Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
District of Aloguinsan
Aloguinsan National High School
Poblacion, Aloguinsan, Cebu
FILIPINO 9: PANITIKANG ASYANO
Q1: TIMOG-SILANGANG ASYA
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan: ______________________________ Taon at Seksyon: _______ Petsa: ________ Puntos: 40
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Piliin ang titik ng iyong napiling sagot.

1. Sumulat ng nobelang pinamagatang Timawa.


a. Dr. Aurora E. Batnag b. Ferdinand P. Jarin c. Mochtar Lubis d. Agustin C. Fabian
2. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa nangyari sa buhay ng kanyang anak.
a. Dr. Aurora E. Batnag b. Ferdinand P. Jarin c. Mochtar Lubis d. Agustin C. Fabian
3. Nagsalin sa wikang Filipino sa nobelang Senja di Jakarta.
a. Dr. Aurora E. Batnag b. Ferdinand P. Jarin c. Mochtar Lubis d. Agustin C. Fabian
4. Sino ang sumulat ng akdang pampanitikan na Anim na Sabado ng Beyblade?
a. Dr. Aurora E. Batnag b. Ferdinand P. Jarin c. Mochtar Lubis d. Agustin C. Fabian
5. Sumulat ng nobelang mula sa Indonesia na Senja di Jakarta.
a. Dr. Aurora E. Batnag b. Mauro R. Avena c. Mochtar Lubis d. Agustin C. Fabian
6. Nagsalin sa wikang Filipino sa maikling kuwentong Ang Ama na mula sa Singapore.
a. Dr. Aurora E. Batnag b. Mauro R. Avena c. Mochtar Lubis d. Agustin C. Fabian
7. Pangunahing tauhan ng maikling kuwentong Ang Ama.
a. Ama b. Ina c. Mga Kapatid d. Kapitbahay
8. Isang manunulat na naging pambansang bayani natin.
a. Dr. Jose Rizal b. Jose Marie Chan c. Josefa Rizal d. Mercado Rizal
9. Malalaman kung paano isinulat ang tula sa pamamagitan ng anong elemento?
a. Anyo b. Talinghaga c. Kariktan d. Persona
10. Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.
a. Anyo b. Talinghaga c. Kariktan d. Persona
11. Ano ang elemento ng Maikling Kuwento na naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin?
a. Tauhan b. Saglit na Kasiglahan c. Suliranin d. Wakas
12. Ano ang hindi halimbawa ng isang Nobela sa mga pagpipilian sa ibaba?
a. Isang Punongkahoy b. Timawa c. Noli Me Tangere d. El Filibusterismo

13. Ito ay mga sulatin na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao.
a. Dula b. Maikling Kuwento c. Nobela d. Panitikan
14. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?
a. Sinugbuanong Binisaya b. Ingles c. Filipino d. Tagalog
15. Saang bahagi ng Asya makikita ang bansang Singapore, Indonesia, at Pilipinas?
a. Hilagang-Kanlurang Asya b. Kanlurang Asya c. Timog-Silangang Asya d. Silangang Asya
16. Ano ang akdang panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan?
Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
a. Dula b. Maikling Kuwento c. Nobela d. Panitikan
17. Ang “Ang Ama” ay halimbawa ng anong akdang pampanitikan?
a. Dula b. Maikling Kuwento c. Nobela d. Panitikan
18. Ito ay pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.
a. Dula b. Maikling Kuwento c. Nobela d. Panitikan
19. Ang mga pagpipilian sa ibaba ay mga halimbawa ng isang panitikan maliban sa isa.
a. Nobela b. Pahayagan c. Sanaysay d. Mga Babala sa kalsada
20. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na
pagkaunawa sa paksa.
a. Sulating Sakto b. Sulating Pormahan c. Sulating Pormal d. Sulating Di-Pormal
21. Sangkap ng Dula na pagpapakilala sa problema ng kwento.
a. Sulyap sa Suliranin b. Saglit na Kasiglahan c. Tunggalian d. Kasukdulan
22. Ito ang bahagi ng dula na kung saan ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.
a. Yugto b. Tanghal-eksena c. Tagpo d. Wakas
23. Anyo ng tula na walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo.
a. Walang sukat b. Malayang taludturan c. Tradisyonal d. May sukat na walang tugma
24. Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda ng isang Maikling Kuwento.
a. Mensahe b. Tema c. Paksa d. Pamagat
25. Ito ay tumutukoy sa paraan pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.
a. Tono b. Kariktan c. Persona d. Anyo
26. Ano ang dalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal na mapag-aaralan sa Grade 9 at Grade 10?
a. Punongkahoy b. Timawa at Ang Ama c. Noli Me Tangere at El Filibusterismo d. Walang sa Nabanggit
27. Ano ang uri ng Pangatnig na ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan?
a. Paninsay b. Panapos c. Pananhi d. Pamukod
28. Uri ng pangatnig na nagbabadya ng pagwawakas.
a. Paninsay b. Panapos c. Pananhi d. Pamukod
29. Ang Florante at Laura ay halimbawa ng anong Tula?
a. Tulang Liriko b. Tulang Pandulaan c. Tulang Pasalaysay d. Tulang Patnigan
30. Uri ng tula na karaniwang itinatanghal sa mga entablado na binigikas ng mga karakter ang mga linya na patula.
a. Tulang Liriko b. Tulang Pandulaan c. Tulang Pasalaysay d. Tulang Patnigan
31. Huwarang babae kung ituring ang mga babaeng may paninindigan. Ang ng ay anong uri ng pang-ugnay?
a. Pangatnig b. Transitional Devices c. Pang-angkop d.Pang-ukol
32. Alinsunod sa kanilang tradisyon, ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang
babaeng Muslim. Ang alinsunod sa ay anong uri ng pang-ugnay?
a. Pangatnig b. Transitional Devices c. Pang-angkop d.Pang-ukol
33. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon
namin. Ang kundi ay anong uri ng pang-ugnay?
a. Pangatnig b. Transitional Devices c. Pang-angkop d.Pang-ukol
34. Paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas. Ang kung ay
anong uri ng pang-ugnay?
a. Pangatnig b. Transitional Devices c. Pang-angkop d.Pang-ukol
35. Sakaling makabili ako ng bagong laptop, ibibigay ko sa iyo ang aking cellphone. Ang sakaling ay anong uri ng
pang-ugnay?
a. Pangatnig b. Transitional Devices c. Pang-angkop d.Pang-ukol
36. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
a. Pangngalan b. Pandiwa c. Panghalip d. Pang-ugnay
37. Ito ay katangian ng pandiwa na nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o gawa.
a. Aspekto ng pandiwa b. Panghalip c. Pangatnig d. Aspekto ng pang-ugnay
38. Aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na natapos na.
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Perpektibong Katatapos
39. Nag-aaral ng mabuti ang mag-aaral ni Ginoong Bas. Nasa anong aspekto ng pandiwa ang ginamit?
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Perpektibong Katatapos
40. Mag-aaral pa ng mabuti ang mga mababait na estudyante ni Ginoong Bas. Nasa anong aspekto ng pandiwa
ang ginamit?
a. Perpektibo b. Imperpektibo c. Kontemplatibo d. Perpektibong Katatapos

“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang


mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” - LUCAS 16:1
Inihanda ni: CJB
___________________________________________________________________________
Address: Poblacion, Aloguinsan, Cebu
Telephone Nos.: (032) 469-9018, 469-9310
Email Address: 302919alognhs@gmail.com

You might also like