PDF 20230401 131154 0000

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Foot binding

Clarriza: Ang footbinding ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga
babae upang hindi ito lumaki ng normal.Ang mga paang ito ay tinatawag na lotus feet o lily
feet. Mahabang proseso ito dahil ito ay sinisimulan sa edad na tatlo at patuloy na nakabalot
ang mga paa habang ito’y nakasuot sa masisikip na sapatos hanggang sa kanyang pagtanda.

Jaymhee: Malaki ang kinalaman nito sa kultura dahil ang gawaing ito ay isang tradisyon at
pasalin salin sa pagdaan ng mga panahon.Kung ating babalikan, ang kultura ay
nangangahulugang mga gawi o kaugalian, tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay at iba
pang mga gawain na kilala sa isang lugar o bansa.

Steven: Tinatayang nagsimula ang gawaing ito sa panahon ng Dinastiyang Sung (960-1278) at
nagtapos sa panahon ng Dinastiyang Manchu (1644-1911). Humigit kumulang sa isang libong
taon ang haba ng pagsasagawa ng footbinding sa China. Para sa mga Tsino at Tsina ang
pagkakaroon ng lotus o lily feet dulot ng footbinding ay hindi isang paraan ng pagwasak o
pagsira sa kanilang mga paa. Mahirap intindihin kung bakit nila ginagawa ang ganitong klase ng
gawain, Pero para sa kanila ang pagkakaroon ng lotus feet dahil sa footbinding ay sumisimbolo
sa moralidad, pagkakakilanlan, pagkababae at higit sa lahat ay kagandahan.

Marius: Dahil dito maraming teoryang lumabas ukol dito. Una, ang babaeng may lotus feet ay
madaling makakahanap ng kanyang mapapangasawa. Kagandahan para sa mga Intsik ang
sinisimbolo nito kaya hindi nakapagtatakang madaling makahanap ng mapapangasawa ang
sumailalim sa footbinding.

Janine: Para sa mga Tsino, ito daw ay pagtugon sa kahilingang pang erotiko ng mga
kalalakihan. Pangalawa, ang babaeng may lotus feet ay walang kalayaan. Ang mga babae ay
hindi nakakalabas ng kanilang bahay dahil sa kanyang kalagayan. Patunay na rin ito upang
sabihin na ang babae ay hindi nagtatrabaho,sila ay nasa bahay lang at sinusuportahan ang
asawa at mga anak.

Andrea: Sa mga teoryang ito isa lang pinapakita ng mga ito, ang pagiging mababa sa lipunan
ng mga babae. Bagamat madali kang makakahanap ng mayamang mapapangasawa,matinding
hirap naman ang matatamasa para makamit ito. Ang sakit na dinanas ng mga kababaihan ay
hindi basta-basta. Kahit maghilom man ang sakit ng kanilang mga paa dahil sa footbinding ang
karansan na kanilang nakuha sa pagtrato sa kanila bilang mababang antas sa lipunang Intsik ay
hindi mawawala.

Kristine: Ito ang kalagayan ng mga babae sa lipunang Intsik. Mababang mababa ang tingin sa
kanila. Kailangan nilang sundin ang mga kalalakihan. Dumako naman tayo sa proseso ng
pagsasagawa ng footbinding.

Kiel: Ang foot binding ay isinasagawa upang maging maliit ang mga paa. Ang mga daliri ay
pinupwresang itinatali malapit sa sakong.Ito’y sinisimulan sa edad na tatlo hanggang anim na
taon dahil ang mga buto nito ay malalambot pa kaya madaling ihugis sa lotus sa proseso ng
footbinding.
Naythan: Ang pagsasagawa ng footbinding ay karaniwang ginagawa sa panahon ng taglamig
para hindi ganun kasakit ang mararanasan ng babaeng sasailalim dito.

Jhamir: Maraming epekto ito sa kalusugan kung hindi magagawa ng tama. Hindi lang sa pisikal
na pagkasira ng isang parte ng katawan kundi pati na rin sa pag-iisip. Maaaring mamaga hindi
lang ang mga paa kundi pati na rin ang “lumbar”;grupo ng buto sa bandang ibaba ng gulugod.
Ito’y dahil ang bigat ng katawan ay hindi kayang suportahan ng mga paa kaya ang mga
balakang at gulugod na lang ang nagpapanatili ng balanse.

Sherwin: Paika-ika maglakad ang mga babaeng sumailalim dito ngunit sa pagdaan ng panahon
ang ilan ay nasasanay na. Humahaba pa rin naman ang mga daliri ngunit papasok o pabaluktot
patungong sakong. Maaring mawala ang mga daliri sa paa at maaari ring magdulot ng
pagkamatay kung hindi naging tama ang proseso. Ang hindi sapat na pagdaloy ng dugo sa paa
ay maaaring magdulot ng “gangrene” o pagkabulok ng mga laman sa katawan.

Lian:May mga namamatay din dahil sa hindi tamang paglilinis at pagbalot ng mga paa.
Nakakaapekto din ito sa buwanang dalaw ng mga kababaihan. Ang pagtatagumpay sa
pagsasailalim sa footbinding ay nakasalalay sa tamang paglalagay ng tela at tamang paglilinis.

Oscar: Napakatinding hirap ang dinanas ng kababaihan noon.Kailangan pa nilang gawin ang
mga bagay na ito para makahanap ng asawang naka-aangat sa buhay. Ginagawa nila ang mga
ito dahil sa kagustuhan ng kanilang mga magulang lalo na ng kanilang ama. Wala naman silang
magagawa para tumanggi dahil ang tingin lang naman sa kanila ay mababang uri.

Steven: Nahinto na ang gawaing ito dahil hindi nagustuhan ng mga Manchu;barbarong grupo
sa hilaga ng China,ang gawaing ito. Sa pangunguna ni Sun Yat-Sen kaya natigil Ang gawaing ito.

Andrea: Sa kasalukuyang panahon wla ng mga babaeng intsik Ang nakakaranas nito at
nagawaran nadin sila ng mga karapatan katulad ng mga kalalakihan.

You might also like