Lakbay Sanaysay Cadavos

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Lugar na Pinaka-Una kong Napuntahan.

Naalala ko ang araw na iyon nang mabuti, isang mainit na umaga na puno ng pag-asa habang
naglalakbay mula sa Malitbog patungo sa Sogod. Ang biyaheng ito ay hindi lamang isang simpleng
paglipat mula sa dalawang bayan, ito ay isang paglalakbay tungo sa pagsusuri at pagkilala sa sarili. Ang
daan ay puno ng mga liko at mahabang landas, may kasamang mga burol na umaapaw at mga sinaunang
nayon, bawat isa’y may kanyang sariling kagandahan. Habang naglalakbay ang sasakyan namin sa
damuhan, ako’y nagmamasid sa labas ng bintana, nahuhumaling sa kagandahan ng paligid

Sa paglipas namin sa ilang mga lugar tulad ng Tomas Oppus at Bontoc, palaging may nararamdaman
akong pagkahilo at parang gusto nang sumuka, dahil hindi ako sanay sumakay sa sasakyan o jeep.
Tinanong pa nga ako ng tatay ko kung aatakihin na ba ako ng suka, ngunit sinabi ko lang na hindi pa at
ininsist pa nga nila na magdala ako ng plastik na pangsuksok para doon nalang daw ako sumuka at hindi
sa bintana ng sasakyan na aming sinasakyan. Malapit na kaming makarating sa Sogod at bago ‘yun,
habang nagmamaneho kami, palaging nagkukuwento at chismisan, nakakatuwa at kakaiba at the same
time.

Pagdating sa Sogod, ako’y binati ng kagandahang-loob ng mga tao roon, ang init at kabaitan ng mga ito
ay agad kong naramdaman. Ang karakter ng bayan ay natatangi, isang kombinasyon ng tradisyon at
progreso, na may mga bulong na dumaraan sa kanyang mga kalsada. Pagkatapos nito, inikot namin ang
Sogod, bumili ng ilang damit at meryenda, bumalik kami sa bahay ng aming tatay at ipinakilala sa mga
tao roon.

Ang mga nakakatunaw na usapan sa mga tao doon, ang tawanan namin sa pagkain, at ang mga kwento
at chismis na aming pinag-usapan. Ang Sogod ay hindi lamang isang destinasyon, ito ay naging bahagi ng
aking pagkatao, nakaukit sa mga alaala na iniingatan ko. Ito’y isa sa mga hindi malilimutang at
pinakamamahal kong sandali, dahil ito ang unang pagkakataon kong maglakbay, kahit pa nga’t halos
hindi ko kinaya dahil sa pagkahilo.

You might also like