Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
A. Pamantayang Pangninilaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang wika ng kabataan
C. Kasanayan sa Pagkatuto
 Natutukoy ang kahulugan/katangian ng mga salita sa bawat antas ng wika batay sa
pormalidad
 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan
(balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

D. Nilalaman
Gramatika: Antas Ng Wika O Pormalidad

Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro: K-12 Melcs p. 170
Mga pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral: 96-101
Mga Pahina sa Teksbuk (Iba pang hanguan):wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources:
B. Iba pang kagamitang Panturo: Biswal,Laptop, Telebisyon\

II. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin

Magsitayo ang lahat at tayo’y mananalangin.


2. Pagbati

Magandang Umaga sa inyong lahat!

3. Pagtatala ng Liban
May liban ba sa araw na ito?

4. Pagbibigay ng alituntunin

W I K A CHECK
W-ag nang magpatumpik-tumpik pa, kalat sa sahig ay pulutin na
I-tuon ang isip sa ating talakayan
K-aalaman sa antas ng wika ay handa ng matutunan
A-yusin ang sarili at ihanda ang isipan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

A. Balik aral sa nakaraang aralin o/ ito pagsisimula ng bagong aralin.

Kumpletuhin ang pahayag.


Noong nakaraang araw ay tinalakay namin ang tungkol sa_________________
Natutuhan ko sa araling ito na______________________________

B. Paglalahad sa Layunin
Pagpaparinig ng awit na may pamagat na Bebot at Dalagang Pilipina

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:

Pagsusuri sa Dalawang awiting narinig.


1.Pansinin ang pamagat ng dalawang awitin, sino ang tinutukoy sa dalawang awitin?
2. Sa anong pagkakataon o saan-saang lugar mo maaring marinig ang salitang dalaga at ang
salitang Bebot?

D. Pagtalakay sa Bagong konsepto at paglalahad ng bagong kaisipan #1

Pagtalakay sa Antas ng Wika

E. . Pagtalakay sa Bagong konsepto at paglalahad ng bagong kaisipan #2


Pagsasanay Blg. 1 Piliin Ang Mga Salita At Ilagay Sa Tamang Antas Ng Wika
.( Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay F6PT-IVb-j-14)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Asessment) (collaborative, literacy and numeracy skills)

Ngayon ay susubukin ko naman ang inyong kaalaman, dadako na tayo sa pangkatang gawain upang
mas lalo natin mauunawaan ang ating aralin.

Pangkat I
Antas ng wika ay naiiba
Itoy nababago din tulad niya
Kaya naman, sariling awit aking aawitin
Makabagong wika aking gagamitin
.
Pangkat II
Isa, dalawa, tatlo mga bilang na nakalilito
Wikang natutunan ating iuugnay
Tumbasan ng salita ang bawat bilang na nakahanay
Halimbawa: 8, 4- mahal kita sa wikang Bisaya
Gihigugma tika
Pangkat III
Inlove kaba? Oh sadyang bigo?
Tara’t ibulalas iyong nasa puso
Sa mga Hugot lines ko na sa inyo’y ibabahagi
Ihanda ang dadamdamin sa mga wikang sasabihin

Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto para tapusin ang nakaatang na gawain.

(Magbibigay ng komento ang guro at iba pang grupo batay sa presentasyon na ginawa ng mag-
aaral) Unang pangkat- Ikatlong Pangkat, Ikalawang Pangkat- Unang Pangkat, Ikatlong pangkat-
Ikalawang Pangkat
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV – A – CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
PINAGTONGULAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN, LIPA CITY, BATANGAS

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-aralin o remediation:


Sumulat ng sariling awiting bayan, gamit ang ibat ibang antas ng wika

Inihanda ni: Iwinasto ni:

RECEL L. PILASPILAS MAY G. FABUL


Guro sa Filipino 7 Head Teacher I

You might also like