Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino-7

Mga Lingguhang Layunin

Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase.

I.Layunin

1. Nakikilala ang mga pang-uring ginamit sa pangungusap.

2. Nailalarawan ang mga kaklase sa pamamagitan ng wastong paggamit ng pang-uri.

3. Nakikilahok sa mga gawain na may kasiglahan.

II. Paksang aralin: Paglalarawan gamit ng Pang-uri

Kagamitan: Laptop, powerpoint, visual aid

Sanngunian: Teacher’s Guide sa Filipino/ https://www.scribid.com

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagpapalinis ng Silid-Aralan

2. Panalangin at Pagbati

3. Pagtatala at Lumiban

B. Pagganyak

“Salamin, salamin sabihin sa akin”

Ngayon Tignan ang inyong mga sarili sa harap ng salamin ng ilang minuto. Pagkatapos, tatawag
ang guro ng ilang bata para ilarawan ang kanilang sarili. Isusulat ng guro ang nasabing paglalarawan
ng ilang bata.
C. Pagtalakay

“Malayang Talakayan”

Ngayong araw, ilalarawan natin ang inyong mga kaklase

1. Humarap sa inyong katabi at pagmasdan maigi ang itsura nito. Pagkatapos, ilarawan sila gamit
ang pang-uri. (Isinulat ng guro ang nasabing pangungusap)
2. Matapos ng paglalarawan, talakayin at kilalanin ang mga pang-uring ginamit.

Gawain:
Anyayahan ang klase na maglaro ng “Sino ang kaklase tinutukoy?”ilarawan ang ilang bata sa
pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri at ipatukoy ang kaklaseng inilalarawan.

Halimbawa:

Nasaan ang kaibigan ko?


Kaibigan ko? Kaibigan ako?
Siya ay may may mahabang buhok!

Papangkatin ang klase at bigyan ng oras ang bawat pangkat na pumili mula sa mga kaklase ng
kanilang ilalarawan gamit ang wastong gamit ng pang-uri.

D. Pagtataya

Tanungin: Masaya ba kayo sa ginawa nating laro?

Ngayon sagutan ang Pang-uring ginamit sa paglalarawan.

Panuto: guhitan ang pang-uring ginagamit sa paglalarawan


1. Ang buhok ko ay mahaba.

2. Ang kanyang balat ay maputi.

3. Ang kanyang mukha ay marumi

4. Ang mata ko ay singkit.

5. Ang mga daliri ko ay maliit.

IV. Pagganyak

Isulat ang mga sumusunod:

Mahal niyo ang inyong mga magulang? Kilala mo ba ang inyong kaklase? ilarawan ang inyong
magulang gamit ng pang-uri.

Inihanda ni: Bb. Cyra E.Francisco

You might also like