Cir 2024-007 - Pagdiriwang NG Pagsusunog NG Mga Lumang Palaspas para Sa Miyerkules NG Abo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Diocese of Parañaque

COMMISSION ON LITURGY AND POPULAR RELIGIOSITY


Diocesan Center for Evangelization

PAGDIRIWANG NG PAGSUSUNOG NG MGA LUMANG PALASPAS


PARA SA MIYERKULES NG ABO

PASIMULA

Ang Pagdiriwang ng pagsusunog ng mga Lumang Palaspas sa gaganapin pagkatapos ng huling Misa ng
Linggo bago sumapit ang Miyerkules ng Abo.

Ang lahat ay magtitipon-tipon sa harapan ng simbahan o kung saan gaganapin ang pagsusunog ng mga
lumang palaspas. Papasok ang pari at magsisimula sa tanda ng krus at pagkatapos ay babatiin ang mga
tao sa mga salitang nasasaad ng patuloy na paanyaya at panawagan ng Ama na magbalik-loob sa Kanya
sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga kasalanan. Isusunod ang ilang sandal ng katahimikan.

Pari: Sa ngalan ng Ama,  at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Mga ginigiliw kong kapatid, ating masasaksihan ang pagsusunog ng mga lumang
palaspas upang maging abo na gagamitin sa darating ng Mierkoles de
Ceniza/Miyerkules ng Abo. Inaanyayahan ko kayong lahat, sa katahimikan ng
ating mga puso, na suriin at siyasatin ang ating sarili; upang maging ganap ang
pagdiriwang natin ng banal na panahon ng Kuwaresma.

(sandaling katahimikan)

Ating ihingi ng kapatawaran ang mga pagkakataong tayo’y nakalimot sa


kagandahang-loob na Diyos sa atin.

(sandaling katahimikan)

Ating ihingi ng kapatawaran ang mga pagkakamaling nagawa natin sa ating


kapwa sa salita man o sa gawa.

(sandaling katahimikan)

Ating ihingi ng kapatawara ang ‘di wastong kaisipan at mga pansariling luho at
pagkamasawayin.
(sandaling katahimikan)

Kaawaan tayo ng ating mapagmahal na Diyos, patawarin tayo sa ating mga


kasalanan, at patnubayin tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo:

Ama naming mapagmahal, nilikha Mo kami mula sa alabok at patuloy Mo


kaming inaanyayahang makibahagi sa kaligtasang dulot ng Iyong Mabuting
Balita, kasama ng buong Sambayanan. Kalugdan Mo kami ng Iyong awa habang
ang mga alabok na ito ay inihahanda, bilang tanda ng pasimula sa paglalakbay
naming sa panaon ng Kuwaresma. Tulutan Mong ang aming paglalakbay sa ilang
Kuwaresma ay mag-akay sa amin sa luwalhati ng bagong pagsilang, bunga ng
Muling Pagkabuhay ng Iyong Anak. Magbunga nawa ng kapayapaan ang pag-
aayuno ng bawat isa; ang panalangin ay magpabanal sa amin, upang makasalo
kami sa piging na di magwawakas sa Iyong kaharian, sa pamamagitan ni Kristo,
kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Lektor: Pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa mga Taga-Efeso

Mga kapatid:

Dapat ninyong iwan ang pagkatao ng dati ninyong pamumuhay; ito ang Lumang
Tao na nabulok dahil sa kanyang mga madayang pagnanasa. Baguhin din inyong
kalooban sa espiritu at isuot ang Bagong Tao na nilalang sa larawan ng Diyos, sa
pagkamatuwid at tunay na kabanalan.

Kaya iwan ninyo ang kasinungalingan; mga bahagi natin ang isa’t isa, kaya’t
magsabi ng totoo ang bawat isa sa kanyang kapwa. Kung magalit man kayo,
huwag kayong magkasala; huwag palubugin ang araw sa inyong galit at baka
makapasok ang diyablo.

Huwag nang magnakaw ang magnanakaw; magtrabaho siya sa kanyang mga


kamay at magpakahirap upang makatulong sa nangangailanga.

Huwag mamutawi sa inyong mga labi ang anumang maruming pangungusap,


kundi ang tama at napapanahon upang pasiglahan ang iba at makabuti sa
nakaririnig.
Huwag ninyong bigyang-kalungkutan ang Espiritu Santo ng Diyos; sa Kanyang
kayo tinatakan...tungo sa araw ng katubusan. Iwan ninyo lahat ng kabuktutan:
sama ng loob, galit, poot, pambubulyaw at paglait. Magpakabait kayo, at
magkaroon ng malasakit, at magpatawad sa isa’t isa tulad ng pagpapatawad sa
inyo ng Diyos kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

PAGSUSUNOG NG PALASPAS

Sisindihan ang mga palaspas na natipon sa isang lalagyan. Maaaring awitin o dadasalin ang Salmo 51
habang sinusunog ang mga palapas. Pagkatapos ng awit ay sisimulan ang Panalangin ng Pagbabasbas.

PANALANGIN NG PAGBABASBAS

Pari: Ama naming makapangyarihan, pakabanalin Mo ang mga Abong ito (+), tanda ng
aming pagbabalik-loob sa Iyo; kaawaan Mo’t tulungan kaming maging tapat sa
Iyo sa pagtahak sa landas ng pagbabalik-loob sa panahon ng Kuwaresma,
sapagkat ang kalooban Mo’y maligtas ang lahat, sa pamamagitan ni Hesukristo,
kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

PAGWAWAKAS

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at


Diyos, sama-sama tayong manalangin.

Lahat: AMA NAMIN . . .

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumaiyo rin.

Pari: Pagpalain kayo ng Makapangyarihan Diyos, Ama,  Anak, at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Humayo tayo ng may kapayapaang taglay sa ating puso.

Panghuling Awit: Alay Kapwa

You might also like