Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

pag-usbong ng Estados Unidos bilang isang pandaigdigang puwersa matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ito ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan na nagdulot ng malalim na
pagbabago sa lugar ng Estados Unidos sa pandaigdigang komunidad.

2.
Noong mga unang dekada ng ika-20 siglo, ang Estados Unidos ay isang bansang umangkop sa
kanyang neutralidad sa unang bahagi ng digmaan. Ngunit nang sumabog ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig noong 1939, ito ay nagkaruon ng mahalagang papel sa kanyang pag-unlad bilang
pandaigdigang puwersa. Narito ang ilang mga pangunahing punto:

3.
Cultural Influence: Ang kultura ng Estados Unidos, kasama ang musika, pelikula, teknolohiya, at iba
pang aspeto ng sining, ay nakarating sa buong mundo, nagdadala ng malalim na impluwensya sa
iba't ibang kultura.
Marshall Plan: Ang Estados Unidos ay nag-ambag ng malalaking tulong sa pamamagitan ng Marshall
Plan upang suportahan ang pag-angat at pag-rebuild ng mga bansang naapektohan ng digmaan sa
Europa. Ito ay nagdulot ng malaking impluwensya ng Estados Unidos sa rehiyon.

4.
Industrialisasyon at Ekonomiya: Ang Estados Unidos ay nagtagumpay sa pagpapalaganap ng kanilang
industrialisasyon at ekonomiya upang suportahan ang digmaan. Ang kanilang lakas sa
industriyalisasyon ay nagdulot ng malalim na epekto sa kanilang ekonomiya, at nagbigay-daan sa
kanilang pag-usbong bilang isang pangunahing ekonomikong puwersa sa pandaigdig.

5.
Militar na Puwersa: Ang kanilang pag-aalaga sa kanilang militar ay nagpatibay sa kanilang posisyon sa
pandaigdigang entablado. Ang pag-usbong ng kanilang mga puwersa at teknolohiya ng militar ay
nagdala sa kanila sa harap ng mga pandaigdigang alitan at krisis.

6. Oberio, Krystal Pearl


Pag-ambag sa Digmaan: Ang Estados Unidos ay isa sa mga pangunahing kaalyado sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, at ang kanilang tulong ay nagdulot ng malalim na epekto sa pagwawakas ng
digmaan na naglayong mapanatili ang kapayapaan at kalakalan sa pandaigdigang antas.
Pag-unlad ng Patakaran: Ang Estados Unidos ay naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga
prinsipyong pangkalayaan, demokrasya, at karapatang pantao sa pandaigdigang entablado, na may
malalim na impluwensya sa paghubog ng post-digmaang pandaigdig na pandaigdigang kapaligiran.

7.
Sa huli, ang Estados Unidos ay naging isa sa dalawang pangunahing pandaigdigang puwersa kasama
ang Unyong Sobyet pagkatapos ng digmaan. Ang kanilang papel sa pandaigdigang ekonomiya,
militar, at pulitika ay nagdala sa kanila sa kasalukuyang posisyon nila bilang isa sa mga pangunahing
pandaigdigang puwersa sa kasalukuyang panahon. Ito ang nagtapos ng aking ulat tungkol sa pag-
usbong ng Estados Unidos bilang pandaigdigang puwersa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
MULTINATIONAL (MNCs) AT TRANSNATIONAL (TNCs) CORPORATIONS
Isa sa bunga ng globalisasyon sa modernong panahon ay ang paglitaw ng mga Multinational
Corporation (MNC) at Transnational Corporation (TNC).

Ang dalawang uri na ito ng korporasyon ay naglalarawan sa mga epekto ng globalisasyon sa pang-
ekonomiyang aspekto ng pandaigdigang pamumuhay.

Madalas ang mga ito ay mga dayuhang mga kompanya na nagtatatag ng kanilang negosyo sa isang
bansa at nakikipagkompitensya sa lokal na pamilihan.

Maaaring sila ay nagtatayo ng sangay o di kaya ay magtatatag ng isang kompanya sa loob ng isang
bansa para mamuhunan sa isang bahagi ng kanilang produksyon.

Parehong mga dambuhalang mga negosyo ang MNC at TNC. Minsan ang kita ng mga kompanya na
ito ay nalalagpasan pa ang GDP o Gross Domestic Product ng ilang mga bansa sa daigdig.

Ano ang Multinational Companies (MNC)

Ang pangkalahatang katawagan na tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa


ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan

Ilan sa halimbawa ng mga companya o corporationg ito ay McDonald's, Seven Eleven, Toyota at
Jollibee. Sa katangian ng Multinational corporations ay ang pagkakaroon ng headquarters o main
branch sa kanilang pinag mulang bansa. Sila ay nagtatayo lamang ng mga branches sa ibang bansa
para palawigin ang abot ng kanilang serbisyo o produkto sa mga Lugar na iyon.
Ang mga branches na ito ay sumusunod lamang sa kautusan ng main branch kaya mapapansin natin
sa mga negosyo tulad ng mcdo, Jollibee at seven eleven ay magkakatulad lang ang kanilang tindahan,
produkto at serbisyo na hindi nalalayo sa bawat Isa.

Ang Transnational Corporation

Ang transnational companies (TNCs) ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng


pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
Binibigyan ng kalayaan na magdesisyon, magsaliksik, at magbenta ang mga yunit na ito ayon na rin
sa hinihingi ng kanilang pamilihang lokal.

Sa katangian ng Transnational company


o corporation sila ay hindi nakatali sa isang bansa sila ay nagnanais na mag expand ng kanilang
negosyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga panibagong negosyo o kaya pagbili ng mga negosyo
na malayo o iiba sa kanilang pinagkakakitaan. Isang halimbawa nito, kung ang Transnational
company o corporation ay nagbebenta ng pagkain o kaya damit, hindi nila kailangan na maitali sa
ganong uri ng produkto. Sila'y maaaring bumili ng mga negosyo o mga kumpanya sa ibang bansa na
may ibang negosyo o kaya serbisyo o produktong ibinibenta. Tulad ng manufacturing, distribution o
research o kaya sila ay nasa ibang field katulad ng engineering, technology at iba pa. Ito ang Ilan sa
mga halimbawa ng companya na may ganitong Uri Ng katangian, PepsiCo, nestle, coca cola, mars,
google at Facebook.

•Magka-parehas ang Multinational at Transnational Corporations na nagtatatag ng pasilidad sa iba't


Ibang bansa, parehong may main office o headquarters at maraming franchise o braches.
Ano nga ba ang pagkaka-iba ng Multinational at Transnational Corporations?

Ang Multinational ay merong Centralized Management System at Main Office kung saan ang
desisyon o ang mga ganap dito ah naaapektuhan ang lahat ng branches o franchise.

Sa kabilang banda, ang Transnational Company/Corporations naman ay walang Centralized


Management System. Nagkaka-iba ang Multinational at Transnational sa pag-gawa ng desisyon para
sa kani-kanilang corporation o companya.

You might also like