Professional Documents
Culture Documents
Epp Home-Economics5 Week3
Epp Home-Economics5 Week3
W3 Quarter Date
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa mga “gawaing
pantahanan” at tungkulin at pangangalaga sa sarili.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Day 1 Ang kaalaman sa pananahi ay nakatitipid sa gastusin sa pananamit.
Panimula Maaari kang makagawa ng mga kagamitang pantahanan katulad ng
kurtina, punda ng unan, apron, pot holder at pamunasan ng kamay.
Ang paggamit ng makina sa pananahi ay kapakipakinabang na
gawain. Ito ay isang kaalaman na makapagbibigay sayo ng kasiyahan at
kapakinabangan sa iyong sarili at makakatulong ka pa sa iyong pamilya.
Nararapat na matutunan ng bawat mag-aaral ang mga bahagi at gamit ng
makina maging ang maingat at wastong pangangalaga dito. Ang makina
ay kailangang pangalagaan. Mapapanatili nito ang tiyak na magandang
kondisyon kapag ginagamit. Sa pamamagitan din nito maaring magamit
ang makinang panahian sa matagal na panahon.
Ang makinang panahian ay naimbento noong 1846 ni Elias Howe at lalo itong
pinagbuti ni Isaac Merrit Singer noong 1851. Ang pagkakaimbento ng makina
ay isang malaking hakbang
Upang mapabuti at mapabilis ang gawaing pananahi. Kumpara sa
pananahi gamit ang kamay, mas makatitipid ng oras, pagod, at salapi kung
mananahi sa makina. Makatitiyak pa na matibay at maayos ang
pagkakatahi ng kasuotan o kagamitan. Ang kaalaman sa pananahi ay hindi
madali sa umpisa sapagkat ito ay nangangailangan ng ibayong
pagsasanay, sipag, tiyaga upang makabuo ka ng isang kasuotan o
kagamitang pambahay, subalit kapag nakita mo na ang iyong nabuong
kagamitan o kasuotan ay kakaibang kasiyahan ang iyong mararamdaman
May iba’t ibang pamamaraan sa paggamit ng makina. Maaari itong
panahian gamit ang kamay o kuryente. Anuman ang uri ng makinang
gagamitin, ang mahalaga ay maayos at masinop ang mabibigay nitong
serbisyo sa pananahi.
Ang kaalaman sa bahagi ng makina at ang wastong gamit ng mga ito
ay makatutulong sa iyo upang magamit ng maayos ang makina sa
pananahi ng iba’t-ibang kasuotan. Mapapakinabangan ng matagal ang
makinang panahian kung alam mo ang wastong pangangalaga dito.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Link: https://images.app.goo.gl/upjjYNQq7rHRFgKC7
https://www.youtube.com/watch?v=ToQ-jtf67-c
Kung wala namang makinang de padyak, iguhit sa isang buong papel ang
larawan ng makinang de padyak at ilagay ang bawat bahagi nito.
Nauunawaan ko na ___________________.
Nabatid ko na ________________________.
Kailangan ko pang matuto nang higit pa tungkol sa
__________________________.
Prepared by: MELISA O. SILLOS – Jose Rizal Memorial School Checked by: ERLITO B. ORLINGA
EPP-HE-G5-W3
Susi sa Pagwawasto
1. Bobina
2. Treadle
3. Koreya
4. Spool pin
5. Shuttle
1. Needle clamp
2. Ulo
3. Balance wheel
4. Bobina
5. Throat plate
6. Belt o koreya/kulindang
7. Shuttle
8. Needle bar
9. Bed o kama
10. Treadle/taapakan o pidal
REFERENCES
Link: https://images.app.goo.gl/upjjYNQq7rHRFgKC7
https://www.youtube.com/watch?v=ToQ-jtf67-c
https://images.app.goo.gl/2WXvKiWmr9XrTW6A8