Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

INQUIRY APPROACH

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 45 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng kanilang lalawigan.
b. naiguguhit ang mga pangunahing likas na yaman ng kanilang lalawigan.
c. naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga pangunahing likas na yaman ng lalawigan.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Pangunahing Likas na Yaman ng lalawigan.
B. Sanggunian:
https://www.academia.edu/31814526/Masusing_Banghay_Aralin_sa_Araling_Panlipunan_IV_E
merald
K-12 Grade 3 curriculum guide. K pp. 4-8
C. Kagamitan: Smart Tv, Cellphone, Manila paper, Pilot pen, Ballpen, Bondpaper
D. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga pangunahing likas na yaman ng lalawigan.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Pambungad na Panalangin
Magandang umaga nga bata! Magandang umaga po teacher!
Tayo ay magsitayo para sa ating panalangin.
Sino sa inyo ang gustong mamuno sa
Ako po teacher!
panalangin?
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po
kami sa araw na ito. Patuloy mo po kaming
gabayan upang lahat naming tungkulin ay
aming magampanan. Tulungan mo po kami
sa mga pasya na aming ginagawa. Pagpalain
mo ang aming mga guro na saamin ay
matiyagang nagtuturo. Pagpalain mo rin an
mga magulang namin sa patuloy na
pagsuporta sa amin. Ang lahat ng ito ay
aming sinasamo sa ngalan ng aming
Panginoong Hesus.
Amen.

Klas, bago umupo paki-ayos muna ang inyong


mga upuan at pulutin ang mga kalat na
makikita ninyo. (Inayos ang mga upuan at pumulot ng mga
basura)

Maari nang umupo ang lahat.


(Umupo na ang mga studyante)

2. Pagtukoy ng Liban sa Klase


Tignan naman ngayon mga bata, kung sino
ang katabi ninyo na wala ngayon.

Magaling walang liban sa araw nato! Walang liban po teacher!

Handa naba kayo sa ating leksyon ngayon?


Opo teacher!

B. Pagganyak

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Ngayong araw, tayo ay maglalaro na


tinatawag na "4 Pics 1 Word." Sino sa inyo
Ako po teacher! Ito 'yung laro na may apat na
ang nakakaalam nito? larawan at kailangan nating hanapin ang
iisang salita na magkakaroon ng koneksyon sa
Tama! Maganda ang iyong paglalarawan.
mga larawan.
Ngayon, mayroon akong ipapakitang mga
larawan, ang inyong misyon ay tukuyin ang
iisang salita na maaaring magdala ng
Opo teacher!
koneksyon sa mga larawan. Handa na ba ang
lahat?
(Nagpapakita ng unang larawan)

Maari bang tukuyin kung ano ang nakikita sa Sa unang larawan po teacher, ay
unang larawan? "kagubatan".

Tama! Ang tamang sagot ay "kagubatan"


(Ipinakita ang sumunod na larawan) Ngayon,
Sa pangalawang larawan po teacher, may
ituloy natin sa sumunod na larawan. Ano ang
mga isda sa ilog.
makikita sa larawan?

Tama! Ang salita ay "isda sa ilog" (Ipinakita


ang sumunod na larawan) Sa susunod na Sa pangatlong larawan po teacher, may mga
larawan? palay. Kaya ito ay isang "palayan."

Tama! "Palayan" (Ipinakita ang huling


larawan) Ano ang maaaring salita para dito?
Sa huling larawan po teacher, makikita natin
ang ginto. Ito ay "mineral".
Tama! "Mineral" ang tamang sagot.
Maganda ang inyong mga sagot mga bata.
(Pinagbuklod ang mga larawan)
Ano sa tingin nyo ang isang salita na
naglalarawan sa mga imahe?
Likas na yaman po teacher!

Tama mga bata! "Likas na yaman"


palakpakan ang sarili. (Nagpalakpakan ang mga bata)
C. Talakayan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Ang likas na yaman ay mga bagay na


makukuha natin mula sa ating kalikasan. Ito
ay hinde gawa ng tao, ngunit gawa ng ating
diyos.
May apat na uri ang likas na yaman, Yamang
Lupa, Yamang Tubig, Yamang Mineral at
Yamang Gubat.

Isa sa mga mga likas na yaman ng bansa ay


ang yamang-lupa, ito ang mga bagay na
makukuha natin sa anyong lupa (bundok at
kapatagan). Mahalaga ito sapagkat ito ang
nagbibigay buhay sa ating pananim, dito rin
tayo nakakaani ng palay, gulay at mga prutas.
Anong likas na yaman ang nagbibigay buhay
sa ating pananim?
Ang yamang-lupa po teacher!

Ikalawang pangunahing likas na yaman


naman klas ay ang yamang-tubig, ito ang mga
bagay na nakukuha natin sa anyong
tubig( ilog, dagat, golpo). Mahalaga ang
yamang tubig sapagkat dito tayo kumukuha
ng isda, pinagkukunan ng inumin at
ginagawang paliguan.
Isda ito ay halimbawa ng yamang?
Yamang Tubig po teacher!

Tama! Dito naman tayo sa yamang-mineral.


Ito ang mga bagay na namimina at nakukuha
sa kabundukan o ilalim ng lupa. May mineral
tulad ng ginto, pilak at tanso. Mahalaga ang
yamang mineral sapagkat nakatulong ito sa
ating pag-unlad.

Bakit mahalaga ang yamang mineral?


Tama! Magaling mga bata.
Nakakatulong ito sa pag-unlad teacher!

Ikaapat na likas na yaman ng bansa ay ang


kagubatan. Ito ang mga bagay o hayop na
matatagpuan sa kagubatan. Mahalaga ang
kagubatan dahil nakakatulong itosa mga
sakuna, tulad na lamang ng baha.

Mahalaga ba ang yamang gubat? Bakit?

Opo teacher! Mahalaga ang yamang gubat


Tama, napakahusay!
sapagkat ito ang nagbibigay ng tahanan sa
mga ligaw na hayop at nakakatulong din ito
sa mga sakuna tulad ng baha.
Mga bata, ano-ano ang mga pangunahing
likas na yaman na makikita sa kapaligiran?

Palakpakan ang mga sarili! Yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral,
at yamang gubat po teacher!
Klas tandaan, ang likas na yaman ng bansa ay
mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay ng
pangunahing pangangailangan ng
(Nagpalakpakan ang mga bata)
mamamayan. Dapat pagyamanin at
pangalagaan natin ito klas. Naiintindihan ba
mga bata?
Magbigay nga ng halimbawa ng yamang
Opo, teacher!
lupa?

Palay po teacher!
Tama! Ang yamang tubig naman ano ang
isang halimbawa nito?
Magaling! Ano naman ang halimbawa ng Isda po teacher!
yamang gubat?

Mahusay! Ano naman ang halimbawa ng


Puno po teacher!
yamang mineral?

Ginto po teacher!
Tama! Palakpakan ang inyong sarili

(Pumalakpak ang lahat)

D. Pagkatang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Ngayon, ay ipapangkat ko kayo sa apat na


grupo, at ang bawat grupo ay bibigyan ko ng
kanya-kayang gawain ukol sa ating mga likas
na yaman. naiintindihan nyo ba mga bata?

Opo, teacher!
Simulan ang pagbibilang

(1,2,3,4 hanggang ang lahat ng bata ay may


numero na)
Mangyaring pumunta na sa kanya kanyang
pangkat at wag gumawa ng ingay

Opo teacher!
Ako ay mayroong sobre na nakapaloob ang (Pumunta na sa kanya-kanyang pangkat)
mga uri ng likas na yaman na nais kong iguhit
ninyo at bibigyang paliwanag. Bawat pangkat
ay magkakaroon ng 5 minuto para iguhit ang
isang halimbawa ng likas na yaman. Ang
bawat pangkat ay pipili ng isang kasamahan
sa grupo upang ilahad ang inyong gawain. Opo teacher!
Naiintindihan ba mga bata?
Tumulong sa isa't isa at gandahan ang inyong
iguguhit. Mangyaring wag magiingay.

(Ang guro ay maghahatid ng mga uri ng


yaman sa bawat pangkat).
- Pangkat 1: Yamang Lupa
- Pangkat 2: Yamang Tubig
- Pangkat 3: Yamang Mineral
- Pangkat 4: Yamang Gubat)

(Pagkatapos ng 5 minuto)

(Ang mga studyante ay magsisimulang


Oras na para ilahad ang inyong ginawa. gumuhit at ang ibang kagrupo ay gumawa ng
Tumayo na ang mga napiling kasamahan sa paliwanag)
bawat pangkat, at ipaliwanag ang gawain sa
iyong kinatatayuan.

Napakaganda ng inyong mga ginawa at


naipakita niyo ang kahalagahan ng ating likas (Ang bawat pangkat ay magpapakita ng
na yaman sa ating buhay. Palakpakan! kanilang mga halimbawa gamit ang mga
naiguhit. Matapos nito, ay maglalahad ang
napiling kasamahan sa kanilang ginawa)

(Pumalakpak ang lahat)

E. Paglalahat

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Mga bata, Ano ang natutunan nyo ngayong Ang mga pangunahing likas na yaman po
araw? teacher!
Ano ang apat na pangunahing likas yaman ng Yamang Lupa, Yamang Tubig, Yamang
ating lalawigan? Mineral at Yamang Gubat po teacher!

bigyan ng tig-iisang halimbawa ang Yamang Palay, dagat, ginto at punong kahoy po
Lupa, Yamang Tubig, Yamang Mineral at teacher!
Yamang Gubat.

Ano ang kahalagahan ng likas na yaman sa


Mahalaga ang mga likas na yaman sapagkat
lalawigan sa ating buhay?
ito ang pinagkukunan ng ating pangunahing
pangangailangan sa buhay tulad ng
pagkain,inumin at nakakatulong din ito sa
Napakahusay ng inyong mga sagot! Ang
mga sakuna.
inyong mga natutunan ay mahalaga, at ito'y
mga aral na maaari ninyong dalhin sa inyong
mga pamilya at kaibigan.

F. Paglalapat
Gawain A.
Panuto: Iguhit ang masayang mukha(😊) pag tama ang pangungusap at malungkot (🙁 ) pag mali.
Iguhit bago ang bilang.
_____1. Ang mga ilog ay mahalaga sa pag-aalaga ng pangunahing likas na yaman.
_____2. Ang mga palayan ay nagbibigay ng bigas na kinakain natin.
_____3. Ang mga bundok ay hindi nagbibigay proteksyon sa atin laban sa mga bagyo.
_____4. Ang pangunahing likas na yaman ay dapat nating alagaan at hindi sobra-sobrang
gamitin.
_____5. Ang pagsasaka at pagtatanim ng puno ay mga paraan upang mapanatili ang kalikasan
natin.

Gawain B.
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
Yamang Lupa Yamang Mineral
Yamang Tubig Yamang Gubat

_____6. Ano ang pangunahing likas na yaman na nagbibigay sa atin ng bigas?


_____7. Ano ang pangunahing likas na yaman na nagbibigay sa atin ng malinis na hangin?
_____8. Ano ang pangunahing likas na yaman na nagbibigay ng palay at prutas?
_____9. Ano ang pangunahing likas na yaman na nagbibigay sa atin ng tubig na pang-inom at
pangligo?
_____10. Ano ang pangunahing likas na yaman na nagagamit natin sa pag unlad?

G. Pagtataya:
Panuto: Bilugan ang akmang kasagutan tungkol sa mga pangunahing likas na yaman na
tinutukoy sa pangungusap.
1. Anong pangunahing likas na yaman ang nagbibigay ng malinis na tubig para sa
pangangailangan natin?
a. Yamang tubig
b. Yamang lupa
c. Yamang gubat

2. Ang yamang lupa ay mahalaga sa pamumuhay dahil:


a. Nagbibigay ng kuryente
b. Nagbibigay proteksyon laban sa bagyo
c. Nagbibigay ng pagkain

3. Ano ang pangunahing likas na yaman na nagbibigay sa atin ng mga prutas at gulay?
a. Yamang mineral
b. Yamang tubig
c. Yamang lupa
4. Bakit mahalaga na alagaan natin ang mga pangunahing likas na yaman?
a. Para masira ito
b. Para mapanatili ang mga benepisyo nito
c. Para magtapon ng basura
5. Ano ang layunin ng pangangalaga sa kalikasan at pangunahing likas na yaman?
a. Ang sobra-sobrang paggamit
b. Ang di pagmamahal sa kalikasan
c Ang mapanatili ito para sa kinabukasan

H. Takdang Aralin
Panuto: Ilista ang mga likas na yaman na makikita sa kapaligiran.

You might also like