak siya upang ganyakin ang baliw na siya ay gayahin. Minamasdan ni Sisa
ang donya na nakangiti at natutuwa sa ginagawa ng Doña. Napahiya ang Doña at itinaas
ang hawak nitong latigo.

D.Consolacion: Ngayo’y ikaw naman ang sumayaw-----sayaw! (palo) Baila, india! [Tuloy
tuloy na palo] Baila, baila, condenada, salbahe! Narrator: Dumating ang alperes na walang
kibo.

D.Consolacion: Ano ang nangyayari sa iyo? Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang
gabi.

Alperes: (Tinawag ang bantay) Dalhin mo ang baliw na ito. Sabihin mo kay Marta na bigyan
niya ng ibang baro at gamutin. Pakainin mo siya ng maigi, bigyan ng mabuting higaan----
mag-ingat kayo at huwag siyang lapastanganin. Bukas ay ihahatid siya sa bahay ni Ginoong
Ibarra.
Kabanata 42: Ang Mag-Asawang de Espadaña
Narrator: Patakbong nanaog si Kapitang Tiyago at Tiya Isabel nang marinig ang pagtigil ng
sasakyan sa harap ng bahay. Ang dumating ay si Dr. Tiburcio de Espadaña, ang asawa nito
na si Doktora Donya Victorina de los Reyes de Espadaña, at Linares]

Donya Victorina: Ipinakikilala ko sa inyo si Don Alfonso Linares de Espadaña, Siya’y


inaanak ng kamag-anak ni Padre damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro.
Narrator: Magalang na yumuko ang binata. Ang mga maleta ay dinala sa itaas at
sinamahan ni Kapitang Tiyago ang mga panauhin sa kani-kanilang silid. Samantalang sila’y
nagmiminindal ay dumating si Padre Salvi at si Linares ay ipinakilala na kakabit ang lahat ng
titulo.

Donya Victorina: Naparito ang Kapitang Heneral? KASINUNGALINGAN!!! K.

Tiago: Maniwala kayo at diyan umupo. Donya Victorina: Sayang! Kung Maaga-aga sana
ang pagkakasakit ni Clarita! Narinig mo ba, pinsan? Hindi karaniwang tahanan ang iyong
pinanhik. Sinasabi ko sa iyo, Don Santiago, na ang aming pinsang ito ay kaibigan ng mga
duke at ministro sa Madrid at malimit kumain sa bahay ng Conde del Campanario.

Don Tiburcio: Ng Duque de la Torre.

Linares: Saan ko po kaya matatagpuan si Padre Damaso? May liham po akong dala para sa
kanya. Siya sana’y sasadyain ko kundi dahil pagkakataong ito na ako’y naparito.

Salvi: Nasa Bayang ito siya ngayon at mamaya’y parito.

Donya Victorina: De Espadaña, Tingnan natin si Clarita. Alang-alang lamang sa inyo ang
asawa ko’y hindi gumagamot kundi sa matataas na tao noong siya’y masa Madrid pa.

Narrator: Pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria Clara. Tinignan ang dila at saka nagtanong ng
ilan, kasabay ang pag-iling ng ulo.]

Don Tiburcio: Ma…may sakit, ngunit mapagagaling. Sa umaga ay Liquen at gatas, jarabe de
altea at dalawang pildoras de Cinaglos.

Donya Victorina: Gagaling ka, Clarita. Lakasan mo ang iyong loob. Ang sadya naming ay
gamutin ka. Ipakikilala kita sa aming pinsan.

Narrator: Si Linares ay napatigagal sa pagtingin sa mga matang iyon na waring may


hinahanap, kaya’t di marinig ang tawag ni Donya Victorina.

Padre Salvi: G. Linares, narito si Padre Damaso.


Kabanata 43: Mga Balak
Narrator: Si Padre Damaso ay tuluy-tuloy sa katre ng maysakit at saka hinahawakan ang
kamay ng dalaga.

Padre Damaso: MARIA!!! Maria, anak ko, hindi ka mamamatay. (bulong na lumuluha)

Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas
niyang anyo ni Padre Damaso. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni
Maria Clara ay ibinulalas niya ang kanyang damdamin. Si Donya Victorina ay lumapit kay
Padre Damaso nang ito’y matiwasay na at ipinakilala si Linares. Iniabot ng binata ang liham,
ngunit sisya’y minasdan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa. Ang liham ay binasa na
tila hindi naunawaan.

Padre Damaso: A…….! Ikaw ang inaanak ni Carlicos. (Niyakap ni Damaso Si Linares) May
liham siya sa akin ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Dangan kasi’y hindi ka pa isinisilang
nang ako’y umalis sa Espanya. (Hinigpitang lalo ang pagkakayakap kay Linares.
Nakalimutan ang kalungkutan)

Damaso: A….! sinasabing ihanap kita ng mapapasukan at asawa. Um!. Sa mapapasukan


ay madali. Marunong ka bang magbasa at sumulat? Linares: Ako po ay nag-aaral ng
pagkamanananggol sa Universidad ng Central.

Damaso: Diyaske! Hindi ko akalain. Para kang mahinhing babae… A!!! bibigyan kita ng
isang babae. Oo, isang babae.

Linares: Hindi po naman ako nagmamadali, Padre. Narrator: Si Padre Damaso ay lumakad
na panay ng bulong ng “isang babae” at wala na ang kanyang kalungkutan. Hinatak si
Linares.

Damaso: Halika at kausapin natin si Santiago.

Narrator: Si Linares ay namutla ngunit sumunod din. Si Padre Salvi naman ang humaliling
paroo’t parito na nag-iisip.

Kabanata 45: Ang Mga Pinag-uusig


Narrator: Samantala, si Elias naman ay kinakausap ang isang kaibigan sa gubat sa
Batangas.

Elias: Huwag nating hayaan na dumanak ang dugo, Kapitan. Alam kong tutulungan tayo ni
Senor Ibarra. Maipaaabot niya ang ating mga hinaing sa Kapitan-Heneral na malapit sa
kanya.

Kapitan Pablo: Hindi ako kumbinsido, lalo na’t siya’y isang mayaman. Ang halos lahat ng
mga mayayaman ay walang inatupag kundi ang magpayaman pa.
Elias: Bigyan niyo po ako ng pagkakataon na gawin ang mapayapang planong ito. Kung
maisasagawa ito, maiiwasan ang pagdanak ng dugo.

Kapitan Pablo: At kung ika’y hindi nagtagumpay?

Elias: Kung gayon ay ilalagay ko ang sarili ko sa ilalim ng iyong pamamahala.

Narrator: Napangiti ang kapitan sa narinig kay Elias.


Kapitan Pablo: Kung gayon ay ipakilala mo sa akin ang mga kasama mo at ang kanilang
mga sariling sinapit sa kamay ng mga napakalupit na Espanyol.

Elias: Apat na araw mula ngayon, magpadala ka ng isang taong makipagkikita sa akin sa
baybayin ng San Diego. Sasabihin ko sa kanya ang mga makukuha kay Señor Ibarra. Kung
pumayag si Señor ay makukuha natin ang hustisya! Kung hindi naman ay siguradong ako
ang unang malalagas sa himagsikang ito.

Kapitan Pablo: Maghihintay ako, Elias. Para sa kapayapaan at kalayaan, sana ay


magtagumpay ka sa iyong binabalak.

Kabanata 46: Ang Sabungan

Narrator: Nang sumunod na araw…

Anino: Magkakaroon ka ng mas malaking halaga ng salapi, Lucas. Payag ka ba sa aking


plano?

Lucas: Opo. Ako po ang bahala dito.

Anino: Maipapangako mo ba na walang makaaalam nito kundi tayong dalawa lamang?

Lucas: Mamamatay po akong nakatikom ang bibig.

Narrator: Makatapos ulit ang ilang araw, sa sabungan…

Lucas: Pumayag na ba ang kapatid mo sa plano, Bruno?

Bruno: Hindi pa.

Lucas: Bakit? Bakit ka tumatanggi, Tarsilo?

Tarsilo: Dahil mapanganib ang inyong binabalak.

Bruno: Siyang tunay, Lucas.

Narrator: Katahimikan ang namayani sa kanila. Ilang saglit pa…


Tarsilo: Lucas, pahiramin mo naman ako ng pera. Kahit apat, tatlo, o dalawang reales lang.
Ibabalik ko ito sa iyo ng doble.

Lucas: (umiling) Ngunit hindi akin ang perang ito. Inilalaan lamang ito ni Señor Ibarra sa mga
taong sasang-ayon sa plano. Patawarin ninyo ako, ngunit hindi ko kayo mapahihiraman.

Narrator: Binigyan ni Lucas ang magkapatid ng pagkakataong mag-isip at mag-usap.


Pagkaraan ng ilang minuto…

Bruno: Tatanggapin ba natin?

Tarsilo: Oo, ngunit sabihin muna natin kung ilan ang makukuha natin.

Bruno: Lucas, magkano ba ang mapapala namin?

Lucas: Bawat isa sa inyo ay tatanggap ng tatlumpung piso, at sampung piso sa bawat isang
maaaya ninyo. At kung magtagumpay ito, lahat ng sumali ay tatanggap ng tig-isangdaang
piso! Mayaman si Señor Ibarra, tandaan niyo yan.

Bruno: Kung gayon ay payag ako.

Tarsilo: Ako na rin, Lucas.

Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora

Narrator: Naglalakad ang mag-asawang de Espadana sa lansangan sa katanghaliang tapat.


Tumitingin-tingin sila sa mga bahay ng mga Indiyo, habang panay pintas at panlilibak ang
maririnig sa bibig ni Dona Victorina.

Dona Victorina: Ang papangit ng mga bahay! Talagang isang Indiyo lamang maaaring
tumira! At aba! Mga wala pag galang! Hindi man lamang magbigay-pugay sa mga katulad
nating mga maharlika! Hindi kataka-takang puro pangungutya ang maririnig mo sa mga
prayle tungkol sa kanila! (Nakasalubong ng mag-asawa ang Alperes, ngunit tiningnan
lamang sila nito at saka umalis)

Narrator: Napadaan ang mag-asawa sa bahay ng Alperes. Tulad ng dati, ay matatanaw si


Dona Consolacion sa bintana ng bahay, suot ang kanyang pranela at may tabako sa bibig.
Hinagod niya ng tingin si Dona Victorina at saka lumura.

Dona Victorina: Bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo?

Don Tiburcio: (pabulong) Mahal kong esposa, huwag kang mag-iskandalo dito! Nakakahiya
sa mga tao!
Dona Victorina: Huwag kang humarang kung ayaw mong tumilapon ang pustiso mo (tinabig
ng malakas ang Don na halos masubasob)

Dona Consolacion: Kayo? kaiinggitan ko? At bakit? A, kinaiinggitan ko nga pala ang inyong
kulot. (ngingisi)

Extra 1: Napagkagandang tanawin! Dalwang donyang walang asal na nag-away sa


mismong durungawan ng bintana ng bahay ng Alperes.

Extra 2: (tatawa) Ano kaya ang kahihinatnan niyan?

Dona Victorina: Para sabihin ko sa’yo Dona Alperesa, hindi ako probinsyanang katulad mo.
Sa sobrang sopistikada kong tao, walang nakakapasok na alperes sa aming bahay kundi
naghihintay lamang sa aming pintuan!

Dona Consolacion: Aba! Excelentisima Senyora Puput! Hindi nga nakakapasok ang mga
alperes kundi ang mga pilakyod na tulad ng iyong asawa. (tatawa ng malakas)

Dona Victorina: Aba talagang ginagalit mo ako ah…Bumaba ka rito walang galang!
(susugurin ang tarangkahan ng bahay ng Alperes ngunit aawat ang dalawang bantay na
guardia civil.) Paraanin niyo ako mga walang modo! Bumaba ka diyan Dona Consolacion!
Dito tayo magtuos, walang hiyang probinsyana! Labandera ka lang naman noon ng napikot
mong asawa! (Pinipigil siya ni Don Tiburcio ngunit kumakawala siya) Bitawan mo ako!

Dona Consolacion: Gusto mo ng gulo?(kinuha ang latigo) Pagbibigyan kita Senyora


Grosera!

Narrator: Nagsabunutan ang dalawa na labis na ikinatuwa ng mga kanina pang nanonood.
May mauulinigan pang nagpupustahan kung sino ang unang titimbuwang. Hanggang sa
dumating ang Alperes…

Alperes: Hesusmaryosep! Consolacion! Anung gulo na naman ito? Magtigil ka at nakakahiya


sa mga tao!

Dona Victorina: Ibili mo yan ng disenteng damit at kung wala kayong pera, magnakaw kayo
sa taong-bayan…may mga sundalo naman kayo!

Alperes: Ikaw ang bumili ng asal! Mga walang modo. Naturingang mayaman ngunit sayad sa
lupa ang ugali!

Don Tiburcio: Magtigil ka Alperes! Kung makaalipusta ka sa amin ay parang kayganda ng


iyong moral!

Narrator: Napadaan si Padre salvi sa kalye ng bahay ng Alperes at nakita ang namuong
komosyon.

Padre Salvi: Magtigil kayo sa ngalan ng Panginoon! Para kayong mga hayop! Mga edukado
naman kayong mga tao! Nakahihiyang isipin na pati kayong mga taga-alta de sociedad ay
tumutulad na sa mga Indiyo! Hala, pagsisihan nin ang inyong mga kasalanan at siguraduhin
ninyong magkukumpisal kayo. Intiendes?

Lahat: Si, Reverencia.

Padre Salvi: Kayong mga manonood, magsiuwi na kayo! Nandito na kayo’t lahat ay hindi pa
ninyo inawat! (titingala) Diyos ko po, patawarin mo sila at hindi nila alam ang kanilang mga
ginagawa! (maiinis)

Dona Victorina (wala na ang Alperes at si Dona Consolacion): Luluwas tayo ng Maynila.
Magsusumbong tayo sa Kapitan-Heneral. (Inis na inis sa asawa) Hindi mo man lang
ipinaglaban ang pagkalalaki mo! Dapat ay hinamon mo ang Alperes ng rebolber o kaya’y
sable o kaya’y…(napatingin sa pustiso ng asawa)

Don Tiburcio: Iha, alam mo naming hindi pa ako nakakahawak ng…

Narrator: Hindi na natapos ng Don ang pagsasalita pagka’t dinagukan siya sa ulo ng asawa
na ikinalaglag ng kanyang pustiso. Pagkalaglag nito sa lupa ay tinapak-tapakan ito ng Dona.

Kabanata 51: Mga Pagbabago

Narrator: Samantala, sa bahay ni Kapitan Tiago, Si Maria Clara, Linares, Sinang at Victoria
ay nag-uusap.

Maria Clara: Gaya ni Ibarra ay nagpunta ka rin pala sa maraming bansa!

Linares: Marahil ay magkaparehas kami ni Ibarra ng hilig.

Narrator: Ngunit naputol ang kanilang usapan dahil sa pagmumukmok ni Doña Victorina.

Doña Victorina: Linares, puntahan mo ang alperes at hamunin mo siya ng sable o…

Linares: Bakit Doña Victorina? anong nangyari?

Doña Victorina: Dahil siya at ang querida niya ay nilibak kami! Responsibilidad mong
ipagtanggol kami. Kung hindi ay
malalaman nila ang tunay mong pagkatao!

Linares: Huwag kayong mag-ingay Doña Victorina.

Narrator: Biglang sumingit si Kapitan Tiago sa usapan.

K. Tiago: Kung gayon ay ano ang gusto mong mangyari, Doña?

Doña Victorina: Ang pinsan kong si Linares ay hahamunin ang alperes. Kung hindi siya
pumayag ay huwag mo siyang
ipakasal sa iyong anak!

Narrator: Nabigla si Maria Clara sa nasabi ni Doña Victorina. Nalaman na niya na


ipinagkasundo siya kay Linares.

Doña Victorina: Bakit umiiyak si Clarita?

K. Tiago: Hindi siya nasabihan sa ating pagkakasundo… na hindi si Ibarra ang pakakasalan
niya kundi si Linares.

You might also like