Professional Documents
Culture Documents
Karunungang Bayan 5
Karunungang Bayan 5
SA
ESP
IPINASA NI:
JILLIAN ROSE c. eLARDO
IPINASA KAY:
LOURDES GURA
SALAWIKAIN
Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Halimbawa:
AWIT
Awit - Ang awit ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat
(measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo.
Halimbawa:
1. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
3. Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
At saka lalakad
Pakendeng-kendeng
Woah... woah... woah...
BUGTONG
Ang bugtong ay isang uri ng talinghaga na nagbibigay ng mga pahiawatig upang
hulaan ang isang misteryosong tanong. Ito ay binubuo ng mga salita na mayroong
ibang kahulugan kaysa sa literal na kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Munting palay
Puno ang buong bahay. (ilaw)
3. Di hari, di pari
Nagsusuot ng sari-sari. (sampayan)
ALAMAT
Ang Alamat ay isang kwento na hindi naglalaman ng katotohanan o isang pantasya.
Ito rin ay nagbibigay ng isang aral na makakatulong sa ating pangaraw-araw.
Madalas itong basahin sa mga bata.
Halimbawa:
1. Alamat ng Manga
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang
ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang
kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na
matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang
na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang
niya ang kanyang anak. Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya
makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na
magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa
kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si
Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak. Nagtagal ang sakit
ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw,
sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina
kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng
ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang
kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: "
Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang
lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin. Dahil alam niyang galit
na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang
sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling
Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang
bumangon at naghanda ng pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing
na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay
kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang.
Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang. Isang araw, may nakitang halaman si
Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang
iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng
tao at napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang
sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang
kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil
tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at
tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging
pinya.
2. Alamat ng Pinya

3. Alamat ng Ahas
Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad
ng iba pang mga
hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang
makalakad. Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra,
sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro
sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa
ng mga mas malalaking hayop.
Matapos ang kanilang pag-aaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang
ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin
ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila
kung kina-kailangan at sa mabuting layunin lamang.
Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili.
Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang
kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.
Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila
ang pinakamagaling. Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng
mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni
kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si
matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga
suntok ni dahong palay.
Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-
isip kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop.
Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.
Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga
ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.
Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang
kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil
sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan
niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na
lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa
pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.
Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila
magamit ang kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol
ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at
nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.
4. Alamat ng Paru-paro
Magkapatid sina Rona at Lisa ngunit magkaibang-magkaiba ang ugali nila.
Masipag si Rona ngunit si Lisa ay walang inaatupag kundi ang magpaganda.
"Ate, tulungan mo naman ako. Ang dami kong labahing damit. Karamihan naman
ay sa iyo," sabi ni Rona sa kapatid isang umaga.
"May gagawin pa ako. Kayang kaya mo naman iyan." Naisip ni Lisa na pipitas na
siya sa hardin ng bulaklak na maipapalamuti sa kanyang buhok.
"Sinabi nang wala!" sigaw ni Lisa, sabay pagpitas sa isang bulaklak na maganda
ang kulay.
Nagalit ang matanda "Hindi ka lang pala tamad, maramot ka pa at walang galang
sa matanda. Gagawin kitang tulad niyang hawak mong bulaklak ngunit isang
kulisap."
Nang bumalik sa bahay si Rona, hinanap niya ang kapatid. Pumunta siya sa
hardin dahil alam niyang mahilig ito sa mga bulaklak. Subalit wala si Lisa. Ang
napasin ni Rona ay ang paruparong lumilipad-lipad sa ibabaw ng mga bulaklak.
At iyon ang alamat ng paruparo.
5. Alamat ng bulaklak
Noong unang panahon may isang prinsesang may napaka-gandang buhok na
iba’t iba ang kulay. Siya’y nagngangalang Prinsesa Buna na umiibig ng palihim
sa kanilang hardinero na si Lakal.
Araw-araw ay pumupunta ang prinsesa sa hardin. Iniisip ng kanyang ama na
mahilig lamang talaga ang prinsesa sa mga bulaklak kaya ito ay laging naroroon.
Ngunit lingid sa kaalaman ng ama ay hindi iyon ang pinupunta ng kanyang anak
sa hardin. Pinupuntahan ng prinsesa si Lakal na laging gumagawa ng sari-saring
pabango na gustong-gusto niyang amuyin at gamitin dahil sa kakaibang amoy ng
pabangong gawa nito.
Ngunit isang araw, nahuli ng hari ang dalawa na naglalakad sa hardin ng
magkahawak ang kamay. Agad na nagalit ang hari dahil ang isang prinsesa ay
umiibig sa isang hardinero kaya isinikreto niya sa kanyang anak ang plano
niyang pamamaslang kay Lakal.
Inutusan ng hari ang isang kawal na pagdating ng gabi ay dapat ipatapon si
Lakal sa kagubatan at iwanan doon hanggang mamatay. Ginawa ng kawal ang
utos ng hari at agad na iniwan si Lakal sa gitna ng gubat.
Si Lakal ay namatay at ang prinsesa ay inintay ang pagdating ni Lakal sa hardin
ngunit hindi niya nakita ang binata hanggang magdilim.
Ilang araw na nag-intay si Buna at hindi siya kumain o naligo. Ni hindi rin siya
natulog at kinaumagahan ay inaantay pa rin nya si Lakal.
Isang araw ay naisipan ng prinsesa na umalis sa palasyo at hanapin si Lakal.
Ngunit siya’y nang hihina na.
Paglipas ng ilang araw ay hinanap ng hari ang kanyang anak na si Buna.
Pumunta siya sa hardin kung saan nagpupunta si Buna upang intayin si Lakal.
Ngunit ang nasilayan niya lamang ay ang isang malagong halaman na may iba-t
ibang kulay at iba’t ibang uri. Napansin din niyang ito ay kakulay ng buhok ng
kanyang anak. Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga
halaman. Nasa huli plagi ang pagsisisi. Nalungkot ang hari at walang nagawa
kundi alagaan ang natitirang bunga na naiwan bilang alaala sa anak.
Pinangalanan niya ang halaman na Bunalak at kalaunan ay tinawag na Bulaklak.
PABULA
Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kinapupulutan ng
magandang aral. Mga hayop o bagay na walang buhay ang karaniwang gumaganap
na pangunahing tauhan dito.
Kung ang tawag sa manunulat ng maikling kwento ay “kwentista”, “pabulista” naman
ang tawag naman sa manunulat ng pabula.
Halimbawa
Ngunit kilala ng mga pabo ang kanilang kauri kaya naman hindi rin nagtagal ay
nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, pinagtutuka ng mga pabo ang uwak hanggang sa matanggal ang mga
balahibong nakadikit sa katawan nito. Sa takot ng uwak ay agad itong lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng
mga ito at sinabing, “Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang
pagmamahal sa sariling anyo!”