Professional Documents
Culture Documents
2 Lesson Plan in EPP V ICT
2 Lesson Plan in EPP V ICT
NILALAMAN:
Marami sa kailangan nating impormasyon ay nasa internet. Kung magsasaliksik
gamit ang internet, isang mahalagang kasanayan ang paggamit ng search engines.
Magiging madali ang ating paghahanap sa internet ng mga impormasyong nais natin
makuha sa pamamagitan ng paggamit ng advanced feature ng search engine. Bilang
isang mag-aaral, mahalagang aralin natin ito sapagkat maaari natin itong magamit
kapag tayo ay gagawa ng takdang aralin o proyekto.
II. LAYUNIN:
3.1 Nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap
ng impormasyon (EPP5IE -0d-10)
Kasanayan/Kaalaman
1. Naipapaliwanag ko kung ano ang web browser.
2. Nakapagsasaliksik ako gamit ang internet.
3. Nakagagamit ako ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.
V. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Kilalanin ang mga sumusunod na web browser.
B. PAGLALAHAD
Search Engine
I-click lamang ang “Mga Setting” at may lalabas na isang box kung saan makikita
ang iba’t ibang pamimilian. Piliin ang “Advanced na Paghahanap”.
Sa unang kahon o box dapat ilagay ang mga salita o salitang nais hanapin sa
internet.
Sa sumunod na kahon naman dapat ilagay ang salitang nais hanapin sa loob ng
quote (“). Ito ay nangangahulugan na ang salitang nakasulat sa loob ng box na
ito ang eksaktong salitang iyong hinahanap.
Samantalang sa ikatlong kahon naman dapat ilagay ang mga salitang nais
hanapin. Kailangang ilagay ang “or” sa pagitan ng mga salita upang ipakita na
alinman sa mga salitang ito ay maaaring hanapin ng Google.
Ang pangalawa sa huling pahina naman ay ginagamit upang tukuyin alin sa mga
salita ang ayaw o hindi kasama sa mga hahanapin sa internet. Ginagamitan ito
ng simbolo na (–).
Ang mga sumusunod ay ang hakbang-hakbang na maaring gawin kapag gagamitin ang
sunod na bahagi ng Advanced Feature ng search engine.
4. Pang-apat ay ang domain o site, maaaring maglagay dito ng isang site or domain
kung saan gustong hanapin ang iyong hinahanap. Maaaring ito ay .edu, .com.org
or youtube.com or upd.edu at iba pa.
5. Panglima ang mga terminong lumilitaw, katulad ng iba pang mga naunang
hakbang maaaring pindutin lamang ang arrow na pababa upang hanapin ang
isang partikular na pahina.
*Gawain 1
*Gawain 2
a) Magsaliksik Tayo!
b) Buksan ang inyong web browser ( maaaring gamitin ang Internet
Explorer, Mozilla Firefox, Torch o Google Chrome).
c) Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pagsasaliksik.
d) Magkaroon ng pagbabahagi sa klase tungkol sa nagging resulta ng
pagsasaliksik.
VI. PAGTATAYA:
Gamit ang advance features ng isang search engines hanapin ang mga
sumusunod:
1. Mga nahalal na senador sa taong 2016.
2. Pinakamatandang Simbahan sa Pilipinas.
3. Pangalan nang huling kalaban ni Nonito Donaire, Jr sa Cebu.
II. LAYUNIN:
3.2 Natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng impormasyon
(EPP5IE -0d-11)
Kasanayan/Kaalaman
V. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Ano ang pagkakaiba ng web browser sa search engine?
B. PAGLALAHAD
Yahoo Search
Bing
Search Box
Google Search
Button I’m Feeling
Lucky
Top Links
Search Button
Search Field
Page Title
Text Below
the Title
a. Search Field – kung nais maghanap muli, i-type lamang ang bagong keyword
sa search field box.
b. Search Button – pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maari ding
pindutin ang Enter key sa inyong keybord.
c. Top Links - narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine
katulad ng web, imahe, balita, videos, at iba pa.
d. Page Title – ang pamagat ng web page na kasama sa search results.
e. Text Below the Title – maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage.
Naka-bold text ditto ang mga salitang ginamit mo bilang keywords.
1. Ano-anu ang mga bahagi ng search engine home page? Search engine
results page?
2. Ito ay itinuturing na pinakakilalang serach engine sa mundo?
3. Ito ang search engine na dating Yellow Page na naghahanap ng mga
directory sa mundo.
4. Anong search engine ang hahanapin kapag gustong maghanap ng mga
impormasyon tungkol sa “Santo Papa” batay sa pinakakatiwalaang site?
5. Ito ang search engine na kolaboasyon ng Microsoft at Yahoo.
Gawain A:
Pangkat 1: Mga Bahagi ng Search Engine Home Page
Search Engine
Search Home
Engine Home
Page
Page
VI. PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang tinutukoy na search engine ng bawat pangungusap.
1. __________ maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Naka-bold text
ditto ang mga salitang ginamit mo bilang keywords.
2. __________ pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maari ding
pindutin ang Enter key sa inyong keybord.
3. __________ dito tina-type ang keyword na gagamitin sa pagsaliksik.
4. __________ narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine
katulad ng web, imahe, balita, videos, at iba pa.
5. __________ pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito o maari
ding pindutin ang Enter Key sa keyboard upang masimulan ang pagsaliksik.
II. LAYUNIN:
3.3 Natitiyak ang kalidad ng impormasyong nakalap at ng mga website na
pinanggalingan nito ( EPP5IE -0d-12)
Kasanayan/Kaalaman
V. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
Panonuod ng Educational Video.
Talakayin ang napanuod na video.
B. PAGLALAHAD
Narito ang ilang paraan upang matiyak natin na de-kalidad ang mga
impormasyon na maaari nating makuha sa internet.
1. Hanapin ang mga website na mayroong .edu at .gov sa address. Ang mga
impormasyon na makukuha sa mga website na mayroong .edu ay tiyak na
mapagkakatiwalaan at tiyak na de-kalidad. Ang mga gumagamit ng site na
mayroong .edu sa address ay mga eskwelahan o di kaya ay mga institusyon na
may kinalaman sa edukasyon. Madalas na mayroong publikasyon at journal sa
loob ng website ng mga eskwelahan. Ang mga impormasyon na nakalagay rito
ay dumaan sa masinop at malalim na pag-aaral kung kaya tunay na
mapagkakatiwalaan ang nakapaskil sa kanilang website.
Samantalang ang mga website na may .gov sa address ay mga opisyal na
website ng ahensya ng gobyerno. Dito ipinapaskil ang mga anunsyo o di kaya’y mga
bagong programa ng gobyerno.
Halimbawa:
www.upd.edu.ph – ang opisyal na website ng Unibersidad ng Pilipinas
www.nha.gov.ph- ang opisyal na website ng National Housing Authority ng Pilipinas. Ito
ang nangangalaga sa pabahay ng bansa.
3. Alamin kung napapanahon ang impormasyon. Alamin kung kailan naisulat ang
impormasyon na nakuha. May kinalaman ang petsa sa kalidad ng impormasyon
lalo na kung ang paksa ay madaling maapektuhan ng panahon tulad ng
teknolohiya o kaya’y ekonomiya. Dahil patuloy ang pag-unlad ng lipunan,
umuunlad din ang pag-aaral na nakapaloob dito. Maaaring wala nang halaga ang
isang impormasyon na matagal na panahon nang naisulat dahil may mga bago
nang impormasyong nakalap hinggil dito. Hindi rin dapat agad na pagkatiwalaan
ang mga artikulo na hindi nakalagay ang petsa ng pagkakagawa nito.
Gawain 1
a. Ipabisita ang sumusunod na websites sa bawat pangkat.
1) Pangkat 1 : National Geographic Kids
(http://kids.nationalgeographic.com)
2) ABCya (http://www.abcya.com/)
3) Fun Brain (http://wwwfun.brain.com/)
4) Multiplication.com (www.multiplication.com)
5) Scholastic’s The Stacks: Games
(http://www.scholastic.com/kids/stacks/games/)
VI. PAGTATAYA
Bisitahin ang sumusunod na websites at kilalanin kung anong impormasyon ang
maaaring makuha rito. Hanapin ang kasagutan sa ibaba at isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
__________ 1. www.lazada.com
__________ 2. www.manilabulletin.com
__________ 3. www.facebook.com
__________ 4. www.y8.com
__________ 5. www.encarta.com
I. NILALAMAN
Mahalagang malinang natin ang pag-bookmark ng web page na gusto nating
balikan o di kayay palagi nating ginagamit. Sa araling ito tatalakayin ang pagproseso ng
pag-bookmark.
II. LAYUNIN
3.4 Nakakapag-bookmark ng mga website (EPP5IE0e-13)
http://www.computerhope.com/issues/ch000858.htm
Kagamitan: powerpoint presentation, computer, internet, LCD projector,
speaker
Paalala: Ang mga visual na makikita rito ay maaaring mabago batay
sa ginagamit na operating system. Ang mga
katanungan sa pagtataya at pagyayaman ng gawain ay
puweding mabago ayon sa kagustuhan.
Kasanayan/Kaalaman
V. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1. Ipabasa sa mga bata ang mga nakasulat sa kahon. (click to add new
webpage, address bar, at Bookmark: Click to add the page to
your Bookmark)
2. Ano ang ibig sabihin ng pag-bookmark ng isang web page?
3. Talakayin ang mga kasagutan.
4. Aalamin natin kung paano ito gagawin sa iba pang web browser
B. PAGLALAHAD
Gawain 1
1. Paggawa ng Bookmark
2. Pagsave sa isang folder
3. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng internet.
4. Ipaulat sa mga bata ang kanilang mga ginawa.
VI. PAGTATAYA
I-bookmark ang mga sumusunod:
1. facebook.com
2. youtube.com
3. nytimes.com
4. twitter.com
5. msn.com
I. NILALAMAN
Sa paksang araling ito , matutuhan ng mga mag-aaral ang pag-aayos ng mga
boolmarks ayon sa alpabeto. Makakagawa rin sila ng mga folder at pagpapalit ng
pangalan ng isang folder ng bookmark.
II. LAYUNIN
3.5 Naisasaayos ang mga bookmarks
Kasanayan/Kaalaman
V. PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK
1. Gawain 1
Paggawa ng folder sa “My Documents”.
Pag-save ng documents sa folder.
Pagpalit ng pangalan sa isang folder
Pagdelete ng folder.
B. PAGLALAHAD
Gawain 2.
Punan ang sumusunod na graphic organizer.
“Pagsasaayos ng mga Bookmarks”
Pagkatapos ay ipaulat sa bawat pangkat ang mga ginawa.
Pangkat A.
Isaayos
Isaayosangang
mga
mgabookmark
bookmark
ayon
ayonsasa
alpabeto
alpabeto
Pangkat B.
Gumawa ng
Folder ng
Bookmark
Pangkat C.
Mag-delete
ng Folder ng
Bookmark
Pangkat D.
Palitan ang
Pangalan
ng Folder
ng
Bookmark
VI. PAGTATAYA:
1. cnn.com
2. 360.com
3. animals.nationalgeographic.com/animals
4. gardeners.com
5. kisscartoon.me
Tandaan na kung nais mong i-bookmark ang web browser na Google Chrome,
kailangan mong i-click ang hugis bituin na button para i-save ang address ng website.
I. NILALAMAN:
Nasubukan mo na bang gumawa ng isang diagram gamit ang word processing
tool? Ano nga ba ang diagram? Ano naman ang word processing tool?
II. LAYUNIN:
4.1 Nakagagawa ng diagram ng isang proseso gamit ang word processing tool
(EPP5IE -0f-15)
V. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
B. PAGLALAHAD
A Venn diagram (na kilala rin bilang isang set diagram o lohika
diagram) ay isang diagram na nagpapakita ng lahat ng posibleng lohikal na relasyon
sa pagitan ng isang may hangganan koleksyon ng mga iba't ibang mga hanay . Ang
mga diagram ay kumakatawan elemento bilang mga puntos sa eroplano, at mga hanay
ng mga rehiyon sa loob curves. Ang isang sangkap ay sa isang set S kung sakali ang
kaukulang punto ay sa rehiyon para sa S. Ang mga ito ay kaya ng isang espesyal na
kaso ng Euler diagram , na kung saan ay hindi palaging ipakita ang lahat ng
relasyon. Venn diagram ay conceived sa paligid 1880 sa pamamagitan ng John
Venn . Sila ay ginagamit upang magturo elementarya set theory , pati na rin ilarawan
simpleng set ng mga relasyon sa bagay na maaaring mangyari , logic , mga
istatistika , linguistics at computer science .
Paggawa ng Diagram
Narito ang mga hakbang upang gumawa ng isang diagram ng isang proseso.
Gawin nating halimbawa ang proseso ng paglalaba.
Gawain1.
Paggawa ng diagram
Pangkat 1: Mga guro sa paaralan
Pangkat 2: Proseso sa pagtatanim ng halaman
Pangkat 3: Mga kagamitan sa pagluluto
VI. PAGTATAYA:
II. LAYUNIN:
4.2 Nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic spreadsheet
upang malagon ang datos
Kasanayan/Kaalaman
V. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
Sagutin ang mga sumusunod:
1) 120+2001+3018+45349=
2) 910 – 79 – 193 =
3) 36 x 12 x 76 =
4) 129 / 24 =
Nasagot niyo ba ito ng mabilis?
Gusto niyo bang malaman kung paano ito masagot ng mabilis?
B. PAGLALAHAD
Katulad nang ipinapakita sa larawan sa itaas, makikitang may equal sign (=)
bago magsimula ang formula, pagkatapos ay sinusundan ito ng parenthesis (). Sa loob
ng parenthesis matatagpuan ang mga cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay
ang mga cell nang mano-mano o ilagay ito sa pamamagitan ng pag-click sa cell na nais
ilagay pagkatapos ay sundan ito ng plus sign +. Kung higit sa dalawa ang cells na nais
pagsamahin kailangan ilagay ang plus sign + sa pagitan ng mga cell katulad ng
ipinapakita sa larawan sa itaas. Pagkatapos ilagay ang mga cell, pindutin lamang ang
“Enter” o i-click lamang ang mouse o cursor saan man sa spreadsheet at lalabas na
ang resulta ng pinagsamang mga numero.
Ang ganitong uri ng paraan ng pagtutuos o paggamit ng function at formula ay
nag-iiba lamang sa gamit. Halimbawa, kung may nais mag-subtract, gagamit
lamang ang minus sign (-) sa pagitan ng mga cell na nais pagbawasin.
Samantala, ginagamit naman ang asterisk * kapag nais i-multiply ang dalawang
numero o higit pa.
Kapag nais namang i-divide ang dalawang numero ginagamit ang slash /.
Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga basic functions at formula na maaaring gamitin.
Ganunman, marami pang makikitang mga formula sa “Formula Tab” ng Excel .
Gawain 1.
VI. PAGTATAYA