Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSASANAY

Literal na Pagsusuri:
Sa kantang "Sirena," inilalarawan ni Gloc-9 ang isang batang na mayroong kakaibang anyo at
kilos. Tinutukoy niya ito bilang "sirena," isang mythological na nilalang na may katawang isda
mula baywang pababa at katawang tao mula baywang pataas.
Interpretasyon:
Ang "sirena" ay maaaring maging metafora para sa isang taong mahirap unawain o tanggapin
ng lipunan dahil sa kakaibang kilos, itsura, o seksuwalidad. Maaari itong tumukoy sa isang
miyembro ng LGBTQ+ community na nagiging biktima ng pang-aapi at diskriminasyon. Katulad
ng nasa awitin, ang batang lalaki ay may kakaibang kilos salungat sa kanyang seksuwalidad,
kung kaya’t nakakatanggap siya ng pang-aapi o pananakit sa kanyang ama.
Sa pamamagitan ng pagsasanib ng literal na pagsusuri at interpretasyon, mas nauunawaan
natin kung paano gumagamit si Gloc-9 ng mga salita at imahe sa kanyang kanta upang iparating
ang kanyang mensahe hinggil sa lipunan at mga isyung panlipunan.
PAGSASANAY BLG. 2
1. Isa sa mga paraan ng pagbabasa na aking nagagamit ay ang iskiming. Bilang isang
estudyanteng nahahati ang oras sap ag-aaral at trabaho ay madalas kong gamitin ang
paraang ito upang mabilis na matapos ang isang gawain.
2. Sa ating pang-araw araw na buhay, sa bahay, trabaho, o eskwelahan man ay
kinakailangan ang paggamit ng ating sariling wika.
3. Malaking pagbabago ang nangyari sa panahon ngayon. Ang ating sariling wika ay
nagagamit, subalit ito ay may halong wikang dayuhan. Masasabi kong ang kalagayan ng
ating sariling wika ay hindi kanais-nais sapagkat hindi ito pinagtutuunan ng pansin ng
ilang kabataan. Sa halip na tangkilikin ang paggamit ng sariling wika, higit nilang
tinatangkilik ang wikang dayuhan.

You might also like