Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA PHYSICAL EDUCATION 5

MELC: Executes the different skills involved in the dance. (PE5RD-IIIc-h-4)

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga pangunahing posisyon sa pagsasayaw.
 Naipapakita ang mga pangunahing posisyon sa pagsasayaw.
 Naibahagi ang kahalagan ng pagsunod sa mga panuntunang pangkaligtasan
na dapat tandaan at sundin sa pagsasayaw.
II. Paksang Aralin:

A. Paksang Aralin: Mga Pangunahing Posisyon sa Pagsasayaw


B. Mga Kagamitan: Pentelpen, cartolina, colored paper, pictures, Laptop,
C. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide/ MELC (PE5RD-IIIC-h-4)
Guided Learning Activity Sheet
LAS Quarter 3 Week 5
https://www.depedtambayanph.net/2021/02/grade-5-3rd-quarter-
self-learning.html

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1.Pagbati

Magandang umaga mga bata. Magandang umaga rin po.

2. Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

3. Paglista ng Lumiban

Sino ang lumiban sa araw na ito? Wala po.

4. Alituntunin

Bago tayo magsimula nais ko lamang kayong


paalalahanan sa ating mga alituntunin sa
klase.

Una, makinig sa guro.

Pangalawa, sumagot sa guro kapag


tinatanong.
Pangatlo, kapag may gusto kang itanong,
itaas lang ang inyong kamay.

Pang-apat, sundin ang mga panuntunan


pang kalusugan.

Maliwanag ba? Maliwanag po.


B. Balik-Aral

Ano ang tinalakay natin noong nakaraang


Ang tinalakay po natin noong nakaraang
araw?
araw ay tungkol po sa katutubong sayaw.

Sino ang makapagbibigay ng mga Ang mga katutubong sayaw teacher ay


katutubong sayaw? tinikling, banga dance, carinosa, salakot
dance at polka sa nayon.
Magaling! Dahil alam na ninyo ang mga
katutubong sayaw sagotan ninyo ito.

Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan


ayon sa katutubong sayaw na ito.

1.
(Ang mga bata ay sumasagot sa
pamamagitan ng pag dikit ng mga litrato sa
nakahanay na katutubong sayaw na nasa
pisara.)
2

3.

4.
5.

C. Pagganyak

Gusto niyo ba maglaro?

May larong inihanda si teacher, ang tawag


dito ay: (Jigsaw Puzzle)
Opo teacher!
Kayo ay hahatiin sa dalawa

Ang lider ng grupo ay bubunot sa box ng


kaakibat na litratong aayusin kasama na ang
inyong flaglets. Ang grupo na pinakaunang
makatapos mabuo ang litrato ay siyang
panalo at bibigyan ng gantimpala. Kapag
tapos na ang inyong pangkat iwagayway ang
inyong flaglets. Sa hudyat ko, sisimulan
ninyo itong buohin.

Maliwanag ba mga bata? Maliwanag po teacher.

(Ang mga bataa ay nagsimula ng binubuo


ang litrato.)
(lumipas ang limang minuto)
Pangkat 1
(Ang pangkat na unang natapos ay
iwinawagayway ang kanilang flaglets.)

Pangkat 2
Ang pangkat na unang natapos ay ang
pangkat una…

Bigyan ng masigarbong palakpakan ang


nanalong grupo. ( Ang mga bata ay nagsi-palakpakan.)

D. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Nagustohan niyo ba ang ating laro? Opo teacher!


Masaya pong maglaro.

Magaling!

Ngayon ano ang litrato na inyong nabuo? Ang nabuo po namin ay paa.
Ano pa? Ang nabuo po namin ay braso.
Mahusay! Nagagamit ba ang braso at paa sa Opo teacher!
pagsasayaw?

Tumpak! Nagagamit nating ang ating braso


at paa sa pagsasayaw.

E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1

Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa mga


pangunahing posisyon ng pagsasayaw.

Gusto niyo bang manuod ng video sa mga Gustong-gusto po teacher.


pangunahing posisyon ng pagsasayaw?

May ipapakita akong video sa mga


pangunahing posisyon ng pagsasayaw ang
kailangan ninyong gawin ay makinig at
tandaan ang bawat pangunahing posisyon
ng braso at paa sa pagsasayaw.

Handa na ba kayong manuod mga bata? Handa na po kaming lahat.

Iwagayway niyo nga ang inyong mga flaglets (Ang mga bata ay iwinawagayway ang
kung handa na nga ba kayong lahat. kanilang mga flaglets.)
Gawain 1: Pagpapakita ng video

(Nagpapakita ng video presentation ang


guro ng mga pangunahing posisyon ng
pagsasayaw.)
https://www.youtube.com/watch?
v=rRBT8N_rE9I

Naintindihan ba at tandaan ang bawat Opo teacher.


posisyon ng braso at paa sa pagsasayaw?

Mabuti! Bago natin umpisahan o gawin ang


mga pangunahing posisyon ng braso at paa
sa pagsasayaw ,basahin muna ang mga
panuntunan sa pagsasayaw.

Manatiling Ligtas

Sundin ang mga panuntunang (Ang mga bata ay sabay-sabay na


pangkaligtasan habang sumasayaw upang nagbabasa ng mga panuntunan sa
maiwasan ang aksidente. pagsasayaw.
 Magsuot ng jogging pants at
komportableng damit upang
makagalaw ng maayos.
 Magsuot ng rubber shoes o dancing
shoes.
 Magsimula ng warm up at stretching
exercises. Gawin ang cool down
exercise pagkatapos ng aktibidad.
 Siguraduhing malawak, walang
sagabal at ligtas ang lugar na
pinagtatanghalan upang
masisigurong walang pahamak na
mangyayari.

Naintindihan ba mga bata?


Naintindihan po teacher.

Gawain 2: Pagsabay sa bawat posisyon


ng braso at paa

Ngayon atin ng gayahin ang bawat posisyon


ng braso at paa sa pagsasayaw.

Mga Braso

Unang posisyon ng braso. Ang mga bata ay ginagaya ang unang


posisyon ng braso.

Pangalawang posisyon ng braso. Ang mga bata ay ginagaya ang pangalawang


posisyon ng braso.

Pangatlong posisyon ng braso. Ang mga bata ay ginagaya ang pangatlong


posisyon ng braso.

Pang-apat na posisyon ng braso. Ang mga bata ay ginagaya ang pang- apat
na posisyon ng braso.

Panglimang posisyon ng braso. Ang mga bata ay ginagaya ang panglimang


posisyon ng braso.
Mga Paa

Unang posisyon ng paa. Ang mga bata ay ginagaya ang unang


posisyon ng paa.

Pangalawang posisyon ng paa. Ang mga bata ay ginagaya ang pangalawang


posisyon ng paa.
Ang mga bata ay ginagaya ang pangatlong
Pangatlong posisyon ng paa. posisyon ng paa.

Ang mga bata ay ginagaya ang pang-apat na


Pang- apat na posisyon ng paa. posisyon ng paa.

Ang mga bata ay ginagaya ang panglimang


Panglimang posisyon ng paa. posisyon ng paa.

Gawain 3: Pangkatan
Pagsunod-sunod ng mga posisyon ng
braso at paa.

Ang pangkat 1 at pangkat 2 ay maipapakita (Ang bawat grupo ay nagpapakita ng mga


ang pangunahing posisyon ng braso at paa posisyon ng braso at paa sa pagsasayaw ng
sa pagsasayaw ng walang alinlangan. sunod-sunod.)

Rubriks sa pagpapakita ng mga gawain.

Mga Indikasyon Napa Mahu Kasiya-


ka- say siya
husay
3 2 1
Naipakita ng
tamang
posisyon upang
maiwasan ang
disgrasya.
Naisagawa ang
mga posisyon
ng magkasunod
ng walang pag-
alinlangan.
Naipakita ang
pagkasigla at
interes ng
gawain.

F. Paglinang sa Kabihasnan

Malinaw ba ang mga pangunahing posisyon


ng pagsasayaw? Malinaw po teacher.

Mabuti! Ano ba ang dapat suotin kapag Ang dapat po suotin kapag nagtatanghal ay
nagtatanghal? maluwag na damit, rubber shoes at jogging
pants teacher.

Tumpak! Tama bang magsuot tayo ng heels Hindi po teacher!


at maigsing saya kapag nagtatanghal?

Bakit mahalaga ang pagsunod ng mga Mahalaga po na sundin ang panuntunan sa


panuntunan sa pagsasayaw? pagsasayaw para wala pong aksidente.

Magaling! Dapat sundin nating ang mga


panuntunan ng pagsasayaw para walang
masamang mangyari o aksidente.

G. Paglalahat ng Aralin

Ilan nga ulit ang mga pangunahing posisyon Lima po teacher.


ng braso?

Tumpak! Ang pangunahing posisyon ng


braso ay lima.

Ilan naman ang pangunahing posisyon ng Lima din po teacher.


paa?
Unang posisyon
Magaling! Magbigay ng posisyon sa braso. Pangalawang posisyon
Pangatlong posisyon
Pang-apat na posisyon
Pangliimang posisyon

Magbigay ng pangunahing posisyon ng paa. Unang posisyon


Pangalawang posisyon
Pangatlong posisyon
Pang-apat na posisyon
Pangliimang posisyon.
IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang kamay ay nasa harap ng dibdib. Nakakurba ang braso habang nakalabas ang siko.
Nanatiling nakaharap ang palad sa mga bisig.
a. Unang posisyon ng braso
b. Pangatlong posisyon ng braso
c. Pang- apat na posisyon ng braso
2. Nakahakbang sa gilid ang kanang (kaliwang) paa habang pinapanatiling nakaposisyon
sa labas ang mga daliri sa paa.
a. Unang posisyon ng paa
b. Pangalawang posisyon ng paa
c. Pangatlong posisyon ng paa
3. Nakataas ang mga bisig( braso). Nakakurba ang mga bisig at panatilihing nakaharap sa
ibaba ang mga palad.
a. Ikalawang posisyon ng braso
b. Pangatlong posisyon ng paa
c. Ikalimang posisyon ng braso
4. Ano ang tamang kasuotan upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na aksidente sa
pinagtanghalan?
a. Jogging pant, leggings,jazz pants, Rubber shoes or dancing shoes at
komportableng damit.
b. Heels, palda at maigsing damit.
c. Palamuti sa katawan, heels, maigsing palda at uniporme.
5. Ang mga sumusunod ay ligtas na lugar na pinagtanghalan maliban sa isa:
a. Basang sahig
b. Malawak na lugar
c. Walang sagabal na bagay sa pinagtanghalan.

V. Takdang Aralin

Panuto: Gawin ang mga pangunahing posisyon at sundin ang panuntunang ibinigay. Ihanda
ang iyong sarili para sa pagsasagawa ng pangunahing posisyon sa pagsasayaw.

1. Gawin ang mga pangunahing posisyon sa paa.


2. Gawin ang mga pangunahing posisyon sa braso.
3. Sabay na gawin ang mga pangunahing posisyon sa braso at sa paa.

Rubriks sa pagpapakita ng mga gawain.

Mga Indikasyon Napaka- Mahusay Kasiya-siya


husay
3 2 1
Naipakita ng tamang posisyon
upang maiwasan ang
disgrasya.
Naisagawa ang mga posisyon
ng magkasunod ng walang
pag- alinlangan.
Naipakita ang pagkasigla at
interes ng gawain.
Naisagawa nang tama ang
mga posisyon ng braso at
paa.

Prepared by:

Cherlyn P. Mancio Checked by:

BEED 4 Student Irene F. Fiel

MT-II

You might also like