Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 44

Ang Sining ng

Pagbasa
Inihanda nina:
Sydel Camille L. Delos Reyes
Shaira G. Bionog
Mga Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan,
layunin, kahalagahan, at
katangian ng pagbasa
2. Naipapaliwanag ang uri ng
pagbabasa
3. Natatalakay ang mga
kasanayang malilinang sa
pagbabasa
4. Nailalahad ang mga hakbang at
dimensyon sa pagbasa
5. Nasasabi ang mga iba’t
ibang paraan ng
pagpapakahulugan sa mga
kaisipan.
Kahulugan at Kalikasan ng
Pagbasa
• Isa sa apat na kasanayang
pangwika
• Pagkilala at pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga nalimbag
na simbolo
• Proseso ng pag-unawa sa mga
mensaheng nais ibahagi ng may-
akda sa babasa ng kanyang sinulat
• Isang pangkaisipang hakbangin
tungo sa,
pagkilala, pagpapakahulugan, at
pagtataya sa mga isinulat ng may-
akda.
Proseso sa Pagbasa
Ayon kay William S. Gray (Ama
ng Pagbasa):
1. Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Asimilasyon
4. Reaksyon
Bakit tayo
nagbabasa?
• Upang malibang
• Upang humanap ng tiyak na
kasagutan sa kanilang mga
katanungan
• Upang mapaghandaan ang mga
talakayan sa klase
Mga Paraan sa Pagbasa
• Malakas
• Tahimik
• Mabilis
• Mabagal
• Malakas
 malinaw at may kaayusan ang
nilalaman ng teksto
 ang tindig, lakas ng tinig, tamang
bigkas ng mga salita, kontak sa
mga tagapakinig,
at tamang paghawak ng aklat ang
mga pangunahing kailangan sa
ganitong pagbasa
• Tahimik
 tanging mata lamang ang
ginagamit
 dapat isaalang-alang ang tamang
posisyon ng katawan at ang pook
• Mabilis
 ang isang mag-aaral sa kolehiyo
ay nakababasa ng 250 – 350 salita
bawat minuto
 ang magaling na pagbasa ay nasa
pagitan ng 500 – 700
salita bawat minuto o kaya’y mas
higit pa.
• Mabagal
 isahang-salitang pagbasa (word-
for-word reading)
 mabagal na perseptwal na
reaksyon
 hindi agarang pagkilala at
pagtugon sa babasahin
 bokalisasyon
 mahinang mata
 regresyon na nakamihasnan
 kulang sa konsentrasyon
 walang praktis sa pagbabasa
 kawalan ng interes
 takot na hindi maunawaan ang
binabasa kaya matagal ang oras
na ibinibigay sa pagbasa ng bawat
salita
 “habit” na ang mabagal na
pagbasa
 kahinaan sa ebalwasyon kung
ano ang importante sa hindi
importante
Mga Teorya sa Pagbasa
• Teoryang Bottom-Up
• Teoryang Top-Down
• Teoryang Interaktib
• Teoryang Iskema
• Teoryang Bottom-Up
 pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo (stimulus)
upang maibigay ang katumbas
nitong tunog (tugon o response)
 nagsisimula sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita,
parirala, pangungusap ng buong
teksto bago ang
pagpapakahulugan sa teksto
• Teoryang Top-Down
 ang pag-unawa ay nagsisismula
sa isip ng mambabasa (top) tungo
sa teksto (down)
• Teoryang Interaktib
 binibigyang-diin ang pag-unawa
bilang proseso at hindi bilang
isang produkto
• Teoryang Iskema
 pinaniniwalaang ang teksto ay
walang kahulugang taglay sa
sarili
 ang “background
knowledge”ang saligang
kaalaman at ang kayariang
balangkas ng dating kaalaman
Iskiming (Skimming)
 pinararaang pagbasa
 mabilis ang paggalaw ng mata
 pahapyaw na pagtingin (glance)
Iskaning (Scanning)
 paghahanap ng isang tiyak na
impormasyon
 pag-iimbestiga o paghahanap sa
mga pahina ng aklat
Uri ng Pagbasa
• Masusing Pagbasa
• Masaklaw na Pagbasa
• Tahimik na Pagbasa
• Mabagal na Pagbasa
• Mabilis na Pagbasa
• Masusing Pagbasa
 tinataglay nito ang pagiging
mapanuri at kritikal na pagbasa
• Masaklaw na Pagbasa
 pag-aaral sa kabuuan ng isang
akda
 nakatuon sa pag-unawa sa
pangkalahatang nilalaman ng
binasa
• Tahimik na Pagbasa
 mata lamang ang ginagamit

• Mabagal na Pagbasa
 sapat na panahon ang dapat sa
pagbasang ito
• Mabilis na Pagbasa
 scanning ito sa Ingles
 tumutukoy sa pagkuha at pagpili
ng mga pangunahin at tiyak na
detalye ng pangkaisipan sa akda
Antas ng Pag-unawa
1. Unang Dimensyon (Pang-
unawang Literal)
2. Ikalawang Dimensyon
(Interpretasyon)
3. Ikatlong Dimensyon
(Mapanuring Pag-unawa)
4. Ikaapat na Dimensyon
(Aplikasyon ng mga Kaisipang
Nakuha sa Pagbasa)
5. Ikalimang Dimensyon
(Pagpapahalaga)
• Pang-unawang Literal
 ang mambabasa ay nasa antas ng
paggamit ng “simple recall”
 naisasagawa ang sumusunod na
kasanayan: pagkilala,
paggunita, at pagbubuo ng
kaisipan
• Interpretasyon
 matapos magbasa at nagkaroon
ka sa iyong kamalayan ng mga
sariling palagay o hinuha
• Mapanuring Pag-unawa
 matapos basahin ang akda o
anumang sulatin ay nakabuo ka
na ng matibay na pagpapasya
• Aplikasyon ng mga Kaisipang
Nakuha sa Pagbasa
 ang kakayahan mong iugnay sa
iyong personal na karanasan, sa
mga kasalukuyang isyu at
kaganapan sa lipunan, maging
ang sariling kasagutan kung ano
ang iyong gagawin kung ikaw ang
nasa lugar ng mga tauhan
• Pagpapahalaga
 alam mo ng ipahayag nang
malinaw ang naging damdamin
mo sa nilalaman ng seleksyon o
akda
Maraming
Salamat!!!


You might also like